webnovel

Chapter 31

Habang nagpapahinga ang kanilang mga kasama ay matiyaga namang nagmamasid si Mina. Pinapakiramdaman niya ang buong paligid upang masigurong walang makakalapit sa kanilang kinaroroonan.

"Mina, pagkatapos ng sigalot na ito, ano na ang plano mo?" Biglang tanong ni Tandang Ipo, na noo'y kasama niyang nagbabantay.

"Uuwi na ho ako sa aking Ama. Tumatanda na rin siya at nais ko namang makasama ito hanggang sa huli nitong buhay. " Wika ni Mina. Napatahimik naman ang matanda sa tinuran ng dalaga. Batid niya ang laki ng panganib na kanilang kinakaharap at walang kasiguruhan kung makakauwi pa silang lahat.

Napatingin naman sa kalangitan si Tandang Ipo, maliwanag ang buwan noon kaya kitang-kita nila ang mga wakwak na dumaraan sa kanilang kinaroroonan. Hindi naman nila iyon pinansin dahil kailangang makapangpahinga sila para kinabukasan ay magawa nila ng maayos ang kanilang mga tungkulin.

Pagsapit ng bukang-liwayway, matapos silang kumain ng madalian almusal ay nagsimula na sila sa kani-kanilang mga tungkulin.

Ang mga antinggero na sina Obet, Emer at Karyo ang siyang naatasan upang gumawa ng mga dasal na pangbitag sa mga mapapadpad na aswang o kung ano mang nilalang sa kanilang kinaroroonan. Habang ang dalawang ermetanyo naman ay kasama nila Luisa at Amante para palakasin ang vakod ng bawat isa sa kanila.

Matapos maisagawa ng grupo ni Obet ang mga bitag ay agad na silang nagtaas ng kanilang mga podee at bakod.

Samantala, patuloy naman ang pag-ikot ni Gorema at Mina upamg mailibing sa palibot ng paanan ng bundok Siranggaya ang mga buto ng engkanto kasama ang iba pang mga sangkap para sa gagawin nilang orasyon ng paglilinis. Mabilisan lang din ang ginagawa nilang paglilibing upang maiwasan nila ang matunugan sila ng kalaban. .

Halos maghapon ang ginawang paglilibing nila Mina at hapon na nang makabalik sila sa lugar na kanilamg pinagtataguan.

"Natapos niyo ba?" Tanong ni Amante nang lumitaw na sa kanilang harapan sina Gorem at Mina. Halos sabay na bumuway ang mga ito sa pagkakatayo na kamuntikan pa nilang ikatumba sa lupa kung hindi sila naalalayan agad ng kanilamg mga kasama.

"Magpahinga muna kayo. Obet, madali ka, akin na ang inihanda nating langis at mga pagkain kanina." Utos ni Tandang Ipo na agad din sinunod ni Obet.

Dahan-dahang pinainom nila ng tubig ang dalawa bago tinulungan sa kanilang pagkain. Nang makabawi na sila ng lakas ay doon lamang sila muling nakabangon.

"Nagtagumpay kaming ilibing ang lahat mga sangkap. Maari na nating simulan ang ritwal, Tandang Ipo."

"Hindi pa ba tayo papasok muna sa loob?" Tanong ni Amante.

"Hindi, dahil dito sa labas natin gagawin ang ritwal. Pagkatapos nating maiangat ang harang, saka tayo papasok." Wika ni Mina.

Tumango naman si Amante bago nito ibinigay kay Mina ang makulay na bote niya kung saan doon niya inilalagay ang mga insekto niya.

"Salamat, pasensiya ka na kung gagamitin ko ito, ibabalik ko din sila pagkatapos. " Wika ni Mina at binuksan na ang takip ng bote.

Ikinumpas doon ni Mina ang kanyang kamay at dahan-dahang lumabas roon ang mga alagang insekto ni Amante. Nagulat naman si Amante dahil sa iginawi ng kanyang mga alaga. Tila ba nasa isang parada ang mga ito na dahan-dahang umuusad palabas ng bote at papaikot kay Mina.

Nang tuluyan na ngang makalabas ang lahat ng insektong naroroon ay iniabot naman ni Gorem ang isang buto ng engkanto na tila ba hinugot pa ito sa tadyang ng nilalang. Kulay dilaw na may pagkaginto ang butong iyon na hindi naman nila mawari kung bakit nagkaganoon ito.

Inilapat ni Mina sa lupa ang butong iyon at sinilaban iyon gamit ang apoy ni Luisa. Pumaikot naman kay Mina ang dalawang ermetanyo at ang tatlong antinggero na nooy inilalabas na ang mga tangan nilang mutya. Sabay-sabay na nag-uusal ang mga ito habang si Miguel naman ay nagdarasal ng latin. Mula sa taas ng ulo ni Miguel ay lumitaw doon ang isang puting balahibo na maihahalintulad mo sa kalapati at lumutang iyon papalapit kay Mina.

Nang makompleto na ang lahat ng kailangan ni Mina ay doon na siya nagsimulang sumayaw paikot sa apoy. Bawat kumpas ng kanyang mga kamay at bawat hakbang ng kanyang mga paa ay tila ba nagdadala iyon ng kakaibang pakiramdam sa mga nakakakita sa kanya.

Kasabay ng bawat paggalaw ng katawan ni Mina sa apoy ang pagbigkas naman niya ng mga buhay na salita habang isinasabay sa mga usal ng dalawang ermetanyo.

Unti-unti nang lumulubog ang araw at kitang-kita nila ang malakristal na harang na dahan-dahang umaangat mula sa lupa.

Kapansin pansin din ang tila hamog naa kasabay na umaangat rito. Maigi lang silang nagmamasid sa paligid at nakatanaw sa bundok. Dito nila nasipat ang mga nilalang na tila ba hindi malaman kung saan paroroon. Umiikot-ikot lang ang mga ito na tila ba hindi alam ng mga ito kung saan ang daan palabas.

Nang matapos na ang usal ni Mina ay doon lamang siya nagmulat ng kanyang mga mata. Napangiti naman siya nang makita ang resulta ng kanilang paghihirap.

"Buong gabing, pagtitibayin ng mga diwata ang harang na iyan. Bukas, papasok na tayo at tutunguin natin ang pugad ni Sitan." Wika pa ni Mina at muli na silang nagpahinga.

"Mina, maari bang magtanong?" Bungad na wika sa kanya ni Miguel. Kasalukuyan na silang nakaupo noon sa damuhan habang pinagmamasdan ang lalim ng gabi.

"Ano iyon ?" Tanong ni Mina.

"Buhat kasi nang makilala ko na ang aking gabay. May mga pangitain ako minsan na nakikita sa aking panaginip. Tulad ng isang lehiyon ng mga dem*nyo ang kasama ni Sitan na namumugad sa bundok na iyan. Hindi ko alam kung totoo ba ito o dala lamang ng takot ko at kung anu-ano na ang aking naiisip. "

"May posibilidad bang totoo ang mga pangitain kong iyon, Mina?" Tanong ni Miguel.

"Kung totoo man iyon, hindi ka dapat mag-alala. Higit kanino man sa amin dito ikaw ang mas may maigting na pananampalataya sa kanya. Bakit ka natatakot? Marahil ang mga pangitaing iyon ay isang babala upang mapaghandaan natin. Salamat at sinabi mo iyan sa akin." Nakangiting wika ni Mina.

"Walang anuman. Hindi ko kasi alam ang aking gagawin. Bago pa ang lahat mg ito sa akin. Ito din ang unang bese kong makakaharap ang mga ganitong nilalang. Sana lang ay makaligtas tayo."

"Makakaligtas tayo. At diyan kita aasahan. Ang grupong ito ay kulang sa suporta at pinunan mo ang kakulangan iyon Miguel. Magtiwala ka lamang sa iyong sarili at sa panginoon natin. Hinding hindi niya tayo bibiguin at pababayaan. " Sambit pa ni Mina at tumango si Miguel bilang pagsang- ayon

"Pagkatapos natin dito, tatanggapin ko na ang alok ni Padre na mag-aral ako sa ibang bansa. Itutuloy ko na ang pagiging Pari ko." Wika naman ni Miguel habang tila nangangarap na nakatingin sa langit.

Napangiti naman si Mina at tumango. Batid niyang iyon talaga ang nakatadhana dito. Si Padre Dama na din kasi ang nagsabi noon,na si Miguel ay isang batang pinili ng Diyos para maglingkod sa kanya. Ayon daw iyon sa prayleng kumupkop dito.

"Oo naman, paniguradong matutupad mo ang pangarap mong iyon. Basta't tatandaan mo, na bawat hamon ng buhay ay ibinibigay sayo dahil alam niyang kaya mo ito. Pinahihintulutan niya ang dem*nyo na bigyan tayo ng mga pasakit dahil dito niya sinusukat kung hanggang saan ang ating pananalig sa kanya. Ang mga taong maagang sumusuko ay yung mga taong nagagapi ng diablo." Wika ni Mina.

"Nasabi na rin sa akin noon ng prayle na lahat ng tao daw ay ipinanganak ng mga kasamang anghel. Ito daw ang ating mga gabay. Sa araw -araw na nabubuhay tayo ay patuloy ding nakikipaglaban ang ating mga anghel para sa ating buhay. Kung matatag ang iyong pananampalataya sa Ama, paniguradong malakas ang iyong anghel. Ngunit kapag hindi ka nagdarasal at pawang kasalanan ang iyon ginagawa ay ikinatutuwa ito ng mga dem*nyo." Wika ni Miguel habang nakatitig pa rin sa kalangitan.

"Yung mga taong namamatay sa aksidente, pinapatay o di kaya naman ay nagpapakamatay, yun yung mga taong tuluyan nang iniwan ng kanilang mga anghel. Kaya noon pa man, walang araw na hindi ako pinaalalahanan ng mga prayle na magdasal, humingi ng tawad at magpasalamat sa Panginoon. Ang pagdarasal ang siyang pinakamakapangyarihang sandata na ipinagkaloob sa atin ng ating Amang may likha. " Dagdag pa nito at napatahimik naman si Mina.

Sa isip-isip niya, iba man ang kinamulatan nilang paniniwala ay nagkakatugma pa rin ito sa pananampalataya sa nag-iisang May likha ng lahat.

下一章