She loved him too early. He loved her too, but it was too late. She fell first and he fell the hardest. Fate took its toll and he wasn't there for her. Still, she waited. He played it safe until she cannot take it no more. A not-so-lovestory.
"Sweet days of summer, the jasmine's in bloom
July is dressed up and playing her tune
And I come home from a hard day's work
And you're waiting there, not a care in the world—-"
Itinigil ko ang pagkaskas sa aking gitara nang pabagsak na naupo sa sofa ang kaibigan kong si Angel.
"Ay naku, Liza! Summer na summer 'yang kanta mo, eh ang lakas-lakas ng ulan sa labas. Buti sana kung sa pagkanta mo nyan, sisilip si Haring Araw diba?" nakangiwing komento nya.
"Ikaw yata nagpapa ulan eh."
"Ikaw naman, Gel oh! Walang pakialamanan ng trip. Alam mo namang ganyan yan kada July eh" ani naman ni Jillian, ang pinsan ko.
"Pati ang lamig naman ng boses ni Liz, e. Damang dama kaya bagay na rin sa panahon" kumindat siya sa akin na para bang sinasabi na siya ang bahala sa pag-aalburuto ng babae'ng nakasalampak sa harapan ko.
"I never really liked the rain. Hassle e. Di makagala ng maayos. Lakas maka dumi ng sapatos"
himutok ni Angel.
"Usod ka doon, Jill. Nababasa ako ng shorts mo" bahagya niyang itinulak palayo sa kanya si Jillian na agad bumusangot sa ginawa niya.
"Arte naman po!" irap naman ng pinsan ko.
"Ako, gustong-gusto ko ang ulan!"
"Oo, kasi kapag tag-ulan na, tyaka lang dumadating 'yon!" nakabusangot pa ring sabi ni Angel.
"Hindi ka ba nagsasawa, Liz?" tanong naman ngayon ni Jillian.
"Diba ilang taon na kayong ganyan? 4?5? Ilan nga?"
"Mga inday nandito na pala kayo" sabay-sabay kaming napalingon kay Mama.
"May cookies akong ginawa kanina. Nasa kusina. Kuha nalang kayo ah. Nandoon lang sa malaking jar" bilin ni Mama na paakyat nang hagdan. Bitbit ang isang basket na may lamang mga nilabhan.
Kinuha na ni Mama sa sampayan. Malakas na naman kasi ang ulan.
"Opo tita! Salamat po!"
"Alam mo ba...si Tita pinapunta kami dito kasi inaatake ka na naman daw ng sakit mo! Mukhang totoo nga"
Bulong-bulong ni Angel nang tuluyan nang nakapasok si Mama sa kanyang kwarto.
"Anong sakit? Grabe to ah!" natatawang tanong ko.
"Mama mo na nga nagsabi noon eh. Sa kanya na nanggaling" tumawa din siya.
"Sabi ko nga kay Tita, July na kasi kaya nagkaka ganyan ka na naman."
"Babalik nga ba ngayong taon, Liz? ha? Akala ko ba hindi na naman nagpaparamdam sayo. Nagchat na ba uli?"
Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Jillian. Hindi ko rin alam kung babalik ba sya ngayong taon.
Taon-taon naman silang umuuwi dito sa Pilipinas eh at sinabi niya rin naman sa akin last year na babalik silang mag anak noong June.
July na ngayon pero wala pa akong balita sa kanya. Sana talagang umuwi sila. Gusto ko na kasi siyang makita ulit.
Tumayo ako para kumuha ng cookies sa kusina nang may maihain naman sa dalawa. Nakakahiya naman kasi na inabala sila ni Mama kahit weekend para puntahan lang ako. Umuulan pa naman.
"Nag aalala sayo si Tita, Liz. Ikaw naman kasi bat nagkakaganyan ka kapag tag-ulan na e. Nawiwirduhan talaga siya sayo" ani Jillian. Kinuha niya ang gitara ko at sinubukang i-strum.
Mula sa kusina ay kitang-kita ang pinsan ko na kalong-kalong ang gitara ko at si Angel naman na tamad pa ring naka salamapak sa sofa.
Hindi gaanong maluwag ang bahay namin ni Mama na dalawang palapag pero dahil kami lang naman dalawa ang nakatira dito ay nagmumukha pa ring malawak itong tingnan.
Ang sala at ang kusina namin ay magkatapat lang. Nahaharangan lang ng malaking kahoy na devider na siyang nagsisilbing harang. Doon nakalagay ang tv namin at ilang mga gamit. Hindi kalakihan ang bahay kaya naman kitang-kita ko ang dalawa kahit nandito ako sa kusina.
"Kami, buti nalang sanay na sayo!"
Bumalik ako sa sala bitbit ang isang malapad na pinggan kung saan ko inilagay ang mga cookies at isang baso ng gatas. Tumayo naman si Angel upang kunin ang naiwan kong dalawa pang baso sa kusina.
"Oa naman nito! Bakit pano ba ako kapag tag-ulan na ha?" natatawang tanong ko bago dumampot ng cookie para isawsaw sa gatas.
"Oa ka jan! Nakakatakot ka kaya. Lalo na noong una. Kada June-July ata napapraning ka eh. Tas 'yong kinakanta mo kanina, 'yan lang talaga halos ang kinakanta mo pag mga ganitong buwan na. Pati nga ako, nagkaka Lss na sa kantang iyan dahil sayo eh!"
"Madalas ka ring natutulala. Para kang biglang nahahampas ng hangin. Tahimik tas maya-maya ngingiti. Kaya gets ko si tita kung matakot sya sayo eh" Humalakhak pa ang bruhang si Angel.
"Kayo lang ba naman dalawa dito sa bahay tapos ang kasama nya parang naaaning bigla" dagdag naman ng pinsan ko.
"Talagang matatakot si tita"
Nag apir pa ang dalawa. Pinagtutulungan na akong asarin.
"Tibay mo lang rin talaga, Liza no? Nagpapaka loyal ka jan sa lalaking 'yan eh parang wala namang plano sayo"
Tiningnan ko siya ng masama pero binalewala lang niya ang matalim kong titig. Naapektohan ako sa sinabi niya ah!
"No offense, Liz ah. Kung ako kasi siguro yun... malamang hindi ako tatagal. Kaya idol kita eh!"
"Ah so kaya pala kahit sabi ka nang sabi na gusto mo si Lucas, eh ang dami-dami mong reserbang lalaki?"
Tinutukoy ang pinsan ni Jk na naging happy crush lang 'daw' niya.
"Duh! 'te ano ba? Collect and collect then select"malakas na tumawa pa siya.
"Para more chances of winning"
"Baliw!" Hinampas ni Jillian si Angel na muntik pang mabitawan ang baso na hawak. Siniringan naman niya ng tingin ang pinsan ko.
"Oh! Dito pa kayo magra-rumble ah! Doon kayo sa labas" natatawang saway ko.
"No, but kidding aside, Liz. Alam mo ba 'yong pinsan ni Doms-?"
"Iyong sundalo?""singit ni Angel. Tumango naman ang pinsan ko.
"Tinatanong ka daw palagi kay Doms eh."
"Wala akong panahon doon. Tama na iyong nangyari noong Birthday ko!" pag-alala ko.
"Kesa naman jan sa hybrid na iyan. Magulo, Liza. Sinasabi ko sayo!"
"Sanayan lang kasi 'yan, Jill. Ikaw ba naman magka boyfriend—ay hindi ko nga pala boyfriend"
Natawa silang dalawa sa sinabi ko.
"Sanayan nga lang kasi yan" pagpapatuloy ko nalang.
"Gusto ko na ngang matigil kaso kasi ang hirap eh. Hindi pa ako tapos sa pagkakagusto sa kanya kaya ganito pa ako. Gusto ko pa kasi talaga iyong tao" Nahihiyang amin ko.
"Pag napagod ako, siguro naman kusa din akong titigil sa pagkaka gusto ko sa kanya diba?"
"Gusto daw? Ilang taon na, gusto lang? Lokohan na yan! Lagi nalang ganyan" ani Angel.
"Bakit ba? Ayaw ko na ngang i-acknowledge na di ko lang basta gusto 'yong tao eh. Hindi ko nga matanggap. Luging-lugi ako!" natatawang sabi ko.
"Sus! Ayaw tanggapin eh ang tagal-tagal na nyan, Liz. Hanap ka nalang kasi ng iba jan. Dali, may bago akong nalaman na app. Mas masaya! Doon tayo mag hanap. Baka nandoon makakapag pa move on sayo" nakatawang sabi niya pa.
"Angelika ah!" Saway ni Jillian.
"Alam mo, ikaw mabuti pang kumain ka na nga lang ng marami!" Inabot ko sa kanya ang mga cookies.
"Dami mong nalalaman. Nagtatalsikan yung kinakain mo oh!"
And so, nanahimik na nga si Angel. Nang ilang sandali lang. Meron kasi talaga tayong kaibigan na hindi talaga mapigilang buksan ang bibig eh.
Sa aming tatlo, siya talaga ang pinaka madaldal.
Kaya naman ako nalang ang nag adjust. Lumipat ako ng upuan.
Matagal na kaming magkakaibigan. Since Elementary days pa. Ang dami ngang nagsasabi magkaka palitan na daw kami ng mukha dahil sa palagi kaming magkakasama.
Kapag may gagawin ako at kailangan kong magpaalam kay mama, mabanggit ko lang maalin man sa pangalan nilang dalawa ay agad na akong pinapayagan.
Umuwi rin naman sila pagkatapos magpakabusog. Tumigil na rin kasi ang ulan. Anila'y baka umulan na naman daw ng malakas kaya mas mabuting umuwi na sila.
Ako naman, niligpit ang pinagkainan namin at nang matapos, umakyat na din ako sa kwarto ko bitbit ang gitara ko na binili ko dahil sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone ko at ni-on ang data. Agad-agad nagdatingan ang mga notiffications ko. Pero ni isa man sa mga iyon ay walang nanggaling sa kanya.
Months have passed mula nung huling usap namin. Magse- second week na ng July, wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. Change of plans?
Hindi na ba sila uuwi ng Pilipinas?
Pero taon taon naman nilang ginagawa 'yon ah. Kahit noong nawala ang Lolo niya, umuwi pa rin naman sila dito.
Kaya lang kung sakali mang umuwi nga sila, dapat nagparamdam na 'yon. O baka naman nakalimutan lang?
Binuksan ko ang instagram ko at tiningnan ang huling palitan namin ng mensahe.
"Sa gabi, ok lang? Can I call ?" and I replied "ok, mamaya nalang" Tanda kong nasa convenience store ako noong nagreply sa kanya. Excited pa ako nang araw na iyon!
Pagkapasok ko nga ng kwarto, agad kong isinaksak sa charger ang cellphone ko dahil inisip kong magtetelebabad na naman kaming dalawa gaya nang dati kaso hindi iyon nangyari. Napuyat ako kakahintay ng tawag nya na hindi naman dumating.
Ni ha, ni ho wala!
Walang kahit anong pasabi.
That was March 21. July 10 na ngayon. Hanggang ngayon, wala pa rin syang paramdam. Sa messenger naman ganoon din.
Nag tanong lang siya noon kung kumusta ang naging araw ko at naiwan ring nababahaw ang reply kong "Ok naman. Medyo mapagod"
Nag-alala nga ako noong una.
Akala ko kung napano na siya kaya lang ay may post naman ang Tita nya kasama siya. Dinner ata with the whole family. And he seems enjoying. He looks so happy. So I did not bother asking him kung bat di na sya nagpaparamdam. Dapat nasanay na ako sa ilang taon niyang pagiging ganito.
Kaso hindi ganoon.
Sa kaloob looban ko, umaasa pa rin akong laging mananatiling buhay ang usapan namin.
Kaya lang para kasi siyang multo.
Sumusulpot-sulpot nalang at nawawala kung kailan niya magustuhan. Gusto ko na ngang palitan ang nickname nya sa messenger ng Mr.Ghost eh. Isang napaka gwapong ghost!
Pawala-wala kasi tas ako naman ang Ghost fighter dahil gusto ko na siyang tirahin ng Ray gun ni Eugene.
Pwede rin na Mushroom total naman nagpaparamdam lang sya tuwing ganitong panahon na. Kapag tag-ulan.
Nagpasya akong i-uninstall nalang muna ang Ig, Facebook at Messenger ko. Total naman, nakakawalang gana na. Wala rin namang ibang importanteng messages doon. Ang tanging hindi ko maalis alis ay ang whatsapp ko dahil ayokong mawala ang mga nagdaang conversation namin doon. Nadala na ako noong una na pati iyon ay tinanggal ko dahil sa sobrang inis.
Nang mahimasmasan, nagulat ako nawala na iyong mga nagdaang usapan namin. Wala na tuloy akong mabalik balikan basahin sa whatsapp kapag namimiss ko siya. Ang dami pa naman naming masayang usapan doon. Palipat lipat naman kasi ng ginagamit eh.
Noon kasi, hindi ko alam na nawawala pala ang history ng mga usapan doon sa oras na alisin ang application na iyon. Kaya ayon, nang maisipan kong ibalik ang app ay wala nang natira kahit isa.
Sina mama at mga kaibigan ko naman, pwede namang sa regular na text nalang kami mag usap-usap kung kailangan at hindi na rin naman nagtataka ang mga iyon kapag ganoon ang ginagawa ko.
Nagpasya nalang akong matulog ng maaga dahil wala na rin naman akong gagawin. Maaga pa ako bukas sa trabaho.
***
July 15, 4:59 pm Market Market, Taguig.
Nasa bench ako sa labas ng isang restaurant dito sa labas ng mall. Magkasama kami ni Angel.
Dito kami madalas tumambay kapag maaga kaming nakakapag-out sa trabaho.
Si Jillian naman ay naiwan pa sa opisina. Marami pa kasi siyang kailangan tapusin at bumabawi rin siya. Kagagaling niya lang kasi ng leave.
Hindi na talaga kaming tatlo nag hiwalay pa. Mula elementary hanggang sa magka trabaho ay magkakasama pa rin kami. Hindi na kami nagka sawaan ng pagmumukha.
Sabi nga ng ibang schoolmates namin, goals daw kaming tatlo.
Tiningnan ko si Angel. Dinamay pa talaga ako sa paghihintay niya sa lalaking kinahuhumalingan niya ngayon.
"Magkano ba 'yan?" itinuro ko gamit ang labi ang katabi niyang dilaw na paper bag.
Sweater daw ang laman niyon.
Ibibigay daw niya sa lalaki. Pinabili nya pa daw ito sa Parents nya na galing sa Baguio.
"Sekretong malupit kaya h'wag mo nalang alamin, Liz."
"Tsk! Panigurado mahal 'yan no?" Hindi niya ako pinansin dahil busy sya sa pagpipindot sa kanyang cellphone.
Napapailing na lamang ako. Grabeng babae talaga 'to. Ang gastos pagdating sa lalaki.
Well, hindi di ko din naman sya masisisi. Ganoon din naman ako pagdating kay Jk.
Di man ako kagaya ni Angel na kung anu-anong binibigay sa lalaki...naglalaan naman ako ng budget para sa sarili ko kapag magkikita kami.
I always make sure na maayos ang suot ko. Bumibili talaga ako ng bagong damit, sapatos at minsan pati bag para lang masiguro na presentable ako. Gusto ko palaging mag-iwan ng kaaya-ayang impression sa kanya. Gaya nalang ng hindi ako madalas maghikaw pero tuwing magkikita kami, gumagamit ako. Nakakatawa minsan.
Iba talaga pag kumekering-king na.
Kahit noong estudyante pa ako na limitado ang budget, gumagastos pa rin ako ng wala sa plano para lang mag mukhang kaaya-aya. Hindi na baleng kapusin sa budget para sa susunod na linggo basta lang makapag pakitang gilas sa nagugustuhang lalaki.
Sabagay, once a year ko lang naman din kasi nakakasama si Jk. Kaya talagang sinusulit ko.
Napahigop ako sa smoothie ko nang makita ko si Angel na sinalubong ang kadadating lang na lalaki. Nakasuot siya ng white na longsleeve polo.
Hindi ako maalam pagdating sa mga hairstyle pero tuwid naman ang buhok ng lalaki na may kulot sa dulo. Basta kapag nakikita ko siya, hindi ko maiwasang maihambing siya sa paboritong stuff toy ng anak ng kapit bahay namin.
Isa iyong cute na baby monster mula sa isang Chinese movie. Mukha syang si Radish o Wuba sa movie na iyon dahil sa kanyang buhok. Mayroon din siyang suot na salamin kagaya ng kay Harry Potter.
Sobrang halata kay Angel ang excitement na di nya na nahintay pa na makalapit muna si Aivan sa amin. Talagang sinalubong niya na ito.
"H-Hi!" hinihingal na bati ni Aivan nang maka lapit siya ng tuluyan sa pwesto namin.
"Hingal na hingal ah!" biro ko.
"Oo e. Tumakbo ako baka kasi naiinip na kayo"
Tumawa ng mahinhin ang kaibigan ko.
"Hindi naman. Kadadating-dating lang din namin."
Tumingin sa akin si Angel nang makahulugan.
Tsk! Oo na, babae. Alam ko na po ang dapat kong gawin.
Girls, sometimes, lie para sa mga lalaking nagugustuhan. Sinabi niyang kadarating lang namin kahit na ang totoo, isang oras na siguro kaming nakatambay dito.
"Gel, doon muna ako sa NBS. May titingnan lang. 'Van..." paalam ko sa dalawa.
Umalis ako para naman makapag-usap ang dalawa ng walang ilangan.
Pumasok ako sa NBS at tumambay na muna sa section kung nasaan ang mga wattpad books. Titingnan ko kung mayroon na bang Heartless book mula sa paborito kong wattpad author.
Excited ako noong una kaya lang nang nakailang hanap na at wala pa rin ay sumuko na ako.
Bigo na naman akong makabili ng libro na iyon. Ang hirap talaga maka tiyempo!
Kailan kaya ako magkakaroon noon para makompleto ko na ang collection ko.
Mahigit 20 minutes pa lang yata akong tumingin-tingin doon nang magtext na sa akin si Angel. Uuwi na daw kami.
Napakunot ang noo ko. Ang bilis naman nilang mag-usap.
Palabas na ako ng bookstore nang mapatingin ako sa grupo ng mga lalaki na nakapila sa counter. Masyado silang magulo at maingay kaya naman nakakatawag talaga sila ng pansin ng iba pang customer.
Sa grupong iyon, isang tao ang nakakuha talaga ng atensyon ko. Ang lalaking may suot na blue cap. Abala siya sa kanyang cellphone.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya.
Jk? O baka kamukha lang?
Hindi ko gaanong mamukhaan dahil may kalabuan ang mga mata ko at naka tagilid pa sya.
Gusto ko sanang lumapit ng kaonti para makasigurado kaya lang ay pinangungunahan naman ako ng hiya. At takot na rin.
Pano kung hindi sya 'yon? Napahiya pa tuloy ako sa tao.
Pero paano naman din kung si Jk pala talaga 'yon? Nandito na pala sa Pilipinas pero di man lang nagpaparamdam. Hintay ako ng hintay tapos...
Disappointment ang naramdaman ko. Para na akong maiiyak bigla. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi pa nga ako sigurado kung siya nga talaga iyon tapos ganito na ang reaksyon ko.
Kung nakabalik na nga siya at gusto niyang magpakita pa sa akin alam naman niya kung paano ako makakausap. Para naman kami palaging bago ng bago.
Sa huli nagpasya akong lumabas nalang nang napansin kong naglalakad na 'yong mga lalaki sa may counter paalis. Mukhang mga kasama nya ata. Ang tatangkad nilang lahat.
Tuluyan nang tumalikod ang lalaking may kulay blue na cap at inakbayan sya ng isa pang lalaki.
Pamilyar din sa akin ang lalaking iyon. Kaya mas lalo ko lang naiisip na maaaring si Jk nga ang lalaking may suot na sumbrero.
Tuluyan na ngang umalis ang grupo.
"Bat ganyan ang mukha mo?" Nakasimangot na tanong ni Angel.
"Ganito naman talaga ang mukha ko." pangbabara ko naman. Nakasimagot din.
"Di ka ba naka bili ng libro?" Hindi ko siya sinagot.
"Sus! Dami mo na ngang libro sa kwarto mo eh. Tambak na!
Aanhin mo pa ba ang pagkarami-raming libro eh ang mga binibili mo tapos mo na din namang basahin diba?"
Sa halip na sagutin ay tinanong ko nalang din siya. Mukhang wala din kasi siya sa mood.
"Nasan na si Aivan? Ang bilis nyo naman mag-usap"
"Wala! Umalis na. Tumakas lang daw sya sa trabaho. Uwi na nga lang tayo. Mas matagal pa tayong nakaupo dito kanina kesa sa pag uusap namin. Badtrip!"
"Hayaan mo na. Magkikita din naman kayo panigurado bukas. Nasa iisang building lang naman ang mga company natin eh."
Hindi niya ako pinansin. Ang bilis ng daliri ni Angel habang nagtetext. Gigil na gigil at mukhang may kaaway. Parang kanina lang, tuwang tuwa pa sya.
Hinayaan ko nalang muna ang kaibigan dahil pabalik-balik sa isip ko iyong nakita ko kanina. Siya ba talaga iyon?
Naunang bumaba sa akin si Angel. Kailangan nya pang sumakay ng trike para lang makarating sa kanila samantalang sa akin, kung sinisipag ka, pwede nang lakarin nalang.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako maghapon. Sinalubong ako ni 1D, ang aspin ko pero wala akong gana makipaglaro sa kanya. Hinawakan ko lang sandali ang ulo niya tapos dumeretso na ako sa kwarto. Mukhang ako pa lang ang nandito.
Wala pa si Mama na sa call center nag tatrabaho.
Habang naliligo, napag isip isip kong i-install uli ang mga social media apps ko. Umaasang baka may malaman ako tungkol sa kanya.
Kaka-install ko palang ng instagram ay kumabog na kaagad ng sobra ang dibdib ko nang makita ang notification ko.
Inulit ko pa talagang basahin ito dahil pakiramdam ko namamalik mata lang ako.
Hirap na hirap pa akong pindutin ito dahil sa kaba.
"Liza, I'm back in the Philippines. I miss you"
Oh My God! Totoo nga!
Nakabalik na siya ng Pilipinas. Nandito na ulit siya!
Nakauwi na.
***
Song used
Summer Breeze by Seals & Crofts