"Tulong! Tulungan niyo kami!" nakita kong nagsisigaw at humihingi ng tulong ang isang lalaking manticore.
"Rex ibaba mo ako"
"hindi maari Gianna, mapapahamak ka lamang"- Rex
"Rex gusto kong tumulong kaya ibaba mo na ako" nakipagtitigan pa ito sa akin. Please pumayag ka.
"Tullooonggg parang awa niyo na"
"Wala na akong magagawa kundi ang sundin ang iyong gusto" ibinaba ako nito at binigyan ng halik sa pisnge. Tumakbo kami ni Rex papunta sa lalaking humihingi ng tulong at doon ay naabutan namin ang walang malay na lalaki.
"Ano po ang nangyari sa kaniya?"- tanong ko habang pinagmamasdan ang lalaki mukhang binata pa ito at masasabi kong magandang lalaki ito. Hahawakan ko na sana ang kaniyang kamay ngunit pinigilan ako nito.
" Huwag mong hahawakan ang pinuno namin kung hindi ka naman na isang mangagamot!"-
"Maaari akong makatulong magtiwala ka lang sa akin, ano ang pangalan mo?" tanong ko habang tinitignan ang bibig ng lalaking nakahiga at sinuri din ang pulsuhan nito.
"Ako si Theo mula sa tribo ng mga manticore"- sinulyapan ko ito saglit at medyo humupa na ang kaniyang galit. Labis-labis ang kaniyang pag-aalala nito sa pinuno niya.
" Alam mo ba kung ano ang huling kinain niya?" mabagal ang pulso nito at nag-iiba na ang kulay ng mga kuko nito hindi ito magandang senyales.
"Ang alam ko ay inabutan siya ni Tana ng isang ligaw na halaman sa tabi-tabi at pagkatapos ay nahimatay na lamang siya"- Theo
"HINDI YAN TOTOO!" napalingon naman ako doon sa babaeng sumigaw. Maganda ito at sexy kaya lang hindi ko bet ang attitude nito basta pakiramdam ko ay hindi kami magkakasundo.
"Bakit ko naman gagawin yun ha Theo?"
"Alam kong matagal ka nang may pagtingin sa pinuno namin, yun nga lang ay hindi ka niya gusto kaya tigilan mo na siya!"- Theo
Habang nagtatalo silang dalawa ay pasimple kong pinindot ang pendat ng choker at itinapat iyon sa ilalim ng aking balabal pagkatapos ay ipinainom ko ito sa kaniya at maya-maya pa lamang ay nagkamalay na ang pinuno ng manticore.
"Pinuno! Salamat at nagkamalay ka na!"- theo
"Maraming salamat at iniligtas mo ako, ano ang iyong panga-" naputol ang pagtatanong nito dahil, nagtanong kaagad si Rex.
" Maari mo bang sabihin sa amin kung bakit ka nawalan ng malay?"
"Binigyan ako ni Tana ng isang halaman" kinuha niya ang halaman at laking gulat ko na isa iyong kabute na kulay purple! Isa iyong uri ng halaman na may matinding lason, ang sinumang makakain nito ay tiyak na mamamatay.
"Ang ganitong uri ng halaman o mas kilalang kabute ay may dalang matinding lason, kung sinoman ang makakain nito ay tiyak na mamamatay" pagpapaliwanag ko rito at lahat naman ng tribo ay naging saksi sa mga pangyayari.
_"napakabuti ng babaeng ito"
"isa kaya siyang tunay na manggagamot?"
"anong tribo siya napapabilang?"
"Sino ba siya?"_
Rinig na rinig ko ang lahat ng kanilang binubulong, tumingin naman ako kay Rex at ngumiti.
"Ako si Sumatran mula sa tribo ng manticore. Bakit hindi mo tanggalin ang iyong nasa ulo upang makita ang taong nagligtas sa aking buhay?"- Sumatran
"Dahil maganda na ang iyong pakiramdam ay makaalis na kami" binuhat ako ni Rex at wala man lang pasabi na lilipad na pala kami.
"Bakit tayo umalis agad?" tanong ko.
"Hindi maganda ang nakikipag-usap ka ng matagal sa ibang lalaki, mabuti na lamang ay nakasuot ka ng balabal kundi ay makikita nila ang iyong kagandahan"
"Haha pala-biro ka pala Rex, tumulong lang naman ako, ito naman selos agad" tinignan ko naman ito ng may pang uudyok at pinamulahan naman ito ng mukha. Hay Rex napaka seloso mong dragon ka.