webnovel

Hilot (Part 2)

By: Lito

Cedric's POV

Ang saya saya ko talaga. Magkasabay kaming naglakad pauwi ni Mandy. Maging sa aking pagtulog ay naiisip ko pa ang sinabi niya. Tandang tanda ko ang kanyang sinabi. 

"Naku naman! Wala iyon sa akin. Nagkunawari lang akong galit, ang totoo ay nagustuhan ko nga eh ihhyyyyyyyyyyy hehehe. Pwede nating ulitin ihihihihi."

Ang landi landi talaga niya, natawa talaga ko sa pagkakasabi niya niyon.

---------------oo00oo---------------

Simula na nang aming pagkakaibigan. Nagkapalagayan na kami ng loob Nang-aasar pa rin siya pero hindi na ako nagagalit o nagtatampo. Kilala ko na rin ang kanyang ugali at maging ako ay kilala na rin niya. Nakwento na rin niya sa aking ang dahilan ng pagtransfer niya sa aming paaralan. 

Nag-asawa pala uli ang kanyang Inay matapos mabalo ng ilang taon. Taga Bohol ang bagong asawa ng kanyang Inay at doon na gustong manirahan. Isinasama siya ng kanyang Inay pero tumanggi ito dahil hindi raw siya sanay na tumira sa ibang lugar. Napagpasyahan na lang ng kanyang ina sa iwan siya sa kanyang Lolo na ama ng kanyang Inay.

---------------oo00oo---------------

Tinulungan ko si Mandy sa contest. Nagprisinta ako na magbenta ng ticket. Nagrequest din ako sa mga kaibigan ko sa FB na i-like o i-heart ang larawan ni Mandy na naka-post sa FB. Sa huling tally ay pangalawa na siya sa may pinakamaraming like at heart. Tuwang tuwa ako.

Kinapalan ko na rin ang pagbenta ng tiket sa aking mga kamag-anak. Maging si Nanay ay binentahan ko. Tumulong din ang kanyang Lolo. Binebentahan niya ang mga nagpapahilot at nagpapatingin sa kanya. Mura lang naman ang isang tiket.

Nalalapit na ang aming foundation. Sa huling araw ng isang linggong selebrasyon gaganapin ang coronation. Todo kayod ako, kasama na rin si Jenny sa pagbebenta ng tiket sa mga kaklase, kaibigan ng kaklase at kapamilya para mas maraming mabenta para si Mandy ang manalo.

Marami kasing tsismis na marami na ang nabebentang tiket ng ibang kandidato at kulelat si Mandy. Nangunguna na naman siya pagdating sa FB.

Kelangan ni Mandy ng susuuting terno sa koransyon. Problema na naman. Wala naman kasing maraming pera ang kanyang lolo para makabili ng bagong damit. Pasalamat na lang namin at may isang baklang mananahi na magpapahiram daw sa kanya ng damit. Sinamahan namin siya sa pagsusukat para malabhan at maplantsa man lang ang isang ternong amerkana at pantalon.

Todo praktis na rin siya para sa gagawing talent portion. Ang siste ay ayaw ipaalam sa amin kung anong talent ang kanyang gagawin. Nagbibiro pa siya na mamasahihin na lang niya ako sa stage. Sira talaga ang ulo ng lalaking iyon hehehe.

---------------oo00oo---------------

Biyernes ng hapon, nadatnan ko si Kuya na nakahiga sa aming silid at natutulog. Iisa lang ang aming silid ni Kuya pero magkahiwalay naman ang aming kama. Tuwang tuwa ako dahil makakahingi ako sa kanyang ng pera para may magastos sa aming foundation. Lunes na kasi umpisa ang selebrasyon at maraming activities ang ganap. Nagtayo ang organizer ng tiange. May lumahok para magtinda ng kung ano ano, pati na pagkain at inumin sa compound ng school. Sinisimulan na kanina ang pagtatayo ng mga kubol.

Nagising na si Kuya Karlo ilang minuto pagkadating ko. Marahil ay nagising siya dahil pakanta kanta ako ng pumasok ng silid. Hindi ko naman kasi alam na naroon siya.

"Cedric, naghihilot pa ba si Mang Enteng. Paki sundo naman at sabihin na magpapahilot ako. Ang sakit kasi ng kasukasuan ko. Nalamigan siguro ako paglabas ko ng gym noong nakaraang araw." Pakisuyo ni Kuya.

"Sige Kuya, susunduin ko siya. Mabuti at maliwanag pa." Magandang lalaki si kuya. Lamang siya sa akin sa lahat ng bagay. Mas matangkad siya sa akin. Six footer na siya samantalang 5"9' lang ako. Lamang din siya sa ganda ng katawan. Laman kasi siya ng gym kahit na narito pa sa probinsya. Artistahin siya at lalong gumanda ang kutis mula ng magtrabaho sa Manila.

Tinungo ko na ang bahay nina Mandy. Naroon na si Mang Enteng at sinabi ko na ang aking sadya. Si Mandy na ang pinasama sa akin dahil mas magaling daw magmasahe ang kanyang apo kesa sa kanya, at mas malakas din kaya, kaya niyang lamutakin ang katawan ng nagpapamasahe.

Sumama na sa akin si Mandy. Pinakilala ko si Kuya kay Mandy at sinabing siya ang magmamasahe. "Bakit? Wala ba si Mang Enteng?" tanong ni Kuya.

"Kasi po, pag masahe at hindi hilot at walang pilay ay ako na ang pinapupunta ni Lolo. Huwag po kayong mag-alala at trained po ako sa tesda. Sinanay din ako ni Lolo para manghilot ng pilay. Katunayan ay ako ang naghilot ng pilay ni Cedric ng maglinsad ang kanyang buto noon dahil sa basketball." Mahabang paliwanag ni Mandy.

"Ganun ba, sige ikaw na. Doon na tayo sa silid para mas komportable ka."

Sumama ako sa kanila para manood. Pinagmasdan ko ang dalawa. Mas pogi pa rin si Mandy hehehe.

"Tanggalin na po ninyo ang Tshirt at short ninyo, tapos ay dumapa na kayo." Utos ni Mandy.

"Pati brief ba ay tatangalin ko?" pagbibiro ni Kuya.

"Kayo pong bahala. Okay lang po para mas mapisil ko ang laman ng pwet ninyo." Sagot naman ni Mandy.

"Hehehe huwag na, baka tumigas eh pati kayo ay manigas." Pagbibiro ni Kuya.

"Palabiro din pala kayo. Okay yan," turan ni Mandy sabay palo sa pwet ni kuya. Napailing lang si kuya sa ginawa ni Mandy. Nakaramdam naman ako ng inis dahil sa ginawa niyang iyon. Feeling close agad kay Kuya ay ngayon lang nagkakilala. Naiisip ko na dapat ay si Mang Enteng na lang ang sumama. Sumingangot ako at napansin din iyon ni Mandy.

Nagsimula nang magmasahe si Mandy. Pisil, hagod, sundot, lamas, lamutak, hatak ang ginawang pagmasahe ni Mandy. Mahirap pala ang magmasahe, parang hindi ko kaya ang ganon. Pero si Mandy ay parang siyang siya sa ginagawa, para bang nasasarapan pa at panay ang ngiti lalo na kapag sa may hita na pataas sa pwet ang kanyang hinahagod. Nainis ako sa kanya at naiinggit naman kay kuya. Natanong ko tuloy sa aking sarili kung ganoon talaga ang pagmamasahe. Kasi ay parang nanantsing na itong si Mandy eh. Baka kasi bakla talaga ang kumag na ito. Ito naman si kuya walang karekla reklamo ay tinatamaan na ang kanyang kaselanan.

Lalo akong nainis ng tawagin ako ni Nanay at inutusan sa palengke para bumili ng gulay at baboy para pangsigang. Bakit kasi ngayon pa. Hindi ko tuloy mababantayan itong dalawang ito at baka kung saan mapunta ang masahehang ito. Huu, ang sama naman ng iniisip ko. Sinunod ko na lang ang utos ni Nanay.

Pagbalik ko ay tapos nang magmasahe si Mandy. Matagal din ang masahe. Inabot ng kulang kulang dalawang oras sa tantya ko. Inabot ko na nagtatanong kung magkano ang charge. Akala ko ay donation lang pero hindi pala.

"300 pesos lang po." Wika ni Mandy. Umapela pa ako. "Akala ko ba ay donasyon lang?" sabad ko.

"Kapag hilot kasi ay donasyon lang, kahit na magkano. Kapag masahe tulad ng ginawa ko ay 300 sa isang oras na msahe, inabot na nga ng halos dalawang oras eh. Pero pag sa iyo libre hehehe. Iba ka eh, espesyal." Sagot ni Mandy saka ako kinurot sa pisngi. Napatingin tuloy sa amin si Kuya. Hindi ko tuloy alam kung anong nasa isip niya. Baka kasi maghinala ng kung ano. Heh! Ano ba itong iniisip ko.

Kumuha ng pera si Kuya sa kanyang wallet at inabot ang 500. "Kuya wala akong isusukli, baka pwedeng sakto na lang." - si Mandy.

"Masarap kang magmasahe, nagustuhan ko, satisfied ako. Ang sarap mooh. Kaya tip ko na iyang sukli. Sa susunod ay masahihin mo ako uli ha."

"Wow si kuya galante." Wika ko. Pero anong sarap kaya ang sinasabi niya. Putsa naman, sandali lang akong nawala ay may masarap nang sinasabi. Hindi pupwede yan Kuya. Naisip ko na pagbilhan ng tiket itong si kuya. Pandagdag din, at baka manalo pa itong si Mandy.

Kuya, bili ka na rin ng tiket, tulong mo na sa kaibigan ko. Kandidato kasi sa Mr. and Ms. Contest ng school namin. Sige na kuya, bilhin mo na lahat ito, konti na lang. Dala mo pa ba ang tiket mo Mandy?

Nauto namin si Kuya at nabentahan namin. Kaya lang ay hindi pa kinuhang lahat. 500 pesos na halaga ng tiket lang ang kinuha. Okay na rin. Nagpasalamat na si Mandy at umalis na.

---------------oo00oo---------------

Mandy's POV

Na meet ko ang kuya Karlo ni Cedric. Humanga talaga ako kaagad. Ang gwapo, ang tangkad. Nagpapamasahe kaya pinaghubad ko na ng damit. Nang mahubad na ang damit ay lalo akong humanga. Nakakatulala talaga. Nakakainggit. Proportioned ang muscle sa katawan at may 6packs na abs. Walang panama si Jack Roberto. 

Pinadapa ko na siya sa kama. Anak ng putsa ang gandang tingnan ng katawan, ang lapad ng likod at ang liit ng bewang. Katawan ng isang adonis ito. 

Ang sarap hagurin ng kanyang katawan, matigas, akala ko tuloy ay puro hangin kaya pilit kong pinipisil. Napapaungol tuloy siya. Nakamasid sa amin si Cedric. Masama ang tingin, hindi ko alam kung galit sa akin dahil natsatsansingan ko ang kuya niya, o di kaya ay galit dahil naiinggit hehehe.

Nang magawi na ako sa kanyang pwetan ay talagang napalunok ako. Ang tambok at malaman. Grabe, paano kaya niya ginawa na mapatambok ng ganon ang pwet niya. Pinisl ko iyon, inalog alog. Parang gelatin kapag inaalog ko. Parang nanlilisik na ang mata ni Cedric. Ang cute cute na naman dahil sa pagsimangot. Gustong gusto ko talagang nakikita siya na nagagalit at nasimangot. Lalo akong nakukyutan sa kanya.

Tapos na ako sa likoran ni Kuya Karlo ng tawagin si Cedric ng kanyang Nanay para utusan sa palengke. Bubulong bulong na lumabas ng silid. Pinatihaya ko na si Kuya Karlo. Natawa ako ng mapagmasdan ko ang harapan, nakatayo na ang kanyang alaga. Tigas titi si Kuya Karlo, parang nasarapan sa aking hagod, tuloy ay nalibugan. May ipagmamalaki naman si Kuya Karlo. Kung sabagay, sa tangkad niyang iyon ay hindi yata babagay kung dyutay ang alaga, parang nakakatawa.

"Pasensya ka na Mandy at tumigas yang manoy ko. Ang sarap kasi ng hagod mo eh. Kung naging babae ka lang ay siguro na gahasa na kita hehehe. Pero sa gwapo mong iyan malamang na pag-aagawan ka ng mga bading. Saan ka ba nagmamasahe ha." Wika ng kuya ni Mandy.

Pangalawa pa lang kayong namasahe ko. Hindi pa ako nakakapagmasahe talaga ng parang professional. Wala pa kasing nakakaalam na therapist ako. Si Cedric ay nahilot ko na ng mapilayan yun lang.

Habang minamasahe ko siya ay ininterview naman ako ni Kuya. Kung ano anong itinatanong. "Wala bang beki na umaaligid sa iyo."

"Doon po sa unang school na pinasukan ko ay ang daming nagpapahaging. Nagbibigay pa ng kung ano anong regalo, pagkain, stuff toys. Tinatanggap ko lang dahil nakakahiya na tanggihan. Baka kasi sumama ang loob."

"May nakatikim na ba sa iyo."

"Naku wala po. Virgin pa po ako kahit na sa babae."

"Bakit?"

"Bata pa naman ako. Saka gagawin ko lang makipagsex sa talagang gusto ko, mabuntis man ay walang problema."

"Sabagay."

"Kayo po, napakagwapo po ninyo, magandang katawan, siguro madami na kayong nadale ano. May beki bang kasama sa nadale ninyo hehehe."

"Secret hehehe. Sa babae, madami na. Sila naman ang may gusto eh, pagbigyan, mabait ako eh. Maingat lang ako, lagi akong nakakapote kapag umaano ehehe."

Napasarap ang kwentuhan namin at nang magawi na ako sa kanyang mga hita at hagurin pataas ay di sinasadyang nasagi nang aking kamay ang kanyang alaga. Hindi talaga lumambot ang kanyang batuta. Simula kanina ay matigas na iyon.

"Pasensya na po. Matigas kasi kaya nasasagi ko. Hindi ko naman po sinasadya, baka isipin ninyo ay nanantsing ako hehehe."

"Okay lang, tsansingan mo na lang kaya hehehe."

"Palabiro talaga kayo hehehe, magkakasundo tayo hehehe." Saka ko pinitik ang ulo, mahina lang naman.

"Aray, masakit, bakit mo pinitik."

"Pinaamo ko lang po. Galit kasi sa akin eh. Baka mandura." Nagkatawanan na lang kami.

Tapos na ang aking pagmamasahe ng makabalik si Cedric. Mabuti na lang at naalala niya ang tiket na binebenta ko. Bumili siya ng halagang 500 bukod sa binayaran pa ako ng 500 sa aking masahe. Tip daw ang 200 dahil 300 lang ang aking sinisingil.

Umuwi na ako pagkatapos. Tuwang tuwa ako at kumita ng 500 sa araw na iyon. Naisip ko na sa bakasyon ay maglagay ako ng karatula para sa gustong magpamasahe.

---------------oo00oo---------------

Sa bahay ay naalala ko ang matigas na alaga ni Kuya Karlo. Gustong gusto ko na talagang tignan para malaman ko kung gaano kataba at kahaba. Hindi naman ako tinitigasan sa pagkakita ko noon pero may pananabik ako na makita ng buo at hindi ang bakat lang.

Saka ang mga biro niya ay may pahaging. Kung pinatulan ko kaya ang hamon niya ay pumayag ang loko. Nagbibiro lang naman iyon at alam ko iyon. Lalaking lalaki naman si Kuya at wala sa itsura na pumapatol sa kapwa lalake.

Pero teka muna, bakit ako nagiisip ng ganoon. Nakaka confuse. Ano ba talaga ang gusto ko. Wala namang makakasagot ng tanong ko kundi sarili ko, at ang sagot ay babae ang gusto ko at hindi lalaki.

---------------oo00oo---------------

Gabi ng koronasyon. Hindi naman ako naghahangad na manalo dahil wala namang premyo ang mananalo, Palakpak lang, sash at honor ang aking matatanggap.

Isa isa nang tinatawag ang mga kalahok, kapartner ko si Melba ng umakyat sa stage. Magandang maganda noong gabing iyon si Melba. Nakauot siya ng pulang gown samantalang ako ay ang pinahiram na terno ng beking mananahi. Mabuti na lang at kasyang kasya sa akin at bumagay din. Mabuti rin at partner partner ang tinawag kaya kahit papano ay parang may pumalakpak din sa akin. Hindi kasi ako popular dito dahil konti pa lang ang nakakakilala sa akin. Mga kaklase ko lang at ilang kaibigan ni Cedric.

Sunod ay ang pagpapakita ng talent. Talagang kinabahan ako doon bagamat matagal na akong nagpractice nang aking gagawin. Hindi ko talaga ipinaalam kina Cedric ang gagawin ko. Wala naman talaga akong mapapakitang talent.

Tinawag na ako para magpresent. Naka long sleeve na asul at slacks na itim lang ang suot ko ng umakyat ng stage, dala ang isang lumang gitara na palihim kong dinala sa eskwelahan at itinago sa may stage. Alam kong wala namang makakakita noon na iba.

Inawit ko ang kantang "Perfect" ni Ed Sheeran. Sikat ito kaya alam kong maraming makakagustong kabataan sa kantang ito. Sa saliw ng gitara na ako rin ang tumitipa ay maayos naman akong nakaraos. Ang maganda pa nito ay marami ang pumalakpak pagkatapos ng aking kanta. Nakita ko pa si Kuya Karlo na isa sa nanood pala at pumalakpak. Tuwang tuwa ako na bumaba ng stage.

---------------oo00oo---------------

Cedric's POV

Nang tawagin na ang pangalan ni Mandy para magpakita ng kanyang talent ay sobra ang aking excitement. Talagang hinintay ko na tawagin ang kanyang pangalan. Sabik na kasi akong malaman kung anong talent ang ipapakita niya. Talagang lihim na lihim ang kanyang gagawin at walang pinagsabihan sa amin. Kahit ang kanyang lolo ay hindi alam. Katabi ko siyang nanonood. Talagang sinuportahan din niya ang kanyang apo.

Ako ang kinakabahan dahil hindi pa siya umaakyat. Ilang ulit nang tinawag ang kanyang pangalan pero wala pang Mandy na umaakyat na stage. Binalot ng pangamba ang aking dibdib. Naisip ko na baka nag-backout dahil walang na prepare para sa talent portion. Nag announce na ng last call ang announcer. Nag-aalala na ang mga organizer lalo na ang kanilang guro. Nagbilang na ang announcer at sa panghuling bilang ay sumulpot na si Mandy dala ang isang gitara na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Wala naman kasi akong nakitang gitara na dala niya dahil magkasabay kaming nagtungo ng paaralan.

Humingi naman siya ng paumanhin sa pagkadelay at ang rason niya ay dahil nanghiram pa siya ng gitara.

Tinipa niya ang gitara, sa intro pa lang ay alam ko na ang kanyang aawitin. At hindi nga ako nagkamali, isang awitin ni Ed Sheeran na "Perfect" ang title ang kanyang kinanta na sinaliwan niya ng gitara. Napakahusay niyang gumitara bukod sa napakagndang boses. Natahimik ang mga manonood at nakinig sa awitin ni Mandy. Maraming humanga sa kanya, hindi lang mga bata kundi ang may edad at magulang ng mga estudyante. Nang matapos ay palakpakan ang mga manonood na may kasama pang hiyawan. Ako yata ang may pinakamalakas na palakpak, hindi pala dahil may katabi pa ako na mas malakas ang palakpak sa akin, si Kuya Karlo na hindi ko alam na muli palang umuwi at nanood ng koronasyon.

"Kuya, narito ka pala, hindi kita napansin."

"Walang tao sa bahay, naisip ko na baka narito kayo lahat kaya dito na ako nagtuloy. Tamang tama na si Mandy ang tinawag sa stage." Sagot ni Kuya. "Mang Enteng, galing ng apo ninyo. Kanino ba nagmana iyan."

"Kanino pa eh di sa Lolo." Pagyayabang ni Mang Enteng, proud na proud sa apo.

Papalapit sa amin si Mandy, nakangiti, gwapong gwapo sa suot na blue long sleeves at black slacks. Agad ko siyang kinamayan para i-congratulate. Iba naman ang ginawa ni Kuya, may pagyakap pa at tapik sa likod. Ano ba ito. Sila na ba ni Kuya at may pag-uwi pa para lang mapanood si Mandy. Nainis na naman ako pero hindi ako nagpahalata.

"Salamat sa suporta ha. Salamat sa inyong lahat. 'Lo salamat" si Mandy saka niyakap ang kanyang Lolo. "Kahit hindi ako manalo ay panalo na ako 'Lo kasi ay hindi ninyo ako pinabayaan."

Marunong din naman palang magdrama itong si Mandy. Nagpigil lang ako ng aking luha, nakakahiya kasi. Mababa talaga ang aking luha.

Nagpatuloy ang pagtatanghal. Nagtiyaga kaming naghintay hanggang sa i-announce na ang mga winner. Nauna ang mga special award. Halos lahat naman ng kasali ay nakakuha ng special award. Malamang ay sinadya talaga ito para hindi naman kahiya hiya ang wala man lang maiuuwing award. Nakuha ni Mandy ang most like/love sa FB dahil siya ang may pinakamaraming like at heart. Nakuha rin niya ang best in talent.

Ihinayag na ang third runner up. Una ang babae tapos ay ang lalaki. Wala doon si Mandy. Sumunod ay ang second runner up, hindi pa rin kasali si Mandy. Nagkaroon muna ng intermission bago ihayag ang first runner up at ang winner. Kinakabahan na talaga ako. Medyo inis na naman ako dahil paputol putol pa ang awarding.

Makaraan ang isang dance performance ng ilang estudyante ay itinuloy agad ang announcement. Hindi pa rin kasama si Mandy. Nawawalan na ako ng pag-asa. Bago ang paghahayag ng Mr and Ms winner ay inilahad muna ang mga nabentang tiket ng mga kandidato. May malaking puntos kasi ang makabenta ng maraming tiket at nang ihayag ang may pinakamaraming nabentang tiket ay si Mandy ang may nakuhang pinakamarami. Malaki ang agwat sa pangalawang pinakamarami.

Alam kong panalo na si Mandy dahil siya lang ang nakakuha ng may pinakamaraming special award at hindi nga ako nagkamali. Nagtatalon na ako ng malakas na sabihin ng announcer ang pangalan ni Mandy bilang winner.

Matapos ang announcement ay umuwi na sina Kuya at Nanay. Sumabay na si Mang Enteng sa kanila. Nagpaiwan pa ako para hintayin si Mandy. Usapan kasi namin iyon na hihintayin ko siya hanggang sa matapos ang awarding.

Hindi si Melba ang nanalong babae. Hindi ito sing ganda ni Melba sa aking paningin pero siya ang may pinakamalaking benta ng ticket sa mga babae.

Hindi muna pinauwi ang lahat ng kalahok. May konting kainan pa palang ihinanda ang mga organizer. Naghintay na lang ako sa aming room kasama si Jenny.

"Sino kaya ang huling bumili ng tiket para kay Mandy ano. Grabe ang laki ng lamang sa pangalawang pinakamarami. Hindi ba ng bilangin natin ay hindi ganon kalaki. Baka nga pang anim o pang pito pa nga eh. Dami kayang natirang tiket si Mandy." Wika ko kay Jenny na may pagtataka.

"Hindi naman kasi nagbenta ng husto itong si Mandy eh. Tayo pa nga ang pursigido. Sabagay lagay na naman siya na hindi mananalo kahit na noon pa." katwiran ni Jenny.

Matagal pa yatang matatapos kung ano mang ginagawa ng mga kandidato. Nagpaalam na si Jenny. Naiwan na akong magisa na naghihintay. Ewan ko ba kung bakit ako nagpapauto sa lalaking ito. Hindi ko naman matanggihan.

Matagal din akong naghintay, naiinip man ay naghintay pa rin ako. Ayaw ko kasing sumira sa usapan. Nag alarm ang aking CP. Si Mandy at tinatanong kung nasaan ako. Sinabi ko na nasa room namin ako at lalabas na ako. Nagkita kami sa corridor. Yumakap siya sa akin at nagpapasalamat. Kung hindi raw sa tulong ko ay baka wala siyang nakuha kahit na isang award.

Habang papalabas kami ay marami pang bumabati sa kanya, mga guro at kapwa estudyante. Naglakad na kami papauwi, bitbit ang hinubad na damit. Nakapagpalit na pala siya ng ibang damit. Hindi raw siya komportable sa long sleeves at amerkana.

"Bakit lumaki ang benta kong tiket. Ikaw ba ang last minute na bumile?" Tanong ni Mandy.

"Ano naman ang ipambibili ko. Baka naman may nililihim ka sa akin ha. Baka may kabit kang bakla niyan." Biro ko.

"Gago, baka may makarinig sa iyo ay ganun nga ang isipin. Wala kasi akong alam na gagawa ng ganon sa akin eh. Wala namang ganung kalaking pera si Lolo at hindi gagastos iyon ng sa ganun lang. Isang tiket nga ay hirap pa siyang bumili eh kaya sa pasyente niya binebenta."

"Naku, huwag na nga nating isipin iyon. Pasalamat ka na lang sino man iyon." Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami. Bakit ba pag ganito kami kalapit ay kinakabog ang aking dibdib. Haayyyy ano na ba talaga ang nangyayari sa akin.

Pag dating namin sa aming bahay ay naroon pa si Mang Enteng at kausap si Kuya Karlo. 

"Ang tagal naman ninyo, hinihintay talaga namin kayo. Nagluluto pa si Nanay para sa Victory party nitong kaibigan natin. Inom muna tayo" Wika ni Kuya sabay abot ng tig-isang beer sa amin ni Mandy. Pinaupo pa kami sa inilabas na mesa sa may garden namin sa gilid ng bahay.

Katabi ko sa upuan si Mang Enteng at magkatabi naman sa kabila si Kuya at Mandy. Panay ang bati ni Kuya kay Mandy na may paakay akbay pa na parang niyayakap na ito. Napagmamasdan ko ang mga kilos ni Kuya. Tila nababakla na ito at trip pa yata si Mandy. Sabagay ay parang ganun na rin ang nararamdaman ko kay Mandy, parang trip ko rin siya. Ano ba ito, nababakla na ba talaga kami. Magagalit nito sa amin si Nanay. Gusto na niya ng apo at matagal na niyang pinapagaasawa si Kuya. Wala pa ngang ipinakikilalang GF si Kuya, baka kaya dahil BF ang gusto niya.

Halos silang dalawa na lang ang naguusap, naetsa-pwera na kami ni Mang Enteng. May pagbubulungan pa kaya niinis ako.

Maya maya pa ay nagtawag na si Nanay at kakain na raw muna kami bago ituloy ang inuman namin. Wow! May fried chicken, spaghetti, pritong isda na may sweet ang sour sauce pa si Nanay. "Galing ninyo Nay! Ang bilis ninyong nakapagluto at paborito pa namin ni Kuya."

"Paborito din daw iyan ni Mandy sabi ni Mang Enteng." – si Nanay.

"Maraming salamat po Nay Sonia. Napakabait po pala ninyo talaga. Buti at kabaitan ang namana sa inyo ng mga anak ninyo lalo na itong si Kuya Karlo." Papuri ni Mandy. Napanganga naman ako sa tinuran ni Mandy. Bakit si kuya ang nabanggit niya na maraming tulong samantalang ako ang pagod na pagod sa kabebenta ng tiket at ka popromote para i-like siya sa FB katulong si Jenny. Hindi kaya si kuya ang last minute na bumili ng tiket?

Panay ang asikaso ni Kuya kay Mandy. Tuwang tuwa naman ang loko sa ipinakikitang pag-abyad sa kanya. Naghihinala na talaga ako. Nakakasama ng loob itong si Kuya at Mandy. Ako naman na ang nag-asikaso kay Mang Enteng.

Balik kami sa gilid pagkatapos kumain at ipinagpatuloy ang naputol na pagiinuman. Hindi na naman tumagal pa si Mang Enteng at nagpaalam na."

"Maiwan ko na kayo ha. Hindi ko na kayang makipagsabayan sa inyo ng inom. Humihina na ako sa inom dahil matanda na hahaha. Sonya, paalam na at uuwi na ako. Maraming salamat uli ha." Hiyaw ni Mang Enteng dahil nasa kusina pa si Nanay at naglilinis ng aming kinanan. "Apo, maiwan na muna kita ha at huwag kang magpakalasing."

"Opo 'lo. May dala ba kayong flashlight?" wika ni Mandy. Pinakita naman ni Mang Enteng ang dalang flashligt. Madilim kasi ang daanan patungo sa kanilang kubo. 

Tatlo na lang kaming naiwan na nagiinuman. Nakarami na rin kaming nainom. Naka isang case na rin kami at bumili pa si Kuya ng kalahati na siya naming inuubos. Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo, inabot na rin kami ng alas onse ng gabi. Sinabi ko kay kuya na huwag na lang ubusin ang natitira pa dahil lasing na si Mandy at uuwi pa ng kanilang bahay.

"Dito na siya matutulog sa kwarto natin hindi ba Mandy." Wika ni Kuya.

"Kuya uuwi po ako. Walang kasama si Lolo at mag-aalala iyon kapag hindi ako umuwi."

"Kaya mo pa ba?"

Kayang kaya kuya.

Tuloy ang inuman. Huling tig-iisang bote na namin. Naiihi ako kaya pumasok muna ako sa bahay para umihi. Nagtagal ako sa kobeta dahil sa dami ng aking inihi. Pagbalik ko ay naaninag ko sa bintana tila naghahalikan na ang dalawa. Kita ko ang batok ni kuya at nakawak sa pisngi ni Mandi. Kitang kita ko na magkadikit ang kanilang mukha. Hindi maipagkakailang naghahalikan talaga sila. 

Nanikip bigla ang aking dibdib. Waring may kung anong bagay na tumusok sa aking dibdib. Hindi ako agad nakalabas. Parang naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang aking nararamdaman. Wala naman kaming unawaan ni Mandy at hindi ako bakla. Kilala ko ang aking sarili. Pero bakit ako nasasaktan.

At si Kuya. Wala naman siyang ipinakikitang kabaklaan. Nagka GF naman siya dati, ngayon lang wala simula ng magtrabaho. Akala ko ay nalibang lang sa trabaho kaya hindi na nakapanligaw. Ambisyoso si Kuya at gusto nitong magka position ng mataas sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Wika niya dati ay hindi siya mag-aasawa hanggat hindi siya nagiging vice president o manager man lang. Hindi pala iyon ang dahilan. Lalaki pala ang gusto niya.

Matagal tagal din ang halikan nila. Nang kumalas na sila pareho ay saka lang ako lumabas. Ayaw ko kasing madatnan sila sa ganong kalagayan at baka mapahiya.

"Kuya tama na. Ihatid mo na lang siya sa kanila. Lasing na siya Kuya at ngayon lang talaga siya nakapaginom ng marami." Wika ko kay kuya. Pumayag naman si Mandy na ihatid siya ni kuya.

Inimis ko muna ang ang aming pinaginuman at inilagay sa kahon ang mga basyo at ipinasok sa kusina ang ginamit naming baso at pinggan na pinaglagyan ng pulutan saka ako umakyat at nahiga na. Agad din akong nakatulog. May araw na nang ako'y magising. Wala sa higaan si Kuya at tila hindi na dito sa amin nakatulog. Marahil ay kina Mandy na ito natulog at itinuloy na ang naputol nilang ginagawa.

Wala akong ganang bumangon. Nanatili akong nakahiga.

下一章