webnovel

Chapter 27

Matapos masilip ang labas ay agad ding isinara ni Maya ang bintana, tinanguan niya ang mga kasama at agaran ding naghanda si Milo at Simon.

"Anong gagawin niyo? Saan kayo pupunta?" tanong ni Marion nang makitang nagbabalak nang lumabas ng bahay sina Simon, Milo at Maya.

"Susundan namin ang sigaw na iyon, paniguradong umaatake na ang aswang, Manong Marion, maaari mo bang tipunin ang mga tao, nang sa gayon ay makita nila kung sino ang tunay na dapat katakutan nila." Wika ni Maya bago tuluyang lumabas ng bahay, sumunod na rin sina Milo at Simon nang hindi nagsasalita.

"Mahal, pakiusap, sundin mo ang sinasabi nila. Nararamdaman ko na sila ang makakatulong sa problema natin. Nararamdaman ko ang isang napakalakas na kapangyarihan na nakapalibot sa kanila at maaring iyon din ang dahilan kung bakit sila nilapitan ni Nika." Saad ni Diana na noo'y hawak ang kamay ng kanilang anak. Napatitig naman si Marion sa kaniyang pamilya bago tumango.

Kinuha nito ang kaniyang itak sa loob ng kanilang baul at agad na lumabas matapos magpaalam sa kaniyang asawa at anak.

Mabilis na tumatakbo ang grupo ni Milo sa gitna nag kadiliman ng gabi. Hindi nila alintana ang mga taong nadadaanan nilang nakikiusyuso sa kaganapan. May iba namang nagsitago na sa kani-kanilang bahay dahil sa sigawang kanilang narinig.

Nang tuluyan na nilang matunton ang lugar kung saan nanggagaling ang sigaw ay agad nilang nasipat ang isnag nilalang na pilit na sinisira ang bubong ng isang bahay.

Mabilis na nag-usal ng pangtigalpo si Milo at iniihip niya ito sa kaniyang kamao bago ito pinakawalan sa nilalang. Tumama ito sa nilalang dahilan para mahulog ito mula sa bubong.

"Walang-hiya ka, nagawa mo pa talagang sumalakay ngayon. Nasaan ang mga kasama mo?" Tanong ni Milo, ngunit bago pa man ito makasagot ay isang nilalang ang dumamba sa kaniya na siyang dahilan para matumba siya at mawala ang epekto ng tigalpo sa isang nilalang.

Nakawala ito at agad na kumaripas ng takbo, subalit hindi paman siya nakakalayo ay mabilis itong pinatid ni Maya sa pamamagitan ng paghampas ng buntot-pagi sa mga binti ng nilalang. Isang malakas na palahaw ang pinakawalan ng nilalang. Agad na nagsilabasan ang iilang residente dahil sa ingay na iyon.

"Ano ba 'yan, ang iingay niyo..." Galit na reklamo ng isang lalaki ngunit hindi nito naituloy ang galit nang makita kung ano ang gumagawa ng ingay na iyon.

"A—aswang!!!" Sigaw ng lalaki. Maging ang ibang residente na nakasaksi ay halong magsitakbuhan. Patuloy na nilabanan nina Milo, Maya at Simon ang mga nilalang hanggang sa tuluyan nila itong masukol.

Gamit ang lubid na binasbasan nila ng mga usal ay itinali nila ng mahigpit ang kanilang mga nahuling aswang.

"B—bakit hindi niyo pa sila pasl*ngin? Paano kung makawala ang mga iyan?" Natatarantang tanong ng isang babae habang itinatali ni Milo ang isang aswang.

Agad na napalatak si Maya nang marinig ang tanong ng mga ito. Matapos niyang itali ang isang aswang ay itinulak niya ito sa harap ng mga taong nakikiusyuso. Bakas sa mukha ng dalaga ang galit at inis sa mga taong ito.

"Hindi ba't kami ang pinaghihinalaan niyong mga aswang? Kung tutuusin nga ay hindi namin responsibilidad ang tulungan kayo, kung hindi lang namin iniisip na maaring mabiktima ang mga pamilya nina Manong Pedring at ng iba pa ay hindi namin ito gagawin. Kaya kung ano man ang gawin namin sa mga nilalang na ito, wala na kayo roon. " Inis na wika ni Maya na halatang nagpipigil lang din.

Maging si Milo ay hindi maiwasang hindi mainis dahil sa makasariling mga taong ito. Buhay lamang nila ang mahalaga at hindi na nila iniisipa ang iba. Ang mas masakit pa, nagagawa nilang magparatang ng ibang tao sa halip na hanapin ang tunay na salarin.

"At isa pa, kung papatayin namin ang mga aswang na ito, hindi niyo malalaman kung sino ang tunay na salot sa bayang ito." Sabad naman ni Simon. Umupo ito sa isang malaking bato at maiging tinitigan ang mga tao sa kanilang harapan.

Patuloy naman ang ginagawang pag-angil ng mga aswang na noo'y pilit na kumakawala sa pagkakagapos nila. Subalit kahit anong gawing pagpumiglas ng mga ito ay hindi sila makaalpas.

"Pakawalan niyo kami dito, kung ayaw niyong tuluyang masira ang bayang ito. Oras na hindi kami makabalik ay paniguradong maaalarma amg aming mga kasamahan, kapag nangyari iyon, lahat ng tao rito ay magiging hapunan namin." Galit na galit na wika ng isang aswang. Napakalaki ng boses nito na tila namamaos pa, Paiba-iba rin ang boses nito na animo'y hindi lang iisang tao ang nagsasalita.

"Tinatakot mo ba kami? Oras na malaman ng mga kasamahan niyo ang nangyari sa inyo, nasa harapan na namin sila." Nakangising tugon naman ni Maya.

Sa pagkakataong iyon ay nagsimula ng mag-usal ng orasyon si Milo habang gumuguhit ng pabilog na paikot sa mga nilalang na iyon. Habang ginagawa niya ito, si Simon naman ang nag-uukit ng mga simbolo sa lupa.

Ilang sandali pa ay dumating na si Marion kasama ang iba pang mga taong nakatira roon. Gulat at sindak ang bumalot sa mga ito lalo pa nang makita ng mga ito ang nakakakilabot na anyo ng mga aswang na noo'y patuloy na umaangil at nagpupumiglas sa lupa.

"Nakita niyo na, hindi ang mga batang ito ang mga aswang, hindi rin ang mga taong minsan na ninyong pinaslang dahil sa maling akala. Habang pumapaslang kayo ng inosente ay patuloy na nabubuhay ang mga salot na iyan sa bayan natin." Pasigaw na wika ni Marion para marinig ng lahat ang kaniyang sinasabi.

Nagbulungan naman ang iba habang ang iba naman ay hindi pa rin makapaniwala sa kanilang mga nakikita.

"Ilang bese ko kayong pinaalalahanan noon, pero ano ang ginawa niyo? Hindi kayo nakinig at tinawag akong huwad na manggagamot. Maging ang asawa ko ay pinagkaitan niyo at itinuring niyo kaming sumpa sa bayang ito katulad ng ginawa niyo sa grupo ni Pedring. Ilang taong kaming naghintay para sa araw na ito. Upang maipamukha sa inyo na mali kayo, pagmasdan niyo kung sino ang mga aswang na iyan sa buhay niyo." Dagdag pa ni Marion at halos maoasigaw ang iba nang makita ang dahan-dahan pagbabalik sa anyong tao ng mga nilalang.

Ilang sandali pa ay tuluyan nang nakapagpalit ng anyo ang mga ito at ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat nang makita malalapit na kaibigan nila ang mga aswang.

"Berto, kayo ang mga aswang? Pamilya kayo ng mga aswang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lucio.

"Kayo ang pumaslang sa aking kaisa-isang anak at magiging apo sana? Mga hay*p kayo, mga dem*nyo!" Galit na sigaw nito at akmang uundayan ng suntok ang mga nilalang ngunit mabilis itong pinigilan ni Maya.

"Bakit mo ako pinipigilan? Dahil sa mga aswahg na ito, namat*yan ako ng anak at apo. Dahil sa kanila, nasira ang buhay ko." Mangiyak-ngiyak na wika nito.

"Sa tingin mo ba kaya mong saktan ang mga nilalang na iyan? Alalahanin mo, aswang ang kaharap mo at hindi tunay na tao. Isang maling galaw lang at panigurado isa sa parte ng katawan mo ang mawawala." Pananakot pa ni Maya at agad namang napaatras si lucio na bakas ang takot sa mukha.

"Ngayong alam niyo na na hindi kami ang mga aswang, siguro naman ay sapat na ito para lubayan niyo kami." Wika ni Milo. Katatapos lang nilang mag-orasyon at sakto namang naroroon na din ang lahat mg mga tao.

"Nandito lang kami para tulungan ang namamat*y na kalikasan sa bayan ng Miranda. Nais lang namin ng tahimik at matiwasay na mga araw habang ginagawa namin ang ritwal. Kung wala kayong maitutulong, kung maari sana ay huwag na kayong manggulo para matiwasay din namin matapos ang mga ritwal." Paliwanag ni Simon.

"Maibabalik niyo ang bayan namin? Paano? Maraming albularyo na ang nagtangka ngunit wala ni isa sa kanila ang nagtagumpay. Isang buhay na patunay si Marion." Nag-aalalang wika ng isang ginang na noo'y bitbit ang isang batang nasa limang taong gulang.

"Wala kaming magagawa kong iyan ang inyong paniniwala. Hindi nabigo si Manong Marion, may magagawa sana siya kung hindi niyo siya pinigilan." Sabad na wika ni Milo at agad na napipilan ang ginang. Batid nitong tama ang tinuran ni Milo dahil una sa lahat, isang magaling na albularyo noon si Marion, magagawa na sana nilang kontrahin ang sumpa kasama ang asawa niya kung hindi lang dahil sa ginawa ng mga taong-bayan noon sa pamilya ni Marion.

Kamuntikan pa noong mawala ang anak nilang si Nika dahil sa trahedyang iyon na siyang tumatak naman sa utak ni Marion kung kaya ganoon na lamang ang galit niya sa mga ito.

"Wala kaming hihinging tulong sa inyo kundi ang pakiusap na sana ay manahimik muna kayo at huwag manggulo sa mga araw na darating." Saad ni Milo bago niya inilapag sa harap ng mga aswang ang isang dahong ibinigay sa kaniya ni Karim.

Ayon sa tikbalang, malalatagan ng sumpa ang mga aswang sa oras na mailagay ito malapin sa kanila. Naglapag din siya ng bulaklak ng lalaking papaya na halos ikasira ng mga ulo ng mga aswang. Nagsigawan ang mga ito at gumapang sa lupa ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi sila makaalis sa lugar na iyon kung saan tila ikonulong sila sa loon ng isang bilog na guhit sa lupa.

"Anong ginawa niyo? Pakawalan niyo kami rito!!" Sigaw mg nilalang sa namamaos nitong bosea. Patuloy ang mga ito na sumigaw at mag-angik hanggang sa unti unting magliwanag ang mga simbolong iiginuhit doon ni Simon kasabay ng paglliliwanang ng mga dahon at bulaklak ng papaya.

Napatakip na sa kanilang mga tainga ang mga residente dahila sa biglaan pagtinis ng boses ng mga nilalang. May iilan pa na hinimatay dahil sa ingay na ginagawa ng mga nilalang .

下一章