webnovel

A Sweet Smell

•••

Umuwi akong wala sa sarili habang inaalala ang isang nakaraan na dapat ko nang kinalimutan simula't-sapul pa lang. Hindi ko lang inasahan na babanggitin niya ang mga salitang 'yon sa akin. Dahil doon ay agad akong nakaramdam nang sakit sa ulo ko, napahawak ako doon at matiim na napapikit. Kahit naman ganito ako, napapagod din ako.

Mabilis akong pumunta sa kusina dito sa maliit na apartment na tinutuluyan ko, ibinaba ko ang bag ko sa lamesa at binuksan ang fridge. Nakita ko ang isang may kalakihang styrofoam na box sa pinakailalim.

Bumaba ako para kunin at buksan 'yon. Nakita ko ang ilang bag ng dugo doon, artificial blood to be exact.

Nang malaman kong ako na lang ang mag-isa na nabubuhay, noong una natakot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang mag-isa, hindi ko alam kung paano ako kakain kahit na nasa paligid ko lang ang mga kakainin ko. Ngunit mabuti na lang ay napigil ko ang urge na 'yon, pinilit kong manatili sa dilim kasabay ang lalong panghihina ko dahil wala akong dugong naiinom. Kahit na may tubig akong nakikita, pagkain, hindi 'yon sapat para maibsan ang uhaw ko.

Hanggang sa malaman ko ang tungkol sa artificial blood. Noong una hindi ko alam kung saan 'yon hahanapin, pero mabuti na lang ay may ganoong klase ng bagay sa loob ng bahay kung nasaan ako. Hindi ko alam kung coincidence lang bang may roong ganun sa kung nasaan ako, pero wala ako sa sarili ng mga araw na 'yon.

Ang gusto ko lang ay ang maibsan ang uhaw ko. Uhaw na tila isang dalawa? Isang linggo? Isang buwan? Isang taon? O higit pa. Dahil lahat ng nakita kong dugo doon ay inubos ko.

Hanggang sa... manatili akong ganito ngayon.

Kumuha ako ng isa at saka ibinalik iyon sa loob. Binuksan ko iyon gamit ang ngipin ko at kagat-kagat ko iyon habang papunta sa kwarto ko dala ang bag ko.

Ngayong araw, dalawang bag lang ng dugo ang kailangan kong inumin. Dahil sa stress at pagod na naramdaman ko kanina, kailangan kong uminom ng ganun karami.

At kahit na hindi 'yon swak sa panlasa ko, wala akong magagawa.

Pagbukas ko nang kwarto ko ay sumalpak agad ako sa kama at inaalala ang bagay na biglang pumasok sa isip ko kanina.

Hmm... bakit ko ba iyon biglang naalala? Isang malaking misteryo para sa akin ang mga ala-alang nakita ko kanina. Pero mabilis kong ipinilig ang ulo ko at agad na pumikit. Ayoko nang isipin pa iyon, pinapasakit lang nito ang ulo ko.

Siguro maubos ko lang ang dalawang bag na 'yon ay matutulog na lang ako para hindi ako malate sa shift ko bukas. May pasok pa ako at maaga pa iyon.

Pero wala pang minutong lumilipas ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Agad ko naman iyong kinuha at laking pagtataka ko ng isang unknown number ang tumatawag.

Napaupo ako sa kama at hinintay na mamatay ang tawag. Una sa lahat, isa lang sa katrabaho ko ang may alam ng cellphone number ko at wala nang iba pa. Kaya sino naman ang hampaslupang tumatawag sa akin ngayon?

Bago pa man iyon mamatay ay mabilis kong sinagot 'yon ay hindi ko maintindihan pero hindi ako nagulat nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.

" Ilang koneksyon ba meron ka, Ryouhei? "

"Hello, Yuki!" malakas na sigaw niya sa kabilang linya na ikinakunot ko nang noo.

Ibinaba ko ang bagay na nasa bibig ko bago magsalita.

"Saan mo nakuha itong cellphone number ko?"

"Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha."

"Pwes para sa akin, mahalaga iyon. Kaya sabihin mo na---"

"Tumawag lang ako kasi gusto kong magpasalamat sayo." Bastos. Hindi pa ako pinapatapos magsalita.

Nang marinig ko na naman 'yon ay mabilis kong binaba ang tawag niya at binitawan ang bagay na 'yon sa pagkakahawak ko.

Naalala ko na naman.

Napaka-big deal ba nang pagtulong ko sa kaniya? Tsk. Sa susunod iiwanan ko na siya at hahayaang bugbugin ng mga hampaslupang kagaya niya.

Muli akong nahiga kahit na naramdaman ko na naman ang pagvibrate ng bagay na 'yon habang nakalapag sa kama. Bigla ko na lang kasing naisip na... bakit may isang gaya ni Ryouhei na nabubuhay sa mundong 'to para lang guluhin ako?

Hmm... kaso naisip kona... bakit may isang gaya ko rin na nabubuhay sa mundong 'to kasama nila? Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit sila biglang nawala. Tapos naiwan akong mag-isa? Para saan? Punong-puno pa rin ako ng katanungan pero... wala naman akong makukuhang sagot sa mga taong nasa paligid ko.

Dahil kapag nalaman nilang isa ako sa mga kinatatakutan nila, malamang sa malamang hindi sila maniniwala.

Napatawa na lang ako ng pagak saka huminga ng malalim. Marami pang oras... kaso hanggang kailan pa kaya 'yon? Hanggang sa mamatay ako? Eh hindi naman ako namamatay.

---

"Oo nga pala, Yuki? May naghahanap pala sayo kanina." Pagdating na pagdating ko sa trabaho ko sa convenience store ay 'yon agad ang bumungad sa akin.

Agad akong nagtaka dahil sa sinabi ng kasamahan ko. Naghahanap sa akin kanina? Bakit naman ako hahanapin gayong ang aga-aga pa? May mga taong nagkakainteres pa pala sa akin? Bakit naman kaya?

"Bakit daw ako hinahanap?" tanong ko naman sabay baba ng bag ko sa isang tabi.

Agad kong tinanggal ang jacket na suot ko at sinunod ko ang damit ko. Binuksan ko ang bag ko at kinuha doon ang uniform na gagamitin ko para sa shift ko ngayon.

"Hindi ko alam eh, basta tinanong lang kung may nagtatrabaho bang Yuki dito, tapos sinabi ko na meron." sagot naman niya.

Sinuot ko na ang uniform na required at ang apron na dala-dala ko.

"Tapos? May sinabi pa siya?"

Napahawak siya sa baba niya at saka tumingala. Tila iniisip ang mga iba panv sinabi nang naghahanap sa akin kanina.

"Pagtapos niyang bumili ng kape, wala na siyang sinabi tapos umalis na siya agad." dagdag niya. "Atsaka, mahaba pala ang buhok niya kung itatanong mo kung anong itsura niya." sabi pa nito.

Mukhang kilala ko na kung sino ang naghahanap sa akin. Hanggang dito ba naman umaabot ka?

Umalis na rin siya agad kung nasaan ako dahil tapos na niyang ayusin ang sarili niya. Natira ako sa loob habang inaayos ang damit ko at ipinasok sa loob ng bag ko.

Bakit niya ba ako hinahanap? Wala naman akong utang sa kaniya.

"Come again." nakangiting sagot ko sa costumer na kakalabas lang.

Napatingin ako sa orasang nasa bisig ko at isang oras na lang ay matatapos na ang shift ko. Nakakaramdam na rin ako nang gutom at mabuti na lang ay may binaon akong isang bag ng dugo sa loob ng bag ko.

Kukunin ko na lang 'yon mamaya, pagtapos nang shift ko dito. At habang wala pang ibang costumer na pumapasok ay kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa at pagbukas ko palang nito ay 10 messages agad ang nakita ko.

Teka? Bakit ang daming text naman nito? Kanino ba 'to galing? Nakakapagtaka lang. Pero biglang kumunot ang noo ko na isang unknown number ang nagtext, lahat ng text na 'yon ay sa unknown number galing.

Sino naman ang hampaslupang ito?

Pero bigla na lang pumasok sa isip ko na may isa ring unknown number na tumawag sa akin kagabi. Kaya agad akong pumunta sa recent calls at totoo nga ang naiisip ko, parehas na number nakita ko doon.

Tsk. Ano bang kailangan sa akin ng lalaking ito ngayon? Wala naman akong kailangan sa kaniya at wala rin siyang dapat kailanganin sa akin in the first place.

Nakalimutan ko ring sabihin sa kaniya na hinihingi pala ng dalawang babaeng nandito kahapon 'yung pangalan niya. Pero kapag sinabi ko naman 'yon sa kaniya, alam kong lalaki na naman ang ulo 'nun.

Isa rin kasi siya sa mga taong kilala ko na malaki ang tiwala sa sarili. Kagaya ng mga taong nakasalamuha ko na noon. Nagtaka ako pero hindi na ako nagulat nang bigla na lang niya akong kausapin ng araw na 'yon at isipin na... magiging kagaya rin ako ng mga taong nasa paligid niya.

Maraming tao akong kilalang ganun. Nakakatawa lang dahil mukhang may makikilala na naman akong mga tao na kagaya ng mga 'yon ngayon.

"Yuki! May tissue ka di ba?" humahangos na tanong ng kasama ko dito.

Si Veronica. Tumango naman ako bilang sagot sa kaniya.

"Pahingi ako ah? Sabi kasi ni Manager kapag kumuha pa ako ng tissue dito ide-deduct na niya 'yon sa sahod ko eh, napakadamot... tissue lang eh." nakasimangot na sumbong nito sa akin dahilan para matawa ako.

"Sige na kumuha ka na doon sa bag ko, hanapin mo na lang doon," turan ko dito at mabilis naman siyang nagpasalamat at pumunta sa stockroom kung nasaan ang mga gamit namin.

Pagalis niya ay may isang costumer ang pumasok kung kaya't mabilis kong inasikaso iyon, ngunit ilang minuto lang ang nakakalipas bago ito makaalis ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong may isang bag ng dugo akong nakatago sa loob ng bag ko!

Agad akong nag-panic dahil hindi niya pwedeng makita 'yon! Kapag nakita niya 'yon baka akalain niyang ninakaw ko dugo na iyon sa kung saan man, at ang mas malala pa ay baka isumbong niya pa ako sa mga pulis.

Tatakbo na sana ako papunta doon nang biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon at pumasok ang isang lalaki.

"Oh? Sakto naabutan kita---"

"Wrong timing naman oh?" Hindi ko na napigilan ang pagbulusok nang mga salitang iyon sa bibig ko dahil sa inis.

Napatigil naman ito sa pagkakatayo sa harap ng pinto at gulat na nakatitig lang sa akin.

Badtrip! Baka iba isipin ng taong 'yon! Alam na alam ko kung paano nami-misinterpret ng mga taong kagaya niya ang mga bagay-bagay na hindi sakop ng isip nila! Hindi ako magnanakaw ng dugo okay?!

It's an artificial blood! It's not a true blood!

"Teka? Ba't mukhang balisa ka?" biglang tanong ni Ryouhei sa akin pagkalapit niya sa counter.

Hindi pa pala umaalis ang mokong na ito kahit na narinig niya ang sinabi ko kanina.

"Kung bibili ka, bumili ka na." malamig ko namang tugon dito at hindi siya pinansin.

Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang ire-react ko once na makita ng babaeng iyon na may dala akong isang bag ng dugo sa loob ng bag ko!

Pagkabigay ko kay Ryouhei nang binili niya ay parehas naming nakita ang paglabas nang isang babae sa isang pinto. Si Veronica, may hawak na siyang tissue pero parang may kakaiba sa mukha niya.

Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Malakas ang tibok ng puso ko at sa mukha niya lang ako nakatingin, naghihintay ako kung magbabago ba iyon base sa iniisip kong nakita niya ang dala-dala ko sa loob ng bag ko.

Napalunok ako. "Veronica?" mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Kalmado naman siyang lumingon sa akin, wala akong makitang kakaiba sa kaniya. Unless, kung may ipapakita siya. Bigla siyang napatingin sa tissue na hawak niya saka siya biglang ngumiti sa akin. Ngiti na unti-unting nagpawala sa kabang nararamdaman ko.

"Ah, oo nakakuha na pala ako ng tissue doon sa loob ng bag mo. Sorry, kailangan ko lang talaga, eh..." paumanhin nito sa akin at muli niyang inasikaso kung ano man ang ginagawa niya kanina pa.

Napapaisip ako... hindi naman siguro hindi ba?

"Yuki?" narinig kong tawag sa akin ng lalaking nasa harap ko.

"Bakit?"

"I'll wait for you outside." Hindi pa man ako nakakapagsalita ng bigla siyang lumabas ng convenience store.

Anong? Hihintayin niya ako sa labas? Alam niya bang matatapos na ang shift ko dito ngayong araw? Pero mabilis kong ibinaling muli ang isipan ko kay Veronica. Kung tanungin ko kaya siya kung may nakita siyang bag ng dugo sa loob ng bag ko kanina?

Kaso baka iba ang isipin niya sa sinabi ko. Mamaya isipin niyang may bag talaga ng dugo sa bag ko at isipin niyang ninakaw ko iyon at malaman ko na lang na hinuhuli na pala ako ng mga pulis.

Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip ng may tumapik sa akin sa likod. Si Veronica pa rin. Dalawa lang kami ngayon dito, pero pagtapos ng shift ko ay may papalit sa akin.

Hindi ko maintindihan pero... ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaniya. "B-bakit?"

"Tapos na ang shift mo hindi ba? Ako na muna dyan, magpalit ka na ng uniform mo para hindi ka na ma-late sa klase mo." Alam kasi nilang nag-aaral pa ako.

Wala naman na akong nagawa kundi ang ibigay sa kaniya ang counter at saka ako pumasok sa stockroom nang hindi siya nililingon.

Pagpasok ko ay mabilis akong pumunta sa bag ko at pagbukas ko 'nun ay parang walang ibang nangyari. Parang walang nanghalungkat sa bag ko, dahil nang iwan ko ito ng ilang oras ay ganun pa rin ang ayos nito. Pero para mas masiguro kong hindi niya 'yon nakita ay bigla kong ipinasok at isiniksik ang kamay ko sa pinakailalim. Nang maramdaman ko ang malabot na plastic sa ilalim ay siya namang pagbukas ng pinto.

Sa gulat ko ay hindi ko na nagawang alisin ang kamay ko sa loob n bag ko at paglingon ko ay nandoon si Veronica, nakatingin siya sa akin at dahan-dahang siyang ngumingiti.

Iba ang ngiting ibinigay ng mga labi niya sa akin at lalong-lalo na ang mga mata niya. May... hindi tama.

"Anong... ginagawa mo?" inosente nitong tanong sa akin.

Bakit biglang nag-iba ang pakiramdam ko habang nakatitig ako sa mga mata niya?

"May... kinukuha lang ako sa loob ng bag ko. Ikaw... anong ginagawa mo dito? 'Yung counter, baka may bumibili na..." patay malisya kong sabi sa kaniya.

Ilang segundong katahimikan ang pumailanlang sa amin bago siya muling nagsalita.

"Gusto mo bang... ako na ang kumuha para sayo?" At sa sandaling 'yon may mali na sa mga nangyayari. Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay tuluyan na siyang nakapasok sa loob kung saan nakita ko bigla ang pagiiba ng kulay ng mga mata niya.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon pero sa isang segundong kisap ng mata, ay may nakita akong parang itim na usok sa likuran niya. Halos hindi na makikita 'yon ng kahit na sino dahil parang sobrang blurred kaya hindi ko masasabing totoo ang nakita ko o hindi.

Mas kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa kaba at takot, bigla akong nanginig sa isiping may gagawin siya sa akin.

At Ihahakbang na sana niya ang paa niya papunta sa akin nang may biglang kumatok sa pintuan ng stockroom kung nasaan kami. Bigla siyang napatigil, nawala ang ngiti sa labi niya at inis niyang binuksan ang pinto.

At doon... nakita ko si Ryouhei.

Nawala ang kaba at takot na nararamdaman ko nang makita ko siyang nandoon.

Nagtataka siyang tumingin sa babaeng nasa harap niya, at nang bumaling ang mga mata niya sa akin ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Tara na, Yuki. Baka ma-late pa tayo." sabi nito na dahan-dahang kong ikinatango.

Hindi pa rin nawawala ang kaba ko pero nilunok ko na lang iyon at hindi na pinansin. Mabilis ko nang isinara ang bag ko at sinukbit ito, hindi na ako nakapagpalit pa ng uniform dahil kung mananatili ako dito, ay wala akong tsansang makatakas pa.

Nang makadaan ako sa tabi ni Veronica ay bigla na lang akong napatigil sa paghakbang nang maramdaman kong hinawakan niya ang bag ko. Nilingon ko siya, nandoon pa rin ang inosente niyang mga mata.

" Inosente... "

"May schedule ka ba bukas?"

Bakit naman siya magkakainteres na malaman kung may schedule ako bukas? Halos lahat ng mga nakakasama ko dito, wala namang interes na magtanong sa akin kagaya nang ginagawa niya ngayon.

"Wala. Day off ko." tipid na sagot ko.

Nang bitawan niya ang bag ko ay nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad, hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan. Sumunod naman si Ryouhei sa akin

At nang sa wakas ay makatapak na ako sa labas ay ganun na lang ang pagsinghap ko ng hangin sa sobrang pagpipigil ko 'wag huminga mula sa loob. Hindi ako makapaniwala na ito ang unang beses na may isang taong nagparamdam sa akin ng ganun.

Para bang ang superior nito, para bang kailangan mong lumuhod para sa kaniya.

Bigla akong napatanong sa sarili ko kung tao ba talaga siya o... kagaya ko lang siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdam ako ang biglang pag sakit ng dibdib ko. Napahawak ako doon nang sunod-sunod itong kukirot dahil sa sakit at biglang sumikip.

Shit?! Anong... anong nangyayari sa akin?!

"Ahh!" Napasigaw na ako dahil sa matinding sakit.

Ano ito?! Anong nangyayari sa akin?! Bakit sobrang sakit?!

"Yuki! Anong... akomg nangyayari sayo?!" malakas na sigaw ni Ryouhei habang hawak ang braso ko.

Bigla na lang aking nanlambot dahilan para mapaupo na ako sa lapag at habang tinitiis ang sakit na hindi mo maintindihan. Pakiramdam ko unti-unting sinusunog ang laman ko sa loob, hindi ako makapag-isip nang maayos at hindi ko ito gusto.

Ito rin ang unang beses na naramdaman ko ito.

Kailangan kong uminom... kailangan kong inumin ang dugo na nasa loob ng bag ko!

Pero hindi ko pwedeng ilabas ang bagay na 'yon ngayon, dahil maraming pares na mga mata ang nakatitig sa akin... pero iisang pares lang ang sigurado kong tumatagos sa buong pagkatao ko ngayon.

Muli akong napasighap. Kasabay nang pagsakit at pagkirot ng dibdib ay ang hirap ko sa paghinga. Napahawak ako bigla sa kwelyo ni Ryouhei dahil nasa harap ko na siya ngayon. Hawak niya ang dalawang balikat ko at tila sinisigawan ako pero... wala akong marinig mula sa kaniya.

Nanlalabo na rin ang mga mata ko sa luhang nagbabadya doon. Bakit hindi ko siya marinig... bakit wala akong marinig?

" Wake up, Yuki! Gumising ka! "

"Yuki! Yuki! Naririnig mo ba ako?! Anong masakit? Sabihin mo sa akin!" Parang biglang nagkaroon nang linaw ang lahat.

Muli kong narinig ang boses niya at ng mga taong nakapaligid sa amin ngayon. Napasinghap ako. Ayoko dito. Hindi ko gusto dito! Dahil sa mga pares na mga matang nakatingin sa akin ay daglian kong hinila si Ryouhei papunta sa akin, I hide from his neck and because of that, I smell... something sweet from him.

A sweet chocolate and fresh leaves scent coming from the person in front of me.

I stared back to his neck where I can clearly smell the freshness of it. Para ako nitong dahan-dahang pinapaklma, pero sa sandaling iyon... gusto ko nang ibaon ang mga pangil ko sa balat na iyon.

Napalunok ako. Dugo... dugo... kailangan ko ng dugo.

"D-D... ug... o..."

"Yuki! Tumingin ka sa akin!" sigaw ng taong nasa harap ko.

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa pisngi ko. At nang magtagpo ang mga mata naming dalawa ay nakita ko kung sino 'yon.

"R-Ryouhei..."

"Yuki! Wag kang matutulog! Pupunta tayo sa ospit---"

"S-Sa bahay..." bulong ko.

Hindi niya ako pwedeng dalhin sa ospital.

"Ano?! Sa ospital---" wala na akong lakas para makipag-argumento sa kaniya kaya ibinigay ko ang buong lakas ko para hilahin siyang muli sa kwelyo niya.

"Yuki---"

"S-Sa bahay, Ryouhei... sa b-bahay ko..."

Matapos kong maibulong iyonbay doon na ako nawalan ng malay.

•••

下一章