webnovel

My Abiding Love (Filipino Version)

历史言情
連載 · 2.1K 流覽
  • 1 章
    內容
  • 評分
  • N/A
    鼎力相助
摘要

Opposites Attract. Lt.Col. Liam Anderson Barnes is an Australian-American Soldier. Favored with many. Playful and easy going, he's good at almost everything. Probably the reason why he gets bored easily. His favorite past time? Playing with girls feelings. For him, girls are very easy. Maybe because he's young and good looking. One mistake led him to the little and the farthest town in the province of Quezon. But instead of being sad about it, he calls himself fortunate. But that's until he gets bored with everything again. He came across Salome Saldivar. A feisty woman. Daughter of a wealthy man. Owner of a bookshop. Just when he thought he found another past time, he didn't know he'd met his match. And he's been looking for that girl. The girl that will change his life forever.

Chapter 1[1]

Pasibol pa lamang ang araw ay nakagayak na si Mirasol para umuwi. Mamayang alas siete ay babyahe sila ng kanyang amo para bumalik sa San Francisco. Marami pa siyang gagawin pagka rating doon.

Siyam na maaaring abutin pa ng sampung oras ang kanilang magiging byahe.

Lumabas siya sa inookupang silid tuwing nandito siya sa bahay ng mga Saldivar sa Maynila.

Nagpasya siyang katokin na ang among babae upang makapag handa na ito. Nagpapagising kasi ito sa kanya ng maaga.

Gaya ng inaasahan niya sa babae, hindi ito mabilis magising. Ang alam kasi niya'y puyat ito mula sa paglabas kagabi.

Makikipag kita raw sa mga kaibigan dito.

"Ang aga naman,Sol! Anong oras pa lamang ah!" reklamo ni Salome na halos nakapikit pa.

"Alas singko na, Binibini." aniya.

"Hindi ba ang sabi mo sa akin noong isang araw ay gisingin kita ng maaga ngayon sapagkat babyahe tayo ng maaga?"

"Ah...iyon..." wala sa sariling sabi ni Salome.

"Bumalik ka na lamang muli sa iyong pagtulog sapagkat bukas na lamang tayo aalis. May kailangan pa akong puntahan ngayong araw."

Nagtataka man ay hindi na nagawa pa ni Mirasol na makapag tanong sapagkat mabilis na naisara ni Salome ang pintuan. Mukhang babalik ito sa pagtulog.

Dismayadong bumalik si Mirasol sa kanyang silid. Nasasabik na pa naman siyang umuwi sapagkat bukas ang kaarawan ng kanyang tiyuhin.

Dahil likas na maagang nagsisimula ang araw ni Sol ay hindi na siya bumalik pa sa pagtulog. Muli siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo na lamang siya sa kusina.

Doon ay nadatnan niyang nagluluto ng pang almusal ang matandang kusinera ng mga Saldivar dito sa Maynila.

Tinulungan na lamang niya  ito sa pagluluto at ng matapos ay nagpasyang magdilig ng mga halaman sa labas.

Alas onse na ng umaga ng lumabas ng silid si Salome. Handa na para umalis.

Nagbago ba ang isip niya? Akala niya ba'y hindi sila matutuloy pag-uwi? Magtatanong na sana siya nang maalalang may lalakarin nga pala ito.

"Samahan mo 'ko, Sol. May pupuntahan tayo."mabilis na sabi ni Salome. Sinundan niya ito papunta sa labas.

"Bilisan mo!"

"Ngayon na ba agad? Hindi ka pa kumakain ah!"

"Ayos lang iyon. Kakain ako sa pupuntahan natin."

"Sige, magpapalit lang ako!"

"Huwag na! Tama na iyan. Nagmamadali na ako!"

Agad silang sumakay sa kotse ng mga Saldivar. Hindi niya alam kung saan sila pupunta ngunit naisip niyang baka may kinalaman ito sa negosyo.

Dumating sila sa isang restawrant na hindi pamilyar kay Mirasol.

Nag-aalinlangan pa siyang bumaba noong una sapagkat hindi naman siya sinasama sa ganitong lugar ni Salome.

"Bilis na,Sol! Napaka bagal naman!" naiinis na wika ni Salome.

Agad lumabas ng sasakyan si Mirasol at sumunod kay Salome papasok. Namamangha sa nakikita. Unang beses niyang nakapunta sa ganoong kainan.

Nakaramdam din naman siya ng ilang sapagkat maraming mga sundalo sa loob at masasabi mong may kamahalan ang lugar.

"Bakit tayo nandito,Binibini? May kakausapin ba tayo? Tungkol ba sa iyong negosyo?" tanong niya ng makaupo.

"Hindi. May hinihintay lamang ako. Ang sabi sa akin kagabi ng kaibigan ko ay dito kumakain ng tanghalian ang sundalong iyon. Palagi daw iyon dito kaya malamang, nandito rin siya ngayong araw."

Naghalungkat sa kanyang lalagyan si Salome at naglabas ng salapi.

"Lumakad ka na doon, Sol. Bumili ka ng makakain natin. Kahit ano na. Bilisan mo ah!"

Nag-aalinlangan siyang tumingin sa kababata.

"Bakit?"nalilitong tanong ni Salome.

"Hindi ako marunong dito, Binibini. At nahihiya ako."mahina niyang sagot.

"Ano ka ba naman! Alangan namang ako pa ang lumakad at mag-asikaso ng pagkain natin. Hindi ba't trabaho mo iyan?" inis na wika ni Salome.

Nag-aalinlangan ma'y sinunod na lamang ni Mirasol ang sinabi ni Salome. Umalis siya't bumili ng kanilang makakain.

Agad rin naman siyang nakabalik sa lamesa nila sapagkat tinulungan siya ng isang babae upang mapabilis ang usad ng pila.

"Sol..."pabulong na nagsalita si Salome. Hindi pinapansin ang mga pagkain na kasalukuyan niyang inaayos sa kanilang lamesa.

"...nandito na siya. Napaka kisig talagang binata!" natutuwang wika niya pa.

"Kumain kana muna, Binibini. Tanghali na ngunit hindi ka pa nakakapag agahan." sa halip ay sagot ni Mirasol.

"Mamaya na iyan! May mahalaga akong sinasabi rito oh!" nakaismid na sabi ni Salome.

"Ituturo ko siya sayo ngunit huwag kang magpahalata." mahinang sabi niya pa.

"Sa grupong nasa may likuran mo...sa labas...iyong walang suot na saklob sa ulo." matapos ay yumuko si Salome sapagkat napansin niyang napapatingin sa kanya ang ibang nasa labas.

"Iyon ang lalaking napupusuan ko."

Ngunit nang tingnan ni Mirasol ang bandang likuran niya ay may suot nang saklob ang sundalong tinutukoy ni Salome. Ibang lalaki na ang nagtanggal ng saklob, kaibigan maaari ng lalaking tinutukoy ni Salome. Sa halip, ang lalaking walang saklob kanina, na talagang tinutukoy ni Salome ay napatingin na rin sa gawi nila sapagkat kanina pa neto nararamdaman na may nagmamasid sa kanya. Bilang isang sundalo'y malakas ang pakiramdam niya sa mga ganoong bagay.

Nagtama ang paningin nilang dalawa.

Kinabahan sa titig ng lalaki, agad nagbitiw ng tingin si Mirasol. Ngunit pinili nalang niyang isawalang bahala iyon.

"Ano iyon?" mahinang naisawika ni Mirasol.

Tinutukoy ang kabang nararamdaman matapos makatagpo ng tingin ang lalaki. Maaari ay dahil lamang sa hindi siya sanay makakita ng mga amerikanong sundalo.

"Napaka kisig, hindi ba?"nakangiting tanong ni Salome. "Saan ka pa?" Dagdag nito.

"Oo, Binibini."sagot naman niya. Tinutukoy naman ngayon ang lalaking walang suot na saklob.

Matikas rin naman talaga tingnan ngunit mas matikas nga lamang ang sundalong iyon. Sa loob loob niya.

"Gagawin ko talaga ang lahat mapasakin lamang siya!"buong loob na wika naman ni Salome.

Tumango na lamang si Mirasol sapagkat kilala niya ang kababata. Madalas talagang nakukuha nito anoman ang mapusuan.

Sa kabilang banda, lihim namang napapangiti si Lt. Col. Liam Barnes nang makita ang kaba sa mata ng babaeng kasalukuyang kumakain sa kanang bahagi ng kainan. Mukhang nabigla pa ito. Malamang hindi inaasahang mahuhuli niyang panakaw nakaw ito ng tingin.

Mamaya, pagkatapos nilang kumain, lalapitan niya ito sapagkat hindi na siya nito muling sinulyapan pa. Sa halip, ang tingin ng tingin sa kanya ay ang babaeng kasama nito.

Sa dalawang babae, masasabing mas litaw ang ganda ng babaeng panay ang tingin sa kanya. Minsan pa nga'y nginingitian siya nito. Ngunit mas natipuhan niya ang nakatalikod na babae.

Mas gusto niya ang pagiging simple tingnan nito. Morena ang kulay at walang arte ang buhok. Basta lamang naka bagsak sa bewang nito.

Nang matapos kumain ang mga kasama niya, nagpasya siyang magpaiwan muna upang makausap ang dilag kanina ngunit naging mailap ito. Sapagkat nang matapos kumain ay agad itong lumabas ng kainan. Mabilis tuloy siyang naglakad palabas upang abutan ito ngunit napigilan siya ng babaeng kasama nito.

"Sir,may i talk to you for a minute?" tanong ng babae habang pinapaypay ang abanikong hawak.

Napatingin si Liam sa nilabasang pintuan ng babae kanina at sinubukang hanapin ito ng tingin ngunit hindi niya na ito makita.

Sa halip ay binigyan na lamang niya ng pansin ang kaharap.

"What can I do for you, Miss?" nakangiting tanong niya rito.

***

"Nakakatuwa, Sol! Hindi lamang siya makisig, isa rin siyang napaka bait na lalaki. Magaling makipag-usap at punong-puno ng kaalaman."

Nalilito naman niyang nilingon ito.

"Paano mo naman nasabi iyan, Binibini? Sandali lamang kayong nagkausap kanina hindi ba?"tanong ni Mirasol.

Gabi na ngayon at kasalukuyan niyang tinutulungan si Salome sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin nito bukas.

"Hay ano ka ba naman, Sol!Napaka hina mo talaga!"naiiling na wika nito.

"Malalaman mo naman agad iyon sa tao kung may laman ba talaga siyang kausap o wala." naiinis na wika ni Salome.

"Hindi ka kasi mahilig lumabas at iilan lamang ang mga nakakausap mo. Palibhasa'y takot ka sa mga tao. Puro ka na lamang libro."

Napapailing na naman si Mirasol sa sinabi ng kababata.

"Lumabas ka na at magpapahinga na ako. Kailangan kong matulog ng maaga sapagkat maaga tayong aalis bukas. Gisingin mo ako ng maaga ha!"bilin ni Salome.

Lagi nitong sinasabi na maaga silang aalis ngunit hindi naman natutuloy. Gaya kanina.

Napabuntong hininga na lamang siya.

Nang makabalik sa sariling silid ay nagpahinga na rin si Mirasol.

Alas siete ng umaga ay nasa byahe na pabalik ng San Francisco ang dalawa kasama si Mang Rolly na siyang nagmamaneho ng sasakyan nila.

Mag-a-alas kwatro na ng hapon ng makarating sila sa bahay ng mga Saldivar sa bayan.

"Huwag ka nang tumulong sa pagliligpit,Sol. Hayaan mo na sina Petra maghakot ng mga gamit na dala natin." Tukoy nito sa isa pang kasambahay ng pamilya Saldivar.

"Umuwi ka na muna sa inyo. Diba'y kaarawan ngayon ng tiyuhin mo?"

Tumango siya. Nasisiyahan sa sinabi ni Salome. Mukhang hindi siya aabutin ng dilim sa daan pauwi.

"Basta bukas dapat maaga ka. Ikaw na muli ang tatao sa aklatan. Maliwanag ba?"

Tumango siya at nagpasalamat kay Salome bago umalis. Nagpaalam na rin siya kina Petra at sa katabi nitong si Edna.

Kailangan pa ni Mirasol maglakad ng kulang isang oras papunta sa sitio Isarog para lamang makauwi sa bahay ng kanyang kinikilalang mga magulang.

Sa normal na mga araw ay sa likod ng aklatan umuuwi si Mirasol kapag may trabaho. Ngunit dahil kaarawan ng kanyang tiyuhin ay nagpa alam siya na uuwi muna sa Isarog sa araw na iyon. Mabuti't hindi naman nakalimutan ni Salome.

Halos padilim na nang matanaw ni Mirasol ang kanilang munting bahay. Delikado na kung tutuosin ang maglakad ng ganoong oras lalo pa at babae siya ngunit hindi siya nagpapigil. Nais niyang batiin ang kanyang itinuturing na Ama.

Sa bakuran pa lamang ay sinalubong na siya ng kanyang tiya Belen.

Agad siyang nagmano rito.

"Bakit umuwi ka pa ngayon? Gabi na ah. Paano kung hinarang ka sa daan?"

"Hindi naman po, Tiya."nakangiting wika niya.

"Nasaan po si Tiyo Andoy? Babatiin ko po siya."

"Nasa itaas ang tiyuhin mo. Nagpapahinga. Napagod marahil iyon ngayong araw—Sandali ikukuha muna kita ng pagkain. Pansit habhab na lamang ang narito at sinukmani." Umupo si Mirasol habang nagsasandok naman ng makakain niya ang kanyang tiyahin.

"Dinalaw ang tiyuhin mo dito kanina ng mga kaibigan niya. Nandito nga rin si Kiko. Hinanap ka. Sabi ko'y nasa Maynila ka pa kasama ni Salome.Bilin na lamang niya'y ikumusta ko raw siya sa iyo." Tuloy-tuloy na kwento ng tiyahin na suot ang nakakalokong ngiti.

Inabot nito sa kanya ang pinggan na may pansit at malagkit na kanin na may latik sa ibabaw..

"Magkikita rin naman ho kami panigurado sa susunod na mga araw. Hindi naman kalayuan ang trabaho niya sa bayan." wika ni Mirasol bago tinusok ng kubyertos ang malagkit na kanin.

"Tatawagin ko ang tiyuhin mo. Baka mamaya nakatulog na iyon."

Agad umakyat sa loob ng bahay ang tiyahin niya.

Bagaman pawid lamang ang bahay nina Mirasol ay maayos naman ito at komportableng tirahan. Ang kanilang kusina ay diretsong nakikita mula sa maliit nilang sala. Malinis itong tingnan bagaman lupa lamang ang kanilang sahig. Mula naman sa sala, naroon ang dalawang baitang na kawayang hagdan paakyat sa maliit na terasa kung saan naman naroon ang dalawang kwarto na parehong kurtinang kulay rosas lamang ang nagsisilbing pang sara. Nasa dulong bahagi room ang silid ni Mirasol.

Ang kanilang bakuran naman ay makulay at berdeng-berde sapagkat mahilig magtanim ang mag-asawa.

Manggagawa ng mga dekorasyon na kabibe at iba't-ibang uri ng suso' na nakukuha hindi kalayuan ang pinagkakakitaan ng kaniyang tiyahin. Malapit kasi sila sa dagat at tuwing malaki ang hibas o malayo ang tubig ay nangunguha ang mag-asawa ng mga kailangan para sa pag-gawa ng mga paso o palawit na mga kabibe.

Ang kanyang tiyuhin naman ay pangingisda ang pinagkakaabalahan.

Hindi na nagka anak pa ang mag-asawa sapagkat hindi na muli pang magawang mag buntis ng kanyang tiyahin matapos itong makunan noon. Siya na anak ng kapatid ng kanyang tiyuhin na lamang ang nagsilbing anak nila. Maaga rin kasing nawala ang mga magulang niya.

Mabagal at halatang bagong gising pa na lumabas sa silid ang kanyang tiyuhin na agad napangiti ng makita siya.

Agad siyang yumakap at nagmano rito.

"Maligayang kaarawan ho, Tiyo." Nakangiting sabi niya rito.

Inabot niya ang supot na dala at kinuha mula rito ang isang  kulay abong dyaket.

"Regalo ko po, Tiyo."  Nakangiti niyang sabi.

"Maaari niyo po itong isuot sa laot. Lalo na malamig doon."

"Salamat, Sol!"masayang sagot ng kanyang Tiyo nang kuhanin ang laman ng supot at inamoy ito.

"Amoy Maynila!" Natawa siya. "Ipapanglakad ko ito. Maaari kong isuot kapag magsisimba o may okasyon."bumaling ang lalaki sa esposa.

"Hindi ba, Belen. Mas kikisig akong tingnan dito."

"Kaarawan mo kaya naman hindi na muna kita kokontrahin." biro naman ng asawa.

Nagtawanan ang tatlo.

"Hindi ko ito ipapang laot dahil sayang naman. May mga pinapang laot pa naman ako. Iyon na lamang ang gagamitin ko." sabi pa nito.

Nagkwentuhan sila sandali bago muling nagpahinga. Parehong pagod ang mag-asawa dahil sa pagluluto at pakikipag usap sa ilang mga bisita.

Si Mirasol naman ay pagod dahil sa biyahe.

Kinaumagahan ay bumalik na naman sa bayan si Mirasol upang muling magtrabaho. Isang buong linggo na naman siyang mamamalagi dito bago muling makauwi sa kanila.

Sa bayan, sa isang maliit na silid sa likod ng aklatan namamalagi si Mirasol. Mayroon siyang munting kusina at palikuran doon. Mayroon ding mababaw na balon kung saan naman siya nagsasalok ng tubig.

Malaki ang aklatan na pag-aari ni Salome. Madalas matao rito sapagkat nag-iisa lamang ito sa bayan. Mag-isa lang rin siyang nag-aasikaso nito. Tuwing linggo, kapag umuuwi si Mirasol sa Isarog, ay isinasara nila ang aklatan sapagkat wala namang maaaring humahalili sa kanya rito. Ayaw naman ni Salome magbantay ng aklatan. Mabuti nalang at pumayag si Salome sa pakiusap niya na hayaan siyang makauwi ng Isarog. May katarayan man si Salome, nadadaan naman ito minsan sa maayos na usapan. Magkababata din naman kasi sila. Bagamat taga bayan ito at malayo sa kanila ang Bahay. Mula elementarya hanggang makatapos siya ng hayskol ay magka klase sila. Taga gawa pa siya nito madalas ng mga gawain sa eskwelahan. Nang mag hayskol naman ay namasokan na siya sa mga Saldivar para makapag patuloy sa pag aaral. Hindi na niya nagawa pang mag kolehiyo sapagkat sa Maynila na nag aral si Salome at naiwan siya upang tulongan ang kanyang tiyahin na noon ay na stroke. Mabuti na lamang at gumaling ito at halos di mo na kakakitaan ngayon na kalahati ng katawan nito noon ay paralisado.

Bilang amo ay wala namang naging reklamo si Salome kay Mirasol. Kaya pumayag na rin siya sa hiling nito na kung maaari ay makauwi man lamang sa kanyang mga kamag-anak sa Isarog. Siya na rin ang kusang humiling sa kanyang negosyanteng Ama na pagawan ng bahay-bahayan si Mirasol sa likod ng aklatan. Noong una ay hindi pa aprubado rito ang Ama dahil ang kusina raw ay maaaring maging dahilan ng pagkasunog ng aklatan Ngunit hindi nagtagal ay pumayag na rin ito. Total ay matagal na namang kilala ng mga Saldivar si Mirasol at alam nila na maingat at katiwa-tiwala ito kaya naman pumayag na sila. Tatlong taon na ang negosyong ito ni Salome na nakuha ang ideya mula kay Mirasol.

Sa totoo lamang kasi ay ito ang planong negosyo ni Mirasol noon sapagkat mahilig siya sa mga aklat. Dangan na lamang talaga at wala siyang salapi para maipuhunan dito.

At bilang magkababata at magkaibigan rin naman ang dalawa ay si Salome na may kakayahan ang nag bukas ng aklatan. Kinuha naman niya si Mirasol bilang katiwala. Kasa kasama at katuwang sa kanyang mga gawain.

Samantala, ilang linggo ang nakalipas ay nagkaroon naman ng problema ang sundalong si Lt.Col. Barnes sa Maynila. Dahil na rin sa pagiging mapaglaro ay nakagawa siya ng kasalanan. Kasalanan na magdadala pala sa kanya para muling makasalamuha ang babaeng minsan niyang nakita sa Maynila.

Isang dalaga ang naghahabol sa kanya matapos nitong sabihin na buntis ito at siya umano ang Ama ng batang nasa sinapupunan nito. Alam ni Liam na likas talaga siyang maloko ngunit sigurado siyang wala siyang mabubuntis na babae sapagkat maingat siya. Katuwiran niya; maloko siya ngunit maingat.

Sa istasyon ay tinatawanan siya ng mga kaibigan. Imbes na damayan, nakukuha pa siyang biruin ng mga ito.

Problemado kung paano tatakasan ang babaeng pinipilit siyang panagutan niya nang dumating ang kanilang Lt.Gen. Bitbit ang balitang ilan sa kanila ang ililipat sa mga probinsya sa Katagalugan.

Buong akala ng mga kasamahan niya'y mas lalong malulugmok sa problema si Liam ng marinig ang balita. Sa halip nanabik pa ito at tila nabuhayan ng loob.

"I need to be there. I have to be on that list." sa isip ni Liam.

"This is my chance. I'm not marrying that woman. No one can make me marry that woman." wika ni Liam sa sarili.

Napa yes nalang si Liam ng marinig ang kanyang pangalan. Napatingin sa kanya ang mga kasama.

Lumipas ang mga araw, ilan sa mga kasamahan niya ay dismayado sa naging listahan ng mga sundalong malilipat sa National Capital Region.

Sa kanyang mga kasama, si Liam lamang ang labis na natutuwa sa balita.

Nagtiis pa ng ilang araw si Liam na patago tago sa babaeng naghahabol sa kanya. Ngunit isang gabi bago ang balitang ito, hindi inaasahang maaabutan siya ng babae.

Ngunit katulad ng ibang mga sundalong amerikano na hindi sineseryoso ang mga Pilipina, pinangakuan ni Liam ng pangakong walang laman ang dalaga.

"I'll come back and marry you after my mission."

Hawak ang pangakong basta lamang namang binitiwan ni Liam, naniwala naman ang walang malay na babae. Hindi alam na wala naman talagang plano sa kanya ang sundalong iniibig.

Maagang bumiyahe palabas ng Capital ng bansa ang mga sundalong ipapadala sa iba't ibang parte ng probinsya sa Luzon. Pakiramdam ni Liam ay nakawala na siya sa kanyang problema. Kakalimutan niyang nangyari iyon. Total ay sigurado siyang hindi lamang naman siya ang sundalong gumagawa ng ganoon. Panigurado... may mga kasama siya ritong may ganoon na ring nagawa. Hindi lamang katulad niya, mas magaling magtago ng baho ang mga sundalong kasama.

***

Malungkot si Salome nang makabalik galing sa Maynila. Tinatamad man, naisipan niyang dalawin ang kanyang aklatan. Madalang siyang magpunta doon ngunit ayaw niyang mas lalong maburyong sa kanilang bahay. Lalo pa abala naman sa pagma-majong ang kanyang Ina. Ang kanyang Ama naman ay nasa kanilang azucarera. Ang kanyang dalawang lalaking kapatid, kung hindi kasama ng kanyang Ama, malamang nasa kung saan saan naman ang mga iyon.

Agad siyang pumasok sa aklatan at hinanap ang katiwala. Nais niya ng makakausap.

Dito sa San Francisco, wala naman ibang kaibigan si Salome. Alam kasi niyang hindi naman tapat sa kanya ang mga 'kaibigan' kuno niya rito.

Sa Maynila, naroon ang mga masasabi niyang kaibigan ngunit dahil dito sa probinsya naglalagi ang pamilya niya, hindi niya madalas makasama ang mga iyon. Si Mirasol lamang ang lagi niyang nakakausap dito. Hindi siya maamo madalas sa kaibigan ngunit nakikita niya naman kay Mirasol na hindi siya nito gagawan ng masama kaya naman nagtitiwala siya rito.

"Maupo ka muna rito, Sol. Samahan mo ako dito." Agad napalingon si Mirasol sa nagsalita.

Gulat siyang makita ang kababata. Hindi kasi niya akalaing makakabalik ito kaagad mula sa Maynila. Madalas kasi ay inaabot sila ng isang linggo doon kapag may inaasikaso tungkol sa negosyo. Ngunit dahil sabi ni Salome ay hindi naman tungkol sa negosyo ang gagawin niya sa Maynila ay hindi na kailangan pang sumama ni Mirasol.

Gayon pa man ay hindi pa rin inasahan ni Mirasol na babalik agad si Salome. Kahit papano kasi ay inisip niyang aabutin man lamang ito ng ilang araw doon ngunit nagkamali siya.

"Akala ko'y matatagalan ka sa Maynila, bakit bumalik ka kaagad? Noong isang araw ka lamang umalis ah." Hindi makapaniwalang sabi ni Mirasol.

"Ano pang gagawin ko doon? Wala na mana doon ang ipinunta ko?" inis na sagot ni Salome.

"Bakit? Ano bang pakay mo doon?"

"Wala na iyong sundalo na sinasabi ko sayo dati. Nadestino na raw sa ibang lugar." maktol pa nito.

"Saan naman kaya siya nailipat? Si Papa' kasi...bakit ang tagal niya akong payagan na bumalik sa Maynila. Edi sana nagpang abot pa kami, hindi ba? Nakausap ko man lamang sana siya uli bago siya nailipat ng lugar." himutok niya.

"Hayaan mo na, Binibini. Baka hindi lang talaga kayo naka laan para sa isa't-isa ng Ginoong iyon."

Inis na tinapunan ng tingin ni Salome ang kababata.

"Hay naku,Mirasol! Kaya wala kang nararating ay dahil jan sa ganyan mong ugali. Anong hayaan? Kapag gusto, gagawan mo ng paraan! Hindi iyong basta basta mo nalang hinahayaan. Kaya ka nilalampasan ng pagkaka taon dahil ganyan ang pananaw mo!"

Hindi na lamang pinansin pa ni Mirasol ang sinabi ng kaharap. Sa tagal nilang magkasama, nasanay na siyang matalim talaga magsalita ang kababata.

"Sinabi ko lang naman iyon para gumaan ang loob mo."

Umirap si Salome.

"Gusto ko siyang muling makita. Iyon ang makakapag pagaan sa loob ko."

Sumandal ito sa upuan. Bumaling siya sa mga aklat sa paligid.

"Kumusta naman ang aklatan? Marami bang nabenta?"

Ipinakita ni Mirasol ang kanyang listahan ng imbentaryo sa kaharap. Agad naman itong tinanggap ni Salome. Muling umalis si Mirasol para mag-ayos ng mga nagulong aklat ngunit agad ring bumalik sa kanyang lamesa sapagkat nakita niyang naghahanda nang umalis ang kasama.

"Uuwi kana ba agad? Anong masasabi mo sa kita? Ayos naman, hindi ba?"

"Pwede na iyan."dinampot niya ang baong abaniko.

"Aalis na ako. Dadaan nalang muna ako sa plaza. Nababagot na ako dito!"

Pinanood ni Mirasol na lumabas ng aklatan si Salome. Sinalubong ito ni Manong Rolly upang pagbuksan ng pintuan ng awto.

Napapailing na lamang siya. Ang bilis talaga mainip ng kababata.

Dati ay alas kwatro isinasara ni Mirasol ang aklatan. Ngunit dahil napansin niyang marami pa ring tao kahit alas singko ay nagpasya siyang hayaan pang bukas ang aklatan ng isa pang oras. Hanggang sa nasanay na ang mga tao.

Tumayo siya para muling ilagay sa ayos ang salansan ng mga libro. Kapag talaga mga kabataan ang dumarayo sa aklatan, madalas hindi nila ibinabalik ang mga libro ng maayos.

***

"Come on! Let's head back. Where are you going?"

pangungulit kay Liam ng kanyang kaibigang si Andrew. Nakasunod ito sa kanya na dire-diretsong naglalakad.

"Just go home, Drew."huminto siya sa paglalakad at hinarap ang kaibigan.

"I'm looking for something."

"What?"

"Don't mind me. Just go home and stop bugging me." Nagpatuloy si Liam sa paglalakad. Ganoon rin ang ginawa ng kaibigan.

Huminto si Liam at nagpasyang magtanong na lamang sa matandang nakasalubong.

"Excuse me. Do you know where the library is?"

Ngunit dahil ang matandang napagtanungan ay hindi nakakaintindi ng ingles ay hindi siya nito masagot. Hindi malaman ng matanda kung paano sasagot sa kaharap na sundalo. Samantala, napabuntong hininga na lamang si Andrew sa narinig. Kung kanina pa sana nagsabi ang kaibigan, hindi na sana sila nagpalakad lakad pa dito sa sentro ng matagal.

"Pasensya na po sa kasama ko. Makakaalis na po kayo." wika ni Andrew sa matanda na mabilis namang umalis at tila nakahinga ng maluwag.

Dati pang alam ni Liam na mahusay nang magsalita ng tagalog ang kaibigan kaya hindi na siya nagulat pang marinig ito.

"I know where the library is." wika ni Andrew sa kaibigan.

"You knew?" hindi makapaniwalang tanong ni Liam.

"And you didn't tell me?"

"Is it my fault?" inis na tanong naman ni Andrew sa kanya.

"You didn't even tell me"

"Never mind, let's just go!" Naiinis ring sagot ni Liam.

"You know...you should atleast learn their language, Liam. It's been 3 years. You've been here in the Philippines for that long and still..."naiiling na sabi ni Andrew sa kaibigan.

"...so you could converse to them without struggles." dagdag niya pa.

Ngunit para lamang walang lamang' salita ang dumadating kay Liam.

Hindi naman kalayuan sa plaza ng bayan, sa may unahan ng simbahang Katoliko, makikita ang hindi kalakihang aklatan.

Mula sa labas, makikitang walang tao sa loob ngunit dahil naka paskil naman sa labas ang oras kung kailan ito nagbubukas at nagsasara ay tumuloy pa rin papasok si Liam. Kasunod niya ang kaibigan na halatang tamad sa ginagawa.

"Looks like there's no one here."

wika ni Andrew ngunit hindi siya pinansin ni Liam na desididong humanap ng mapapaglibangan. Hindi siya mahilig magbasa ngunit maaari na niya itong mapaglibangan. Nais niya ring bumili ng masusulatan pagkat naisip niyang gumawa ng journal. Ganoon siya kabagot.

Nais niya sanang madestino sa isang mas malaking bayan ngunit wala na siyang magagawa kung dito siya inilipat. Mas pipiliin niya na lamang dito kaysa sa Maynila na may naghahabol sa kanya. Isa pa, nangangamba siyang hindi lang isang babae ang lumitaw at pikotin siya.

"I'll be outside. Go look for your book." wika ni Andrew.

"And please hurry up! I'm hungry!" Dagdag pa nito.

Naiiling na lamang si Liam na lumapit sa estante. Bakit kasi hindi na maunang umuwi. Pinapagmadali siya, hindi niya naman pinilit na samahan siya.

Isa-isang binasa ni Liam ang mga pamagat ng mga libro. Nais niya sanang tagalog ang bilhin upang mas matuto siya ngunit nahihirapan siyang mamili.

Tatawagin sana niya ang kasama ngunit nakita niyang nasa labas na ito at tila ba inip na inip.

Ilang minuto pa ay nalibang na siya sa paghahanap nang magawi ang tingin niya sa babaeng nakatalikod. Nahihirapan itong magsauli ng libro. Imbes na tulungan ay nawili pa siyang panoorin ang paulit- ulit na pagsubok nito na ibalik sa lalagyan ang aklat na hawak. Nang hindi makaya ay umalis ang babae. Sinundan niya ito ng tingin. Nakita niyang binuhat nito ang isang upuan hindi kalayuan sa kanila. Ginawa niya itong patungan. Nang akala niya ay maayos na nitong mailalagay ang mga aklat ay huli na para tulungan pa  ang babae. Nakarinig na lamang siya ng kalabog.

Agad siyang lumapit upang tulungang makatayo ang babae. Walang sabi sabi niya itong hinawakan sa baywang at braso upang maitayo ng maayos ngunit nagulat na lamang siya ng harapin siya ng babae at mabilis pa sa alas kwatro siya nitong nasampal. Napaawang ang kanyang labi at hindi makapaniwala habang nakahawak sa pisngi nasampal.

Unang beses na nangyari iyon sa kanya.

你也許也喜歡

Enchantress Amongst All Alchemist Ghost Kings Wife (Tagalog)

Paglalarawan Si Mu Ru Yue, ay isang kahalili sa kanyang nakapagpapagaling aristokratikong pamilya sa Hua Xia. Matapos pinatay ng kanyang kalaban, muling nabuhay siya sa katawan ng isang kamakailan lamang na namatay na walang kabuluhan na Miss sa Mu Family ng Martial God Continent, na binugbog hanggang sa kamatayan. Sa silid ng trono, nakangiting tumanggap siya ng paunawa sa kasal upang magkaroon ng pagbabago sa pag-aasawa upang ikasal ang isang kamangmangan na Ghost King mula sa Kaharian ng Zi Yue. Kilalang-kilala na ang Ghost King ay tanga at tanga, na may hitsura ng multo. Ngunit sino ang nakakaalam na siya talaga ang pinaka-dalawang mukha na tao? Nagtawanan ang lahat, na iniisip na ang isang magandang-para-walang-akma ay tugma sa isang tanga, ngunit hindi sa kanilang mga ligaw na pangarap ay itinuring din nila na siya ay isang tunay na henyo sa paggawa. Nang tiningnan ni Mu Ru Yue ang lalaki, na may guwapong hitsura ng Diyos, sinabi niya, na kumakutot sa kanyang mga ngipin, "Ye Wu Chen, nagsinungaling ka sa akin. Paano ka ba tanga? "Nakangisi ang Hari ng Ghost habang mahal niya itong niyakap. "Sa tabi mo, handa akong maging tanga na malaya mong mai-order." Buod ni Miki Ang dating may-ari ng katawan ni Mu Ru Yue ay nalason. Dahil dito, ang kanyang mga meridiano ay naharang, na humadlang sa kanyang paglilinang, na kalaunan ay humantong sa kanya na kilala bilang basurahan. Matapos mabugbog hanggang sa kamatayan, si Mu Ru Yue, na orihinal na naging kahalili sa isang nakapagpapagaling aristokratikong pamilya sa Hua Xia, ay muling nagkatawang-tao sa kanyang bagong katawan. Gusto nilang i-seal ang aking landas? Sasanayin ako upang maabot ang rurok ng mga lupain! Binigyan nila ako ng isang hangal na prinsipe bilang aking asawa? Maaari kong gawin sa kanya. Mas madali para sa akin na makitungo sa kanya, kaysa sa ibang mga kandidato na ibabato sa akin sa hinaharap. Sinisikap kong maging sapat na makapangyarihan na walang sinumang magagalit o papatayin ako.

Gina_Reyes · 历史言情
分數不夠
65 Chs

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · 历史言情
分數不夠
70 Chs
目錄
1