Ang One Shot Stories na ito ay nagawa lamang dahil sa pagkabored ng isang rosas. Kung sino man ang gustong magbasa nito ay malayang makakabasa. Kung sino man ang gustong manghusga ay makakalayas na charot HAHA. Iba akong ma bored 'no? Wala na kasi akong ibang magawa kaya kung ano-ano lang ang ginagawa ko sa cellphone ko HAHA hindi na kasi makapag bangs kasi nagawa ko na 'yon na talaga namang pinagsisihan ko. Btw, tama na sa kadaldalan at kabaliwan. Sana'y magustuhan niyo ang mga istoryang nilalaman nito. Iyon lamang at maraming salamat. ________ Disclaimer; This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Isa, dalawa, tatlo. Pagkabilang kong lima dapat magtago ka na. Hahanapin kita sa kahit saang banda. Siguraduhin mong ika'y hindi ko mahahanap pa", rinig kong wika ng hindi ko makitang nilalang.
Hindi ko siya makita. Boses niya lamang ang aking naririnig. Puro dilim lamang ang nakikita ko sa aking paligid at hindi mawari kung nasaan ako. Kapa doon, kapa dito. Nararamdaman kong mayroong nakatingin sakin. Hindi ko man siya makita ngunit siya'y aking naramdaman.
Tumakbo ako papuntang pintuan gamit lamang ang lumang lampara. Bago pa man ako makalapit dito ay narinig kong tumunog ito. Tanda na kinandado na ito. Pinihit ko nang pinihit ang pinto kahit sobrang nahihirapan na ako.
"Isa"
Ayan na nagsisimula na siyang magbilang. Tumatagaktak ang aking pawis ngunit hindi ko na pinansin 'yon. Kailangan kong makalabas dito.
"Dalawa"
Pinihit ko ulit ang seradura kahit alam kong hindi ko ito mabubuksan.
"Tatlo"
Ayan na, malapit na siya. Naririnig ko ang kanyang mga yapak ngunit hindi ko talaga siya makita.
"Apat"
Tumakbo ako papunta sa lumang aparador na nakita ko. Pumasok ako doon at gamit ang aking nanginginig na kamay, dahan dahan kong isinarado ang pinto nito.
"Lima"
Napapikit nalang ako at hinintay na mawala siya. Nagdasal ako ng paulit-ulit na sana hindi niya ako makita.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pag bilang kong tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo."
Rinig kong kanta niya. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngunit parang malapit lang mula sa aking pinagtataguan.
"Nakatago ka na ba? Hihihihi hahanapin kita. 'Wag kang mag-alala. Hintayin mo ako."
Wika niya gamit ang pambatang boses. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong maya-maya lang ay mahahanap niya na ako. Tumulo ang luha ko at maingat kong pinunasan 'yon.
Narinig ko ang kaniyang papalayong yapak. Hanggang sa mawala na iyon sa aking pandinig. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng pinagtataguan ko habang nakapikit. Iminulat ko ang aking mata ng paunti-unti at bumungad saakin ang isang pares ng paa na punong-puno ng dugo.
Dahan-dahan kong itinaas ang aking paningin at nakita ang kaniyang mukha na may nakakatakot na ngiti sa labi. Ibinaba ko ang aking paningin sa kaniyang mga kamay at nakita ang isang martilyo dito.
Nanginginig na ako sa takot. Anong gagawin niya? Please, help me. I can't wait here anymore. Sabi nila babalikan nila ako pero nasaan na sila?
" Hindi ba sinabi ko na magtago ka na at 'wag nang magpapahanap pa? Bakit hindi mo ako pinakinggan hihihihi?"
She's smiling while saying that in front of me. Umatras ako palayo sakanya habang siya ay nakatingin lamang sakin. Hindi ako makatayo dahil pati ang aking tuhod ay nanginginig.
Umatras ako nang umatras hanggang sa maramdaman ko ang isang bagay sa aking likuran. Tiningnan ko ito at nakita ang isang hindi ko malamang nilalang na may hawak na kutsilyo.
Tumingin ulit ako sa aking unahan at nakita doon 'yong may hawak na martilyo. Palipat lipat ang tingin ko sakanila at para bang ayaw tanggapin ng aking utak kung ano ang nakikita ko.
Lumapit saakin ang may hawak ng martilyo. Sabay nilang itinaas ang kanilang hawak at handa nang patayin ako.
"Mamatay ka na"
Sabay nilang sambit. Paulit-ulit nila itong sinabi.
Ibinukas ko ang aking bibig ngunit walang lumalabas na salita dito.
"Tama na", ito ang gusto kong sabihin ngunit walang boses na lumalabas saaking bibig.
Naramdaman kong may tumulong tubig mula saaking ulo.
Hinawakan ko ito at nalamang hindi ito tubig. Ito ay dugo. Nakaramdam ako ng hilo ngunit ininda ko lamang iyon.
May naramdaman akong bagay na tumusok sa aking likod. Lumingon ako dito at nakita ang nilalang na iyon na hawak hawak ang kutsilyo na nakatarak sa aking likod.
Sumuka ako ng dugo. Bago pa man dumilim ang aking paningin ay naalala ko kung paano ako napunta dito.
Oo nga pala. We found this haunted house kaya pumasok kami dito. Na curious kasi kami eh. Ako yung unang pumasok. Pagkapasok na pagkapasok ko ay biglang sumarado ang pinto. Pinihit ko ito ngunit hindi ito bumubukas. Naririnig kong kinakalampag ng mga kaibigan ko ang pintuan. Ginawa namin 'yon ng paulit-ulit ngunit walang nagbago. Sa huli, sinabi nilang babalikan nila ako dahil hihingi sila ng tulong and the rest is history.
Dumilim na ang aking paligid at ang huli kong nakita ay ang dalawang hindi ko mawaring nilalang.
Totoo nga yung sabi nila. Never let your curiosity drive your own body. You can be killed because of that.
The end.