webnovel

CHAPTER 7 - FLASHBACK

CHAPTER 7 - FLASHBACK

-------------

ETHAN SMITH POV

Lumabas ako ng bar sa pag aakalang maabutan pa siya. Nang hindi ko na nakita si Penelope nagpasya na akong umuwi kasi may work pa ako kinabukasan.

Habang naglalakad ako papuntang parking lot, napaisip ako dahil hindi ko makalimutang tinulak ako ni penelope kanina.

"Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung nagulat lang ba siya o maaaring hindi niya ako nakilala? Pero hindi e tinawag niya ko sa pangalan ko.

Hayy nako ewan! makauwi na nga." wika ni Ethan na tila di makapaniwala sa inasal sa kanya ng dating bestfriend.

At nag drive na ako pauwi ng aking condo. Makalipas ang halos isang oras na pag dadrive, nandito na ako sa aking condo.

Nagpunta agad ako sa banyo para makaligo at makatulog na.

Paglabas ko sa banyo nahiga na agad ako pero hindi ako makatulog kaka-isip. Hanggang sa naalala ko nanaman nung mga bata pa kami ni Penelope noon.

Flashback

10 yrs. old ako nun, nung una kong nakita si Penelope. Nasa kwarto ako, nakasilip sa bintana namin.

May nakita akong batang babae ang cute cute nya maputi tapos chubby at matangos din ilong naglalaro sa park Nang biglang may lumapit na dalawang babae, yung bully dito sa amin.

Kaya agad akong bumaba dahil alam ko na yung mangyayari.

At pagbaba ko nadatnan ko na siyang umiiyak.

At biglang nagtakbuhan naman yung mga batang nag paiyak sa kanya. Nilapitan ko siya at tinanong kung anong ginawa ng dalawang batang iyon?

Inaway daw siya at pinalo sa braso. Kaya ang ginawa ko, hinipan ko ang braso nya.

"Ano? Nawala na ba yung sakit?" nakangiting tanong ni Ethan.

Nginitian lang nya ako. At pagtapos nun, hinawakan ko din ang pisngi nya at inalis ang luha sa kanyang mga mata at sinabihan ko siya na kapag may nang-away ulit sa kanya sabihin niya lang sa akin.

"Ako nga pala si Ethan, taga diyan lang ako oh (Nakaturo sa bahay namin na tapat lamang ng park na pinaglalaruan niya)" wika ni Ethan sa kanyang bagong kalaro at kaibigang si Penelope.

"Aba magkapitbahay lang pala tayo? Ako naman si Penelope, bago lang kaming lipat dito. Kaya wala pa akong kaibigan." pagpapakilala ni Penelope sa bago niyang kalaro at kaibigan na si Ethan.

"Ako! Simula ngayon Penelope, magkaibigan na tayo!" pag presenta ni Ethan bilang kaibigan kay Penelope.

"Oo Ethan. Simula ngayon magkaibigan na tayo! Yehey!" tuwang sagot ni Penelope.

At iyon ang simula ng pagkakaibigan namin. Naglaro kami sa parke ng seesaw, swing at slide! Ang saya naming dalawa. Walang humpay na tawanan at habulan.

At maya maya'y tinawag na din siya ng kanyang kuya para kumaen.

Sobrang saya. Ngayon lang ulit ako nakapaglaro ng ganun. Wala naman kasi akong ibang kalaro dito.

Kapag lumalabas ako yung dalawang bully na babae ang palaging nandito.

Dumalas na ang paglalaro namin ni Penelope kung saan halos araw araw na kaming magkasama.

Sobrang dami kasing bagay ang aming napagkakasunduan tulad ng video games larong kalye, at kumaen.

Pero unti-unting tumabang ang pakikitungo sa akin ni Penelope. At saktong 16th birthday ko nun.

Wala na pala siya sa bahay nila nun. Ang natira nalang sa kanilang bahay ay yung Lolo at Lola nya. Sinabi sakin ng Lola nya na kinagabihan pa sila umalis.

End of Flashback

下一章