webnovel

CHAPTER 16 - IT'S A DEAL !

CHAPTER 16 - IT'S A DEAL !

---------

PENELOPE THOMPSON POV

Knock! Knock! Knock!

Knock! Knock! Knock!

"Hmm? May kumakatok? Baka si Mr. Lee. Mag didinner pa nga pala kami.

(Yawn). Hayy. Sarap ng tulog ko a." wika ni Penelope na kakagising lamang.

Binuksan ko na yung pinto namin.

"Hello po ma'am. Eto na po yung breakfast ninyo." wika ng crew ng resort na nag deliver ng pagkaen nila Penelope at Mica.

"Breakfast? Omg! Umaga na pala?" gulat na tanong ni Penelope.

"Yes po ma'am. Kaya pinag dala po namin kayo nitong bacon and egg sandwich at coffee po." wika ng crew ng resort.

Pumasok na ako sa loob dala ang breakfast namin ng beshie ko. Agad kong chineck ang phone ko para malaman kung anong oras na.

"Shocks! 7 am na pala. At ang dami ko pang missed calls galing kay Mr. Lee.

Grabe nakakahiya. Maitext na nga muna sya." nag aalalang sinabi ni Penelope.

Good Morning Mr. Lee. Sorry hindi kami naka punta sa dinner last night.

Dala siguro ng pagod kaya napasarap ang aming mga tulog. Babawi nalang kami sa susunod. Peace.

-Penelope Thompson

-------------

"Grabe tulog na tulog pa din ang beshie ko. Sobrang nalasing siguro to kagabi."

"Uyy! Nag reply na si Mr. Lee! Hmm? Pinapa punta nya ako sa cafeteria." wika ni Penelope.

Kaya dali dali na din akong nag freshen up. At done na din mag skin care routine.

Ready na din to go to the cafeteria.

And finally! nagising na din ang Beshie ko. Inaya ko na din siyang mag breakfast dun sa may cafeteria.

"Tara Beshie sa cafeteria, dun na natin kainin itong mga breakfast na pinadala sa atin.

Dun na tayo kumaen, samahan natin si Mr. Lee kasi di na tayo nakasama kagabi."wika ni Penelope sa malungkot na tono.

Ngumiti lang ang beshie ko sa akin na para bang hindi nag aalala na hindi kami naka punta sa dinner kagabi.

Actually, naka ngiti lang sya hanggang sa pag punta ng restroom namin. All I can say is "weird".

Hmm. Siguro maganda lang ang panaginip nito.

Ang bilis lang mag freshen up ng beshie ko. Ready na agad sya kaya nag pa sundo na din agad kami kay Kuya Robert.

Nakarating na kami sa cafeteria..

Pagdating namin wala pa dun si Mr. Lee kaya sinabi ko sa beshie ko na mamaya na kami kumaen para makasabay namin si Mr. Lee sa breakfast.

At parang nag cecrave ako sa Choco Muffin kaya pumunta muna ako dun sa kitchen para mag request sa cook ng cafeteria, sobrang favorite ko kasi yun simula nung bata pa hanggang ngayon.

At sakto namang paglabas ko galing kitchen bigla namang dumating si Mr. Lee and I immediately reached out and apologized to him.

"Uy, Good morning Mr. Lee. Sorry nga pala kagabi a, di na kami nakapunta ng beshie ko. Sobra ata yung pagod namin kaya inumaga na kami ng gising tas ininom pa namin yung wine." pag explain ni Penelope sa hindi pagdalo sa dinner kagabi.

Mr. Lee just smiled at me.

At hinawakan ako sa balikat.

"No. Don't apologize, Ms.Thompson. I understand. Mica explained everything last night. Diba Mics?" wika ni Lucas na may kasamang kindat kay Mica.

Napatingin agad ako kay Mica.

Yung "fresh from the bed" look niya, napalingat lang ako may liptint na at mamula mula pa ang pisngi.

"Hi Lucas, Good Morning, Come and join us here." pag akit ni Mica kay Lucas.

Ohh, wow close. Napapatulala nalang akong sa dalawa na to.

Mukhang malalim na agad ang pinagsamahan. Hmm...

"Sure Mics, I'll order a coffee muna. Sige Ms. Thompson mag order muna ako then mag join ako sa inyo mag breakfast." wika ni Lucas na di mawala ang ngiti sa mga labi.

Umupo na ako sa tabi ng beshie ko.

"So naka join ka pala sa dinner nila kagabi. Tas di mo man lang ako ginising?" naka irap na sinabi ni Penelope sa kaibigan.

"Wow ha, beshie. Ilang beses kitang ginising no pero ang sarap pa din ng tulog mo nahilik ka pa nga e. Tsaka haler, sinabihan mo kaya ako na ako nalang ang pumunta. Nakapikit ka nga lang nung sinabi mo yun. Kaya ayun, ako nalang ang pumunta kesa parehas tayong wala diba?" pag explain ni Mica.

Maya maya lang ay dumating na ang order namin at naki upo na din si Mr. Lee sa table namin.

"Nga pala Ms. Thompson. Since may utang ka sa akin. Ganito nalang I have a favor." wika ni Lucas.

"Sure Mr. Lee. Gusto kong bumawi sayo. Tell me whatls the favor?" sagot ni Penelope.

"Diba may nabanggit nga ako na nagbabakasyon din dito ang kaibigan ko. And knowing na same kayo na 1 week vacation din siya dito. Gusto ko sanang ilibot sya sa resort natin." wika ni Lucas.

"Hmm. Okay. So to cut you Mr. Lee we will offer a Full Resort Tour to him?" tanong ni Penelope.

"Yup, Exactly Ms. Thompson. At tayo ang magiging tour guide nya sa mga tour na gagawin. Deal?" balik na tanong ni Lucas.

"Deal Mr. Lee. Na-miss ko din mag tour actually. Pero sasamahan mo ako kasi ang dami nang nabago dito sa Resort na to no. Ayaw kong mapahiya sa friend mo." wika ni Penelope.

"Sound great! Of course. tayong dalawa talaga ang magiging tour guide nya at the same time gaya nga ng sabi mo, malaman mo din ang mga bagong activities dito sa Resort.

It will be fun Ms. Thompson." wika ni Lucas na mukhang excited na sa tour nila kay Mr. Smith.

"So, kelan pala to?" tanong ni Penelope.

"Ngayon din. Susunduin na nga natin sya e since nakapag breakfast na din sya. 8 am talaga ang call time namin so, mag ready na din kayo. 7:30 pa lang naman so you guys have 30 mins to get ready.

Maiwan ko na muna kayo. I'll just check my friend." wika ni Lucas.

-------------

ETHAN SMITH POV

I woke up at 6:30 am. Medyo excited sa Resort tour mamaya. And mga 7am nang may kumatok para sa breakfast. Sakto I am hungry na din.

Kaya nag breakfast na ako dito sa room ko at infairness ang sarap ng mga food dito lalo favorite ko din itong bacon and egg samahan mo pa ng mainit na kape.

Mmm. Perfect!

After kong mag breakfast, nag decide na din akong maligo para mag ready sa tour mamaya.

At habang nagbibihis ako may kumatok sa room ko. And it was my friend, Lucas.

"Uyy, Bro! Good Morning. Naks! getting ready na ha." wika ni Lucas na naabutan si Ethan na nagbibihis.

"Good Morning, Bro. Of course bro, I am so excited na sa tour e. Ready to go naba tayo?" wika ni Ethan na sobrang excited nang mag Resort Tour.

"Uhm. Actually pinag reready ko na sila. And finally mami meet mo na din yung business partner ko.

Pumayag sya na maging tour guide mo mamaya. Naks! Haha." panunukso ni Lucas.

"Si Lucas kaba o si Kupido? Haha. Grabe kung ipush mo ako sa business partner mo, Sabi ko naman sayo I have no time for that. I am just looking for sa Resort Tour." nakangiting sinabi ni Ethan.

Knock! Knock! Knock!

I opened the door at si Kuya Robert ang bumungad sa akin hinahanap si Lucas.

"Sir Lucas, ready na po sila Ma'am. Nasa labas po sila nag hihintay po sa inyo." wika ni Kuya Robert ang driver ng Resort Car.

"Okay good." wika ni Lucas.

"Hey, Ethan? Let's go na bro!"

"Okay bro, Mr. Smith is coming!" sagot ni Ethan.

下一章