webnovel

Chapter 12

RILEY POV

Nandito ako sa banyo ngayon at naka harap sa malaking salamin hindi ko alam bakit nasasaktan ako ng marinig ko yun.

"M-mahal na nga ba talaga kita? Umiiyak na sambit ko.

Napayuko ako at hinahayaan lang na tumulo ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko.

"S-slave ka lang Riley a-ano bang iniiyak iyak mo diyan. Sambit ko sa sarili ko.

Tinigil ko na ang pag iiyak at napagpasyahan kong mag hilamos muna bago lumabas ng banyo. Naglalakad ako pabalik sa kwarto kung saan ko iniwan si Sir. Lucas na lutang at wala sa sarili.

"Riley. Rinig kong sambit ng lalaki sa gilid ko at tinapik ako.

Nilingon ko eto at nakita ko si Sir. Isaac pala ang tumawag at tumapik saken.

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin, ayos ka lang ba? Takang tanong saken neto.

Naka tingala ako sa kanya at wala talaga ako sa wisyo sa mga oras na iyon.

"O-opo a-ayos lang ako. Utal na pag sisinungaling ko dito.

"Sigurado ka ba? Parang namamaga ata yung mata mo, umiyak ka ba? Sunod sunod na tanong neto.

"O-opo ayos lang talaga ako. Pilit na ngiting sagot ko sa kanya.

Hindi ako ok, nasasaktan ako. Yan ang mga gusto kong sabihin sa mga oras na iyon.

"B-balik na po ako sa kwarto sir, excuse me. Paalam ko dito at tinalikuran ko na siya.

Naglalakad na ako patungo sa kwarto pero nagulat ako ng may humawak sa kamay ko.

"Riley kung may problema ka wag kang mahihiyang mag sabi saken. Seryosong sambit neto saken.

"Handa akong tulungan ka. Sunod na sambit neto.

Ngumiti lamang ako at binawi ko ang kamay ko na hawak niya.

"Maraming salamat sir, pero hindi ko po kailangan ng tulong mo. Ngiting sambit ko at tumalikod na ako upang ituloy ang naudlot kong paglalakad.

Alam kong medyo hindi maganda ang sinabi ko pero ayokong magalit ulet saken si Sir. Lucas dahil kina-kausap ko na naman siya.

Kumatok muna ako bago pumasok at nadatnan kong may pinipirmahang papel si Sir. Lucas.

"Salamat Mr. Anderson. Rinig kong sambit ng lalaking matanda kanina.

Hindi sumagot si Sir. Lucas at nilingon ako.

"Next two weeks na ang engagement party niyo kaya dapat lagi na kayong magkasama ng anak ko. Muling sambit ng lalaki.

Nandito lang ako nakatayo sa gilid Sir. Lucas at nakikinig sa usapan nila. Gusto ko man umiyak pero wala na akong magagawa isang hamak na slave lang naman ako.

"Hindi na kailangan. Malamig na sagot naman ni Sir. Lucas.

"Tapos na din naman ang dapat pag usapan kaya mauuna na ako, excuse me. Malamig na sambit niya at tumalikod na eto at naglakad.

Yumuko ako ng bahagya bilang pag bigay galang din sa kanila.

"Excuse me din po. Sambit ko at sinundan si Sir. Lucas.

Nakalabas na kame ng kwarto at nauuna siyang naglalakad saken samantalang naka sunod lamang ako sa kanya.

"Lucas. Rinig kong tawag ni Sir. Isaac kaya inangat ko ang ulo ko at nakita kong pasalubong eto sa amin.

"Ayos na ba? Tanong ni Sir. Isaac kay Sir. Lucas.

"Yeah. Maiksing sagot naman ni Sir. Lucas.

"Nice. Ngiting sambit ni Sir. Isaac.

Lumingon eto saken at umiwas naman ako ng tingin dahil naiilang ako sa mga tingin niya.

"Lucas may favor ako. Rinig kong sambit ni Sir. Isaac at ng lingunin ko eto ay nakatingin pa rin siya saken.

"Ano yun? Malamig na tanong ni Sir. Lucas

"Pwede ko bang hiramin ang slave mo ibabalik ko din kinabukasan. Sambit neto at binalik ang tingin kay Lucas.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong balak niya at kailangan pa ako hiramin?

"No. Maiksing sagot ni Sir. Lucas.

"Lucas isang gabi lang ibabalik ko din bukas ng umaga. Pag pupumilit ni Sir. Isaac.

"Pag sinabi kong hindi, hindi! Malamig na sambit ni Sir. Lucas. Naglakad na eto at nilagpasan si Sir. Isaac.

"Isang gabi lang may kailangan akong asikasuhin at kailangan ko ng kasama. Sambit ni Sir. Isaac sa naglalakad na si Sir. Lucas.

"No. Ayokong pinapahiram ang dapat aken lang. Malamig na sambit neto bago eto tuluyang naglakad palayo samen.

"Tsk. Rinig kong sambit ni Sir. Isaac.

Nilingon niya ako at nag salita eto.

"Ang damot ng boss mo ah. Ani ni Sir. Isaac.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatayo lang sa harap niya.

"Slave! Rinig kong sigaw ni Sir. Lucas.

Tumingin ako kay Sir. Isaac upang mag paalam.

"Excuse me sir. Ani ko dito at nagmamadaling tumakbo upang habulin si Sir. Lucas.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Sir. Isaac at kailangan pa niya ako hiramin.

下一章