webnovel

Chapter 4

Tiningnan ni BJ ang mga kwarto sa ikalawang palapag ng bahay. Isang guest room, master's bedroom, study room at may dalawang kwarto pa. Lahat yun ay may kanya -kanyang toilet. Medyo maliit nga lang yung study room pero puno ng libro. Bumalik siya at mas pinili niyang pumasok sa guest room. Kung tutuusin bisita naman talaga siya.

Maayos ang mga gamit sa loob. Mukhang bagong palit ang bedsheet at mga kurtina na naka terno sa pintura ng bahay. Hindi masyadong masakit sa mata. Mukhang cool lang. Tiningnan nya ang restroom. May mga nakaayos na ring gamit doon. "Siguro yung katiwala yung naghanda nito." Saloob-loob niya. Siya na ang nagpasok ng bag niya sa loob ng guest room at nag-unpack ng ilang gamit upang makapagpahinga na. Nakapagpalit na siya ng pambahay at humiga ngunit naalala niya ang sinabi ni Ruby. Ano kaya ang ipinadala ng kanyang ama? At bakit hindi na lang ito ibinigay sa kanya? Na curious tuloy siya. Paano siya magpapahinga kung manghuhula siya? Kaya agad siyang bumangon at bumaba.

Habang pababa ng hagdan ay nakita niya si Ruby sa sala na may tinatawagan. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at tila hindi yata ma contact ang taong gustong makausap. Palakad lakad ito sa sala at hawak hawak ng mahigpit ang cellphone. At nang minsan ay itinapat pa ito sa bibig at parang may binubulong. Nakapagtanggal na rin ito ng makapal niyang make up.

"Ruby!"

"Ayy kabayo!" Sigaw nito at naitapon ang cellphone sa sahig.

"Ha!? Anong kabayo?"

"Ay sorry po. Sorry talaga sir. Expression lang po yun. You know...ex-press-ion. Ginulat nyo po kasi ako. Akala ko humihilik na kayo sa taas eh." Paliwanag ni Ruby.

"Ah...hindi kasi ako makatulog. Iniisip ko yung sinabi mo." Pormal na sabi niyang umupo sa sofa na nandun.

"Alin po dun sir?"

Kunot-noo siyang tiningnan ni BJ. "Are you serious? Isa lang naman ang sinabi mo sa akin kanina kung bakit ka nandito." Iritadong sabi niya.

Tila nag-iisip naman si Ruby. Tiningnan nya ang amo at biglang lumiwanag ang mukha.

"Ay oo nga pala!" Bigla niyang sigaw. Tiningnan siya ng masama nito. Siguro iniisip ng amo nya nababaliw na siya. Eh sa nawala talaga sa isip niya. "Sir yung ipinadala nga pala ni daddy nyo." Nakangiti niyang sabi. "Pasensiya na po sir, ginulat nyo kasi ako kaya biglang nawala sa isip ko."

"So kasalanan ko." Sarkastikong sagot ni BJ.

"Ay hindi po. Hindi po talaga sir. Kasalanan ko po"

"So anong ipinadala ng daddy ko? Wala ka namang bitbit. Sulat ba yan?" Naiiritang tanong niya.

"Sir, sino hindi po ano" pagtutuwid ni Ruby dito. Nagpang-abot naman ang kilay ni BJ. Nagtataka.

"Teka lang po at tatawagan ko. Kanina ko pa nga 'to tinatawagan kaya lang ayaw sumagot eh."

"So ito pala ang tinatawagan niya kanina at balisang balisa siya." Bulong niya sa sarili.

Tumunog ang doorbell. Pareho silang nagulat. Nagtatanong ang mga mata ni BJ nang tingnan si

Ruby. Nakabawi naman agad ang katulong at tumakbo palabas.

"Sir saglit lang po". Paalam niya dito na nakatalikod na sa amo.

Nagmamadaling binuksan ni Ruby ang gate at bumalik na sa loob ng bahay na may kasama. " Ang Ganda naman ng bahay. "Aniyang kasama ni Ruby. Tuwang-tuwa ito sa nakita lalo na sa hardin. Ngiting-ngiti ito hanggang sa makapasok sila.

Nagulat si BJ nang makita ang kasama ni Ruby. Hindi niya ito kilala pero siya ba ang makakasama niya sa bahay?

Bigla namang namutla si Charisse nang nakita ang lalaking nakaupo sa sofa. Kinabahan siya. Nawala ang kanina ay matatamis na ngiti at ang kasiyahang kanyang naramdaman.