webnovel

20

'Di nagtagal ay isa-isa na ring nagsidatingan ang mga kaibigan niya. Si Andrew na hanggang ngayon ay single pa rin kahit naging successful sa na sa buhay. Ngunit ayon naman dito ay may napupusuan na itong babae ngunit may iba ng mahal.Si Micoy na pinili pa ring ilihim kung sino ang babaeng karelasyon at si Alex na dating nagbibilang at nagpapaiyak lang ng babae ay himalang nagseryoso na.

" After many years kahit may kaniya kaniya na tayong buhay thankful pa rin ako kasi hindi tayo nagbabago sa isa't-isa, kaya cheers!" si Alex na itinaas pa ang hawak na bote.

" Si Jeero lang naman ang parang nagbago na at mukhang iniiwasan tayo,eh," reklamo naman ni Micoy.

" Let's understand him, he's a seaman now kaya palaging nasa laot iyon," turan ni Andrew na tumungga sa bote.

" Kahit naman noong hindi siya nakasampa,ah? Hindi pa rin siya sumipot sa usapan natin," reklamo pa rin ni Micoy. " Buti pa nga 'to si Kyle,eh, kahit nasa America hindi nakakalimot," dagdag pa nito.

" Speaking of Kyle, ano ba pare nagpapakalasing ka ba?" natatawang tawag-pansin sa kaniya ni Alex.

" Don't mind me, sige lang magkwentuhan lang kayo, i will listen," tugon niya.

" May problema ka, 'no?" Si Andrew na napatitig sa kaniya na tila sinusuri siya.

Si Andrew na marunong mangilatis ng tao lalong lalo na pagdating sa kaniya kaya hindi na siya nag atubiling tumanggi pa.

" Okay, guys nagkita kami ni Maritoni kamakailan lang."

Napatingin sa kaniya ang mga kaibigan, bakas ng pagkagulat ang itsura ng mga ito.

" Siya ang client namin ni Darlene sa bago naming project," aniya pa.

" Whoa?!" napapangiwing bulalas ni Alex.

" Seriously?" Si Micoy na namilog pa ang mata.

" Client? How did that happen? I mean, paano siya naging client mo?" Usisa ni Andrew.

" She has a business partner. And they planning to build a resto or what," tila naboboring niyang sagot.

" Oh, wow may achievement na rin pala si ex-wife,ah," turan ni Micoy.

" Of course, kahit naman ganon si Toni i think she is smart enough," humahangang turan ni Andrew. " Sino naman ang partner niya?" tanong pa nito.

Nakakaramdam na siya ng pagkairita sa nagiging takbo ng usapan nila.

" Well, he is a successful business tycoon at young age. Okay, let's change our topic, i think naman-" naputol ang sasabihin niya.

" He? You mean lalaki ang partner niya?" gulat na tanong ni Alex.

" At anong nakalagulat dun?" naiirita niyang sagot dito.

" Problema nga iyan, Pare! Nagseselos ka!" bulalas ni Alex.

" Hah?! Nagseselos, ako?! Of course not!" tanggi niya ngunit bahagya pa siyang pumiyok.

Napansin niya ang makahulugang tingin sa kaniya ng mga kaibigan at hindi niya nagugustuhan iyon.

" Hey! Stop staring at me. First, hindi ako nagseselos and second hindi na kami pwedeng magkabalikan pa. Matagal na kaming hiwalay kaya malabong mangyari iyon!" inis niyang turan.

" Wait! Kalma, dude. Wala naman kaming sinabing magkakabalikan kayo,ah?"panunudyo ni Alex.

Naramdaman niya ang pamumula ng kaniyang pisngi. Tila yata nagpadalos-dalos siya sa pagsasalita.

" Eh, bakit ka namomroblema kung wala ka na pa lang feelings sa kaniya?" nangingiting tanong ni Micoy na halatang duda sa kilos niya.

" How do you feel kung ang ex-wife mo, e,magiging kliyente mo?"

" For me? I think, wala namang problema doon? Unless na lang kung may feelings ka pa sa kaniya?" pagbbiro ni Alex.

" You're kidding!" sarkastiko niyang tugon kay Alex.

" Alam niyo? Kung nakita niyo lang siya?! She doesn't change! Ang ingay pa rin niya at laging may pasimpleng patama! And i'll guess, siya itong hindi pa rin maka move on. And you know what?Pinagmamalaki niya pa 'yung kulot na iyon na mukha namang bakla!" Tumawa pa siya ng pagak matapos ang mahabang litanya.

Nangingiting nakatingin lang sa kaniya ang mga kaibigan.

" What?!" aniya sa mga kaibigan."Okay,let's just change our topic!" aniya pa at muling tinungga ang nangangalahati na namang alak.

" So, what's your plans? Are you not trying to backout?"

" No chance dahil na close na namin 'yung deal. By the way, Alex sabi mo ipapakilala mo sa amin 'yung girlfriend mo?" pag-iiba niya sa usapan.

Ang hanggang tenga na ngiti ni Alex ay unti-unting nawala. Naging malikot ang mga mata nito at umiwas ng tingin.

" Oo nga, where is she na ba?" tanong ni Micoy.

Sasagot na sana si Alex ngunit mula sa likuran ay isang boses ang tumawag sa pangalan nito.

" Ow, she's here!" Si Alex na tumayo upang salubungin ang tumawag sa kaniya.

Nang lingunin nila ito ay isang pamilyar na babae ang hindi nila mapaniwalaang makikita nila. Lalo pa silang nagulat ng nagkahawak kamay ang mga ito na lumapit sa kanila. Si Anya ang girlfriend ni Jeero na ngayon ay mukang girlfriend na ni Alex. Ngayon niya lang naunawaan kung bakit hindi sumisipot sa kanila si Jeero. Nahihiyang tumingin sa kanila ang babae.

" Girlfriend ko," pakilala dito ni Alex.

Hindi sila nakaimik bakas sa mga mukha nila ang pagtataka sa nasaksihan.

" Um, hi sa inyo," nahihiya pang bati sa kanila ng babae at muli nitong binalingan si Alex. " Sige na, kailangan ko ng pumunta sa locker room para makapag ready."

Nagpaalam ito sa kanila at tumalikod na. Wala silang imikan n tatlo na tila wala isa man sa kanila ang naglalakas loob na usisain pa si Alex.

" Isa siya sa mga singer ko rito," ani ni Alex na halatang tensiyonado.

" Anong nangyari? Sinulot mo siya kay Jeero? Eh, kaya naman pala umiiwas sa atin 'yung tao,eh!" naiiritang paninita ni Micoy dito.

Nagsindi ng sigarilyo si Alex habang wala namang imik sina Andrew at Kyle. Hinihintay niya lang na magpaliwanag ang kaibigan. Habang si Micoy naman ay tila nag iinit ang bumbunan sa nalaman.

" Ang labo mo naman, pare, eh! Pagdating ba sa babae wala ng kaibi-kaibigan ganon?!" inis pa ring turan ni Micoy.

" Ano ba talagang nagyari, Alex?" Hindi nakatiis si Andrew at nag-usisa na rin.

Napabuntong-hininga muna si Alex bago sumagot.

" Ang totoo niyan noong nasa college pa lang tayo nililigawan ko na si Anya," panimulang kwento nito. " Then, one day nalaman ko si Jeero ang naging boyfriend niya kasi she thought na niloloko ko lang siya. Jeero know it, but she choose to court her, kaya ayun hinayaan ko na lang."

" So, ngayon binabawi mo na siya ganon? I don't get it! Marami namang babae diyan,ah?! Bakit gf pa ng kaibigan natin? You are a playboy at marami ka na ring napaiyak na babae, is Anya will become as one of your collection? Damn it!"sarkastikong wika ni Micoy.

" Mahal ko si Anya!" agad na sambit ni Alex. " Seryoso ako sa kaniya . She tells me everything about Jeero at nagkakalabuan na raw sila dahil halos wala ng time sa kaniya ang kaibigan natin."

" And you grab the opportunity para makuha siya?" Puno ng pagkadismaya na tanong ni Micoy.

Hindi na nakaimik si Alex. Muli itong tumungga ng alak na halata pa rin ang tensyon sa mukha.

Hindi man nito aminin pero nababasa niya sa kilos nito ang guilt feelings. Akala niya ay siya lang ang may problema sa puso pati rin pala ang kaibigan. Nakakatawang isipin na nagmatured na nga sila. Dati lang ay hindi pa nila sineseryoso ang mga ganoong bagay ngunit ngayon ay tila nagiging sentro na ito ng kanilang buhay. Ngunit para sa kaniya ang nararamdaman para sa dating asawa ay wala pang kasiguraduhan, alipin pa siya ng multo ng nakaraan kung saan labis din siyang naapektuhan.

***

HINDI pa rin mapakali si Maritoni, ilang araw na rin kasi noong huli niyang makita ang dating asawa. Noong tinanggihan siya nito na ibigay ang contact number ng anak, pakiramdam niya ay pinagdadamot ito ng dating asawa sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa location ng nabili nilang lupa na kung saan pagtatayuan nila ng kauna-unahan nilang branch at hindi rin ito nakasama. Nakapwesto sila sa bakanteng lote kung saan may tent na pinagsisilungan nila.Malapit ito sa isang beach resort kung saan dinarayo ito ng maraming turista.

" I can't believe na hindi siya makakapunta, so irresponsible! 'Di ba dapat tayo ang priority niya since nakapirma na siya ng contract sa'tin?!" inis niyang turan.

" He has a valid reason, isa pa nandiyan naman ang ibang mga staff nila to guide us," tugon sa kaniya ni Troy.

Hindi pa rin siya kumbinsido sa tinuran ng lalaki. Tingin niya nga ay umiiwas ito para patuloy na mailayo sa kaniya ang anak.

"Ibigay mo sa akin ang exact adress niya at pupuntahan ko siya."

" Are you serious? Look, next day lang makikipag meet na ulit tayo sa kaniya."

" Hindi na ako makapaghintay pa gusto ko ng makausap ang anak ko!"pagpupumilit pa niya.

" Baka naman siya ang gusto mong makita?" pabirong tugon sa kaniya ni Troy.

Tumirik ang mata niya sa sinabi ng kaharap.

" Hah! No way! Isa lang ang nararamdaman ko sa kaniya ngayon at 'yun ay ang matinding inis at galit!" Inis niyang sambit habang nilalapirot ang hawak na panyo na tila pinanggigilan na yata.

Naiinis siya sa kadahilanang hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang nangyari sa coffe shop na kung saan ipinamukha nito ang ugnayan pa rin nila ni Darlene.

" Ikaw naman kasi masyado mong pinapakita na affected ka pa rin. Will you just act normal pag kaharap mo sila?" Natatawa namang paninita ni Troy sa kaniya.

Natigilan siya sa sinabing iyon ng lalaki. Napaghahalata na ba siya na bitter pa rin hanggang ngayon?

" Mahal mo pa kasi, eh, kaya hindi ka makakilos ng normal."

" Hindi ko na nga mahal,eh, bakit ba ang kulit mo?!" bulalas niya.

Napahalakhal na lang si Troy sa tinuran niya. Malamang ay napansin nito na naiiyak na siya sa matinding inis na nararamdaman. Matapos mahingi kay Troy ang exact address ng dating asawa ay nagpasya siyang sa araw din na 'yun ay pupuntahan niya ito at hindi na siya makapaghihintay pa ng bukas para makausap ang lalaki. Gusto niya ng magkaroon sila ng closure ng lalaki tungkol sa kanilang anak.

下一章