webnovel

CHAPTER 74 - WEIRD CRAVINGS

CHAPTER 74 - WEIRD CRAVINGS

----------

PENELOPE THOMPSON POV

Ang bilis ng mga araw. Parang kelan lang, inannounce sa publiko na kinasal na kami. Makalipas ang isang buwan sobrang daming naganap sa buhay namin ni Ethan. Nag start na kaming mag trabahong muli sa Twin Tulips Hospital. Inassign ako bilang Co-CEO ni Ethan sa Building 2 kung saan wala namang nagbago sa trabaho namin. Neurosurgeon pa din ako ata Cardiologist pa din si Ethan pero pinromote niya si Doc. Arman bilang head sa Heart Care Department,

Nakapag opera na din akong muli. Nakakatuwa lang na mas dumami kami dahil nga nagsanib pwersa ang dalawang hospital, mas madami kaming natutulungan. Patuloy ang pagbigay ng libreng gamot ng hospital mapa Building 1 o Building 2 ng Twin Tulips Hospital. Sabay kaming napasok ni Ethan, grabe nga e dahil madalas niya pa din akong sinosorpresa. Para bang nililigawan pa din niya ako.

Tapos, ang beshie ko naman. Confirmed na buntis at ang tiyan niya na ay 10 weeks na. Madalas kaming nagkikita ng Beshie ko dahil mukhang pinaglilihian niya ata ako. Minsan nga nakikipag face time pa sa akin kahit dis oras na ng gabi. Kaloka.

Si Kuya, ayun nung una nangangapa pa sa trabaho niya bilang CEO pero ngayon grabe sobrang busy na niya talagang kina-career ang pagiging CEO, aba dapat lang naman. Tapos si Ate Bella naman, nag pa transfer na dito sa Pilipinas bilang OB-Gyne. Dito na din nag aaral si Bethina, pero home schooling pa din siya. Bongga na ang bata na yun dahil ginawa lang naman siyang model ni Mommy Isabel sa bago niyang launch na kiddie wear clothing.

"Uhm. Hon? Any problem? Kanina kapa dyan nakatulala."

"Ah hehe. Hindi nag rereminisce lang ako. Para kasing ang bilis ng panahon e. Huling punta natin dito sa Tulip Garden mga teenager pa tayo. Tapos ngayon mag asawa na tayo. Sampalin mo nga ako hon, baka nananaginip lang ako." biro ni Penelope habang nakahiga sa hita ni Ethan.

"Aray!" wika ni Penelope na kinagat pala ng langgam kaya bigla itong napabangon.

"Ohh? Ano nangyare sayo? Wala akong ginagawa sayo ah. Kumakaen lang ako ng fishball dito."

Hanggang sa biglang may tumawag sakin.

Ring! Ring!

Mommy Patricia calling....

Hmm?

"Hello Mom?"

"Hello, sweetheart." malungkot na bati ni Mommy Patricia.

"Ohh bakit ganyan ang tono mo Mom ano nangyare?" pag aalala ni Penelope.

"Diba hinahapo nanaman ang Dad mo, kaya nagpacheck up kami. Dumating na yung resulta kanina lang."

"Ohh really? Anong meron?" nag aalalang tanong ni Penelope na hindi na mapalagay at napatayo nalang bigla.

"May Heart Valve Disease ang Daddy mo." pag iyak ni Mommy Patricia.

Hayy, mukhang masusubok nanaman kaming pamilya ah. Pinaalam ko agad kay Ethan ang nadiagnose kay Dad. Pina-send ko din kay Ethan yung copy mismo o yung letter ng naging result ng examine ni Dad.

Agad na tinawagan naman ni Ethan si Doctor Arman para ipaalam ang sakit ni Dad.

Niyakap ako ni Ethan. At niyaya na niya akong umuwi. Ni-request niya din na ipaconfine na si Dad para macheck na agad at ma-monitor dahil yung mga ganyang sakit daw ay kailangan agapan agad. Kaya dali dali ay umalis na kami sa Garden na yun at bumyahe na pauwi.

ETHAN SMITH POV

Nang makauwi kami, dali dali kami ng asawa ko na mag prepare ng ilang gamit tsaka umalis papunta sa building 2 ng Twin Tulips Hospital.

Nang makapunta na kami sa Hospital, nagbihis na ako at ang asawa ko naman ay kinontak ang pamilya niya.

Maya maya ay dumating na din sina Daddy Harvey kasama si Mommy Patricia at ang personal nurse nila na si Nurse. Austin.

Agad naming dinala sa suite room sina Mom and Dad habang iniischedule ang operation ni Daddy Harvey.

PENELOPE THOMPSON POV

Habang nagaganap ang mga bagay na yun ay meron namang kanina pang tumatawag tawag sa phone ko. Iba ibang number kada mabablock ko ang isa, may tatawag nanaman na panibagong number.

Kaya nung dinala na kami ng asawa ko sa suite room ay naisipan kong sagutin ang tawag. Busy din naman sina Mom and Dad magkwentuhan e.

0915******** is calling...

pumunta muna ako ng banyo para lang masagot at malaman kung sino ba tong tawag ng tawag na to?

"Hello? wow finally sinagot mo na. Kamusta ka na?"

End call..

pagsagot ko, isang familliar na boses ang narinig ko kaya agad kong pinatay. At binlock na din.

Nakaka inis, heto nanaman siya. Ayaw niya ba talaga akong tantanan? Ano bang pakay niya saken?

*krook krook*

Naku, mukhang nagugutom na ako. Pero kaka kain lang namin kanina ah?

Kaya lumabas na ako ng banyo.

Paglabas ko saktong nandun ang asawa ko kaya nagpabili ako ng makakaen sa kanya.

"Sorry sa abala hon a. Wala e, nagugutom na kasi talaga ako."

"Yeah hon, it's okay. Ehh kaso busog na nga daw sina Mom kaya bakit dalawang fries at dalawa ding sundae ang oorderin? Tapos spaghetti dalawa din? Kaya mo ba yun? Mamaya ma empacho ka. Magiging busy pa naman ako mamaya."

"Okay sige wag na." maluha luhang sinabi ni Penelope

"Ohh, no no no hon. Di naman sa ganun. Okay sige na. I'll call Jessica nalang ha." sabay tawag kay Jessica.

ETHAN SMITH POV

Weird naman ng asawa ko. Actually, kaka kaen nga lang namin 1hr ago tapos nagpapa order nanaman? Akala ko nga nung una kaya madami ay dahil kasama sina Mommy at Daddy, malaman laman ko kanya lang pala.

Pero syempre wala naman akong magagawa. Kung gusto ng asawa ko, edi go. Kung saan siya hahappy.

Kaso nga lang after kong matawagan si Jessica pag tingin ko sa asawa ko, aba umiiyak pala?

"Ohh hon? Wag kanang umiyak, nagpaorder na ako." pagkakalma ni Ethan sa asawa habang yakap yakap ito.

di nman siya sumagot basta yumakap lang siya. Hanggang sa 10 mins ay kumatok na si Jessica dala ang pagkaen.

Grabe, abot tenga ang ngiti ng asawa ko. Okay, dahil masaya na siya nagpaalam na akong umalis. Ako nalang yung humalik sa kanya dahil hindi magkanda mayaw ang bibig niya sa pagnguya ng spaghetti.

"Babye hon. Babye Mommy and Daddy. Mauna na po ako a."

"Bye anak." paalam nina Mommy at Daddy Harvey.

Napatingin ako sa asawa ko, at least nag thumbs up naman sakin kaya umalis nako.

PENELOPE THOMPSON POV

BURP!!

"Hayy grabe busog." hahawak hawak pa sa tiyan.

Nakatingin pala sa akin si Mom.

"Grabeng lakas mo naman kumaen sweetheart? Naubos mo lahat?" nagtataka na sinabi ni Mommy Patricia.

"Hehe, gutom ako mommy e. Kulang pa nga e kaso baka maempacho nako. Mamaya nalang ulit." nakangiting sinabi ni Penelope.

Nagkatinginan nalang sila ni Dad.

Hanggang sa may dumating na nurse na mag checheck kay Dad.

ETHAN SMITH POV

Okay naman ang BP ni Daddy Harvey kaya inischedule namin na mamayang 7:00 pm ang operation niya.

Time Check: 5:00 pm

Naglagi na muna ako sa office ko. At tinawagan ako ng asawa ko. And guess what? Nagugutom nanaman daw siya. Pinaparinig pa nga sa akin yung tunog ng tiyan niya para maniwala ako.

Kaya pinagbake ko muna siya ng muffin dahil hindi niya daw alam ang gusto niya. Kaya pagkatapos kong magbake ay ako na mismo ang nag dala dahil namimiss ko din naman ang mukha ng makulit kong asawa.

"Here, hon. Pinagbake nalang kita nitong favo..."

Napatigil ako kasi nakahawak siya sa ilong niya na para bang nasusuka.

"Hon ilayo mo pls! Amoy sunog! Alam mo naman na ayaw ko ng sunog diba?" mataray na sabi ni Penelope na ikinagulat naman ni Ethan.

"Sunog?"

Dahil masunurin naman tayo nilayo ko nga sa kanya yung muffin at saktong nandun si Jessica kaya binigay ko nalang sa kanya para hindi naman masayang.

"Jessica oh, sunog daw e. Totoo ba?" pabulong na sabi ni Ethan.

"Huh? masarap nga e. Tama nga lang ang pagka bake mo Doc. Gaya pa din ng dati." tugon ni Jessica na taliwas sa naaamoy ni Penelope.

Napailing nalang ako. Pagpunta ko sa asawa ko, lugmok nanaman. Mahaba nanaman ang nguso.

"Hon, ano ba kasi ang gusto mo? Tell me, magpapadeliver tayo agad." panunuyo ni Ethan sa gutom na gutom nitong asawa.

"Okay, sige. Gusto ko ng vegetarian."

"Wow, healthy ng asawa ko a."

"Dalawang vegetarian Pizza hon."

Halos matumba ako sa kinauupuan ko nang marinig ko yun.

"Wow, are you serious?"

"Ayan nanaman tanong nanaman. Hay nako." nakasimangot na sabi ni Penelope.

"Hahaha ang asawa ko naman matampuhin. Eto na po. Ako na ang tatawag."

20mins nang dumating ang inorder kong 2 boxes of vegetarian pizza para sa asawa ko. At katulad kanina sobrang saya na niya ulit. Parehas pang binuksan at parehas ding tinikman.

Natatawa nalang kami nina Mommy and Daddy sa loob sa katakawan ng asawa ko.

Hanggang sa napansin ko sa relo ko na 6:00 pm na. Kailangan ko na palang umalis para makapag ready sa operation mamaya.

下一章