webnovel

CHAPTER 70 - TWIN TULIPS

CHAPTER 70 - TWIN TULIPS

-----------------

PENELOPE THOMPSON POV

Nang tawagin na kami paakyat sa stage inalalayan ako ni Ethan tumayo sa upuan ko hinawakan niya ako sa kamay at ng makatayo na ako humawak siya sa bewang ko para alalayan niya ako sa paglalakad kaya magkadikit kami papunta sa stage, Sobra ang kaba ko lahat kasi ng tao sa amin na nakatingin, lahat sila halatang gulat na gulat sa narinig na mag asawa na kami ni Ethan.

" Hon relax ka lang makakatulong din to para hindi na tayo laging sinusundan ng mga reporter, para malaman na din nila na kaya tayo laging magkasama dahil mag asawa na tayo.. Pabulong na pag papakalma ni Ethan kay Penelope

"Sorry hon hindi lang kasi ako sana'y na lahat ng tao nakatingin sa atin kaya ganito nalang yung kaba ko. Pabulong na sabi ni Penelope kay Ethan

"Don't be nervous Hon, Nandito lang naman ako sa tabi mo, pati kaya yan sila nakatingin sa atin kasi sobrang ganda mo. Pabulong na sabi ni Ethan.

" Sus Bolero ka talaga"

" I'm telling you the truth Hon, You look so beautiful and sexy like a Goddess. Sabi ni Ethan kay Penelope.

Hindi ko na sinagot si Ethan kasi nandito na kami sa taas ng stage.

ETHAN SMITH POV

Nakaakyat na kami ng stage at hawak ko ang kamay ni Penelope.

"Nandito po kami sa inyong harapan para magsalita dahil alam ko na ang iba sa inyo ay hindi makapaniwala sa sinabi ng Daddy ko na kasal na po ako, Yes po, totoo po it's a private wedding kaya walang lumabas sa publiko ng aming status. Kaya ngayong gabi ipinapakilala ko po sa inyong lahat. My lovely wife, ang Neurosugeon ng Thompson Hospital Medical Center, Mrs. Penelope Thompson-Smith"

*crowd applauds

Ramdam ko pa din ang kaba ni Penelope, isang short but sweet ang iniwang mensahe ni Penelope sa mga tao nung gabing yun.

"Magandang Gabi po sa inyong lahat. Nagagalak ko po na makita kayong lahat. Nawa po ay mag enjoy lang tayo ngayong gabi. Maraming Salamat po."

Pagkatapos magsalita ni Penelope, bigla kong napansin sa may gawing kanan.

Tumayo si Lucas Lee sabay sabi ng.

"Kiss naman dyan!" sabay batingting gamit ang bread knife at wineglass.

sumunod na din na mag ingay pati halos lahat ng tao sa loob nag sisigawan ng "kiss!".

Hindi ako makapaniwala. It's new para sa amin ni Penelope. Pero nagulat ako nang si Penelope pa ang nagsabi sakin.

"Hayaan mo na, pagbigyan nalang natin." pabulong na sabi ni Penelope habang nag iingay ay crowd.

"Really?" napalunok ng laway si Ethan nang marinig ito.

Magkatapatan na kami ni Penelope at nagbilang ang crowd ng 1, 2, 3 ! Kiss!

And we just kissed!

The kiss lasted like 5 seconds.

Everyone has taking pictures. Yung media nakapalibot. I know, this will be a headline nanaman sa buong Pilipinas.

Nagpalakpakan ang mga tao sabay bumaba na din kami ni Penelope. Inalalayan ko siya pagbaba as usual. Everybody was congratulating us hanggang sa makarating na kami sa table namin.

I really thought na yun na ang announcement na sasabihin ni Dad.

Pero laking gulat ko nang sabihin ni Dad na meron pang isang malaking announcement para naman sa Thompson Hospital Medical Center.

At hindi ko inasahan, maging ng ibang tao sa paligid nang ayain niya sa stage ang bagong labas sa hospital na si Tito Harvey.

Naka wheelchair pa si Tito Harvey nang pumunta sa harapan kasama si Kuya Patrick na umaalalay naman sa kanya.

PATRICK THOMPSON POV

I felt nervous dahil hindi ko naman inexpect na ako ang mag aasist kay Dad paakyat kahit na andyan naman ang Nurse niya na si Nurse Austin.

Pero Dad insisted na ako nalang daw. Kaya wala akong choice kundi sumunod.

"Good Evening, Everyone. I hope everybody is having a good night.

Pero bago ang malaking announcement gusto ko lang makahingi ng isang yakap sa aking mabuti kong kaibigan na si Don Albert na balae ko na din."

*Don Albert brotherhood hug on Daddy Harvey

"I am so happy na you are finally great matapos ang mga pagsubok. I wish na patuloy na ang pag galing mo. I appreciate the effort na makapunta ka sa gabing ito." maluha luhang bulong ni Don Albert kay Daddy Harvey.

"Sobrang Salamat din Don Albert. I owe you everything. You not just save my life, but also my family." emosyonal na sabi ni Daddy Harvey kay Don Albert.

Matapos ang emosyonal na batian nina Daddy at Don Albert, bumalik na sa pagsasalita si Dad.

"I'm sorry about that. Nagpasalamat lang ako kasi sobrang blessed ako na meron akong kaibigan tulad ni Don Albert.

Anyways, going back to the announcement.

I know you guys can see my condition right now, issue ko na din ngayon ang health ko kaya sa tingin ko ay hindi ko na magagampanan ang tungkulin ko bilang CEO."

Napapaluha luha na ako nang bigla akong hawakan ni Dad.

"I would like to formally announce na I am stepping down as the CEO of Thompson Hospital Medical Center."

What? Even ako ay napatingin kay Dad.

"And here with me, the new CEO of Thompson Hospital, Patrick Thompson."

That was really like out of nowhere. Hindi pa nga nag sisink in sa akin na nag step down si Dad e tapos ngayon inannounce niya na akong ang bagong CEO ng Hospital namin? I am really shocked right now.

*crowd applauds

After the announcement, nagpasalamat pa si Dad sa mga Nurses and Doctors ng Hospital namin maging sa mga nakasama niya sa Neurosurgery Department. At pagkatapos nun ay bumaba na kami at bumalik sa may table namin.

Everyone at the table has been so emotional and congratulated me at the same time.

PENELOPE THOMPSON POV

Maski ako ay nagulat sa announcement na yun pero at the same time ay naproud naman ako sa Kuya ko. He really desevered it dahil ang dami ding natulong talaga ni Kuya sa pagpapaunlad nitong Hospital namin behind the scene. My brother is a Pediatrecian sa hospital namin.

"Congrats Kuya, I love you." mangiyak ngiyak na bati ni Penelope.

"Salamat babygirl." habang yakap ang busong kapatid.

Habang nagmomoment kami sa table namin ay nagsalitang muli si Don Albert.

"I know everyone is emotional right now. Pero hindi pa dyan natatapos ang malalaking announcement. Bago ko sabihin, nais kong mapanuod ninyo itong documentary about sa ating mga Hospital, ang Thompson Hospital Medical Center at itong Golden River Hospital."

Pinlay na ni Daddy Albert ang documentary ng aming mga Hospital. Clueless kami ni Ethan kung bakit may parang tribute about sa hospital namin. Sabi lang sakin ni Ethan na feeling niyan na may big changes na magaganap sa Hospital. Lalo na't mag asawa na kami ni Ethan.

Di mapigilan ng ilan na umiyak lalo ang mga Nurses and Doctors about sa hardwork nila.

Hanggang sa matapos ang documentary video.

*crowd applauds

"Maging ako ay naiyak sa documentary na yun. The reason behind that ay dahil merong malaking pagbabago na magaganap sa parehong hospital. At eto na ang big announcement na kanina ko pang binabanggit. The Thompson Hospital at ang Golden River ay magsasanib pwersa. Since, ang Co-CEO ng Thompson Hospital ay si Penelope Thompson at CEO naman nitong Golden River ay mag asawa na, it's time para mag merge ang dalawang malaking Hospital. At tatawagin na itong The Twin Tulips Hospital." pagbunyag ni Don Albert na ikinagulat ng lahat.

Inilantad niya din ang magiging disenyo ng bagong hospital. Inalis niya ang takip sa may malaking board sa gilid ng stage.

Namangha ang mga tao sa ganda ng kakalabasan ng bagong Twin Tulip Hospital. Sa madaling salita, bibihasan ng bago ang Hospital namin maging ang Hospital nila Ethan.

At muling nagsalit si Don Albert.

"Sa pag memerge na ito ay mahahati ang mga departamento ng hospital. Ang Department of Pediatric, Department of Ophthalmology, Department of Dental Medicine, Department of Family and Community Medicine, at Department of Obstetrics and Gynecology ang mapupunta sa Building 1 o yung dating Thompson Hospital. At dito naman sa Building 2 ang Department of Orthopedics, Department of Otorhinolaryngology-Head and Neck Surgery (ORL-HNS), Department of Surgery, Department of Anesthesiology, at ang Department of Internal Medicine."

"Next week mag tetake effect ang malaking pagbabago na yan. Hindi lang yan, dahil nga Twin Tulips ang ating Hospital kaya magkakaroon tayo ng easy access sa kabilang building. Sa kasalukuyan ay nagpapagawa na tayo ng isang exclusive road na magdudugtong para lamang sa dalawang hospital. Para mas mapadali ang pagpunta sa Building 1 patungong Building 2. Ganun din ang Building 2 sa Building 1.

Bago ko tapusin ang ang aking pagsasalita dito sa harap ninyo ay malamang nagtatanong kayo kung bakit sa dinami dami ng pwedeng maging pangalan ay Tulips pa ang ginawa kong pangalan ng Hospital. Ito ay dahil the flower tulips, symbolizes perfection and deep love. Kung saan ang dalawang aspeto na yun ang pinaka importante sa ating field na ginagalawan. Everything na gagawin natin sa ating mga patient has to be perfect while treating them with love. Mabuhay tayong lahat!

Ayun lamang po at maraming salamat."

*crowd applauds with a standing ovation.

------------

SAMANTALA ANG MGA KAGANAPAN SA LABAS NG HOSPITAL

------------

Traffic dahil sa dami ng tao sa labas na mga nanunuod sa malaking screen ng isang builing.

"Hmm? So, kinasal kana pala ngayon? Okay. Pero hindi naman ako naniniwala na mahal mo siya. Kelan lang naman tayo naghiwalay tapos nagpakasal kana? Sinong maloloko mo?

Hmm! Sabi ko na nga ba na isa ka ding gold digger e. Wag kang mag alala pag nawala sa buhay natin yang lalaki na yan ako na ulit ang mas mayaman satin. Ngayon pa talaga? na isa na ako sa mga high profile." habang hinihimas himas ng misteryosong lalaki ang hawak nitong baril sa loob ng sasakyan.

BEEP! BEEP!

"Ayy ano ba yan, pwede ka namang dumaan manong nagbigay na nga kami ng daan e pero ang lakas mo pa ding bumusina."

"Hoy! Wala akong pakielam sayo a. Mga pu******a nyong lahat! Magsama sama kayo ng mga iniidolo nyo mga g***!! Hahaha!"

sabay harurot ng sasakyan papalayo. 

下一章