webnovel

CHAPTER 104 - SURPRISE, SURPRISE! PART 2

CHAPTER 104 - SURPRISE, SURPRISE! PART 2

-----

ETHAN SMITH POV

So we finally arrive at the mall dito sa Paris. At dahil nga binalaan na ako ng wife ko na eto na yung last time na iispoil ko sila kaya binili ko na lahat ng tinuro nila sa mall na yun. At habang namimili kami...

Ring! Ring!

Hmm? Mom is calling...

"Yes, Mom? Nasa mall po kami ngayon. Bakit ka po napatawag? Anything I can help?" wika ni Ethan matapos sagutin ang tawag.

"Ahh wala naman son, namiss ko lang yung mga apo ko. Asan na sila? Tsaka ano yan, nasa mall kayo? nanaman?" tanong ni Mommy Isabel via videocall.

"Ahh, hehe. Yes, Mom." tugon ni Ethan.

"Aba, talagang spoiled na spoiled ha."

At bigla namang sumingit ang asawa ko nang mapansin niyang ka-video call ko si Mommy. "Yes, Mom. But it will be the last time po ng pang iispoil ni Ethan, Mommy. Nasabihan ko na po siya about dyan and we both agree na turuan naman ang kambal na maging responsible."

"Yes, tama yan Penelope, anak. Good job...."

Hay nako nag-sanib pwersa nanaman. Well, mas lalo lang din naman talaga silang naging magkaclose lalo na nung dumating ang kambal. Madalas nga eh sa kanya na mismo tumatawag si Mommy.

"Oh Hon, eto na yung phone mo. Kinamusta lang daw ni Mommy ang kambal eh kaso hindi makausap itong dalawa at tignan mo nag eenjoy ang dalawa may mga kalaro oh hahaha." wika ni Penelope.

Ohh wow. Isa rin to sa mga magandang katangian ng kambal. Napaka-friendly nila. Kahit saan kami magpunta basta may bata silang makita, automatic kakawayan at ngingitian nila. Grabe nakakatuwa, di ko maimagine na ganyan na sila ngayon. Ang lalaki na parang dati palagi lang naming kinakarga, ngayon mga naglalakad na at nakikipaglaro na din. Sobra ko talagang naeenjoy ang pagiging ama at asawa sa mag iina ko.

Kaya ang Hospital namin ipinaubaya na muna namin pansamantala kina Kuya Pat at Ate Bella. Sila ngayon ang namumuno sa Twin Tulips Hospital. Samantala yung business ko naman na Auto Paradise ay pinamumunuan na muna ni Mr. Davidson Griffin.

Almost 2 years na din kami dito sa France, pinili namin na dito na muna manirahan dahil dito na din namin balak pag-aralin ang kambal.

And today is April. 06, 2025, pauwi na kami at success nabili ko na din yung dapat kong bilhin dito sa mall. Even the kids enjoyed it maging ang Mommy nila. Kaya masaya kaming uuwi lahat.

3 Months later...

PENELOPE THOMPSON POV



June. 06, 2025.



*Beep! *Beep! *Beep! *Beep! (noise from the alarm clock.)

Time Check: 7:30 am

Omg! June 06 nga pala ngayon. Birthday na ni Ethan. It's his 31st birthday, at pagmulat ko hmm? Wala siya dito, oh pati yung kambal wala din. Aba ang daya naman ng tatlong yun, di ako ginising. Kaya agad agad akong bumangon para hanapin ang mag aama ko.

At pagbaba ko ay sumilip agad ako sa garden namin at ayun nakita yung tatlo na naglalaro.

Pagkasilip na pagkasilip ko ay agad naman akong nakita ng kambal at tumakbo kaagad sa akin. "Hi, Mom! I love you, you are finally awake!" wika ng kambal sabay yakap at halik sa akin.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa Garden at nakangiti lang siya sa akin. "Good Morning my beautiful wife. Pasenya kana ha, di na kita ginising dahil alam kong puyat ka." wika ni Ethan.

At bilang paglalambing ko ay umupo ako sa hita ng asawa ko sabay bati sa kanya. "Happy Birthday, hon. I love you so much." wika ni Penelope sabay yakap at halik sa asawa.

"Thank you hon, I love you more. Anyways, lalabas tayo mamaya ha. Kaen tayo sa labas." wika ni Ethan.

Ohh wow, first time nitong mag aya ulit sa mismong birthday niya. Madalas kasi ayaw niya talagang cinecelebrate ang birthday niya lalo ngayon na mas pinipili niya nalang na makasama ang kambal.

"Sure, hon. Nagulat naman ako sayo. Ano nakaen mo at ikaw na ang nag aaya ngayon?" tanong ni Penelope. "But whatever the reason is, sige. I know na kapag ikaw ang nag aaya alam kong napaka espesyal niyan. The last time you invited me eh you took me in a romantic date. But that was few months ago."

"Haha, yeah. But don't expect too much okay?" nakangiting tugon ni Ethan.

"Che! hahaha." sagot ni Penelope.

At makalipas ang ilang oras ay nagready na kami para sa dinner treat ng asawa ko. Nakaligo na at nakabihis na din kami hanggang sa...

ETHAN SMITH POV

Paalis na sana kami at lahat ay nasa loob na ng sasakyan nang magpaalam naman ang asawa ko na lumabas saglit para daw umihi. Nakakapagtaka nga lang dahil maka-ilang beses na siyang pabalik balik sa banyo but I was thinking na baka binabalisawsaw ang asawa ko. Kaya agad ko siyang sinundan sa loob.

"Hon, are you okay?" nag aalalang tanong ni Ethan.

Sakto naman na lumabas na ng banyo ang asawa ko. "Yes, hon. Sorry. I am fine, don't worry." tugon ni Penelope habang nag pupunas ito ng tissue sa kanyang bibig. "Tara na, huy. Wag kang mag alala hon okay nga lang ako." dagdag pa nito.

Although, nag aalala pa din ako pero tumuloy pa din kami sa dinner. Dahil una sa lahat ay bawal itong macancel dahil naiready ko na itong araw na ito 3 months ago pa.

Kaya agad kaming umalis at nagtungo na sa restaurant sa Paris.

It was 7:00 pm nang makarating kami sa le bistro parisien, itong restaurant na ito ay isa sa mga sikat na restaurant dito sa Paris dahil overlooking dito ang mismong Eiffel Tower. Ito talaga ang napili ko dahil sa napaka romantic din ng lugar.

Pagkarating namin sa lugar ay kita ko ang pagka-mangha ng asawa ko sa lugar. Talagang tinitignan niya lahat ng sulok at syempre pumwesto na kami sa spot na kita ang Eiffel Tower.

"Wow, napakaganda dito, hon. Alam mo, never mo pa talaga akong nadisappoint sa mga choices mo, infairness to you." wika ni Penelope.

"Of course hon, ever since naman kahit nung mga bata pa lang tayo I always make sure na talagang magugustuhan mo yung mga presents ko sayo." nakangiting tugon ni Ethan.

So nag order na din kami at maya maya lang ay dumating na ang mga inorder namin. Pasta for the kids, steak, and veggies naman ang samin.

At pagkatapos namin kumaen ay nagpaalam ako sa asawa ko na magbabanyo na muna ako saglit...

PENELOPE THOMPSON POV

Mmm. Grabe ang sarap ng kaen ko. Sobrang sarap ng salad nila kahit nga yung sa asawa ko ay ako na din ang kumaen. Hanggang sa nung matapos na kaming kumaen ay nagpaalam ang asawa kong mag babanyo daw muna siya saglit. Kaya eto nag aantay kami sa kanya, medyo inaantok na nga ang kambal eh hanggang sa may lumapit sa amin na isang waiter. Naka mask siya at nakasuot ng eyeglass na may black din na frame. Hmm? Why is this guy look and smells so familiar, but nevermind dahil mukhang sisingilin na nya ata ako. Nako umiistyle ata ang asawa ko kaya pala bigla nalang nagbanyo. Hmp!

"Hello, Ms. Penelope right?" tanong ng waiter.

"Ah yes po. Ahm can we just wait for my husband he is in the comfort room right now." tugon ni Penelope with an awkward smile.

Then I felt a little bit weird dahil bigla kong napansin parang nateteary-eyed si kuyang waiter. At nagulat ako nang bigla niyang inabot ang isang bouquet ng flowers. Omg! A combination of red roses and tulips.

"Huh? What is this for?" naguguluhang tanong ni Penelope. Hanggang sa biglang nag-dimmed ang mga ilaw at tanging mga candle lights ang nagsilbing liwanag.

At bigla nalang may tumugtog na isang violin (Perfect by Ed Sheeran playing in the background).

Omg! Ano to? Bakit ganito? Di naman ako ang may birthday ah pero bakit may pa-ganito? Hanggang sa lumabas na ang asawa ko at duon na ako napahagulgol kahit na wala pa akong totally idea kung ano ba itong nagaganap. But it was so romantic and I can't help but cry.

"I'm so grateful for you every second and although I know that our journey together hasn't been easy. As a matter of fact, we've had tough times, but what I admire is how we've always come out stronger. That's why I'm so grateful that we met. I'm grateful that somehow in this crazy universe with infinite possibilities, destiny paved the way so we could see each other at the right time at the right place at the right moment. So many things could have happened to keep us from existing together. Yet we met and started something so beautiful. I'm grateful for us and I never want to let you go. Penelope, my wife alam kong takang taka kana kung para saan lahat ng to pero nais ko lang sanang malaman kung payag ka bang pakasalan ako ulit?" wika ni Ethan habang dahan dahang naglalakad patungo kay Penelope.

I am so emotional right now at lumuhod na nga si Ethan showing his ring. "Penelope, my wife will you marry me again?"

Hindi ko mapigilan yung mga luha ko dahil sa sayang nararamdaman ko, hindi ko enexpect na mag propropose siya sa akin. Sa totoo lang akala ko mag cecelebrate lang kami ng birthday niya. Parang ako tuloy yung may birthday dahil sa sobrang romantic na surprise proposal niya.

"Yes hon, of course, I wanna marry you again" umiiyak na tugon ni Penelope. At pagkatapos ay sinuot na ni Ethan ang singsing kay Penelope.

"Woooh!!" sigaw ng mga tao sa loob ng restaurant.

Omg, hindi pa din siya nag sisink-in sa akin hanggang sa ngayon. Nagulat din ako dahil biglang dumami ang tao na nanunuod sa amin and they look so happy.

Ethan hugged me and said. "That's not it hon, I have another surprise for you. Look."

At mas lalo pang bumuhos ang luha ko nang makita ang family ko, shocks Mom was here and Dad, siya pala yung waiter na nag abot sa akin ng flowers, present din sina Mommy Isabel at Daddy Albert, kasama din sina Kuya, Ate Bella, and Bethina. My beshie

Mica was there also, with Lucas. Enzo, Jessica, Noah and Leuize. Omg, panong hindi ko sila nakitang lahat kanina.

Kaya mas lalo pa akong napahagulgol dahil sobrang miss na miss ko na sila. And they were all happy celebrating with us.

"Sobra ka naman hon, tignan mo ohh magang maga na tuloy ang mukha ko kakaiyak." wika ni Penelope habang kayakap ang asawa.

Pinunasan ko na ang luha ko dahil wala din kaalam-alam ang asawa ko na bukod dito sa surpresa niya ay meron din akong surpresa sa kanya.

"Hon sobrang salamat ahh, pero alam mo ba may surprise din ako sayo." nakangiting sabi ni Penelope.

At gulat na gulat ang asawa ko nang marinig niya iyon sabay lapit ng tenga niya sa akin. "Your're going to be a father again, I'm pregnant, hon." pabulong kong sabi.

Nanlaki ang mga mata ng asawa ko sa gulat. " What?! Wow hon really? Your're pregnant?"naluluhang tanong niya sa akin na tila ba'y hindi siya makapaniwala.

"Yes, Hon I'm pregnant." tugon ni Penelope na ikinagulat ng mga tao sa loob dahil maging sila ay hindi makapaniwala.

Kaya lumapit na sa amin sina Mom and Dad, congratulating us.

"This was a double celebration pala, grabe kayong mag asawa talagang nagpalitan pa kayo ng surprises. We're all happy for you, sobrang deserve niyo lahat ng blessings anak. Mahal na mahal namin kayo." wika ni Mommy Isabel sa kanyang anak na si Penelope.

"Thank you, Mom. Mahal na mahal ko din po kayo." tugon ni Penelope habang yakap ang Ina.

At lumipas ang gabi na nag-uumapaw ang saya at pagmamahal sa grabe ng suporta ng mga mahal namin sa buhay. We are so blessed talaga sa family at sa mga taong nakapaligid samin.

ETHAN SMITH POV

Matapos ang sobrang sayang gabi na yun ay umuwi na kami. Sina Mom, Dad at ang mga importanteng taong dumalo na kinunchaba ko ay umuwi na din sa kanilang mga hotel.

Napapatulala nalang ako sa sobrang saya ng araw na to at lalo na nung nalaman ko na buntis na ulit ang asawa ko, grabe wala nang mapaglagyan ang saya ko tapos karga ko pa ang kambal ko na mahimbing na ang mga tulog. I am really so blessed!

At safe din kaming nakauwi sa aming bahay. Nilapag ko na ang kambal sa kanilang mga kama. At habang nagbibihis ay napansin ko ang asawa ko na umiiyak kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap. "Hon wag kana umiyak baka makasama yan sa baby natin.Pero alam mo hon kulang ang salitang thank you, sa regalong binigay mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya Napaka swerte ko talaga sayo, dahil parang kelan lang na tayo lang dalawa hanggang sa binigyan mo ako ng Eros at Elisse. At ngayon magkakaroon na ulit tayo ng bagong anghel sa buhay natin. Sobrang saya ko, hon. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo." wika ni Ethan habang hawak ang kamay ni Penelope matapos punasan ang luha nito.

"Hon alam mo sa totoo lang mas maswerte kami sayo, kasi lahat binibigay mo sa amin. Alam mo hon, hindi mo na kailangan bumawi dahil sobra sobra pa ang pagmamahal na binibigay mo sa amin." nakangiting tugon ni Penelope.

"I love you so much hon."

"I love you more, hon."

At pinatay na namin ang ilaw at sabay na din kaming natulog...

下一章