webnovel

CHAPTER 69 - THE CHARITY BALL EVENT

CHAPTER 69 - THE CHARITY BALL EVENT

---------

PENELOPE THOMPSON POV

I am speechless right now. I feel like, I was dreaming. Feeling ko talagang ikinasal kami ni Ethan. Sobrang gusto ko yung look ko bukod sa bongga kong gown ay naka Swoonworthy Long Bridal Hairstyle ako. Grabe yung pagkaayos nila. Ganda din ng red stilettos ko.

Alam ko na naaappreciate ni Ethan ang look ko dahil pansin ko kanina pa siyang nakatitig lang sa akin.

"What's wrong?" tanong ni Penelope titig na titig niyang boyfriend.

Ethan smiled.

"You look so gorgeous. I feel so lucky and proud na ako yung napili mo."

"Hay nako, ano ka ba. Ako din naman sobrang swerte no. Kasi tignan mo, ang pogi pogi mo. Sobrang bagay din sayo ang outfit mo. Matchy matchy tayong dalawa."

--------------

AT THE SMITH'S GOLDEN RIVER HOSPITAL

-------------

DON ALBERT SMITH POV

Everything is set dito sa roof top ng Hospital. Piling pili lang ang mga inimbita ko, tanging mga importanteng tao lamang. Nag invite na din ako ng mga media dahil maraming importanteng announcement ang mangyayari mamaya.

Nagkakasiyahan muna ang lahat habang inaantay ang mag asawa na sina Ethan at Penelope.

Present din ang  tatlong ninong at tatlong ninang nila.

Una na diyan ang family attorney namin na si Atty. Enrico Gonzales. 10 years na namin siyang Atty. At sunod ay si Gen. Benedict Samonte na aking bestfriend simula pa nung highschool. Nanatili kaming magkaibigan kahit na magkaiba ang aming kurso na kinuha noong kami'y nag kolehiyo. At sumunod ang bigating may ari ng isang sikat na Jewelry Shop dito sa Pilipinas, siya din ang nag sponsor ng mamahaling singsing nila Ethan. Siya si Rafael Montenegro na naging kaklase ko naman noong ng take ako ng isa pang kurso na Business Management.

Pagdating naman sa mga ninang ay si Isabel My Love na ang kumuha sa kanila. Una na diyan ang amiga niya na si Monica Torres na may ari ng isang brand ng Luxury bag. Sumunod naman ay ang Congresswoman ng lungsod na si kagalang galang na si Congresswoman Lucy Ferrer. At ang panghuli naman ay  Principal at may ari din ng isang kilala na unibersidad na si Principal Ruth Salvador.

Mamaya maya ay nag palakpakan at nagtayuan na ang lahat dahil sa wakas. The couple has arrived.

Wow!

Lovely couple talaga ang dalawa na ito. Bagay na bagay sila. Parang mga artista.

I am surprised with Penelope, she look so stunning. Napatayo pa si Isabel My Love dahil bagay na bagay ang gown sa kanya na siya mismo ang nagdesign.

Sinundo ko na sila dito sa table para maupo dahil mamaya lang ay mag iistart na ang event.

PENELOPE THOMPSON POV

OMG! Ang daming tao, kahit ang media ang dami din. Hindi ako sanay na pinag titinginan dahil nacoconcious ako.

Sinundo kami ni Don Albert papunta sa may table kung saan merong familiar na mukha.

Mommy, Daddy?? Kuya, Ate Bella, and Bethina? OMG! Kumpleto ang family ko na nandito. Hindi nasabi sakin na invited din pala sila. 

Naiyak tuloy ako. Lalo seeing Dad na present sa occasion na to. Sobrang happy ko.

Bago kami maupo nag bless na muna kami sa parents ng bawat isa.

"Wow, Penelope. You look so gorgeous. Sabi ko na nga ba babagay sayo ang gown na yan." masayang pagbati ni Madam Isabel kay Penelope.

"Salamat po Tita. Ang ganda din po nitong design ninyo. Sobrang nagustohan ko po."

"Ano ka ba, Penelope. Wag nang Tita. From now on, Mom na ang itatawag mo sa akin." nakangiting sinabi ni Madam Isabel.

"Dad naman sakin. Hahaha." pag singit ni Don Albert.

Nakakatuwa dahil dito sa table na ito ay magkakasama ang mga parents namin ni Ethan. Kita mo din na masayang nag uusap ang mga magulang namin.

Kasama din pala namin sa table ang Assistant ni Ethan na si Jessica. Grabe ang pretty niya. Naka postura din. Kinamusta ko siya at nabanggit ko din yung mga nalaman ko about sa kanya sa bahay ampunan.

Habang si Ethan pinuntahan naman ang mga kaibigan niya sa kabilang table kasama si Mr. Lee at ang beshie kong si Mica.

Sumunod din ako kay Ethan para kasamang mangamusta sa kanila at pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya na tinatawag niyang Millionaires Gang.

Nakilala ko sina Noah Miller, Enzo Gomez, at syempre si Mr. Lee na matagal ko nang kilala hindi ko akalain na kasama pala siya sa grupo ng mga milyonaryo.

At nakipag chikahan na din ako sa beshie ko.

Hanggang sa sinenyasan na kami ni Don Albert na bumalik na sa table namin dahil magsisimula na ang event.

Hanggang sa nagsalita na ang host ng event, hudyat na mag sisimula na ang programa.

"Good Evening sa inyong lahat. Welcome dito sa The Smith's Golden River Hospital Charity Ball. Bago natin simulan ang programa nais ko sanang imbitahan dito sa harapan ang may kaarawan ngayong araw na ito. Walang iba kundi ang CEO/ Cardiologist, walang iba The Perfect Doctor himself Mr. Ethan Lopez-Smith."

*The crowd applauds

ETHAN SMITH POV

"Ahm. Hello everyone. Salamat sa pag punta dito sa Charity Ball naten. I hope na everyone enjoys this event. Alam ko na ang iba dito ay galing pa sa mga duty nila. Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili. Salamat sa serbisyo at sa pagbigay ng oras para sumama dito sa ating event na ito. There will be a lot of announcement na mangyayari mamaya kaya stay put lang kayo and enjoy the night."

Ang mga sinabi kong iyon ay nakasulat sa monitor sa ilalim sa may tapat ng stage.

Maski ako ay napaisip dahil parang ang dami atang magaganap ngayong gabi. Isa pa diyan yung mga nakatakip ng tela ang isang malaking board sa may kanan at kaliwa ng stage.

Pag upo ko, tinanong ko si Dad about that pero hindi niya ako sinasagot.

Maya maya ay si Dad naman ang umakyat sa stage para sa speech.

"Inaanyayahan ang former CEO ng Golden River Hospital at ngayon ay may ari ng Wineberry Incorporated, welcome Mr. Albert Smith.

*crowd applauds

"Salamat.

Welcome dito sa Charity Ball naten. Una sa lahat, ako ay taos pusong nagpapasalamat sa mga nag donate at magdodonate pa lamang sa ating charity. Thank you and Godbless.

Nais ko din po na ipaalam sa inyo na hindi lang ito isang Charity Ball Event, ngayong gabi na ito, iaanunsyo ko ang isang malaking pagbabago dito sa ating minamahal na Hospital.

Una na diyan, nais kong imbitahan dito sa ating harapan ang nag iisa kong anak na si Ethan Smith at ang asawa nitong si Penelope Thompson.

Gulat na gulat ang mga tao sa paligid nang malaman na kami ay mag asawa na ni Penelope maging ang mga kaibigan ko na Millionaires gang. Nakita ko pa nga si Noah na nakanganga at nakahawak sa ulo niya. Nung lumapit kasi ako sa table nila girlfriend lang ang pakilala ko kay Penelope.

下一章