Mela's POV
"Oh my ghad nandyan na si Axle Abellar"
Eto na naman sila. Mga babaeng mukang tanga na laging inaabang si Axle na dumating. Baliw na baliw sila masyado sa kanya.
Simula ng naging kaklase ko siya wala pang nakakatalo sa kanya pagdating sa patalinuhan. Matalino, mayaman, pogi at lahat ng gusto ng babae nasa kanya na. Maliban nga lang talaga sa isa at ako lang ang nakakapansin nun. Napakayabang niya!
Tinignan ako ni Axle at nagsalita."Ohh Carmela... Carmela... Carmela Martinez..."
"Ano Axle? Ano na naman problema mo?" at saka ko siya inirapan.
"Ganyan ka nalang palagi sa akin Mela... simula noong nasa elementary tayo palagi ka nalang galit sa akin pati ba naman hanggang ngayon? Grade 12 na tayo oh. Be matured enough." paasar niyang sinabe.
Tinawanan pa niya ako at inasar pa lalo. "Ooopss... bakit mo ako susuntukin Mela? Alam kong hindi mo gugustuhing saktan ang mahal mo."
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Axle... matalino ka naman ehh... sadyang" kinagat ko ang labi ko. "Sadyang... assumero ka lang talaga. Ooopss... bakit ka natutulala? Ano ba naman yan."
Nilapit din niya ang mukha niya sa akin. "Oww... hindi ka talaga nagpapatalo sa akin noh? I like it. I like you."
Mas nilapit ko pa ang mukha ko. "Ano ka? Si Flash? Speed lang? Well... with this face... no doubt..."
Tumawa siya ng malakas at inilayo ang mukha niya. "Yeah... no doubt... no doubt na walang nagkakagusto sayo..."
"Whatever Axle... madami nga nagkakagusto sayo bakla ka naman..." paasar kong sinabe.
"WHOOOOOOOOOOOOOOOW. BAKLA KA DAW OHH" sigaw ng mga kaibigan niya at tumatawa ng malakas.
"Aww bakla... oo nga noh? BAKlA nahulog na nga talaga ako sayo." ngumiti pa siya.
"SmoooOOoooth...." sabay sabay na sinabe ng mga kaibigan ni Axle.
"Baka nahulog kana sa akin? Ahh... w-wait here... have it... tubig yan hah... ipanghilamos mo na... alam naman nating dalawa na hindi ka naliligo eh." paasar kong sinabe.
Nagtawanan ang lahat.
"Totoo ba yun?" tanong ni Mario Lavender. Kaibigan ni Axle.
"Tumigil ka nga!" sinigaw ni Axle sa kanya.
"Ahhhh... pikon ka na ata Axle..." nakangiti kong sinabe.
"Talo naman ako lagi sayo eh... kaya nga pati puso ko isinuko ko na sayo..."
"Where? Sayang naman kung totoo yun. Patay ka na sana..." lalo ko pa siyang pinipikon.
"Bakit hindi ba? Patay na patay naman ako sayo ah... at saka ikaw kaya mukhang patay..." paasar na sinabe ni Axle.
Nagsitawanan ang lahat dahil sa sinabe niya. Makaalis na nga dito baka masuntok ko pa ng tuluyan yang lalakeng yan.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin sinigawan ako ni Katherine Salamore. Ang bestfriend ko.
Hinihingal niyang sinabe. "Bes! Hintayin mo ako."
Nagsabay na kaming pumunta sa classroom namin. Nakasalubong namin si Alphabet Pascua mas kilala sa tawag na "Alpha". From STEM-A. Crush na crush ko siya at alam iyon ni Katherine.
"Bes... Si Alpha oh..." mahinang sinabe ni Katherine.
"Bes... ang pogi talaga niya..." kinikilig ko pang sinabe.
Buo na araw ko na nakita ko si Alpha. Napakapogi talaga niya at ang maganda pa dito wala pa siyang girlfriend! May pagasa pa ako!
Nagpatuloy na kami ni Katherine sa paglalakad hanggang makarating na. Ano ba yan. Nauna pa dito sila Axle at inupuan na naman talaga niya ang upuan ko. Bwisit wala talagang ambag tong lalakeng toh sa ekonomiya ng bansa!
Nagpapacute pa tong salot na toh. "Sorry Mela... akala ko kasi absent ka ehh... kaya umupo nalang ako sa upuan mo kasi present ka naman sa puso..."
"Umalis ka na nga diyan Axle... bwisit ka talaga eh..."
"Ok po sorry my loves..." paasar niyang sinabe.
Gustong gusto talaga niya na sirain ang araw ko. Nakakainis talaga tong lalakeng toh! Jusko naman! Bat ba kasi kaklase ko pa rin siya. Nagsasawa na ako sa mukha niya. Biruin mo halos 11 taon ko na siyang kaklase at sa araw araw palagi niya pa akong iniinis. Paano ako hindi magbibwisit sa kanya?
"Class listen to me... this week you should all choose two clubs and join as a member of it." sinabe ni Mr. Talintaka ang adviser namin.
Tinanong ako ni Katherine. "Anong sasalihan mong club?"
Sumagot ako. "Hindi ko pa alam"
Tinanong ko rin siya. "Eh ikaw?"
"Kung saan sasali si Axle... gusto ko kasi siyang makasama eh." kinikilig pa niyang sagot.
"Yak... Axle talaga?!" napalakas ata ang pagsabe ko.
"Hey you there Mela... namimiss mo naman ako kaagad. Nandito lang ako sa likod mo eh pwede ka naman lumingon." paasar na sinabe ni Axle.
Tumayo ako at sinabe. "Alam mo kahit kailan papansin ka talaga eh. Tumigil ka na lang... bakla!"
Nagtawanan ang lahat sa sinabe ko.
"Mr. Talintaka... look at Carmela. Verbal bullying..."
Kainis talaga tong lalakeng toh hindi lang siya papansin at mayabang sumbungero rin siya!
"Please stop... Ms. Martinez say sorry..."
- Mr. Talintaka
"And why?"
"Just say sorry."
- Mr. Talintaka
Pumikit ako at saka huminga ng malalim. "Sorry Axle."
"Mr. Talintaka I can't hear it..." reklamo pa ni Axle.
"Ms. Martinez say it clearly!"
- Mr. Talintaka
"Sorry!" malakas kong sinabe.
"She's not actually apologizing... She's yelling..." reklamo pa ulit ni Axle.
Hinayupak na lalake toh napakadaming alam sa buhay mamamatay din naman!
"Mr. Abellar... just sit there and now keep quite." mahinahon na sinabe ni Mr. Talintaka.
Mabuti nga sayo bida bida ka din eh.
"Goodbye class..." at umalis na si Mr. Talintaka.
Nagkwekwentuhan kami ni Katherine ng biglang sumingit si Axle at kinuha ang panyo ko saka ipinasa sa mga kaibigan niya.
"Kunin mo..." paasar pa niyang sinabe.
Kainis hindi ko makuha muka akong tanga dito sa gitna at nakikipagagawa sa kanila para sa panyo ko.
(Knock knock)
Deep voice. "Can you all stop that... She's actually a girl." at biglang umalis.
"Ohh my ghad Mela... its Alpha..." sinabe ni Katherine.
"Hah?" nagulat kong sinabe.
Tumakbo ako at hinabol siya.
Sinisigaw ko habang tumatakbo "Alpha.... Alpha... Alpha!"
Masyadong madulas ang tiles dito at nagdirediretso ako kaya nabangga ako sa dibdib ni Alpha.
"U-uhmmmm... s-sorry... a-nd... t-hank you..." kinakabahan kong sinabe.
"No worries... Its just I dont want to see any girl treated like that..." at saka siya naghalf smile.
Shet... nakakamatay yung ngiti niya.
"Bes... umalis na siya... ung panga mo bes... itaas mo yan baka pasukan ng langaw." sinabe ni Katherine.
Niyakap ko si Katherine at kinikilig na sinabe. "Bes... kinausap niya ako!"
Bumalik na kami sa classroom ng nakangiti ako na abot hanggang langit.
Sinigaw ko kaagad. "Ikaw Axle! Kayong magkakaibigan! Hindi niyo ba kayang magpakalalake katulad ni Alpha? Palibhasa grupo kayo ng mga bakla!"
Nagtawanan ang mga babae.
Paasar na sinabe ni Candid Mocker kasama sa grupo ni Axle. "Hay nako Carmela... aminin mo nalang kasi na crush mo si Alpha."
Biglang nagsalita si Mario. "Si Axle nga crush niyan. Halata naman eh."
"Tumigil na nga kayo!" sigaw ni Katherine.
Itinuro ko si Axle. "Yang baklang yan? Magugustuhan ko? I'd rather die... Give him some sense of humor... baka magustuhan ko pa siya... baka lang..."
"Ohh my beloved Mela... hindi ka talaga titigil na tawagin akong bakla noh?" Nilapitan niya ako at tinignan ang dibdib. "Hmmm..."
Sinampal ko siya pero hindi malakas. "Pervert!"
Tumawa siya at sinabe. "That hurts... pervert? Uhmmm... pagkatapos ng bakla? Ngayon pervert naman? Ano pa susunod? Ayaw mo ba ng asawa ko?" nakakairita niyang tanong.
"Ohh... asawa ko? Ewww." at saka ko siya tinulak. "Go back to your seat gay pervert."
GenMath na namin. Here we go again. Palaging may recitation and the more you answer the question correctly the more additional grades.
Si Axle... siya ang pinakamagaling sa amin pagdating sa subject na ito. Siya palagi ang napupuri at napapansin ng mga teachers namin. Good looking man with brain is perfect but his attitude is insane. Sayang matagal na sana kitang nagustuhan.
Tinawag ako para magsagot sa harap mabuti nalang at nasolve ko naman ng tama.
Pumalakpak si Axle. "Oh very good my loves."
Tinignan ko siya ng masama. Kainis tong lalake na toh walang pinipiling oras sa kalokohan palibhasa matalino kaya walang pakialam.
This day not the same as usual. Nakita ko si Alpha at pinagtanggol pa niya ako sa bwisit na Axle na yun. Argh nakakakilig.
Here we go again. Nandito na naman yung mga baliw na baliw kay Axle may dala dala pang mga pagkain at inumin para ibigay sa kanya. They are just wasting some money for that pervert gay. Tch...
"Thank you for this." nakangiti pa niyang sinabe na mga fans niya. Kinilig pa sila.
Napansin na naman ako ni Axle. "Hello there Mela... goodmorning..."
Hindi ko nalang siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.
"Hey Mela... pansinin mo naman ako... you want something? Madami silang binigay na pagkain sakin..."
Tinignan ko siya at sinabe. "Thank you but I don't want to accept anything from you."
"As I was saying... binigay nila sa akin ito. So probably its not from me... nahihiya ka pa ehh..." nginitian pa niya ako kasabay sa pagtaas ng kilay niya.
"Binigay nila sayo. It means sayo na yan. Please think..." at saka ako patuloy na naglakad.
Ano ba dapat kong gawin sa lalakeng toh para layuan na niya ako? Kainis eh palagi niya nalang sinisira araw ko. Argh... kung pwede lang talaga manuntok eh matagal ko ng nagawa.