webnovel

Chapter 20

Sumilay ang ngiti sa kulu-kulubot na mukha ni Tandang Pulon. Sa pagkakataong iyon ay natapos na niyang isilid ang buhok ng kubot sa kaniyang bayong.

"Tayo na, saan ba kayo nanunuluyan? Doon ba kay Lorna?" Tanong ng matanda na ikinagulat naman nilang tatlo. 

"Kilala niyo po si Aling Lorna?" Gulat na tanong ni Milo sa matanda. Hatak-hatak nila ni Simon ang kubot na nahuli nila. Pagdating sa bakuran ni Aling Lorna ay nagulat pa ang tatlo nang makita ang ginang na matiyagang naghihintay sa nakabukas na pinto ng bahay nito.

"Hay, salamat naman at ligtas kayo. Mabuti naman at naabutan mo sila Tandang Polon. Kanina pa ako hindi mapakali kakahintay sa inyo." Wika ni Aling Lorna. Muli itong humugot ng malalim na hinga na agad nitong napakawalan at nabulunan nang makita niito ang bitbit na aswang ng dalawang binata. Napatili naman si Aling Lorna at kitang-kita sa mukha niya ang takot at sobrang pagkasindak sa nilalang.

"A-ano yan. Tandang Polon naman, sabi ko lang iligtas mo ang mga bata, bakit ka naman ngdala niyan dito sa bahay ko? Paano kung makatakas yan?" Nag-aalalang tanong ni Aling Lorna.

Natatawang hinampas naman ni Tandang Polon ang ulo ng nilalang subalit hindi ito gumawa ng kahit anong galaw. Nanlalaki lang ang mga mata nito habang tila nakatingin sa malayo.

"Huwag kang mag-alala Lorna, nasa ilalim ng engkantasyon ang nilalang na ito at isa pa, hindi basta-basta isang lubid lang ang ginamit ko sa kaniya kaya makaka-asa kang hindi siya makakawala. Siyanga pala, kahit hindi ako dumating kanina, hindi mapapahamak ang mga batang ito. 'Yon nga lang kung hindi ako dumating eh, wala na akong maaabutan." Saad pa ni Tandang Polon.

Ngakatinginan naman ang magkapatid at muling napatingin sa matanda.

"Ano po ba ang gagawin niyo sa kubot na ito Tandang Polon? Mukhang hindi naman ito magsasalita kung nasaan ang pugad nila." Tanong ni Milo na noo'y nagtataka pa rin.

"Hindi naman niya kailangang magsalita noy, gayunpaman, malalaman ko pa rin kung nasaan ang pugad nila matapos ang gagawin ko." Nakangiting sagot ni Tandang Polon. Punong-puno ng pagtataka ang isip ngayon ni Milo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng matanda.

Nang makapasok na sila sa bahay ni Aling Lorna ay agaran din silang nagpahinga. Kinaumagahan ay maaga pang nagising sina Milo at Simon. Naabutan nilang nagkakape na si Tandang Polon kasama si Aling Lorna sa tindahan nito.

"Magandang umaga ho!" Bati ni Milo na agad din tinugon ng mga ito.

"Magandang umaga din. Kape tayo." Masayang bati naman ng matanda. Sa nakikita nila mukhang matagal nang magkakilala itong si Tandang Polon at Aling Lorna.

"Matagal na ho ba kayong magkakilala ni Tandang Polon?" 'di maiwasang tanong ni Milo sa ginang.

"Aba'y oo, isa si Tandang Polon sa mga sinabi kong albularyo dito sa bayan ng Isidro. Siya din ang nag-iwan ng paalala sa akin tungkol sa inyo. Na may tatlong kabataan ang magagawi dito sa bayan namin na siyang tutulong sa suliranin namin sa mga aswang." Salaysay ni Aling Lorna habang nagtitimpla ng kape. Isa-isa nitong inilagay sa harap ng mga binata na malugod naman nilang tinanggap.

"Paano naman po kayo nakasigurong kami nga iyon?" Tanong ni Simon at napangiti ang ginang.

"Kutob. Unang kita ko pa lamang sa inyo ay kinutuban na ako na kayo nga iyon. Kaya ko kayo pinatuloy sa bahay. Dahil iyon ang bilin ni Tandang Polon sa akin bago siya umalis. " sagot naman ni Aling Lorna.

"Eh, nasaan na po ang kubot na nahuli natin kagabi?" Tanong naman ni Milo, matapos makahigop ng kape.

"Itinago muna namin doon sa ilalim ng bahay ni Lorna. Mamayang hapon ko pa sisimulan amg orasyon at kakailanganin ko ang tulong niyo ng kapatid mo Simon." Wika ng matanda at agad namang tumango si Simon.

"Siyanga pala, nasaan na ba si Maya?" Tanong ni Lorna nang may pagtataka.

"Masyado po siyang napagod kagabi kaya mamaya pa po ang gising no'n." Nakangiting tugon naman ni Simon.

"Ganoon ba. O siya, mag-almusal lang kayo riyan at tatao na muna ako dito sa tindahan, mamaya-maya lang ay dadating na rin ang aking mg suki." Wika pa ng ginang bago pumasok ng tindahan nito.

Nang makaalis na ito ay doon naman nagsimulang magkuwento si Tandang Polon. Aliw na aliw si Milo sa pakikinig sa mga matatalinhagang kuwento ng matanda noong kabataan pa nito.

Halos lumamig na ang kape niya dahil sa sobrang aliw, na kahit ang paghigop ng kape ay nakakalimutan na nito. Tawang-tawa naman si Tandang Polon kay Milo at biglang nakaramdam ng saglit na kalungkutan ang binata nang marinig ang malulutong na tawa ng matanda.

Bigla kasing pumasok sa isipan niya ang kulitan nila ni Lolo Ador at nakaramdam siya ng pagkasabik na makita ulit ito.

"O bakit ka biglang natahimik diyan noy?" Tanong ni Tandang Polon nang mapansin ang biglang pagtahimik ni Milo.

"Wala naman po, naalala ko lamg po sa inyo ang Lolo ko. " Sagot ni Milo bago ngumiti.

Muling nagpatuloy ang kanilang usapan ng mga sandaling iyon. Kinahapunan ay tinungo na nila ang likurang bahagi ng bahay ni Aling Lorna. Doon ay nakita nila ang isang pintuan na nasa ibabang baghagi ng bahay nito. Nang binuksan iyon ni Tandang Polon ay tumambad sa kanila ang wangis ng kubot na nasa anyong tao na. Napakaganda ng mukha nito na aakalain mong isa itong dyosa. Maputi ang balat nito at itim na itim ang mahaba nitong buhok. Nakapikit na ito na animo'y natutulog, hindi tulad nang dilat nitong itsura nang iwan nila ito kagabi.

"Ganyan ang wangis ng isang kubot kapag nasa anyong tao sila. Napakaganda hindi ba? Iyan din ang ginagamit nilang panghalina sa kanilang mga biktima at kalimitan na nalalansi nila ay mga kalalakihan." Paliwanag ni Tandang Polon nang makita niya ang pagtataka sa mukha ng dalawang binata. .

"Kalalakihan lang po ba ang nabibiktima ng mga kubot?" Interesadong tanong ni Milo

"Hindi, kahit sino ay kayang biktimahin ng mga kubot. Kung hindi madadala sa pang-aakit ay ginagamit nila ang kanilang mga buhok para hulihin ang kanikang magiging biktima. Hinihigop ng kanilang mga buhok ang buhay ng kanilang mga biktima hanggang sa maging sisidlan na lamang ito na walang buhay. Nagsisilbing pangunahing depensa at opinsa ng mga kubot ang kanilang mga buhok kaya mahalaga ito sa kanila." Paliwanag ni Tandang Polon.

Tinungo nila ang isang parte ng likod ng bahay ni Aling Lorna at umukit doon ng malaking bilog. Kasabay noon ang pag-ukit ng magkapatid ng mga simbolo paikot dito. Nakamasid naman si Milo sa kanilang ginagawa habang patuloy na sinisipat ang walang malay pa ding nilalang.

Nang matapos ang mga ito sa paghahanda ay binuhat ni Milo ang nailalang patungo sa bilog. Inilapag niya ito sa pinakagitna at saka inilagay ni Tandang Polon ang buhok ng isang kubot paikot sa nilalang.

Tumayo sa magkabilang dulo ang magkapatid kasama si Tandang Polon at nagsimula na silang mag-usal ng orasyon. Paaulit-ulit ang pagbanggit nila ng mga salitang hindi mawari ni Milo kung anong lenguahe iyon. Tila umuugong iyon sa tainga niya na tila ba napakaraming tao ang nagsasambit noon.

Ilang sandali pa ay dahan-dahang ngliwanag ang mga simbolo sa bilog , kasabay nito ang paggising mg nilalang mula sa pagkakahimbing nito. Ngunit bago pa man soya makapumiglas ay kitang-kita ni Milo ang pag-usbong ng mga kadena mula sa ilalim ng lupa na siyang puwersahang gumapos sa nilalang.

Umatungal ng malakas ang nilalang nang tila malapnos ang mga balat nito sa pagkakagapos ng kadena.

Nang makuta na ni Tandamg Polon ang pagusbong ng isang liwanag mula sa ulo ang kubot ay dali-dali niyang kinuha ang isang maliit na bote at tinanggal ang takip nito bago iniharap sa nilalang habang patuloy na nag-uusal ang magkapatid.

Nanlaki ang mga mata ni Milo sa nakikita. Ang liwanag na nakikita niya sa nilalang ay tila nag anyong tao. Sapilitan itong hinugot ng matanda na siya namang ipinasok nito sa maliit na bote. Kisap-mata lang din ang lumipas nang tuluyan nang takpan ni Tandang Polon ang bote at bumuga ng isang malalim na hininga bago nagsambit ng tatlong salita.

"Tapos na. Maghanda na kayo dahil sa pagsapit nh gabi bukas ay tutunguin na natin ang pugad ng mga Kubot. Mas maigi kung makapagpahinga tayo ngayon gabi. Hindi basta-basta ang mga kubot na makakalaban natin." Wika ni Tandang Polon.

下一章