MALALIM na ang gabi nang makauwi siya sa kaniyang unit. Akay-akay siya ni Alex dahil hindi niya na kaya pang magdrive dahil sa kalasingan.
" Anong nangyari, bakit lasing na lasing siya?" narinig niyang tanong ni Darlene sa kaibigan.
" Hindi ko nga alam,eh. Bigla na lang siyang sumulpot kanina sa bar."
Ipinasok siya nito sa loob ng kwarto niya at inihiga sa kama.
" Kaya pala bigla siyang nawala kanina sa site,magkasama pala kayo? Why did you let him get drunk?" naiinis na tanong nito.
" Ayaw paawat,eh. Hayy, ano ba iyan nasisi pa ko," kamot-ulo nitong tugon. " O sige,alis na ko marami pang costumer sa bar," anito at tumalikod na upang lisan ang lugar na iyon.
Napakainit ng pakiramdam niya at nasusuka siya kaya pinilit niyang tumayo ngunit nabuwal siya kaya dinaluhan siya ni Darlene.
" Ano ka ba? Mahiga ka na nga lang saan ka ba pupunta?"
Mabilis niyang binawi ang braso at tiningnan ng masama si Darlene.
" Ano bang ginagawa mo dito, ha? Wala ka bang bahay, umuwi ka na nga sa inyo!" asik niya sa babae.
Ngunit tila walang narinig si Darlene at muling lumapit sa kaniya kaya naitulak niya ito dahilan para mapaupo ito sa kama.
" A-ano bang problema mo, Kyle?"
" I want you to stay away from me!" nanlilisik ang mga mata niyang tumitig dito.
Natigilan si Darlene at puno ng pagdaramdam na tinitigan siya.
" K-kanina ka pa hinahanap ni Troy bigla ka na lang kasing nawala." Sa halip ay sagot nito.
Hindi niya ito sinagot, iniwanan niya muna ito ng matalim na tingin bago siya tumalikod. Pumunta siya ng CR at nagtake ng shower para mabawasan ang init ng katawan na nararamdaman niya. Tumingala siya upang salubungin ang tubig na bumubuhos mula sa shower. Matagal siya sa ganoong posisyon hanggang sa magsawa siya. Naramdaman niya na kahit paano ay nabawasan ang init na nararamdan niya maging ang kalasingan niya. Muli niyang naalala ang nangyari kanina at dahil doon ay malakas niyang nasuntok ang pader, agad na dumugo ang kamao niya ngunit hindi niya ininda ang sakit noon dahil wala iyon sa sakit na nararamdaman niya sa kaniyang kalooban.
Medyo tipsy pa siya nang lumabas ng banyo,agad na sumalubong si Darlene sa kaniya para alalayan siya. Kalmado na siya kaya bahagya niya na lang iniwas ang braso sa babae ngunit sumunod pa rin ito sa kaniya sa kwarto.
" Please,Darlene i just want to be alone," malumanay na niyang sambit na hindi tumitingin dito.
Sa halip ay tumabi sa kaniya 'to at humilig pa sa kaniyang dibdib. Hindi malaman ni Kyle ang dapat na gawin, napapailing na lang siyang napatingin dito.
" Saan ka ba nagpunta kanina? Troy wants to consult you something pero bigla kang nawala you did not even answering your phone," anito nang humarap sa kaniya.
Iniwas niya ang tingin dito, pinilit niyang magtimpi dahil tila hindi iniintindi nito ang mga sinasabi niya. Kumilos ang kamay ng babae at hinawakan siya sa pisngi para iharap sa kaniya.
" I love so much, Kyle. No one else can love you this way but me."
Tinangka siya nitong halikan sa labi ngunit iniwas niya ang mukha.
" Tumigil ka na, Darlene!" Mariin niyang sabi. " How many times do i have to tell you na walang tayo, hindi kita kayang mahalin!Please, gusto ko nang ayusin ang pamilya ko!" Pagmamakaawa niya sa babae.
Napansin niya ang pamumuo ng luha nito sa mata habang nakatitig sa kaniya.
" Pagkatapos ng lahat na ginawa ko gusto mo akong itapon na lang na parang basura?"
Napailing-iling siya sa sinabi ni Darlene. Choice naman kasi nito na mag stay sa tabi niya dahil ito ang kusang lumapit sa kanila. Ang tanging naging mali niya ay hindi niya ito binigyan ng closure tungkol sa kanila, hinayaan niya lang ang pantasya nito. Hindi niya naman kasi akalaing aabot sa ganito ang obsesyon ng babae sa kaniya.
" I don't give you an assurance about us, it's your choice to stay, remember?"
Bigla ay naging malikot ang mata ni Darlene para itong maiiyak. Sinapo nito ang mukha niya.
" Pero 'di ba okay naman tayo these past few years? Naging masaya tayong tatlo ni Angel,kung hindi lang sana dumating ang bwisit na Maritoni na iyan,eh, masaya sana tayo!" Natigilan ito ng may maalala. "Wait? What if bumalik na tayo sa Amerika,ha?"
Hindi niya na maintindihan ang kinikilos ni Darlene para na itong nalulukaret.
" Darlene, enough," bulong niya sa babae. " I already made my decision, kinausap ko na si Toni,gusto ko nang makipagbalikam sa kaniya."
" No! Hindi ako papayag, akin ka lang!" sigaw nito. " Hindi ako papayag na maging masaya kayo, i swear kahit magkabalikan kayo, guguluhin ko pa rin kayo!"
Nagulat siya sa inasta nito at hindi makapaniwalang napatitig sa babae. Paano pa niya mapapabalik si Maritoni kung nariyan lagi si Darlene para guluhin sila? Lumapit si Darlene sa kaniya at yumakap habang umiiyak. Hinalikan siya nito sa labi ngunit hindi siya tumugon, hindi niya rin ito tinutulan. Lutang na ang isip niya sa kakaisip habang abala naman ang babae sa ginagawa. Pinaliguan siya nito ng halik sa buong mukha hanggang sa kaniyang leeg ngunit nanatili siyang walang kakilos-kilos. Napansin ng babae na hindi siya kumikilos at tila hindi tumatalab ang pagpapainit na ginagawa nito sa kaniya. Naupo na lang ito sa tabi niya habang tahimik na umiyak.
" Is it really hard for you to love me?"anito sa nanginginig na boses.
Hindi na siya umimik pa. Nagpasya na lang siyang lumabas ng kwarto upang doon matulog. Pinilit niyang makatulog upang kalimutan kahit panandalian lang ang problema.
Tanghali na nang magising siya ng umagang iyon. Naramdaman niya ang pagkirot ng ulo niya kaya nasapo niya iyon. Bumangon siya upang magtimpla sana ng kape ngunit nagulat siya pagdating sa kusina. Naabutan niyang naka bra at panty lang ang babae habang nagluluto.
" Good morning, Hon!" nakangiti nitong bati sa kaniya.
Mukhang desperado na talaga si Darlene na akitin siya ngunit talagang hindi iyon tumatalab sa kaniya. Napapailing na lang siyang napabalik sa sofa. Sinipat niya ang orasan na nakasabit sa dingding, pasado alas diyes na pala tiyak na hinahanap na sila sa site.
" After nating kumain pumunta na tayo sa site," anang dalaga na hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kaniya.
May dala itong kape para sa kaniya. Amoy din niya ang bacon na niluto nito. Kunot-noo siyang napatingin dito kung bakit kaylangang ganoon lang ang suot ng dalaga.
" Could you just put on clothes?"
" Actually, maliligo na sana ako,eh. Kaya lang naisip ko, ano kaya kung magsabay na lang tayo? Kaya hinintay na lang kitang magising," pilya ang ngiting tugon ng dalaga.
Lalong kumunot ang noo niya sa tinuran nito ngunit pinili niya na lang na huwag itong patulan. Humigop muna siya ng kape saka tumayo para maligo. Bago siya makapasok ng kwarto ay narinig niyang may nag doorbell. Inaasahan niyang bago iyon buksan ni Darlene ay magsusuot muna 'to ng damit dahil baka ang mga barkada niya ang nasa pintuan. Nagtapis muna siya ng tuwalya bago lumabas at buksan ang pinto ngunit nagulat siya ng mabuksan na iyon ni Darlene na nasa ganoon pa ring ayos. Nakita niyang nangingiti ito habang may kausap sa pintuan kaya lumapit na rin siya.
" Sino ba iyan?"
Laking gulat niya ng makita ang mga nasa pintuan, sina Troy at Maritoni na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay Darlene. Lalo na at nakatapis lang din siya ng tuwalya kaya napansin niya ang pilyong ngiti ni Troy habang si Maritoni naman ay titig na titig sa kaniya, bakas sa itsura nito ang pagkagulat at galit.
" Wew! Nakakaistorbo ba kami sa inyo?" nangingiting tanong ni Troy.
" Hmm,medyo. Maliligo na sana kami nang bigla kayong dumating," sagot ni Darlene saka tumawa ng maharot.
Titig na titig si Maritoni sa kaniya na tila nagtatanong ang mga mata at hinihingi ang paliwanag niya. Napansin niya rin ang mabilis na paghinga nito tanda ng galit sa naabutang tanawin. Gusto man niyang magsalita at magpaliwanag dito ngunit tila siya napipi.
" Oh, sorry for that. I just want to know kung pupunta ba kayo sa site,lalo ka na Kyle? May gusto lang akong i-consult sa'yo."
Hindi siya sumagot nakatitig pa rin siya kay Maritoni na noon ay umiwas na ng tingin sa kaniya.
" Ah, yes! Pupunta kami, after namin sa office, diretso na kami doon," sagot ni Darlene.
" Ah, okay. I will wait na lang. We have to go!"
Nag-iwan muna ng matalim na tingin sa kaniya si Maritoni bago tumalikod. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay nawalan siya ng lakas, tuluyan nang naglaho ang pag-asa niyang maaayos pa sila ni Maritoni. Sa nakitang itsura nila ni Darlene ay malabo nang mapaniwala pa niya ito.
Agad niyang pinaksi ang braso nang hawakan ito ni Darlene kasabay ng matalim na tingin na ibinigay niya rito.
" Are you happy now,huh?"
Para niya itong kakainin ng buhay nang mga oras na iyon. Hindi sumagot si Darlene, nakatitig lang ito ng matiim sa kaniya.
" Panalo ka na, tuluyan mo na kaming nasira ni Maritoni!" aniya at tinalikuran na si Darlene.
Pumasok na siya sa kwarto at ini-lock iyon. Nanghihina siyang napasalampak sa kama, inis na inis siya. Gusto niyang magwala ngunit pinigilan niya ang sarili. Kung bakit naman kasi bigla na lang sumulpot ang mga ito at naabutan pa sila sa ganoong itsura.
" Damn it!" Tungayaw niya habang sapo ang ulo.