webnovel

9.8 Behind Your Empty Smile

[Haruko Akagi…]

I never dare to look back at them lalo na kay Sir Harry matapos kong lumisan sa table namin ni Rukawa sa Wendy's. It's not that I don't care anymore kung ano man ang mangyari sa amin ni Rukawa after that incident pero pinatotohanan lang ng mga naganap ang bitbit niyang pasanin na malamang ay nakakasira din sa katinuan ng mga inosenteng utak. Naalala ko tuloy iyong reflection ng salamin kung paano sila makitungo sa bawat isa and it was really a warzone na hindi sakop ng kamalayan ko sa reyalidad.

At that time eh halos walang nagpapatalo sa kanilang mga argumento habang si Rukawa naman ay dumadaing pa din sa pagyurak sa kanyang pagkatao. "Alam mo, hindi nga dapat ako nagagalit ng ganito sa iyo ngayon kung tutuusin pero what choice do I have? Isang anak ang turing sa iyo ng asawa ko dahil ang magaling niyang kapatid na tatay mo din naman ay tinapon ka lang sa puder namin at ako ang kagagalitan ni Roannes kapag may nangyaring masama sa gaya mong pasaway." ani sir Harry kay Rukawa.

"Hay naku… para lang sabihin sa akin iyan sa harap ng maraming tao, gusto mo talagang pinag-uusapan ka pati na ang pribadong buhay ko na hindi naman dapat. Ano pa nga bang bago?! Ni isang matinong salita eh wala talagang lalabas sa bunganga mo…" tugon naman ni Rukawa in his defense at minsan talaga gusto ko nalang tapalan ang bibig niya nang hindi na lumala pa ang sitwasyon niya sa kamay ng guro namin.

"Mabuti at alam mo ang bagay na iyan, iho. Payo ko lang sa mapurol mong kokote habang may katiting pa akong pasensya sa gaya mo, matuto ka sanang lumugar at hindi iyong sinasayang mo pa ang oras ko sa mga kasinungalingan na iyan. Pwera biro, mamatay ka na sana para matahimik na ang buhay ko." I couldn't even believe my ears na sinasabi iyon ni sir Harry kay Rukawa in front of the crowd.

*honk! honk!*

Bagamat tunog kalmado ang usapan nilang dalawa nitong nagdaang minuto ay ramdam ko pa din ang bigat ng mga binitiwan nilang salita. Sa payat kong ito ay ngayon ko lang napagtanto kung gaano kahirap maglakad habang pasan pa din sa balikat ang mga problema na hindi agad mareresolba sa isang iglap.

*HONK! HONK! HONK!*

I really hate crying to be honest dahil sigurado akong magiging mugto ang mata ko at hindi ko iyon halos maididilat ng maayos kinabukasan. However, today might be an exemption for this excuse. Broken hearted na nga tapos pinagalitan ka pa ng maraming beses sa mababaw na dahilan. Like, bakit ako pa ang lugi sa araw na ito?

"Haruko!" at tumigil ang mundo ko sa pagtawag nila sa aking pangalan.

"Oh! Kayo pala, Sakuragi. Hindi pa kayo umuwi?!" pag-aalala ko sa kanila ni Mito na mukhang basang-basa sa pawis.

"Hinahanap ka namin kanina pa. Ano pala ang ginagawa mo dito sa bakanteng lote? Mababasa ka lalo dyan." wika ni Sakuragi na hindi ko naman mawari ano ang ibig niyang sabihin.

"Mababasa?" pagtataka ko sa sinasabi niya sa akin.

"Kanina pa umuulan ng malakas. Hindi mo ba napansin?" tugon naman ni Sakuragi na hindi makapaniwala sa inaasal ko sa harap nila.

"Hala! Naku po! Lagot na naman ako nito sa nanay ko…" nasabi ko lang iyon nang magising ako sa katotohanan. My thoughts were clouded by heartbreaking moments at hindi ko namamalayan ang takbo ng panahon.

"Teka, sumilong muna tayo doon sa guard house sa tabi ng playground. Mukhang hindi tayo aabot sa train station habang ganyang malakas ang ulan." saad ni Mito at pumayag nga ako sa suggestion niya.

"Mito, mauna ka na sa guardhouse baka mapano pa ang motor. Ako na ang bahala magdala doon kay Haruko sa may silong." sabi ni Sakuragi na sobra ang pag-aalala sa pagkakataong iyon at bumaba siya sa scooter para alalayan ako.

Medyo malawak ang guardhouse sa playground at mukha iyong cottage na ginagamit sa reception. Pinarada muna ni Mito ang scooter niya sa silong ng guardhouse at bigla naman akong sinangga ni Sakuragi mula sa ulan gamit ang jacket nya. Tinalukbong niya iyon sa ulo ko habang patakbo kaming nagtungo doon. 

"Tara na." pag-aya Sakuragi and while on our way ay agad siyang nagtanong sa akin ng mga ganap ko matapos ang klase kaninang hapon.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

"Oo, medyo nakapagpahinga na din naman ako kanina." sabi ko sa kanya

"Huwag mo sana masyado pagurin ang sarili mo Haruko, tsaka huwag mo din pilitin ang katawan mo sa PE lalo na kung hindi mo kaya." wika ni Sakuragi. 

Naantig ako sa pag-aalala ni Sakuragi, pero hindi ko kayang magpahinga—hindi ngayon, lalo na't maraming nakasalalay at matang nakamasid sa bawat kilos ko. "Imposibleng masunod ko iyong sinasabi mo, Sakuragi, lalo na kung ako ang may responsibilidad para maging maayos ang section natin at ang basketball team. Pero huwag kang mag-alala, mag-iingat talaga ako sa susunod." I assured him that everything will be alright, kaya pagdating namin sa guardhouse ay agad kami nagpatuyo doon sa silong.

-BACK TO SCENE-

Bagamat matagal ng magkakasama ang tatlo sa highschool ay hindi pa din maikakaila ang boundaries sa kanilang magkakaibigan. Habang nagpapalit sina Sakuragi at Mito ng kanilang T-shirt sa harapan ng dalaga ay hindi naman maiwasan ni Haruko na bumaling ng tingin papalayo sa kinatatayuan nila. Napansin ni Mito ang reaksyon ng dalaga kaya lumapit siya sa kinauupuan ni Haruko while still topless sa guard house at hindi siya nag-atubili na asarin siya sa inaasal nito towards them.

"Si Rukawa lang naman ang gusto mong makita ng ganito, diba Haruko?!" pabirong saad ni Mito habang hinihimas ang sarili niyang abs at kita sa paligid ng streetlights ang batak nitong pangangatawan.

"Ano?! Hindi kaya noh!!" pagtanggi ni Haruko habang naiimagine pa din niya si Rukawa sa ganoong klase ng sitwasyon.

"Sus, kunwari ka pa dyan. Sa katunayan eh kanina ka pa nangingiti sa oras na mabanggit ko ang pangalan na iyon." sabi ni Mito kay Haruko at hindi na nga niya tinanggi ang katotohanan that her feelings are still attached to the gents who almost ruin her sanity in dealing with Rukawa's own drama.

"Teka lang, ano ba ang nakain mo at nasasabi mo ang mga bagay na iyan?" naguguluhang saad ni Haruko sa kanyang kausap nang bigla silang bulabugin ni Sakuragi sa kanyang tanong na…

"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?"  ani Sakuragi dahil hindi niya masyadong marinig ang usapan ng dalawa dulot ng mala-bagyong buhos ng ulan. 

"Ah, wala iyon Sakuragi. Inaasar kasi ako ni Mito kanina pa kaya medyo nagkakasagutan kami." sabi ni Haruko kay Sakuragi, and being hysterical in nature ay halos magwala si Sakuragi sa ganap ng barkada niya.

"Hoy, tigilan mo iyan kung ayaw mong mawalan ng bespren." naiinis na sabi ni Sakuragi kay Mito habang natatawa na lang ito sa reaksyon ni Sakuragi. 

 

"Hehehe… Sorry na pero kanina ko pa kasi napapansin na masyadong seryoso ang mukha niya na para bang malalim ang iniisip." ayon kay Mito sabay turo nito sa dalaga.

"Gayong nasabi mo iyan, may problema ka ba Haruko?" tahasang tanong ni Sakuragi sa tinutukoy ni Mito.

"Wala naman. Pagod lang siguro ako sa mga nangyari kanina kaya parang wala ako sa mood makipagbiruan." seryosong sagot ni Huruko sa kanilang katanungan.

"Pasensya ka na sa amin ah kung ngayon pa kami nangungulit." tugon naman ni Mito.

At that time, Sakuragi double checked his belongings at hinablot ang notebook niya para ibigay kay Haruko. "Ito nga pala ang lecture notes na ginawa ko para sa'yo kanina sa last class natin. Sana makatulong ito sa pag-aaral mo Haruko." sabi ni Sakuragi at natuwa naman si Haruko sa kanyang pagpapahalaga na natatanggap.

"Talaga?! Uy… Maraming salamat dito ah, pero paano ka?" ani Haruko kay Sakuragi.

"May extra akong kopya." pagdadahilan ni Sakuragi. Dagdag pa niya, "Pwede mo naman ibalik yung notebook ko pagkatapos mong gamitin, pero kung gusto mo ding itatago bilang souvenir, mas lalong ayos lang sa akin iyon. Nyahahahaha…!!!" birong sabi ni Sakuragi at hindi na mapigil ni Haruko ang pagngiti sa kanyang mga sinasambit.

"Hahaha… puro talaga kayo kalokohan." saad ni Haruko sa kanilang dalawa ni Mito.

Pagbuklat ni Haruko sa unang pahina ng notebook, napaisip siyang bigla sa mga nababasa niyang scribbles na hindi maintindihan maski na ang doktor. "Manghihiram na lang din ako ng lecture notes kay Fujii para sigurado." bulong ni Haruko sa kanyang sarili habang nag-aalinlangan sabihin ang totoo na magulo ang penmanship ng kanyang kausap.

"Oo nga pala, anong ginagawa mo kanina at naisipan mong magpabasa sa ulan?"

"Wag mo sanang masamain Haruko dahil nag-aalala lang talaga kami sa'yo. Ang sabi kasi ng nurse na nagbabantay sa'yo sa clinic eh may kasama ka nung umalis ka sa Shohoku kanina. Sinaktan ka ba ni Rukawa?"

"Inassume niya lang iyon dahil si Rukawa lang ang lalaking matangkad na nagbibisikleta papuntang eskwelahan." sabi ni Mito as a confirmation why the heck Sakuragi knows about their getaway.

"Oo na kaya quiet ka na lang Mito baka mapagkamalan pa akong chismoso ni Haruko." bulong na sabi ni Sakuragi kay Mito na para bang hindi sila naririnig ni Haruko.

She was a bit hesitant to open up the issue but she was already cornered to speak up the truth. "Well, gets ko naman na kung bakit siya cold towards others lalo na sa mga taong nanghihimasok sa buhay niya, just like me." panimula ni Haruko.

Dagdag pa niya, "Sa totoo lang, may isang bagay ako na hindi masabi kanina." sabi ni Haruko while her voice was more quiet than usual at hinayaan lang ng dalawang binata na magkwento si Haruko.

"Alam nyo namang absent si Rukawa sa klase ni sir Harry kanina diba?! Nakita niya kasi kaming dalawa na kumakain sa Wendy's. Grabe lang kung paano niya kami sinigawan at kinumpronta sa harap ng maraming tao. Parang… hindi siya isang guro kung makaasta." She paused for a while and caught her breath somehow looking down at her hands.

"Minsan pakiramdam ko sobra siyang magalit at wala na din sa hulog ang mga akusasyon niya sa amin ng kung anu-ano, pero hindi ko talaga alam kung ano ang dapat gawin. Mas nakakaawa si Rukawa sa sitwasyon na iyon dahil wala akong magawa at iniwan lang siya doon mag-isa. Hindi ko rin alam kung kanino ko ba sasabihin ang mga nangyari." Buntong hininga ang bumisita sa kanila as if natanggalan si Haruko ng tinik sa lalamunan by telling her story out loud.

The burden of traumatic encounters still lingered. Haruko chose not to disclose anything about her rejection of love, and Rukawa's family relationship towards Harrison, the so-called demon for a teacher, since that part is not her story to tell. Gayumpanan, hindi niya inasahan ang naging reaksyon ni Sakuragi sa mga kwento niya.

"Ah, bwisit talaga yung teacher na 'yan! Haruko, tandaan mo, oras na makialam pa ulit iyan sa'yo o saktan ka, hindi ako magdadalawang-isip na sapakin siya! Kahit pa ma-expel ako, wala akong pakialam. Basta bahala na. Maprotektahan lang kita ay sapat na sa akin." wika ni Sakuragi na handang mag-amok ng away para lang sa kaligtasan ng dalaga.

"Hah?!" The maiden was shocked sa mga pinagsasabi ni Sakuragi sa mga oras na iyon at ginatungan pa iyon ng kaibigan niya.

"Malinis kami trumabaho ng illegal kaya huwag ka mabahala sa teacher na iyan, Haruko." Pagyayabang na sabi ni Mito ngunit sinalungat sila agad ng dalaga sa anumang babalakin nilang masama.

"Hoy! Baka nakakalimutan niyong isang taon natin makakasama ang Sir Harry na ito bago tayo grumaduate sa high school. Mamaya niyan ijinx nya pa mga pangarap natin sa buhay." paalalang sabi ni Haruko sa kanila.

[Kaede Rukawa...]

"Then, don't manifest anything about failures! Kaede, if you keep behaving like this, hinding-hindi ka lulubayan ng problema dahil sa pagkacutting class mo. Harry is just trying to help you pass the subject na handle niya sa iyo and ang dami nang nakaasa sa'yo—your basketball team, your classmates, pati kami!" That sounds bullshit. Lumipas ang ilang oras bago kami makauwi sa bahay ni Harry, este sa impyerno, pero nang malaman ni ante Roannes ang "totoo" kuno mula sa salita ng asawa niya ay hindi na niya sinubukang alamin ang aking paliwanag.

"Help? Sabihin niyo nga po sa akin paano nakakatulong ang lalaking iyan. By embarrassing me in front of everyone? Ganun ba iyon?!" I bluntly told her the hypocrisy of this "guy" who wished for my death as soon as possible. 

"Hmmp… Tinuring mo pa talaga ang sarili mo bilang teacher pero heto ka ngayon natutuwa pa sa pagtrato sa akin..." It was not an insult for her pero natamaan din ata ang pride ng ante Roannes kaya napapadalas ang dampi ng sampal niya sa mukha ko.

"WALA KANG KARAPATANG SABIHIN SA AKIN IYAN! YOU CLEARLY DON'T KNOW HOW IT FEELS LIKE TO DEAL WITH STUPID STUDENTS LIKE YOU. WALA KANG UTANG NA LOOB!" She went bonkers as in. 

"Pinagsasabihan ka lang na ayusin mo ang pag-aaral mo, ang pakikitungo mo kay Harry tapos ikaw pa ang may ganang magalit sa akin, sa amin?! Grabe naman ang pagka-ingrato mong iyan." sabi pa ni ante Roannes at hindi na ako nagulat sa kanyang pananalita dahil sadyang ganyan na talaga siya noon pa man. 

"You think the world revolves around you, don't you? This attitude, this entitlement—akala mo ba walang kapalit iyan? Maybe your father didn't discipline you enough, but I won't let you ruin our life by dragging us into your mess!" Kita niyo na itong si Harry, masyadong nagmamagaling, sobrang nagmamalinis.

"Right, because you're all so perfect, di ba? All you have to do is act like you know everything about me. But in reality, I never asked for your help pero kayo lang naman ang nagpumilt kay papa na makipagplastikan ako sa inyo, at dahil din iyon sa perang ipinapadala niya, tama ba?" Hindi na ako nakapag-isip kung masaktan man sila sa mga sinasabi kong pawang katotohanan lamang. Halos isang semester na bayad sa matrikula kasi ang sinusweldo ni papa sa pagiging marino sa Germany kaya no doubt ang mga tusong galawan ng mga taong ito.

"Pwes, mali ang hinala mo. Your dad is worried sick about you kaya ka niya pinapunta dito para may magbantay at mag-alaga sa'yo." Kahit ano pa ang sabihin ni ante Roannes ay nagbibingi-bingihan na lang ako sa kanilang patutsada.

"Which is not the case right now. Ewan ko ba kung naiintindihan niyo ba ako or sadyang sarado lang ang utak niyo na hindi ko kailangan ng awa at atensyon mula sa gaya niyo." sabi ko sa kanila, stating the obvious nang bigla namang sumabat ang Harry na ito.

"Hmmp… At this rate, you're going to ruin your future, Rukawa. I promise that you won't even make it 'till graduation, let alone your basketball dreams." Nagbanta pa sa akin ang kumag na ito ngunit hindi ko siya pinansin.

"Both of you, stop it!" Ante Roannes try to de-escalate the war na sila din naman ang nag-umpisa.

"I did not ask for a family like this so huwag kayong ilusyonada at feeling holy. To be honest, you don't even deserve to have your own children. Magiging kawawa ang bata sa magulang na gaya niyo." That's when I lost it and tried to walk away towards my prison cell where my comfiest pillow is located. I didn't even try na paalisin si Kumo sa higaan ko dahil sakop na niya ang lahat ng space. Umaasa na lang talaga ako na may good pa din sa morning kahit nandito ako sa puder ng amo niya.

下一章