webnovel

Chapter 49

Araw ng sabado at muli na nilang dinala sa hospital ang batang nakilala ni Mira para sa panghuli nitong check up. Mahigpit na nakayakap sa kaniya ang bata at pikit mata ito habang kinukuhanan siya ng dugo ni Jacob. Dahil sa walang pangalan ang batang iyon ay sila na ang nagpangalan dito at ini-register na din ito bilang adopted na anak nila Mira at Sebastian. Tuwang-tuwa naman si Mira at Aya dahil dito.

"Last na yan Aya, pagkatapos nito kakain tayo ng masarap, okay." Pag-aalo ni Mira habang hinahaplos ang likod ng bata. Nakangiti naman si Jacob nang matapos na anitong makuhanan ng blood sample si Aya. 

"Good girl, see , hindi naman masakit di ba?" nakangiting wika ni Jacod sabay abot ng lollipop dito. Bahagyang tumango si Aya at napatingin sa lollipop bago ito tanggapin. Matapos ang check up kay Aya ay saglit na nag-usap si Sebastian at Jacob habang si Mira at Aya naman ay lumabas muna para magpahangin.

"How is it?" 

"Well. tama ang unang hinala natin, that kid is not normal. I found traces of drugs in her blood, and these drugs were not the usual drugs you will find in the market." Jacob said with a heavy sigh. "Bro, sigurado ka bang magdadagdag ka pa ng ganyan sa poder mo?" Dagdag na tanong ng kaibigan.

"It won't hurt a penny. She's just a little girl." nagkibit-balikat lang si Sebastian habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng opisina ni Jacob.

"I know you are rich, pero sa pag-adopt mo sa batang yun, lalo kang lumalapit sa kapahamakan."

"May utang sa akin ang Orion Jacob, if not for them, Lizzy won't die. At dahil din sa kanila naging impyerno ang buhay natin. Have you forgotten what they did to us? Swerte lang tayo dahil nariyan ang pamilya nating nagligats sa atin. But how about the others?" Wika ni Sebastian at napasimangot namansi Jacob. 

Those memories were the worst. They saw them dying while the others struggled to live. Ilang buwan lamang ang inilagi nila sa mala-impyernong lugar na iyon pero halos ilang taon din nilang dinala ang trauma sa utak nila. Isa si Lizzy sa mga test subject sa lugar na iyon, naging malapit ito sa grupo nila dahil kumpara sa iba, si Lizzy lamang ang may tapang na sagot-sagutin ang mga taong naroroon. But her life was shortlived. Sa kalagitnaan ng pagtakas nila ay nabaril ito at kitang-kita nila ang pagbagsak ng katawan nito sa lupa nang wala nang buhay. 

"Andun na ako Bro pero, paano naman si Mira? You are bringing her nearer to her tormentors. Paano kung isang araw makuha siya ng taga Orion? Pasalamat tayo ngayon dahil simpleng pagdukot lamang itong nangyari sa kanila. Pero what if Orion did it? Alam mo kung gaano kahirap hagilapin ang base nila, mas madulas pa sila sa mantika. And that kid, I don't really trust her and I advice you do the same." Paalala ni Jacob at napatingin lang si Sebastian sa kaibigan. He had a point but he trust Mira. If that kid had some sort of dark motive by approaching her, Mira will most likely feel and see it.

Paglabas ni Sebastian ay agad na bumungad sa kaniya si Mira habang masaya itong nakikipaglaro kay Aya. Napangiti naman si Sebastian at agaran din niyang nilapitan ang dalawa.

"Bastian, tinuturuan ko si Aya na tawagin kag Daddy pero natatakot daw siya sayo." Wika ni Mira nang makalapit na siya rito. Napatingin naman siya sa bata at agad itong nagtago sa likuran ni Mira. Ngumiti siya at yumukod sa harap nito para mahaplos niya ang buhok ni Aya.

"You can call me Daddy." Mahinahon wika niya at napatunganga lang sa kaniya si Aya. Nanlalaki ang mga mata nito at nakaawang ang bibig na animo'y nagulat sa narinig.

"Talaga po? Hindi ka magagalit? Pwede ko kayong yakapin?" Sunod-sunod na tanong ni Aya at tumango naman si Sebastian dahilan para magtatatalon sa tuwa si Aya at yumakap kay Sebastian. Binuhat na nito ang bata at saka hinawakan sa kamay si Mira bago sila naglakas palabas ng hospital. Pinagtinginan naman sila ng mga taong nadadaanan nila dahil sa kakaibang awra na lumalabas sa kanila. Para silang sumasalamin sa isang masayang pamilya at napabuntong-hininga na lamang ang lahat ng nakakakita.

Nang makabalik na sila sa bahay ay agad namang nagluto si Mira ng kanilang magiging tanghalian habang si Aya naman at Sebastian ay magkasama sa sala at nanonood mg cartoons kasama si Dylan.

"Bastian, handa na ang pagkain. Kumain na tayo." Tawag ni Mira at agaran na din silang tumayo at tumungo sa kainan. Matapos kumain ay saglit silang nagpahinga bago pinatulog ni Mira si Aya. Nang makatulog na ito ay pinagmasdan niyang mabuti ang bata.

Hinawakan niya amg kamay nito at muli niyang hinalukay ang alaala ni Aya. Dahil sa musmos nitong edad ay may mga nakikita siyang malabo at ang tanging malinaw na nakikita niya ang mga alaala nito tuwing may pumapasok na mga taong nakaputi sa kwarto nila. Napailing naman si Mira at hinaplos ang pisngi nito.

"Bakit Mira?" Nagtatakang tanong niya nang makita si Mira na animo'y nalulungkot habang nakatingin kay Aya.

"Bastian, nakakaawa si Aya. Napakabata pa niya para danasin ang lahat ng iyon. Bakit may mga ganoong klaseng tao? Mahirap ba sa kanila ang mamuhay kasama ang mga taong kakaiba?" Tanong ni Mira at umupo sa tabi niya si Sebastian.

"Humans are greedy. Hindi tayo nakokontento sa mga bagay na meron tayo. Ganoon din sila Mira, they wanted everything to be perfect, they wanted total authority and power. They wanted money. That's the reason why they did all of this." Saad ni Sebastian at ipinakita sa dalaga ang kaniyang peklat saniyang dibdib na animo'y inoperahan ito.

"Ako, si Jacob, si Carlos at Leo ay kapwa nakatakas lamang sa lugar na iyon. I was ten years old back then. We stayed there for 6 months. Nakita namin lahat, ang mga batang pinaglalaruan nila na para ng guinea pig. We were luckier because we had familiies pero ang iba,walang nagliligtas sa kanila. That day I sweared to myself that I will bring them down to h*ll." Mahabang wika ni Sebastian at nanlaki naman ang mata ni Mira. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkuwento si Sebastian tungkol sa naging buhay nito noon. Ito rin ang unang pagkakataong narinig niya rito ang tungkol sa pagkakadukot nilang apat.

"You mean..."

"Yes, minsan na din akong nadukot ng Orion. It's been so long and we tried our best to locate them since then. Pero mailap sa amin ang Orion. Then we found Dylan in the forest, ten years later. Hindi ko alam kung galing siya doon pero isa lang ang alam ko gusto nilang makuha si Dylan. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang kakayahan ni Dylan pero ang hinala ko ay galing sa pamilya ni Dylan ang impormasyon." Dagdag pa ni Sebastian at natahimik na si Mira.

Samantala sa isang dako ng mundo ay halos nagkakagulo na ang mga tao dahil sa pagkawala ng mga samples nila.

"Id*ot. Bata lang yun, paano kayo natakasan. Lahat na lamang ng mga tagumpay na samples natin nakakatakas. Naghihintay na ang mga buyers sa bidding." Singhal ng isang lalaking nakasalamin sa mga tauhan nito. Habang ang mga ito ay nakayuko dahil sa takot.

"Sir, bigla na lang siyang nawala." Sabad ng isa pang lalaki at natigilan ito.

"Lumapit ba ang batang yun sa test subject natin na nasa room 368?" Tanong nito habang nagmamadaling pinuntahan ang naturang kwarto.

Gawa sa metal ang kwartong iyon at may mga kadenang nakapulupot sa mismong hawakan ng pintuan. Gamit ang kaniyang susi ay binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang isang babae na may mahabang buhok habang nakaupo sa isang maliit na higaan na may puting kobre-kama. Napaangat ang mukha ng babae at ngumisi ito sa lalaki. Agad na naintindihan ng lalaki na ito ang dahilan nang pagkawala ng kaniyang test subject gamit ang kakayahin nitong gumawa ng portal.

"Kahit kailan, napakapakialamera mo Allena. Hanggang kailan ka ba magiging hadlang sa mga plano ko." Wika nito at humalakhak ng malakas ang babae.

"Hangga't nandirito ako at may mga batang nahihirapan, isa-isa ko silang itatakas kapag may pagkakataon." Sagot naman nito at muling ngumisi.

下一章