Nang magising ako, alas-quatro na pala ng madaling araw.
Shet, kailangan ko na maligo. Hindi ako pwede ma-late sa unang araw ng pasukan. Kaya nagmadali na ako bumangon.Kinuha ko ang pinakabagong boxer sa aparador. By bago, I mean bagong crispy bacon yung garter. Good for 4 more years pa naman ito. At ngayon ko lang napansin, may air cooling na nadagdag sa aking salawal.
Maraming salamat sa walang sawa mong serbisyo, Spongebob Boxerpants!
Dahil nagmamadali narin naman ako, ang pagligo ko ay nakaset muna sa 'Quick Bath' mode. Isang buhos ng tubig, isang pahid ng sabon, isang punas sa tuwalya. Nakatipid ka na sa oras, nakatulong pa ako sa kalikasan. You're very much welcome, Mother Nature.
Pero kahit sipagin ako maglinis ng aking katawan, although bihira mangyari ito, ang pinakamatagal na oras na ginugugol ko sa pang araw-araw na routine ko ay ang paglalabas ng aking jebs. Ito ang aking 'Thinking Time' kung saan nagiisip ako ng kung anu-ano.
Minsan naman nagbabasa ako kung ano man makita ko sa banyo namin.
Alam mo ba na ang pwede mo ipagsabay ang shampoo at hair conditioner?
...
...
Hindi ka sasabog kapag ginawa mo yun. Basta wag mo lang ilagay sa buhok.
Things like that are what keeps me preoccupied sa banyo. Hindi ko alam kung ako lang ito, but the best thoughts are created when I am seated on my throne, and I am its King who is on the cusp of Enlightenment. Para akong napupuntang Nirvhana every time lumalabas ako sa CR.
May theory ako na lahat ng mga matatalino tao sa mundo, nabuo nila yung mga theories nila habang tinatawag sila ng kalikasan.
Tignan mo lang yung kay Einstein, isang matinding ire ang nangyare, kaya nadiscover niya yung Theory of Relativity. The Energy exerted on the jebs is equal to its mass times the square of the speed of light na malapit mapundi.
Yes, I think I cracked the code. Hinihintay ko na ang Nobel Prize ko sa mailbox ko.
"Hoy, JM, bilisan mo diyan at lumayas ka na sa bahay. Baka ma-late ka pa. Mahaba pa ang biyahe at trapik pa naman." Biglang nawala ang concentration ko nang marinig ko ang malakas na boses ng aking inang mahal.
"... Sandali lang po, Ma! Busy pako drumama dito."
"Aba, anong sa akala mong oras na? Maga-alas singko na, mijo! Akala ko ba magbabago ka na ngayong school year, hah?"
At tuluyan na nawala ang naisip ko, kung kaya't pinindot ko na ang flush. Panira naman ng moment itong nanay ko. Pero dahil mas takot ako sa yantok niya, sa ngayon susunod muna ako sa mga utos niya.
Matapos sa banyo at suutin ang air-cooling boxers at ang aking uniform, bumaba narin ako sa hapag-kainan, at sumambulat kaagad sa ilong ko ang amoy ng bagong pritong hotdog. Nasa loob ito ng tupperware na naalala kong hindi ko nasauli noong Christmas Party noong elementary ako.
Siguro lumagutok yung puwet nung anak ng orihinal na may ari nito. Patawad.
"Bilisan mo diyan at kumain ka na dito bago pa lumamig yung ulam." Bilin ng aking nanay habang naglalagay ng sinangag sa plato ko.
Maliit lang si Ma at mukhang maamo, pero kahit higante mapapaiwas ng tingin kapag nanlilisik na ang mga mata niya.Umuurong lahat ng mga gangster sa paligid niya, kung kaya't binigyan siya ng titulo na "Manila Queenpin".
For the record, hindi siya mafia lord. Sadyang mas nakakakilabot lang talaga ang kanyang aura kaysa sa mga totoong masasamang tao kapag nagseseryoso siya kaya lahat ng mga tambay at lasenggero sa kalye, yumuyuko sa kanya.
Pero kahit anong kakila-kilabot na kwento ang maririnig ko sa mga eskinita, hindi nila mawawari na lubos magmahal ang nanay ko. Kapag feeling galante siya, lumalabas kami para kumain at pumasyal. At ramdam ko parin na proud siya sa akin bilang anak niya.
Kahit habang hinahataw niya ako ng yantok na parang training bag niya sa arnis.
Yan ang aking mahal na ina, si Barangay Chairwoman Ma. Angelica Labastida.
"Anong oras ka nanaman umuwi at bakit tanghali ka na gumising?"
"Kasama ko lang po si Renzo, Ma. Maaga din naman ako umuwi."
"Ahh ganun ba? Buti naman. Since maaga ka umuwi, siguro wala ka naman kinalaman sa nangyareng sumbong kahapon ng tatlong babae sa isang mall, tama ba?"
...
...
...
Parang nagyelo ulit yung hotdog sa lalamunan ko kasi nanginig ako sa tanong niya. So ganito pala nararamdaman nung mga dalaga sa video kapag nachochoke sila sa-
"JM? Sabihin mo hindi totoo yung narinig ko." Napansin ko na unti-unting umaatras yung kamay ng nanay ko sa lamesa. Teka teka lang ma, saan pupunta yan? Anong hinahablot mo? Ang iyong Nichirin Blade?
"M-Ma, siyempre hindi ako yun. Alam mo naman I respect all women." Tinaas ko ang kamay ko na parang isang suspect na nabistado ng PDEA. Please, I have the right to call an attorney!
"... May CCTV sa lahat ng sulok ng mall."
...
"... Ikaw yung tinuturo ng staff. Alam mo ba na namamasukan yung anak ng kumare ko doon sa cafe?"
...
...
Shit.
"... JM?"
...
...
...
Shit, shit, shit, SHIT!
Hinablot ko ang baunan ko at tumakas sa rumaragasang galit ng aking nanay. At parang isang beteranong samurai, mabilis niyang nahawakan ang kanyang yantok at kumaripas din sa paghabol
"Mauuna na ako, Ma! Malalate nako. Bye, love youuuu!"
"WALANG HIYA KA TALAGA JOSEMARIA! WALA KA NANG GINAWA KUNDI IPAHIYA AKO SA BUONG BARANGAY! PURO PASAKIT NA LANG BINIBIGAY MO SAKIN! HALIKA DITO AT IDIDIRETSO KO YANG BALUKTOT MONG UGALI!"
"SORRY NA MAAAAAAAA!"
Muntik ako matalisod sa gate namin pero buti hindi ako tumumba, dahil parang Charger sa Left 4 Dead ang aking nanay. Hindi siya titigil hangga't hindi humahaplos ang kanyang matigas na stick sa aking special place.
"Parang awa mo na, Ma! Ang aga aga, napakaingay mo na."
"AKO MAINGAY? KUNG HINDI KA NAGBIGAY PASAKIT, HINDI AKO MAGAGALIT! MGA TAMBAY TAKOT SAKIN TAPOS IKAW MAY GANA KA GUMAWA NG KALOKOHAN? INGRATA KANG ANAK!"
Kinuha niya yung pares ng tsinelas ng tatay ko sa tabi. Alam ko yan ang ranged item niya dahil parang pangkabayo ang yari nito. True damage kapag tumama kahit saan man sa katawan ko.
Bumuwelo siya at may konting mangha ako dahil para siyang Olympian sa posture at lakas ng bato nya.
Syempre nawala lahat iyon nung maalala ko na ako ang inaasinta niya ng tsinelas.
TWOOOP
Lumipad sa ere ang Tsinelas na sing-bilis ng bala. Halos buhok na lang ang pagitan ng tsinelas at ng mukha ko nung dumaan ito sa kanya. PUTANGINA, PARANG AWPER NANAY KO KUNG MAKATUTOK!
Pero buti na lang muntik lang, kasi kung nagkataon tumama-
PAAK!
...
ARAY! PUUUUUUUUUTAAAAAANGG INAAAAAAAAAAAA! ANSAKIT!
Boom! Headshot.
Counter-Terrorist Win!
Bigla akong nanghina at napadapa sa aspalto ng tumama ang isang tsinelas sa likod ng aking ulo. Ang lesson for the day ay laging tandaan na laging magkapares ang tsinelas, kaya kung sharpshooter ang iyong nanay, wag magpakampante kung hindi tumama ang una.
Dahil for sure yung pangalawa naka-aim lock na sayo.
"JOSEMARIA!" Bumulyaw na parang lion ang nanay ko habang tumakbo papunta sakin, at alam ko na sa lisik ng kanyang mata, hindi nya balak ako tulungan makatayo. Kung kaya't dali-dali akong tumayo at tumakbo palayo.
Now I know kung ano pakiramdam nila ng Scouting Legion kapag hinahabol sila ng mga Titan. Ymir, lend me your strength!
Hindi rin naging matagal ang habulan namin dahil hindi niya pwede iwanan ang bahay ng nakabukas, kaya hinayaan niya ako makasakay at makapasok na. For sure makakalimutan niya rin ito mamaya, pero para sure ako, bibilhan ko na lang siya ng ensaymada mamaya para bati na kami ulit.
So far, so good. Ang ganda ng umpisa ng unang araw ng klase ko. May mas igaganda pa kaya ito?
At dito papasok ang isa nanamang useless trivia na nabasa ko. Dito papasok si kumpareng Murphy.
Edward Aloysius Murphy Jr. ang buong pangalan niya. Kilala ko yan kasi kasama ko yan sa computer shop dati. Pero kidding aside, sikat siya sa internet dahil sa kanyang 'Murphy's Law'. Ayon sa theory nya:
Anything that can go wrong, will go wrong.
Which is very uncanny, kasi ito na nga yung mismong nararanasan ko ngayon. At dahil nagtanong ako kung may mas gaganda pa dito, ayon sa sinabi niya, magpapatuloy lang ang malas sa buhay ko.
To which, I say, fuck off Murphy!
Nawala nanaman ako sa isip ko nang biglang prumeno ang jeep na sinasakyan ko. Nasa tapat ako ng gasolinahang ang pangalan ay 'Tahong'.
...
Ay puta.
"Pogi, pa-gas lang muna ako." sabi ng driver sa harap. Matutuwa sana ako na tinawag akong pogi, pero now's not the time! Tumingin ako sa relo ng gasolinahan at nakita kong 5:45 na.
15 minutes na lang at maguumpisa na ang flag ceremony.
...
...
Ay puta (2)
...
...
Sige kalma lang muna, JM. Deep breaths. Walang magagawa kung magpapanic ako. Magpapagas lang naman si kuya. Pagkatapos nito aandar na at makakapasok ako. Try ko muna magbilang.
1...
2...
...
...
Shet, nagpapanic nako!
And to make matters worse, nakita kong bumaba ulit yung driver at tinanong sa gasoline boy "Pre, saan ba yung CR nyo? Mukhang may tama tyan ko. Dapat pala hindi ko pinagsabay kape at ice tea."
...
...
...
AY PUUUUTA - FINAL (3)
Dumukot siya sa kahon ng barya at binalik niya ang bayad ko. Ngumiti siya at kita na nagpapawis ang kanyang mukha nang sinabi "Sensya na pogi, hanap muna kayo ng ibang jeep."
"Salamat na lang sa lahat kuya!" Kinuha ko na ang barya at agad-agad ako bumaba ng jeep. Walang hiyang araw ito
Gago ka naman po kuya! Sinong may saltik ang magsasabay ng ice tea at kape? Nakatira ka ba kagabi? 10 minutes na lang at maguumpisa na ang flag ceremony! At ito pa ang unang araw ng klase. Bilang myembro ng student government, dapat maging ehemplo ako sa lahat.
Sinubukan kong maghintay pero walang jeep na dumadaan. Napakaperfect naman. Kung kelan need ko ng jeep tsaka naisipan ng MASDA na wag bumyahe.
No choice, kelangan ko tumakbo. Kaya huminga ako ng malalim at nagsimula ako kumaripas.
WOOOOOOOO! Papasok pa lang ako parang mandirigma na kaagad amoy ko! DAPAT PALA NAG FULL BATH NA AKO KANINAAAAAAAA!
Lumiko ako sa kanto at natatanaw ko na ang building ng aking mahal na alma mater. Naririnig ko ang mahinang tugtog ng Lupang Hinirang. Shit, nagumpisa na ang flag ceremony. Kailangan ko magmadali! Arriba!
Namumuti na ang paningin ko, pero iniisip ko na lang ang isang lalaki na lagi kong nakikita sa internet na may makapal na balbas, at sumisigaw sa tenga ko ng
JUST DO IT!
YES YOU CAN!
"UWOOOOOOOOOOOOH!" At sumigaw ako sa pinakamalakas kong boses. Pakiramdam ko ako si Michael Jordan na lumilipad papunta sa basket. Ganito pala ang pakiramdam kapag nalagpasan mo ang limitasyon ng isang tao.
"TUMIGIL KA TAKESHI! HIINDI NA KAYA NG KATAWAN MO ANG GANITONG PWERSA!" Patuloy akong nanggagambala gamit ang boses ko habang palapit ako sa kulay bughaw na gate ng school. "HINDI, MAGKAKAJOWA AKO! SIGURADO AKO, MAGKAKAJOWA AKO!"
...
"JOOOOOOWWAAAAAAAAAAAAA!"
"JOOOOOOOOOOWWWAAAAAAAAAAA!"
"YAMERO, TAKESHI! MAMAMATAY KA NA! MAGPAPATULOY KA PARIN BA? KAHIT UMIKLI PA BUHAY MO?"
"MANAHIMIK KA! MAGKAKAJOWA AKO KAHIT SA HULING HININGA KO PA! UWOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOH!" Naririnig ko na ng malinaw ang Panatang Makabayan, pero sa ngayon wala na akong pake. Ipaglalaban ko ang pangarap ko hanggang kamatayan, at hindi ko ikinahihiya kailanman.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sumisigaw yung isang Hapon sa isang video na nagviral sa internet. Salamat sa iyong ginintuang gabay. Habang buhay ako taos-pusong namamangha sa iyo.
Ganito pala maging tunay na malaya.
Ito pala ang kapangyarihan... ng PLUS ULT-
"TUMABI KAAAAAAA!" May isang boses biglang sumigaw sa likod ko. Hindi na ako nakalingon kung sino ang sumigaw dahil naramdaman ko na tumama ang minamaneho nyang bike sa likod ko.
ANAK NG PUTAAAAAAAAA!
Tumambling ako at ang nakasakay paharapap na parang nag-audition ako sa Cirque du Soleil. So ganito pala pakiramdam ng damit kapag nasa loob ng washing machine? Interesting...
Pero bago ang lahat, kelangan ko muna magalit. Humarap ako sa taong nakadapa din sa kalsada at sinabing:
"Puta, hindi ka ba marunong tumingin? Ikaw may bisikleta, ikaw magadjust sakin!"
"Bobo, kanina pa ako nagsasabi! Ikaw yung parang bagong takas ng Munti kakasigaw mo jan ng jowa!" Bumanat siya habang tinatanggal ang helmet at mask. Nang nakita na namin ang isa't isa, bigla ako napaisip kay kumpareng Murphy at gusto ko sana bigyan siya ng isang makinis na bigwas.
Dahil nandyan nanaman ang kuto sa pamumuhay ko.
"IKAW NANAMAN?" Sabay namin tinuro ang isa't isa.
"Kaya pala ikaw nakabangga! Kahit kailan hindi mo makita nasa harap mo dahil hindi mo madilat mata mo Jamiel!"
"Hoy JM! Nakalimutan mo nanaman uminom ng gamot mo, sumisigaw ka nanaman jan sa sarili mo!"
Just great. Bakit pa sa lahat ng pwede ko makita, si Jamiel pa ang naabutan ko? Daig ko pa stuntman sa nangyare sakin. Paano na lang kung naaksidente ako? Buti na lang nung bata ako kumakain ako ng buhangin sa construction!
Pinagpag ko ang sarili ko habang siya naman paika-ika siyang tumayo kasama ang bike niya. Gusot na at puno na ng mantsa yung polo ko. Kelangan ko na ng tulong ni Vic Sotto! Kailangan ko na ng 'Gulat ka no?'
"Walang kupas ka talaga Jam. Tignan mo ginawa mo sa damit ko?"
"... So? Parang walang nagbago, nagmatch lang yung damit mo sa ugali mo."
"Compared to you, on the way na ako sa paggiging susunod na santo ng Pinas."
Gusto bumanat ni Jam nang marinig niya ang boses ng isang matandang lalaki sa intercom ng eskwelahan "Now for our announcements. Dahil start na ng bagong taon, I would like to introduce to you the members of the new Supreme Student Government! I'll give the floor to Alexander Fernandez!"
Shit, naalala ko yung flag ceremony! Kailangan ko na pumasok, pero alam kong nakabantay si Miss Joven sa gate. Walang sinuman ang makakalusot sa kanya, kahit presidente na ang magmakaawa sa harap niya.
Kailangan ko makahanap ng paraan.
Pagtingin ko pabalik kay Jam, napansin ko na nag ala-Spiderwoman na agad siya at nagumpisang akyatin ang pader
"Feeling gagamba ka? Anong ginagawa mo diyan?"
"Wala akong pake sayo. Basta ako papasok ako. Bahala ka magmakaawa kay Girl Tanda sa gate." Ngumiwi siya sa akin bago nagpatuloy sa pagakyat.
Alam ko na medyo delikado dahil puno ng basura ang kabilang gilid, pero wala na akong alternative, kaya sumunod na ako sa kanya at nag ala-Spiderman naman ako.
Spiderman: Into the Spiderverse ang peg.
Ang problema na kinahaharap naman namin ngayon ay puno ng barbed wire ang buong pader, except sa isang maliit na butas sa sulok na kasya ang isang tao. Aakyat na sana ako nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa leeg ko. Kikiligin na sana ako nang maalala ko kung kanino yun.
"Kahit kailan wala ka talagang paggalang. Hindi ka ba nakakaintindi ng 'ladies first'?"
"Pwe, anong ladies first? Laban kayo ng laban na pantay na karapatan pero kapag pabor sa inyo, ilalabas mo ang 'ladies first' card? Naniniwala ako sa totoong gender equality. Kung sa tingin ko capable ang isang babae at bigla akong sakalin, hypothetically, hindi ako magdadalawang-isip sampalin ang mukha nya."
"Ah ganon?" At dahil doon, bigla niyang hinatak yung lace ng ID ko. Muntik ako bumaliktad at mahulog, buti nalang may 'spidey sense' ako at nakahawak ako ng maigi sa pader.
"Puta ka talaga. Etong sayo." Sabay tulak ko sa kanya. Surprisingly, mataas ang STR value niya dahil master siya ng aikido. In fact, dahil sa mga nangyari sakin simula kaninang umaga, unti unti akong nawawalan ng lakas.
"Wala ka talagang galang! Kaya walang babae nagkakagusto sayo!" Sigaw ni Jamiel habang sumisiksik sa maliit na butas.
"Hoy low blow! Sayo lang ako walang respeto kasi mas masahol ka pa sa hayop!" Banat ko pabalik sa kanya
Nagsumiksik kaming dalawa sa tuktok ng pader ng ilang minuto, hindi napansin na natapos na ang flag ceremony. Para akong nagpapaamo ng nagagalit na kalabaw, puta!
Sige gusto mo mauna ah. Edi etong sayo!
Bigla akong bumitaw sa kanya. Hindi niya inasahan ang pangyayare kaya biglan lumusot sya sa butas. At sa konting kabutihan sa kailaliman ng puso ko, tinulak ko siya papasok. Tumili si Jamiel hanggang marinig ko na nahulog siya sa mga bag ng basura. Matapos ang ilang saglit, ako naman ang humakbang papasok.
Pagbaba ko sa kabilang side, haharap sana ako sa kanya ng nakangiti nang bigla kong naramdaman ang trash bag na punong puno ng basura na binato sa mukha ko.
"Tangina mo talaga JM! Bakit mo ako tinulak?"
"Diba gusto mong mauna, Eh di pinagbigyan kita. Hindi ba ako gentleman? Ladies first nga diba?"
Hawak ni Jam ang isa pang bag at handa siyang ibato ito sa akin nang bigla kami nakarinig ng ubo sa likod namin. Paglingon namin, biglang nawala ang dugo sa ulo namin. Sa harap namin ang namumulang mukha ng nagiisang 'Hulk' ng paaralan, si Miss Joven Quirino.
Ah eto na yata yung pinakamagandang umpisa ng umaga ko.
"... At anong nangyayari dito, aber?"
First day ng school, at nalate na kaagad ang bida natin. Kung nakakarelate kayo sa story, i-vote at ilagay sa library ang kwentong ito! Sa ngayon, araw-araw ang update dahil marami akong natabing chapter sa baul ni lolo. Thank you for reading!