"A thousand Years"
Sa pagpapatuloy nang ating kwento...
Dinala nila sila si Marife sa Ospital.
Habang nag -aantay sina Zina at Justin. Nag usap ang dalawa tungkol sa kondisyon ni Marife.
"Kilala ko si Mark, kahit gaano pa kasama ang nangyari sakanya. Katulad nalang nang nangyari sakanya noon sakanyang ama-amahan. Ni konting kusing, Hindi inisip ni Mark na mag higante." Sabi ni Zina. At ilang sandali pa ay dumating si Mrs. Castro.
"Ang anak ko, kamusta sya?" Tanong nang ginang sa dalawa.
"Ma'am nasa loob pa nang ER si Mark, antayin nalang nating lumabas ang doctor." Sabi ni Justin.
"Dyosko po! Bakit ba Kasi ito nangyayari sa aking anak." Wika ni Mrs. Castro.
Sa loob nang ER,
"Doc, Hindi na kinaya nang pasyente.." wika nang nurse.
Tumingin naman ang doctor sa kanyang wrist watch.
"Time of death, 2:34 am" mahinang Sabi nang doctor.
Habang sa labas ay balisa padin sina Zina, Justin at Mrs. Castro.
"Ma'am huminahon po kayo. Ikaw din Zee." Utos ni Justin sa dalawa.
Ilang sandali pa ay lumabas ang doctor na tumingin at sumaklolo kina Marife at Arke.
"Doc? Kamusta sila?" Tanong ni Zina.
"Kamusta si Mark?" Tanong ni Justin.
"Pumanaw na ang patienteng lalaki, pero ang babae ay nasa state of coma sya. Nakikita ko namang lumalaban si Miss Castro. Pero I am sorry for Arke." Sabi nang doctor. Nawalan nang Malay si Zina nang marinig nyang namatay na ang kanyang kapatid. Mabuti nalang at nasalo ito nang ginang.
"Zina, gising!" Umiiyak na wika nang ginang.
"Doctor Reyes salamat po " wika ni Justin.
Samantala habang nasa comatose state si Mark, napapad sya sa isang lugar na Hindi pamilyar sakanya. At mula sa malayo, nakita nya ang isang pamilyar na nilalang ang nakaupo.
Ngumiti si Marife nang mamukhaan nya ang babaeng nakaupo.
"Marife? Ikaw nga? Susunduin mo na ba ako?" Tanong nya. Niyakap sya nang babae at Nagsalita.
"Hindi mo pa oras, bumalik ka alagaan mo si papa para saakin. I mean alagaan mo ang tatay natin." Sabi ni Marife.
"Pero, napapagod nako." Lungkot nyang wika.
"Mark, may mga tao pang nag-aantay Sayo, Ang mama mo, Si Zina na mas kelangan nya nang kapatid na katulad mo. " Wika ni Marife. At mula sa kanyang likuran ay lumabas naman si Arke.
"Mark, Ikaw na ang bahala kay Zina. At patawarin mo ako." Wika ni Arke.
"Arke!" Umiiyak na sabi ni Mark.
"Higit sa lahat Mark, inaantay ka nang kapatid ko. Mahal na Mahal ka nya." Sabi ni Marife.
"Si Justin." Sambit nya.
"Kaya, gumising kana." Huling katagan na narinig ni Mark at nagising itong hawak ni Justin ang kanyang kamay at kinakausap sya nang lalaki.
Pati si Zina ay nagbabantay din. At nakatulog ito sa kanyang kanang kamay.
"Jus~ tin, Z~ee!" Mahinang tawag nya sa dalawa.
Unang nagising si Justin at masaya itong nakita sya.
"Bes, finally you're awake na." Sabi ni Zina.
"Anong gusto mong kainin? Bibili ako. Tatawagan ko si Mama sandali. " Sabi ni Justin.
"Kahit ano, pero alam ko namang lugaw lang pwde kung kainin. Hindi tayo katulad sa teleserye." Biro ko sakanila.
"Si Bes nga ito, walang Duda!" Sabi ni Zina.
"Sige bibili lang ako. Dyan ka lang. At tatawagin ko din ang mga doctor. " Masayang Sabi ni Justin.
"Mahal, isang doctor lang wag mga doctor. Biro lang!" Biro ko ulit.
"Pasensya na Masaya lang ako." Wika ni Justin at nagmamadali itong lumabas.
"Bes, ang tagal mong nag beauty sleep. Grabe na yung ka freshness mo." Sabi ni Zina.
"Bes, ilang araw ba akong sleeping beauty?" Tanong ko sakanya.
"Hindi araw bes, buwan. Nasa mga 3 months kanang nasa coma. Mabuti nalang ipinaglaban ka namin. Pati na din ang papa ni Marife." Sabi ni Zina saakin.
Dumating na din ang doctor na susuri saakin kung fresh paba ako. Joke, kung okay na ba talaga ako.
"This is Miracle, The patient is recovered. I am so proud of you Miss Castro." Sabi nang doctor.
Bumukas naman ang pintuan at dito iniluwa nang pintuan sina Mama at ang ama ni Marife.
"Mama ? Papa ?" Gulat kung wika.
"Anak ko, salamat sa dyos at buhay ka. Hindi ako tumigil sa kakadasal sakanya na ibalik ka saamin nang tiyo mo." Sabi ni Mrs. Castro.
"Tiyo?" Gulat kung sambit.
"Oo, kapatid ko ang mama mo. Sya ang nakakabatang kapatid namin. At si Marife, ay pinsan mo. Pero Mark, Este Marife. Masaya si papa na okay kana." Sabi ni Mr. Castro. At niyakap nya ako.
"Papano si Justin? Magpinsan kami?" Wika ko.
"Hindi ko anak si Justin. Diba anak?" Sambit ni Mr. Castro.
"Totoo yun Mark, adopted ako. Pero Hindi nila pinaramdam saakin ni Marife na adopted ako. Kaya pwde pa din tayong maging Tayo." Sabi ni Justin.
"Teka Teka sandali, mamaya na nga yan. Mabuti pa, since fully recovered na ang bessie ko. Magpapa-party Tayo. " Sabi ni Zina.
"Magandang Idea yan, Zee " Sabi ni mama Kay Zina.
"Sang-ayon ako Dyan." Dagdag Naman ni papa.
Pagkalipas nang ilang buwan pagkatapos nang party at paglabas ko sa Ospital syempre.
"Saan kaba kasi?" Sabi ko habang inaantay ko si Justin habang si Zina naman ay aligaga, palinga-linga sa paligid.
"Bes, may Utang kaba? Bat parang balisa ka. May tinataguan kabang tao?" Tanong ko.
"Hindi no, walang signal." Sabi nya at sabay tingin sa kanyang cellphone.
"Ikaw naman lalaki ka, saan ka naba? Bat ang ingay nang background mo. " Sabi ko habang kausap ko si Justin sa cellphone.
"Nasa likud mo!" Sabi nang boses sa likod nang lingunin ko ito nakita kung nakatayo si Justin naka lab coat pa ito halatang kakalabas lang Mula sa kanyang clinic. At lumuhod ito saaking harapan sabay dukot sa kanyang bulsa nang isang maliit na Kahon.
"Hoiii anong ginagawa mo, nakakahiya." Pabebe kung boses. Habang si Zina ay kinukunan kami nang video.
Mula naman sa Escalator, sabay sabay itinaas nang mga tao ang isang black board na may mga letra na kapag ipinagtagpi mo.
"Will you marry me?" Si mama at papa ang may hawak nang M. at E.
"Ayiiieeee, Yes na yan." Sigaw ni Zina.
Napaluha ako at Tumango ako sa tanong ni Justin.
"Oo, ofkors aarte paba ako?" Umiiyak na sabi ko.
Pagkatapos kung banggitin iyon, biglang tumugtog ang theme song namin ni Justin na, A thousand Years by Cristina Perri.
Dahil dyan ay umiiyak pa ako nang husto at niyakap ako ni Justin sabay halik saaking noo.
Never nya akong hinalikan sa lips, at dahil ang gusto nya kapag nakasal na kami doon na namin gagawin ang ganyang bagay.
Nag sipalakpakan naman ang mga taong nakakita saamin. At nakakaloka, trending kami ni Justin.
"Love wins, Ang pag-ibig ay Hindi namimili nang kasarian at estado sa buhay." Yan ang trending sa earth.
And now, may anak na kami ni Justin. At pinangalanan naming Marie Fe. Sa mga nagtatanong kung papano? Syempre nag hanap kami nang surrogate mother.
At ito ang ang kwento ko. Ako po si Mark o maskilala sa tawag na Marife Castro ang mag iiwan sainyo nang katagang." Ang buhay ay Hindi telenovela, Tayo ang gumagawa nang ending. Nasasayo na yun kung gagawin mong happy o hindi."
************** The End ****************