webnovel

Weird Transferee

•••

Kinaumagahan ay maaga akong nagising kahit na puyat na puyat ako dahil sa mga nangyari ng nakaraang gabi.

Ang pagpunta ko sana sa eskinitang 'yon, pero dumeretso ako sa Park at nakita doon sila Ryouhei. Sunod ay pumunta kami ng mga kaibigan niya sa isang kainan at may nangyari sa isa sa kaibigan niya, ang lalaking may blonde na buhok, ang huling yakap na ibinigay niya sa akin, ang pag-amoy ko sa dugo niya at ang pagpipigil kong wag sakmalin ang leeg niya gamit ang pagkagat ko sa labi ko.

Hindi ko inakalang magkakasugat ng may kalakihan ang labi ko dahil sa ginawa ko. Pero wala naman akong ibang choice sa ginawa ko, imbis na siya ang sasaktan ko ay sarili ko na lang ang sinaktan ko.

Ayoko siyang saktan. Hindi 'yon pupwede. Kapag sinaktan ko siya, ibig sabihin 'nun mawawalan ng saysay ang mga ginawa ko noon.

*Bakit naman kasi sa kaniya ko pa naamoy 'yung bagay na 'yon?*

Iyon pala ang isa sa dahilan para mas lalo akong mauhaw ng araw na 'yon.

Mas gusto ko na talagang mapagod siya sa akin. Mas magandang hindi ko na lang rin siya pansinin para tigilan na niya ako.

Pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang nangyari nito lang madaling-araw.

*Isang napakalaking bwiset talaga ni Ryouhei sa buhay ko!*

Bakit niya ako niyakap sa gilid ng daan? Paano na lang kung may nakakita sa amin? Paano na lang kung iba nasa isipan ng taong nakakita sa pangyayakap niya sa akin?

At kung hindi ako humiwalay sa kaniya... malamang sa malamang... baka hindi ko na napigilan ang sarili ko at sakmalin ko siya sa leeg niya.

Napahawak ako sa noo ko at napapailing matapos kong buksan ang pinto dahil papasok na ako sa shift ko. Ayoko sanang pumasok, kaso... nasasayangan ako sa kikitain ko ngayong araw. Kahit na may nangyari nitong nakaraang-araw, ayokong iyon ang maging mitsa para pag-isipan nila ako ng hindi maganda.

*Wala pa ring nakaka-alam kung ano ba talaga ako... kaya mas kailangan kong mag-ingat ngayon.*

Pagsara ko ng pinto galing sa labas ay napatingin ako sa lapag. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Napaatras ako ng isang beses dahil... nandito nanaman siya?

Napatingin ako sa relong nasa bisig ko. At laking gulat ko ng makitang mag-a-ala-sais palang ng umaga tapos nandito na siya agad?

Napakuyom ako ng maalala ko nanaman ang ginawa ng lalaking 'to kagabi. Naglakad ako palapit sa kaniya na nakaupo sa lapag at natutulog habang nakasandal sa dingding.

Marahan kong sinipa ang binti nito para malaman niyang hindi ako tumatanggap ng ampunin dito sa Apartment ko. Hindi niya ba alam na ang hirap kumita ng pera ngayon tapos nandito siya?

Atsaka hindi pa oras ng klase, bakit ang aga-aga ng lalaking ito ngayon? Ano nanaman bang kailangan nito?

Nang hindi siya magising-gising sa paninipa ko, bigla kong nilakasan ang pagsipa ko sa binti niya dahilan para biglang bumukas parehas ang mga mata niya at malakas na napasigaw sa sakit.

Naglakad na ako palayo sa kaniya habang iniinda niya 'yung sakit na natamo niya. Sino bang may kasalanan? Natutulog siya doon. Wala ba siyang sariling bahay?

"H-Hoy! Yuki! Sandali! Hintay!" Narinig kong sigaw niya.

"Ang ingay." Bulong ko saka ko sinalpak ang earphone sa dalawang tenga ko.

Habang naglalakad ay nag-iisip na ako ng paraan para mapuntahan muli ang lugar na 'yon. Pero bago 'yon, gusto ko munang bisitahin si May. Wala na akong nalaman sa kaniya galing kay Ryouhei matapos siyang isugod sa ospital kaninang umaga.

Kasi nakakabadtrip lang yung nangyari sa akin kagabi.

Siguro hihingiin ko na lang ang number nila Jiro at Kin kay Ryouhei mamaya para ako na lang ang tumawag sa kanila at bumisita kay May.

Mamaya pagtapos ng klase...

"Yuki!" Napahinto ako ng may humawak sa balikat ko.

Sa sobrang lakas ng boses niya narinig ko pa rin 'yon kahit na nakaearphone ako. Lumingon naman ako at tinignan lang siya habang hinahabol ang hininga.

Napabuntong-hininga ako at muling tumalikod para maglakad na muli. Baka malate pa ako sa shift ko dahil sa kaniya.

Hahakbang palang sana ako ng maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Sandali," bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa boses niya.

Napapikit ako bigla at napakagat-labi.

*Nakakabadtrip ka na, Ryouhei. Wag mong sirain ang araw ko.*

Dahil sa naiinis na ako ay mabilis kong iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa akin. Pero imbis na matanggal 'yon ay agad niya akong hinila papunta sa kaniya.

Bigla akong nagulat sa ginawa niya. Sisigawan ko sana siya ng magsalita na siyang ikinagulat ko.

"Kung gusto mong malaman kung bakit ako nandito. Gusto ko lang masiguradong ligtas ka kasi alam kong may pasok ka ngayong umaga." Sabi niya sa seryosong tinig.

Anong masiguradong ligtas? Dapat sarili mo muna ang iniisip mo bago ang iba!

*Ryouhei hindi ka ligtas sa akin!*

Kumunot ang noo ko at muling iwinaksi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Mabuti na lang at binitawan na niya na 'yon.

"Ano bang sinasabi mo? Ang tagal ko ng naglalakad dito ng umaga tapos ngayon mo sasabihin sa akin yan? Ano bang kailangan mo? Ang aga-aga nandito ka na agad? Alam mo Ryouhei, wag mo na akong kakausapin--"

"May nakita ako ng matapos mong umalis kanina." Napatigil ako sa mga sasabihin ko ng marinig ko 'yon mula sa kaniya.

Nakayuko na siya ngayon sa harap ko... nahaharangan ng mahaba niyang buhok ang mga mata niya. Nakita ko ang biglang pagkuyom ng mga kamao niya na ikinapagtaka ko.

*Kanina?*

Hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang magsalita.

"Anong nakita mo?" Tanong ko dito.

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, naging mailap ang mga mata niya na para bang may nagmamasid sa paligid namin.

Nakaramdam ako ng kaba sa inaasal ni Ryouhei, kaya agad kong nilakasan ang pakiramdam ko upang malaman ko kung may tao sa paligid.

Bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang mga balikat ko at tinitigan akong muli.

"Ang..." Pambibitin niya.

Nanlalaki ang mga mata ko at inaabangan na ang sasabihin niya. Agad siyang lumapit sa gilid ko na ipinagtaka ko, pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang sasabihin sa akin.

"Pagmamahal ko para sayo--AAH!"

Iniwan ko siyang nakaluhod sa gilid ng daan at namimilipit sa sakit.

Ilang oras na ang nakakaraan matapos kong marinig ang mga 'yon sa mismong bibig ni Ryouhei. At kapag naalala ko 'yon... napapakuyom ako sumisiklab ang galit sa loob ko.

*Walanghiya. Gusto ko siyang saktan.*

"U-Umm..." Nakarinig naman ako ng mahinang boses ng babae kaya napatingin ako sa harap ng counter.

May babae doon at nakalapag na ang binili niya sa harap niya at... hindi siya makatingin sa akin.

Kaya dali-dali ko namang pina-uch-in ang binili niya at inilapag ang mga ito at ang resibo sa plastic saka ko inilapag sa harap niya. Kinuha naman niya agad 'yon at iniabot sa akin ang bayad.

Pagbigay ko ng sukli ay bigla siyang tumingin sa akin. Nagtaka ako kasi... kumikinang ang mga mata niya.

Noong una hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya kaya nagtanong na lang ako.

"Ah, may kailangan ka pa ba?" Tanong ko dito pero bigla siyang ngumiti at kumindat sa akin.

Teka... sandali...

"Pwede ba kitang--"

"Yuki!" Napatayo ako bigla dahil biglang lumabas ang Manager namin mula sa pinto malapit sa counter.

Gulat na gulat naman akong tumingin dito, nakatas ang kilay niya habang nakatingin sa akin at sa babaeng nasa harap ng counter.

"Mag-early out ka ngayon. May pasok ka pa 'di ba?" Tanong niya na ikinatango ko.

Agad naman akong tumingin sa babaeng nasa counter. Nakita kong malungkot na siya kaya agad akong yumuko sa kaniya.

"Pasensya na po. Pero hindi po kasi pwede." Sagot ko at saka ako umalis sa pwesto ko.

Pumalit doon ang Manager na kasama ko dito at agad na rin akong pumasok sa loob ng kwartong nilabasan niya kanina. Agad akong nagpalit ng damit at ilang minuto lang ay nagpaalam na ako dito na dederetso na ako sa pinapasukan ko.

Pagpunta ko doon ay dumeretso ako agad kay Kyla dahil siya ang Presidente ng section namin. Nang makita niya ako ay agad niyang sinabi sa akin na wala na akong dapat alalahanin pa kay Mr. Chavez. Dahil lahat ng gustong ipagawa nito sa akin ay natapos na niya

Naaawa daw kasi siya sa akin dahil ako palagi ang inuutusan ng magaling na taong 'yon para pagawain sa mga dapat niyang gawain.

Agad akong nakahinga ng maluwag pagupong-pagupo ko sa upuan ko. Nakakadrained talaga ng utak kapag ang usapan ay si Mr. Chavez. Ilang minuto lang ay pumasok na ang instructor namin at kasunod nito ay si Ryouhei.

*Teka? Magkaklase ba kami ngayon? Alam ko isang klase lang ang alam kong magkaklase kaming dalawa? Ngayon ba 'yon?*

"Okay, okay, sit down class." Pagsabi ng instructor na pumasok ay siya namang biglang upo ni Ryouhei sa tabi ko.

Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa ng isang ito kanina. At ang lakas ng loob niyang umupo dito sa tabi ko? Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang atensyon ko sa harap.

"May bago kayong kaklase ngayon. He's a transferee, medyo nalate lang siya ng ilang buwan, so i want you to help him cope up to your other subjects." Tumango naman ang iba naming kaklase kaya tumingin na lang ako sa pinto sa harap ng bumukas iyon.

Una kong nakita ay ang pagpasok ng isang tao na may blonde na buhok na umaabot sa ibaba ng panga niya. Isinara nito ang pinto, at dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko ng humarap ito sa amin.

*Bakit nandito siya? Dito siya nag-aaral?*

Nakita kong inilibot nito ang mga mata nito sa loob ng kwarto at ng magtagpo ang mga mata namin, nakaramdam ako ng kaba. Nakita ko ring tinignan niya ang lalaking nasa tabi ko hanggang sa magsabi ang instructor namin na magpakilala ito sa harap.

Tumango ito at muling tumingin sa akin bago magpakilala.

"Good morning. You can call me, Hajime. Please... take care of me."

--

"Yuki," napatigil ako sa pagkuha ng libro sa locker ko ng marinig ko ang boses ni Ryouhei sa tabi ko.

Nandito nanaman siya. Matapos ang klase kanina ay nagpa-dismissed na agad ng maaga kaya dumeretso ako sa locker ko para kunin ang libro na kailangan ko para sa susunod na klase.

At hindi ko alam kung bakit panay sunod ang lalaking ito sa akin. Wala ba siyang klase?

"Ano nanaman bang kailangan mo?" Napapagod kong tanong dito at isinarado ang locker ko at humarap sa kaniya. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na kasi may klase pa ako." Dagdag ko pa.

Pero nagtaka ako ng sa likod ko siya tumingin. At paglingon ko nakita ko ang bagong transferee sa klase namin.

Si Hajime.

"Ah, ikaw 'yung transfe--" bigla akong hinila ni Ryouhei papunta sa kaniya.

Dumikit ang likod ko sa dibdib niya na ikinagulat ko. Tumingala naman ako dito pero ang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa lalaking nasa harap namin.

"Ano bang ginagawa--"

"Salamat sa pagligtas sa kaibigan ko kanina. Pero busy si Yuki ngayon kaya kung may kailangan ka sa kaniya, sabihin mo na." Aba't? Yan din sinabi ko sa kaniya kanina ah?

Ano nanaman bang trip ng isang 'to?

Nakita kong tumingin ito kay Ryouhei at saka naman bumaling sa akin. Ngayon ko lang rin napansin na magkasingtangkad lang rin silang dalawa.

"Ah, Hajime ang pangalan mo hindi ba? May kailangan ka ba baka matulungan kita?" Tanong ko sabay tanggal ng kamay ng lalaking ito sa pagkakakapit sa akin.

"Oo, sana." Tipid nitong sagot.

"Ano pala 'yon?"

"Yuki ano bang--"

"Pwede mo ba akong ilibot sa buong campus? Hindi ko pa kasi alam 'yung pasikot-sikot dito. Baka kung sakaling maligaw ako, alam ko na kung saan pupunta." Sagot nito na ikinatigil ko.

*Wait? Ilibot? Eh ako nga 'di ko alam pasikot-sikot dito tapos sa akin pa siya nagpapatulong?*

"Ah... ano kasi..."

"Ako! Alam ko pasikot-sikot dito!" Sigaw ni Ryouhei sa likod ko na ikinataas ng kilay ko.

*Talaga ba? Ay, oo nga pala. Playboy nga pala ang isang 'to.*

"Hindi ikaw si Yuki. Kaya manahimik ka." Sagot nito na parehas naming ikinatigil ni Ryouhei.

*Teka? Tama ba 'yung pagkakarinig ko?*

"Anong sinabi mo?" Naramdaman ko na haharapin na niya ng tuluyan si Hajime ng mabilis ko siyang pinigilan.

Hinawakan ko siya sa balikat niya at pilit na inilalayo sa lalaking kumakausap lang naman sa amin.

"Bitawan mo ako, Yuki. Hindi ko gusto tabas ng dila ng lalaking ito." Sagot niya at sabay tanggal sa dalawang kamay kong nakahawak sa balikat niya.

Isa lang ang nasa isip ko ng gawin niya 'yon. Ayokong gumawa nanaman siya ng panibagong gulo! Kaya ng makawala siya sa pagkakahawak ko ay mabilis kong ipinalibot ang braso ko sa bewang niya para patigilin siya sa kung anong gagawin niya!

"Ryouhei! Kumalma ka nga muna!" Sigaw ko na nakakuha na ng atensyon sa ibang estudyante dito sa hallway.

*Patay.*

Habang pinipigilan ko si Ryouhei ay siya namang pagkita ko kay Kyla na may kausap na isang estudyante. Napapikit ako bigla dahil ang sa lakas niya at nahihila na rin niya ako papunta kay Hajime.

"Kumalma ka muna Ryouhei! Hindi naman niya siguro sinasadya 'yon!" Sigaw ko dito sabay tingin kay Hajime.

Nagulat ako dahil hindi ko makitaan ng takot ang mukha niya. Kung gaano kagalit ang mukha ngayon ni Ryouhei ay siya namang kaibahan 'nun sa mukha ni Hajime.

Wow? Ganiyan siya kakalma kahit galit na galit na itong lalaking nasa harap niya?

"No. I said what i said." What?!

Mas lalo akong nataranta ng pilit na niyang tinatanggal ang pagkakahawak ng mga braso ko sa bewang niya! Kailangan ko na ng tulong ni Kyla!

*Pero bakit ko ba siya pinipigilan?! Bahala na!*

"Kyla!" Sigaw ko ngunit hindi ako marinig nito.

Pero mabuti na lang at may nakapansin sa sigaw ko at agad siyang tinungo at tinawag.

Agad akong tinuro habang nakayakap ako sa torong galit na galit na si Ryouhei.

Gulat na gulat siya ng makita ako kaya agad-agad siyang naglakad papunta sa pwesto namin at hinarangan niya si Ryouhei sa harap ni Hajime.

"Anong nangyayari dito?! Ryouhei? Ano? Gusto mo bang matawag nanaman ni Dean?!" Sigaw nito at mabilis na inilayo ang bagong estudyante na nagpainit sa ulo ni Ryouhei.

"Bakit ako pinagsasabihan mo? Yang lalaking nasa tabi mo yang pagsabihan mo at hindi ako!" Sigaw niya sa harap ni Kyla.

She looked at me, 'yung tulong na hinihingi ko kanina parang mawawalan pa ng saysay!

"Kyla, please... ilibot mo muna si Hajime sa campus. Nakiusap kasi siya sa akin kanina, kaso may gagawin pa akong assignment eh." Pangungumbinsi ko dito.

Lies! Lies! Lies! Kailangan ko pang pakalmahin 'tong lalaking 'to! Nakakabadtrip na!

Tumango na lang si Kyla at hinila na ang bagong estudyante paalis. Pero bago sila tuluyang makaalis ay tinignan pa muna ako nito bago matalim na tinitigan si Ryouhei.

Nang makaalis na sila ay naramdaman kong tumigil na rin siya sa kakapalag sa akin. Kaya binitawan ko siya at napabuntong-hininga.

*Nakakapagod!*

Humarap siya sa akin at nagsisi-sigaw sa harap ko.

"Hindi mo ba alam na--"

"Bagong estudyante at pasok niya palang dito tapos ganiyan na agad ginawa mo? Paano kung nasaktan mo siya? Matatawag ka nanaman at masu-suspend dahil sa kayabangan mo!" Sigaw ko rin pabalik dito.

Noong unang pasok ko dito, ang dami kong naririnig about sa kaniya. At ayokong bigla na lang niyang atakihin 'yung taong nagligtas rin sa kaibigan niya kanina.

Kita ko na hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko sa kaniya. Tulala lang siyang nakatingin sa akin.

"Magpasalamat ka na lang na iniligtas ng taong 'yon ang kaibigan mo kagabi. Kahit 'yon lang." Napahawak ako bigla sa noo ko.

Ganito na agad nangyari sa lunes ko?

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" So hindi nga talaga siya makapaniwala?

"Manahimik ka na, Ryouhei. Humingi ka ng pasensya sa kaniya dahil sa inasal mo kanina." Saad ko at naglakad na palayo sa kaniya.

Narinig ko pa ang pagmamaktol niya pero hindi na ako nag-abala pang lumingon.

Napapaisip ako... bakit ganoon makatingin ang bagong estudyante na 'yon? May kakaiba palagi sa tingin niya at... hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga 'yon.

Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip, sumasabay pa ang isang 'yon. Nakakabadtrip.

•••

下一章