webnovel

Kabanata 11

Geno's P.O.V

Maaga akong nagising. Iminulat ko na ang aking mga mata kasabay ng pag-unat unat ng aking mga kamay habang nakahiga lang ako sa may kama ko.

"wag ka nga diyan maingay, dito ka lang wag kang lalabas kundi makakatikim ka talaga ng sapak saakin, hinayaan na kita matulog dito sa bahay kaya dapat ako naman ang pagbigyan mo, dapat walang makakita sayo baka mapagalitan ako ng pamilya ko" rinig kong boses ni kuya mula sa kabilang kwarto sa may tabi nitong kwarto ko.

Nababaliw na ba ang kapatid ko? Sino naman kaya ang kasama niya sa kanyang kwarto at ayaw niya itong palabasin, baka babae niya- girlfriend niya siguro? Alangan naman kasi si Carlo eh ayos lang naman sa magulang namin na dito yun matulog at saakin, ayos na rin naman na dito yun matulog kahit tumira pa basta wag niya lang uulitin ang paghalik saakin kasi mapapatay ko talaga siya ng wala sa oras pero hindi ako killer ah.

"okey fine" sagot ng isang boses ng lalaki kasabay ng tunog ng mga hakbang papalayo sa kwarto ng kapatid ko. Ako naman itong parang tanga na dahan-dahan na humakbang palabas ng kwarto ko at naglakad papunta sa silid ng kapatid ko.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ay pinakinggan ko muna ang loob nito. Inilapit ko sa may pintuan ang aking tenga at lihim na sinusubukan na may marinig na ingay pero nagkamali ako sapagkat biglang bumukas ang pintuan.

"Woaahhhhhhhh!!!" lakas kong sigaw ng bumukas ang pintuan at napadagan ako sa lalaki na nakatayo dito na bumukas ng pinto. Mabuti nalang napahawak ako sa katawan niya, wala siyang suot na pantaas habang na nakapaa lang siya at parang pangkatutubo na ewan ko ba kung ano tawag sa suot niya basta napayakap ako sa katawan niya ng buksan niya ang pintuan.

"sino ka?" seryosong tanong niya saakin at napabitaw naman ako sa pagkakayakap ko sakanya saka umayos ako ng pagkakatayo ko na parang wala lang nangyari saamin.

"ahh wala, ako ang anak ng may ari nitong bahay- hehe, teka saan ka galing bakit parang  naka-custome ka yata na sa anghel, may nalalaman ka pa na pa-pakpak effect ah, parang totoo ah, next time sama niyo naman ako ni kuya sa pagpalabas niyo" sabi ko sakanya ng makita ko ang pakpak na nakadikit sa may likuran niya pero parang nagalit ko yata siya sa sinabi ko. Biglang naging seryoso ang mukha niya.

"hindi mo alam ang sinasabi mo, masyadong bata ka pa para sa ganun, pero darating din ang tamang panahon para sayo, malapit na basta matuto ka lang maghintay, yun kong buhay ka pa bago dumating ang araw na yun" sagot naman niya na may halong pang-iinsulto saakin saka tumalikod siya at tinungo ang harapan ng bintana nitong kwarto. Lumapit ako sakanya at tumayo ako sa tabi niya kasabay ng pagharap ko sakanya.

"for your information, healthy at malakas ang katawan ko kaya di ako mamamatay ng covid na yan" mataray na sagot ko sakanya pero nginitian niya lang ako kasabay ng isang kindat ng kanyang mata. Daig niya pa ang manyak sa ginawa niya, silais siguro ang nilalang na ito. Silais is a bikol term for bisexual. Bikol, one of the region in the Philippines.

"aba! may pakindat ka pa na nalalaman? bakla ka ba? sayang ang ganda mo pa naman na lalaki saka ang katawan mo machong macho, siguro kung babae lang ako, ginahasa na kita" sabi ko sakanya pero biro lang naman yun, balik pang-aasar ko lang sakanya. Humarap siya saakin at hinawakan niya ang aking balikat.

"kayong mga tao, ang lilibog niyo talaga-ang bilis niyo madala sa makikisig na katawan at sa magagandang pang-iitsura, hindi niyo ba alam na kasalanan ang ginagawa niyo, yan--yang pag-iisip mo ng masama saakin, ang isip ng tao ang ikalawa sa nagiging daan sa pagiging makasalan nito sapagkat ang mata na itinuturing na ilaw ng inyong katawan ay siyang lubhang makasalan na nagbibigay sa utak niyo" pangangaral niya saka binitawan na niya ang balikat ko at pumunta naman siya sa may pintuan. Napaisip lang ako sa sinabi niya, parang kakaiba naman yata siya magsalita, so sacred words ang binibitawan niya na mga kataga. Kailangan ko pa talaga na isipin ang ibig niya iparating bago ko makuha ang pakahulugan niya.

"ganun ba yun?" tanong ko sakanya saka humakbang na naman ako papalapit sakanyang natatayuan. Nasa likuran niya ako habang nakatayo lang siya sa may pintuan habang tahimik lang. Napatingin ako sakanyang pakpak sa likuran at pansin ko na parang nasa loob ng katawan niya ang pinaka-ugat ng pakpak sa likuran niya kaya di na ako nakapagtiis na itinanong iyon sakanya.

"aswang ka ba? bakit parang totoo ang pakpak mo?" pag-uusisa kong tanong sakanya saka humarap siya saakin at seryosong ang kanyang mukha pero nakangiti siya.

"di ako aswang, anghel ako na sinugo ng Diyos para tulungan ang mga tao laban kay Lucifer sa mga masasamang balak nito sa mundo kaya mag iingat ka dahil di mo alam na baka isa na sa mga nakakasalamuha mong tao ay siya na" sagot niya pa, pero di ko maintindihan ang sinabi niya, naguguluhan ako.

"Lucifer, di ba si Satanas yun at ayon sa Bible ay siya ang anghel na pinakapaborito ng Diyos sa lahat at siya ang anghel na sumisimbolo sa panibagong umaga? bakit yun nangyari, di ko maintindihan?" tanong ko sakanya saka tumalikod ulit siya pero in the same position pa rin kami.

"si Lucifer ang pinakamakapangyari at pinakamalakas na anghel sa lahat, siya rin ang nangunguna sa lahat ng mga anghel ngunit hindi siya nakuntento sa ibinigay sakanya ng panginoon, tinangka niya na agawin ang trono na nauupuan ng Diyos sa langit, kinumbinsi niya ang mga anghel na sumapi sakanya laban sa lumikha pero hindi siya nagtagumpay sapagkat lubhang makapangyarihan ang Diyos at wala ditong makakatalo kahit sino" kwento niya saakin pero di pa rin ako nakuntento sa sinabi niya.

"so, ano nangyari?" curios at interesado kong tanong sakanya.

"itinapon ng Diyos sa lupa ang anghel na si Lucifer, dito namuhay ang anghel kasama ang iba pang anghel na sumapi sakanya, sasakupin ni Lucifer ang lupa para gawin itong kanyang kaharian at dapat natin itong mapigilan" paliwanag niya na sagot saakin.

"natin talaga? wala akong laban sakanya eh tao lang ako at hindi katulad niyo na mga anghel mula sa langit, wag niyo na akong idamay sa away niyo, nananahimik ako dito na nabubuhay tapos isasali niyo ako sa gulo niyo, walang ganun oyh" sagot ko sakanya saka humakbang na ako palabas ng pintuan.

"sapagkat isa ka sa napili niya para tulungan kami na pigilan ang kasamaan sa mundo" natigilan ako ng sabihin niya iyon saakin, napaharap ako sakanya.

"isa sa napili? tulungan kayo? so it means na di ka nag-iisang anghel dito sa lupa na pipigil sakanya?" nagtatakang tanong ko sakanya saka tumango naman siya.

Naalala ko lang yung kagabi sa daan, yung mga holdaper at isang lalaki na tumulong saakin sa may daan eh isa kaya siya sa mga tinutukoy niya na anghel na kasama niya?

"tatlo kaming anghel na nagbabantay sainyo dito sa lupa, ako ang angel of cure, si Jude - angel of security, and Florence - angel of health kasu patay na siya, pinatay ni Lucifer, maswerte kaming dalawa kasi nakatakas kami sakanya, kaya kailangan ka namin bilang papalit sakanya" paliwanag pa niya saakin.

Totoo ba ito o nanaginip pa rin ako? ako daw ang papalit sa Angel of Health eh hindi naman ako anghel ah, tao lang naman ako, isang pilosopo at nakakapikon na tao tapos ipapalit sa isang anghel na namatay?

Hindi ko lang alam ah pero seryoso ba talaga siya sa sinabi niya saakin? kaya ko ba na ipagtanggol ang mga tao sa isang masamang anghel na demonyo na si Lucifer?

"maniwala ka sa Diyos, makakaya mo dahil gagabayan at tutulungan ka niya" sabi pa ng kaharap kong angel na ito.

"Hala, seryoso ka talaga?" paninigurado kong tanong sakanya saka napaisip akong saglit at tumalikod sakanya pero pagharap ko ay wala na siya.

"saan na nagpunta yun? may pa walk-out na nalalaman at di man lang nagpaalam?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili kasabay ng pagkamot ko sa aking ulo. Kakaiba din ang ugali niya, basta nalang nang-iiwan.

Bahala na nga siya, nagugutom na ako. Naglakad nalang ako pababa para pumunta sa may kusina, medyo nakararamdam na rin kasi ako ng pagkagutom.

下一章