webnovel

CHAPTER 90

" DIGMAAN AT KATAPUSAN PART 1 "

ANG NAKARAAN...

Nabuksan na ni Sitan ang Pintuan ng Impyerno. Gamit ang Tatlong Kaluluwa nang dating tagalipon ng oroskopyo ng Pisces.

" Nagalasan man ako nang isang tauhan. Magiging mas malakas pa kayo sa mga Diwata at mga pesteng tagalipon na yan! Bwahahahaahah!" Sabi ni Sitan habang Sinasaniban Sina Diosca, Nica at Miguel nang maiitim na kaluluwa.

" Nakakaramdam ako nang kakaibang Lakas!" Sabi ni Nica at lumakas pa ang apoy sa kanyang katawan.

" Ramdamin mo ang Apoy nang Impyerno!" Sabi ni Sitan Sabay tawa nang Malakas.

NGAYON....

Nakikita ni Faith ang lahat nang nangyayari.

" Si senior Miguel mas naging nakakatakot ang kanyang anyo... Tila naging isang mabangis na hayop sya. " Sabi ni Faith habang si Miguel ay papalit palit nang anyo.

" Nararamdaman ko ang Hinagpis ng mga Kaluluwa... Bwahahahaahah!!!" Sabi ni Diosca.

" Ramdamin mo ang Luha ng mga Kaluluwa sa Impyerno.. " Sabi ni Sitan at sya naman ay mas lalo pang Lumakas dahil sa Dami nang Itim na kaluluwa ang kanyang sinigop.

" Bakit ikaw Faith. Bakit di ka nilalapitan ng mga Demonyo? " Tanong ni Sitan.

" Ah eh... Di ko alam..." Sabi ni Faith habang paatras nang paatras sya.

" Mahal na reyna.. Hindi natin sya kakampi.. Isa syang Traydor!" Sabi ni Diosca.

" Ano bang pinagsasabi mo diosca.. baka kayo lang ang pinili ng mga demonyo. Hindi ako... " Sabi ni Faith at paatras pa din ito sakanila.

" Alam ko ang lahat nang mga nangyari... Una sa pagpatakas mo sa magkapatid. Ginamit mo ang iyong kapangyarihan ng Ilusyon upang malinlang si Bea at Nica. Sinusundan kita dahil nanaramdaman kung Hindi ka kaisa saamin." Sabi ni Diosca pahakbang papalapit kay Faith habang si Faith ay paatras pa din ito.

" Wag kayong maniwala sa kanya mahal na reyna... Hindi totoo yan!" Sabi ni Faith.

" At ito pa ang mas malupet mahal na reyna.. siya ang nagbabalita sa mga Diwata tungkol sa ating mga Plano.. Nais ko sanang sabihin sayo na Hindi lang si Nica ang marunong bumasa nang Isipan. Tangkain man ni Nica na basahin ang iyong isip. Mabilis mo naman itong matago. Huli kana faith. Hindi kana makakatakas sa Pagkakataong ito." Sabi ni Diosca.

" Kung ganun... Ibigay saakin ang Lapastangan na yan. !" Utos ni sitan.

" Oras na para magbayad ka sa Lapastanganan mo..!" Sabi ni Nica at Hinawakan nya si Faith sa braso at pinaso nya ito nang kanyang Apoy.

Aaaaaahhhhhhh!!!! ttttaaaaammmmaaaahhh nnaaaaaahhhh!!

Sigaw ni Faith habang namimilipit sa sakit.

" Lumuhod ka sa Panginoon natin! " Sabi ni Miguel sabay Suntok sa Tagiliran ni Faith. At napaluhod ito dahil sa Sobrang Sakit.

" Patayin nyo man ako! Hindi parin kayo magtatagumpay.. " Sabi ni Faith at sinabunutan sya ni Diosca.

" Gumalang ka sa Panginoon ng Dilim!" Bulong ni Diosca sabay hawak sa Ulo nya.

Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!

Ang Ulo ko!! Tama na! Sigaw ni Faith.

" Masakit ba? Heto pa!!!" Sabi ni Diosca na mas sumakit pa ang Ulo ni Faith.

" Tama nga kayo.. ang gabay diwata nga ni Haik ang mismong sumanib sa katawan na binuhay ko." Sabi ni Sitan habang tinititigan nya si Faith.

" Anong gagawin natin mahal na reyna..?" Tanong ni Nica.

" Tapusin ang mga Peste!" Sagot ni Sitan.

Sa ngalan ng diwatang si Haik. Isinusumpa ko kayong mga demonyo na di kayo makakabalik sa Lupa. Kelan man Hindi na kayo makakagamit ng Ibang katawan.

At sa Sandaling akoy malagutan nang Hininga ang aking Kapangyarihan ay Ipagkaloob mo sa mga Sugo ng Liwanag !

Binigkas ni Faith ang kanyang Huling engkantasyon. Kasabay nito ay lumakas ang Alon at Lumakas ang Ulan.

Sa AYDENDRIL..

" Mahal na reyna Olivia may nangyayari sa Dalampasigan.. Tila mag kakaibang bagyo ang paparating." ulat ni susmihta sakanya.

" Nagsimula na ang Digmaan... Maghanda ka dahil tutungo tayo sa Mundo ng mga Tao..." Sabi ni Olivia.

Sa DALAKET..

" May nangyayari sa Mundo ng mga tao.. Maghanda kayo dahil nagbigay na nang hudyat ang kalikasan. " Sabi ni Ofelia habang sa itaas nang tore nakatingin sila sa Dagat.

" Handa na kami guro. " Sabi ni Alpia. At sabay sabay silang Yumuko kay Ofelia.

Sa OCEANA...

" Umbo... ( Means kapatid ) nagtungo ako sa ibabaw. At Nakita ko ang isang malakas na bagyo sa karagatan. Tila----" Ika pa ni Sierra.

" Tila nagbigay na nang Hudyat Sina Theo.. maghanda kayo. Ipatawag mo si Lina at sabihin mong ihanda ang mga kawal na kataw." Utos ni Rica.

" Masusunod Umbo!" Sagot ni Sierra.

Ramdam na nang tatlong Mundo ang nalalapit na Digmaan.

" Faith, di mo ba nakikita? Panalo na kami. Impossible pa kaming makakabalik sa Impyerno dahil nakabukas na. " Sabi ni Diosca.

" Ang daming satsat nang babaeng yan. Tapusin nyo na.!!" Sigaw ni Sitan.

At Binuklat ni Nica ang Libro ni Jenna.

Libro ng kadiliman, ibigay saakin ang Sandata na papatay sa babaeng ito.

At biglang nagbago nang anyo ang Libro at naging Isang Maliit na Punyal.

" Handa kana bang mamatay Sissy?" Ngiting Sabi ni Nica.

" Handa nako... Matagal na akong Patay nakalimutan mo ba?" Natatawang Sabi ni Faith.

" May attitude problem ata ang babaeng ito. Mamatay na nga. Tumatawa pa!" Sabi ni Diosca.

Di na nagsayang nang Oras si Nica agad nyang ginilitan sa Leeg si Faith at naging dahilan ito upang Bumalwak ang masaganang dugo sa Leeg nya.

Patawad diwatang magwayen...!!

Huling nasabi ni Faith bago sya nalagutan ng hininga.

Sabay bagsak sa Sahig.

Samantala Kitang kita ng mga tagalipon ang mga nangyari sa Kuta ni Sitan.

" Hindi ito maari..ang Dami nang nadadamay!" Sabi ni Theo.

" Sumpain ka ni Bathala... Lapastangan ka sitan!" Sabi ni Jenna.

" Sandali may masama akong pangitain.." Sabi ni Katalina.

" Mom ayus lang kayo?" Sabi ni Kathleya habang nagtitimpla nang kape.

" Napakagulo.. may mapapaslang na diwata!!" Takot na Sabi ni Katalina.

" Nakikita mo ba kung sino?" Tanong ni Tyler.

" Hindi..Mali Hindi diwata.. Ang gulo di ko.." Sabi ni Katalina nang biglang damating si Bulan at Haliya.

" Itigil mo yan Katalina. " Saway ni Haliya.

" Bakit po?" Tanong ni Katalina.

" Hindi na balanse ang mga Elemento. Marahil ang nakikita mo ay Hindi totoo.." Sabi ni Bulan.

" May Fake news na din sa Pangitain ni Ate Kat ?" Sabi ni Jake.

" Teka Kathleya.. Diba Baby kapa?" Tanong ni Tyler.

" Oo tito bakit??" Sagot ni Kathleya.

" Babalik lang sa pagiging Sanggol si Kathleya sa Tamang panahon. Sa ngayon Kelangan nyo munang mag plano. Nakausap ko na ang tatlong Kaharian sa Tubig, sa Lupa at Apoy. " Sabi ni Bulan.

" Good luck sa atin.." Sabi ni Charlie.

" Handa na kami since birth pa mahal na diwata !" Sabi ni Jenna.

Habang si Jessel Mae naman ay may natuklasan.

" Maraming Salamat nga po ulit sa pag tulong nyo saaming dalawa nag kapatid ko." Sabi ni Jessel Mae sabay sigop nang mainit na sabaw sa mangkok.

" walang anuman iha. May nabasa ako sa Sinaunang Kasasayan.. bago paman nagkaroon ng Libro ni Jenna at sayo. Sinasabing ang Libro na hawak mo at kay Jenna ay Iisa. Dahil na rin sa takot ang mga sinaunang Manggagaway Inihati nila ito sa Dalawa upang di magamit ng mga masasamang Loob. " Salaysay ng Matanda.

" Mang Gaspar ikinuwento nyo po yan saakin.. " Sabi ni Jessel Mae.

" Talaga ba..? Sensya na iha tumatanda na talaga ako.. " Sabi ni Mang Gaspar.

" Maiba po tayo.. papano po ba maibabalik sa Impyerno si Sitan... ? May alam ba kayong Spells or kung Ano man ?" Tanong ni Jessel Mae.

" Wala pero ayun sa mga sinaunang Manggagaway. Para mapabalik mo ang isang demonyo sa Impyerno ay Kelangan mong... " Naputol ang sasabihin ni Mang Gaspar nang Biglang Lumindol.

"Dumapa kayo mga bata.." Sabi ni Jessel Mae.

" Upang mapaalis at pabalik mo ang Demonyo sa Impyerno. Kelangan mong magtango nang Sementeryo alas 12 nang Hating Gabi. At doon Kelangan mung Hukayin ang Libingan ng Patay na sanggol at hilingin mo sa sanggol na Ilabas ang kanyang dila. " Salaysay ni Mang Gaspar habang patuloy padin ang mag lindol.

" Putulin mo ang dila nang Sanggol gamit ang iyong ngipin. Pagkatapos nyan wag mo munang Lunukin. Pagmasalamat ka muna upang bigyan ka nang proteksyon. Kelangan mong Magmadaling Lumabas ng Sementeryo upang di ka makita ng mga Anghel ng kamatayan. Syempre ibabalik mo sa pagkakabaon ang sanggol." Sabi ni Mang Gaspar.

" Pagkatapos po..." Naguguluhan man si Jessel Mae pero mukhang nakukuha naman nya ang nais ipahiwatig ni Mang Gaspar sakanya.

" Pagkatapos nang nasa Labas kana nang Sementeryo Lunukin mo ang Dila.." Sabi ni Mang Gaspar.

" Mang Gaspar... Mukhang Naririnig nila tayo." Sabi ni Jessel Mae.

" Oo nasa paligid lang sila. Ang swerte mo dahil di mo na gagawin yun. Dahil may iba pang paraan. " Sabi ni Mang Gaspar habang mas lumalakas pa ang Lindol.

" Mag dasal kayo Nonoy!" Utos ni Jessel Mae.

" Kelangan nyong ipag Isa ulit ang Libro... Nasa Libro ang susi upang maibalik sa Impyerno si Sitan at upang maisara ang Lagusan ng Impyerno." Sabi ni Mang Gaspar.

TO BE CONTINUE..

下一章