webnovel

Chapter 42

MALAMIG ang mga kamay niya habang hindi siya mapakali. Naka ilang buntong hininga na nga siya ngunit hindi parin humuhupa ang kaba niya.

Pinilig niya ang kaniyang ulo. At ikinalma ang sarili, malinaw na ang usapan nila ng binata na magkikita sila upang makapag usap ng maaayos.

Para na din matapos na ang mga problema niya, masiyado na kasing mabigat sa kaniyang dibdib kung patuloy niya parin kikimkimin ang sakit kung magkausap at mag kaayosman sila ni Vilasco.

At na ngako din kasi siya sa kaniyang mga kapatid na sasama pabalik ng Japan upang magbakasyon para kahit papaano marelax niya din ang kaniyang sarili.

Napa angat ang kaniyang mukha ng may marinig siyang mga nagsisigawan. Mula sa entrance ng Restaurant at bago paman siya makahuma nakita na niya agad si Vilsco tila siya nanakita ng isang Greek god dahil nga pinag kakaguluhan ito ng mga ilang kababaihan at kilig na kilig, Gayon sikat naman talaga ang isang tulad nito sa bayan nila.

Madilim ang mukha nito alam naman niya kung bakit. Gayon nung isang gabi lamang ay nag pupumilit ito makausap siya subalit hindi ito pinayagan ng kaniyang mga kapatid pero hindi niya alam kung papaano nito napapayag ang Ama niya na magkita at magkausap sila.

Napakagat labi siya nang na upo ito sa kaniyang harapan na hindi hinihiwalay ang tingin sa kaniya.

"Totoo ba? " Biglang sabi nito na kaniya naman din kina nganga at ipinagtaka.

"H-hindi kita maintindihan. "

"Just answer me! Damn'it! " Galit na hinampas nito ang mesa.

She's angry too. Ni hindi nga niya malaman kung ano bang pinag sasabi nito imbis na kabahan siya dahil mahigit isang taon na ang lumipas naroon padin ang bilis ng tibok ng puso niya sa tuwing kaharap ito. Pero ngayon tila na siya na bubuwisit dahil sa sinasabi nito na hindi naman din niya maintindihan. Kayat ang ilang mga customer nanaroon ay napatingin na lamang sa kanila.

"T-teka ka lang. Hindi ako nakipag kita sayo para sigawan

At tanungin ako sa isang bagay na sinasabi mong hindi ko naman din alam. " Galit niyang ani.

Napasuklay ito sa sariling buhok kayat wala sa loob nanapatitig siya dito. Damn! Nasabi niya na ba sasarili kung gaano ito ka gwapo ngayon? Pero maslalong kumuha sa kaniyang atensyo ay ang pasa nito mula sa gilid ng labi. Nag mukha lalo itong naging Badboy sa paningin niya, Shit!

"You're father told me na Aalis ka papuntang Japan

totoo ba? " Tanong nito sa matigas na boses ngunit hindi siya kumibo narinig niya ang matigas nitong mura.

"K-kayat pinaunlakan ko ang nais mong makita at makausap ako. At para na rin sabihin sayo ang tungkol sa kasal natin---"

"Alam ko na kung ano ang nais mong iparating sakin. Pero hindi ako sasangayon sa gusto mo. " Bago siya tiningnan ng malamig.

"W-wala kang magagawa kung nakapag disisyon na rin ako at kalimutan na rin natin ang mapait na nakaraan, mag kaniya kaniya na tayo---"

"Bullshit! Ashtrid. Ganon na lang ba kadali para sayo na kalimutan na lang ang lahat? No. I can't do that---"

Isang malakas na sampal ang pinadaop niya sa mukha nito. Gayon bumuhos nanaman ang kaniyang emosyon nadapat pinigilan niya.

"P-para sakin mas magandang ganon na nga ang mangyari. " Bago niya pinaandar ang Wheelchair maagap naman din tumalima ang kanilang mga tauhan.

"Ashtrid! " Nang nasa parking lot na sila nang maagap siya nitong napigilan nang makita niya ang mukha nito hindi niya mabasa kung ano ba ang tumatakbo sa isip nito ni hindi niya maintindihan kung ma iiyak ba ito o magagalit.

"Isang taon ako nag hintay, hinanap at buong akala ko ay tuluyan kanang nawala---"

"Sana hindi kana naghintay pa. " Madiin niyang ani ngunit sa iba nakatingin ang kaniyang mga mata. Habang lumuluha.

"Ashtrid.. Please.. "

"Sa tingin ko yon naman ang gusto mo ang mawala na ako sa buhay mo. "

"Hindi totoo yan. "

"Hindi totoo? Nasaan ka ng mga panahon na kailangan kita? Na kailangan ko ng Asawang poprotekta sakin wala! Dahil mas pinili mo siya, mas pinili mo siya

kaysa sakin. " Tuluyan na siyang napahagulgol bago niya naramdaman ang pagyapos nito sa kaniya ngunit agad niya din itong itinulak.

"I'm sorry... " Tangina sorry lang matatanggap ko mula sayong hayop ka matapos ng lahat? Gago ka talaga.

"T-tama na Vi. Tama nayong sakit na idinulot mo sakin noon. Alam ko at ramdam mo na Mahal kita ng sobra pero ni minsan ay hindi ko naramdaman mula sayo na importante din ako para sayo. Nakakapagod na din Vi. Nagpakatanga ako sa pagmamahal para sayo ginawa ko lahat kasi buong akala ko mamahalin mo din ako pero mali pala talaga ako kasi---"

"M-mahal din kita. " Pagputol nito sa sinasabi niya bago siya napatawa ng mapakla. Kalokohan..

"Mahal? Seriously Vi? Mahal mo ako? Pero bakit ngayon pa! Bakit ngayon mo pa sakin sinabi yan bakit! " Pinag babayo niya ito habang umiiyak siya at na ninikip ang dibdib.

"I'm really sorry for everything. Dammi't. Ayosin natin ibalik natin lahat gagawin ko lahat para lang mapatawad mo ako please wife come back to me---" Mariing niya itong tinulak bahagya. Saka pinunasan ang luha.

"Gusto mong mapatawad kita? " Ani niya bago niya inilahad ang mga kamay sa tauhan ni Kaede at inibot sa kaniya ang brown envelope.

"Pirmahan mo ang annulment. "

Malamig niyang sabi saka nito tinanggap na wala sasarili at nang mabasa nito ang nakasulat hindi niya mawari subalit bigla siyang nakaramdam ng panlalamig ng makita kung gaano kadilim ang mukha nito.

"No."

"Pirmahan mo nang matapos na ang lahat---"

"Hindi ko susundin ang nais mo. Kapag pinirmahan ko yan aalis at iiwan mo parin ako kasama ang Anak ko. "

Nanlamig siya nang marinig ang sinabi nito. Bago siya napalingon sa mga tauhan nila at ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita ang mga tauhan ng binata na tinutukan ng baril ang tauhan ng mga kapatid niya. Shit.

"A-anong kalokohan to Vi! At papaano mo

nalaman---"

"Paano ko nalaman? Vale told me. At ngayon pa na alam kung may Anak tayo sa tingin mo ganon ganon na lanag kadali na pakawalan kapa. " Madiin nitong sabi bago nag sindi ng sigarilyo. Kasabay ng pagtulo ng mga luha niya ang paglapit nito sa kaniya.

"A-akin lang siya. Hindi mo siya Anak---"

"Buo paba ang disisyon mong iwan ako?  Hanz. " Agad naman tumalima ang isa nitong tauhan bago may inabot dito. Ipinakita nito ang video mula sa cellphone kung saan naroroon ang kaniyang Anak at Ama kasama sina Kaeden at Kaede.

"H-hayop ka! Ano paba ang gusto mo! Huh? " Galit niyang tanong napa iyak na lamang siya bago itinakip ang palad sa mukha at walang tigil sa pagiyak.

Natatakot siya na baka kuhanin nito ang kaniyang Anak at ilayo mula sa kaniya, hindi niya kakayanin.

"B-bakit ba ayaw mo akong tigilan? Bakit ba lagi mo na lang akong sinasaktan. Ano bang nagawa ko para gantuhin mo ako ? Bakit Vi? " Hinawakan nito ang kaniyang baba at muling nagtagpo ang mga mata nila.

"Wag mo akong iwan, at bumalik ka sakin. " Umaling siya pinalis ang mga kamay nito.

"Matapos ng lahat? Tingin mo nararapat paba akong bumalik sayo? "

"Then mamili ka. Kukunin ko ang Anak ko sayo. Malaya kang makakaalis ng bansa pero hindi mo dadalhin ang Anak ko. "

"Hindi paba sapat na sinaktan mo na ako pati ba naman Anak ko gusto rin kunin mula sakin? Ganyan ba talaga? Walang pakialam kung maymasaktan dahil sa ginagawa mo. "

"Sinabi ko sayong mahal kita, at hindi ako nag bibiro kung hindi ka sasama sakin akin ang Anak ko. " Napa isip siya, subalit mas natatakot siyang baka maulit ang nakaraan.

"Yan ba ang sinasabi mong mahal ? Hindi pagmamahal yan Vi. " Bumuntong hininga ito bago lumuhod sa harapan niya. Nagiwas siya ng tingin.

"Mahal kita Ashtrid. Ginagawa ko ito dahil mahal kita. Ayokong iwan mo ako, oo marami akong kasalanan at pagkukulang bilang Asawa at hindi ko alam kung saan ba ako dapat magsimula para lang

mapatawad mo ako Fuck. "

"S-sinungaling." Aniya at wala parin tigil sa pagiyak. Tangina hindi padin ubos luha ko shit!

"Shh... I'm not. " Pagaalo pa nito.

"Hindi ba sinabi mo noon sakin na hindi mo ako mahal paano kita paniniwalaan kung sa mismong bibig mo na lumabas ang katanggang iyon---"

"Fuck. Mahal kita. Minahal kita sa paraan na akala ko'y hindi kita masasaktan. "

"P-pero ginawa mo.. " Hinaplos nito ang kaniyang mukha.

"Ahh.. Fuck. "

"Pagod nako Vi.. "

©Rayven_26

_______________________________________________

Mga tauhan  nila Kaede at Vilasco 🤣 na tengga na sa pakikinig sa usapan ng magasawa.

下一章