webnovel

Chapter 8: Live-in Partner

Sol's POV

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero ngayong oras na 'to, nakayakap si Calix sa akin nang napakahigpit.

At magkatinginan lang kami ni Georgette habang parehas na nanlalaki ang mga mata namin dahil sa pagyakap sa akin ni Calix ng hindi sadya.

"Calix..." saad ko habang tinatapik ko ang mga braso niya na nakayakap sa akin.

"Hindi kita bibitawan kapag umalis ka, Sol!" saad ni Calix.

Napatingin na lamang ako kay Georgette at nakangisi siya.

At dahil nakayakap sa akin si Calix at nakapikit siya, ngumiti si Georgette bigla at bumulong, "Okay ba ang plano ko, Sol?" nakangiti niyang saad habang naka thumbs up.

Tumango at ngumiti ako  sa kanya dahil sa plano niya na ipalabas na lilipat ako, at mukhang nakuha ko ang loob ni Calix.

Sa totoo lang, galit ako kay Calix dahil sa napakakulit niya. Ngunit ang galit na ito ay mabilis na humupa. Dahil kung patuloy kong sasayangin ang mga araw at magmamaktol ako, walang mangyayari sa akin.

Oo, nabura niya ang storya na sinusulat ko... pero uulitin ko na lamang ito mula sa umpisa.

Mabuti na lang din at andito si Georgette para tulungan ako.

Sa ngayon, magkukunwari muna ako na galit para mas lalong maguilty si Calix, at para mas lalo niya akong lapitan.

Hindi ko lang alam kung ano ang magiging takbo ng utak niya dahil paiba-iba ito.

"Sol, it's time for you to leave. Kasi turn-over na mamaya." pagpaparinig ni Georgette kay Calix.

"Calix, bitawan mo na ko. Aalis na ako. Kailangan ko na lumipat." saad ko.

"Hindi! Walang aalis sa pamamahay na 'to!" saad ni Calix habang patuloy niyang niyayakap ang katawan ko nang mahigpit na parang bata na ayaw paalisin ang nanay o tatay niya.

Nababasa ko rin sa isipan niya kung bakit ayaw niya akong paalisin dahil yakap niya ako.

At mula sa isipan ni Calix, kaya ayaw niya akong umalis, Ito ay sa kadahilanang naaalala niya ang kanyang napanaginipan tungkol sa aming tatlo nina Luna, ako, at siya. Nakita niya kung paano ako at si Luna pinatay ni Erebos.

Habang kinakalma ko ang sarili ko kanina dahil sa galit ko kay Calix pagkatapos niya mabura ang story na ginagawa ko sa laptop, doon ko narinig na tila nananaginip siya ng hindi maganda.

Kaya sinugod ko siya sa unit niya at buti na lamang ay sinigaw niya kung ano ang bagong passcode ng unit niya at malaya akong nakapasok.

At nang maabutan ko siya ay nananaginip na siya ng hindi maganda. Kaya naman hinaplos ko ang buhok niya at sinumulan ang pagbabasa ng kanyang isipan.

Doon ko na nalaman ang tungkol kay Erebos na tinuran ni Luna kay Calix, na gustong kuhanin ang buhay ko.

Si Erebos na Diyos ng kadiliman... at ngayon ko lamang ito nalaman kung hindi ko pa natunghayan ang panaginip ni Calix.

Pero, hindi ko alam kung totoo ito o gawa lang ng isip ni Calix dahil mahilig siya manood ng mga palabas o movies, ngunit ginamit ko na rin ang pangalan ni Erebos para gawing pain sa plano namin ni Georgette... at mukhang gumana nga!

"Aba? Demanding ka, Calix? Bakit ayaw mo paalisin si Sol?" tanong ni Georgette habang nakapamewang na siya at nakangisi.

Pagkatapos ay binitawan na ako ni Calix mula sa napakasarap niya na yakap na gusto ko pa sana magtagal, ngunit tapos na.

"Kaya ko ayaw paalisin si Sol kasi... wala na akong aawayin dito sa unit!" saad ni Calix at bigla siyang napabuntong hininga at nalungkot, "Tsaka..."

"Tsaka ano pa, Calix?" tanong ni Georgette habang ako naman ay patuloy lang na nakatingin kay Calix.

"Tsaka... kayo lang ang kaibigan ko na makakausap dito, kahit hindi niyo ko tinuturing na kaibigan." dagdag pa ni Calix habang nakayuko siya.

Sinesenyasan ko na si Georgette na itigil na namin dahil ayaw ko na makitang nalulungkot si Calix. Ngunit ayaw rin magpatinag ni Georgette at gusto niya pang asarin si Calix.

"Reason not accepted, Calix. Sorry, Sol needs to go at marami pa siyang aasikasuhin." saad ni Georgette, "Let's go, Sol, the movers will be here any minute. Mauna na lang tayo sa car mo."

"Please? Wag kayo lumipat. Wag kayo umalis. Wag niyo ibenta ang unit ni Sol sa nagngangalang Erebos." saad ni Calix na may kasamang pag-aalala.

"Wow? At inuutusan mo pa kami, Calix? No! We have already decided. Right, Sol?" saad ni Georgette, "But maybe, pwedeng may iba pang paraan so Sol doesn't have to leave." dagdag pa niya habang nakangisi.

"Ano naman 'yun, Georgette Jennelyn?" tanong ni Calix.

"Since nabenta na ni Sol ang unit niya kay Erebos..." saad ni Georgette habang nanlalaki ang mga mata niya at nakatingin sa akin, at sinesenyasan na sumakay na lang ako dahil hindi naman namin binenta talaga ang unit ko. Arte lang namin 'to para mapalapit si Calix sa akin.

"Anong condition or deal 'to?" tanong ni Calix.

Ngumiti si Georgette at hinawakan niya ang kanang balikat ni Calix at sinabing, "Sol has to live with you... sa unit mo together as in like live in together! Love love love." saad ni Georgette habang nakangiti siya at napapasayaw pa ang mga balikat niya at nagha-heart sign pa.

"No!" sigaw ni Calix.

"Okay! Madali ako kausap, Calix." saad ni Georgette, "Let's go boss Sol. Kanina pa tayo delayed. Sana nakaalis na tayo at nagpapahinga ka na sa bagong mong tirahan." dagdag pa niya

"Sol doesn't need to live with me! Bawiin niya 'yung condo unit niya sa Erebos na 'yun!" saad ni Calix.

"No can do, Calix baby boy." nakangising saad ni Georgette at mukhang nakikipag mind games siya kay Calix talaga.

"Sige na. Aalis na kami, Calix. Baka gabihin kami." saad ko at nagsimula na ako maglakad papalayo kasama si Georgette.

"Sol! Bakit ka umalis!" bulong ni Georgette habang naglalakad na kami ngunit binabagalan lamang namin dahil hinihintay namin mag react si Calix.

"Hindi naman din siya papayag na magsama kami sa unit niya." sagot ko kay Georgette.

"Papayag 'yan! Bagalan mo lakad mo, Sol! Teka sisilipin ko si Calix kung anong ginagawa! Harangan mo ulo ko!" bulong ni Georgette at pinangharang ko ang braso ko para masilip niya si Calix.

"Anong ginagawa ni Calix?" tanong ko kay Georgette.

"Pumasok na siya sa unit niya! Hindi maaari 'to!" aligagang sinabi ni Georgete, "Let's go back!" saad niya at hinila niya ako pabalik sa tapat ng unit ko.

"Anong gagawin natin, Georgette? Mukhang failed ang plano mo?" saad ko.

"Pakinggan mo kung anong sinasabi ni Calix ngayon! Malamang sa malamang he's talking to himself again!" saad ni Georgette at sinubukan ko pakinggan si Calix sa loob ng unit niya.

"Ayaw kong palipatin si Sol sa iba kasi kapag nagkataon, magreresign si Demi! Hindi lang 'yun, 'yung bagong lilipat sa unit ni Sol ay 'yung Erebos! Paano kung masama siyang tao? Baka mapatay niya ako! Mas okay na ako kay Sol kung tutuusin kahit pa nakakatakot siya kapag galit! Pero siempre mas kilala ko naman si Sol at kahit masama ako sa kanya, I know he won't even lay a finger on me. But if hindi matutuloy si Sol sa paglipat, he'll be forced to stay in my unit dahil wala na siyang unit at nabenta niya na! Ano na!" saad ni Calix habang natataranta siya at ni-relay ko kay Georgette.

"Akala ko wala na tayong chance eh! Pero ano kaya ang verdict ng decision niya? If pumayag siya, you'll stay with Calix at mas magiging malapit kayo sa isa't isa! That's good, right?" saad ni Georgette.

"Oo, pero naniniwala si Calix na nabenta ko na ang unit. Paano kung sakaling pumayag siya na tumira ako sa unit niya? Sinong patitirahin mo sa unit ko eh gawa gawa lang natin 'yung Erebos?" saad ko kay Georgette.

"Madali lang 'yan, Sol! We just have to find another person na magrerent sa unit mo! Case closed! Ako bahala dyan! Georgette Jennelyn will be the one to handle that! Ang gusto, mag focus ka to make Calix know who he really is at mas maging close kayo! Okay?" saad ni Georgette.

"Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag wala ka, Georgette." nakangisi kong sinabi.

"Siempre! Kung ikaw ay isang God, ako naman ay fairy godmother siempre!" nakangiting saad ni Georgette at biglang gumalaw ang door knob ng unit ni Calix hudyat na lalabas siya, "Bilisan mo! Kunwari nagbubuhat ka o may hinahanap ka, Sol!" bulong niya.

Door squeaking!

"Oh? Nandyan pa kayo? Kala ko umalis na kayo?" tanong ni Calix.

"May nakalimutan daw si Sol na papers na hinahanap lang namin. Why are you here?" pagsusungit ni Georgette kay Calix at inirapan niya ito.

"I made my decision regarding sa pagtira ni Sol sa unit ko." saad ni Calix.

"And what's your decision?" saad naman ni Georgette habang tinataasan niya ng kilay si Calix at iniirapan.

"Bibilhin ko ang unit ni Sol sa Erebos na 'yun. Then, kapag nakuha ko na ang unit ni Sol..." Calix said and did an evil smile, "Dyan na titira si Sol pabalik sa unit niya while he's renting it from me. Muhahaha!" he added and laughed.

"Abnormal ka, Calix?" saad ni Georgette at inis na inis siya sa pakiwari ko, "Isa pa, I've talked to Erebos. Wala siyang balak ipagbili ang unit since he's looking for a place to stay sa lalong madaling panahon." dagdag pa niya.

"Ako kakausap sa Erebos na 'yan. Give me his phone number. Or tell him that I want to meet him in person." saad ni Calix.

"No! You can't do that!" sigaw ni Georgette.

"And why not, Georgette Jennelyn?" tanong ni Calix at napabuntong hininga siya.

"Kasi... iritable si Erebos! Final decision na at ayaw niya nang pabago-bago. He won't sell Sol's unit at nakita niya na kung gaano daw kaganda. You won't be able to change his mind." saad ni Georgette at talagang lahat ng palusot ata gagawin niya, "Kaya kung ako sayo, mag-isip ka na habang hinahanap ni Sol ang papers na naiwan niya dahil paalis na kami!"

"Tsk! Wag mo nga ako madaliin! If pinatira ko si Sol sa unit ko, I can't have my peaceful life! Isa pa, maingay ako and Sol can't work in that environment." saad ni Calix.

"Sol!" sigaw ni Georgette, "Kaya mo magtrabaho sa maingay na lugar di ba?" dagdag pa niya at sinisiko niya ako.

"Oo. Kaya ko." nakangiti kong sagot.

"See? Kaya daw ni Sol. So, I guess okay na dyan siya sa unit mo, Calix." saad ni Georgette.

"Hmmm..." saad ni Calix at mukhang napapaisip siya.

"Time is running out, Calix. Pakibilis ang pag-iisip." saad ni Georgette at tila minamadali niya si Calix.

"Wag mo ko madiliin, Georgette Jennelyn! Okay? Maghintay ka!" naiinis na saad ni Calix.

At pagkatapos ng 5 minutes na pag-iisip at mukhang pinagdesisyunan niya maigi, ay doon na sumagot si Calix.

"Hayst! I don't want to do this, but I have 'to! But it doesn't mean na friends na tayo, Sol! I did this since guilty ako sa ginawa ko, okay? And I have other reasons kung bakit ayaw kitang paalisin. Wag mo na alamin kung bakit but my decision is final. You can stay in my unit... but magrerent ka! It's not for free! And... you have to do all the chores!" saad ni Calix.

"Okay lang naman sa akin, Calix." nakangiti kong sagot dahil gumana ang plano ni Georgette.

"Okay, verbal contract is done! May video and record ako, Calix! So wala na 'tong bawian!" saad ni Georgette.

"Yeah yeah, as if I don't have any choice." saad ni Calix, "But 'yung mga gamit mo, Sol, where will you put all of this? Wag mo sabihin sa loob ng unit ko? I won't allow it!"

"Hehe..." saad ni Georgette at napakamot siya ng ulo at napabulong sa akin, "Hindi ko 'to naisip, Sol."

"Though, inside my unit I have two bedrooms. You can place all your things inside that room at doon ka na lang magstay." saad ni Calix at tila nakahinga nang maluwag si Georgette.

"Nice!" nakangiting saad ni Georgette, "Tatawagan ko lang 'yung lilipatan dapat ni Sol na condo. Sasabihin ko na hindi na matutuloy. Lalayo muna ako saglit at kayong dalawa na ang bahala. Kaya niyo na 'yan. Byeers!" dagdag pa ni Georgette at naglakad na siya nang mabilis papalayo sa amin.

"Sol, if you can hear me, ang galing ng manager slash bestfriend mo na si Georgette Jennelyn! See? I was able to make a plan na magsama kayo ni Calix sa iisang unit! Don't forget na balitaan mo ako! Ako na hahanap ng bagong lilipat sa unit mo, Sol! Byers ulit!" saad muli ni Georgette at napatingin na ako kay Calix na nakataas ang isang kilay at naka chin-up.

"I won't help you pack your stuff and place it on the vacant room. Bahala ka mag-isa, Sol." saad ni Calix at binuksan niya na ang pinto.

"Okay! Kaya ko na 'to mag-isa, Calix." nakangiti kong saad at pumasok na si Calix sa loob.

At ako naman, isa-isa ko nang pinasok ang mga gamit ko papunta sa isang kwarto sa loob ng isa pang kwarto sa unit ni Calix na walang laman, habang siya naman ay nakaupo lang sa sofa at pinapanood ako.

Habang buhat ko na ang isang kama, napatingin ako kay Calix at napatigil dahil nakakunot ang noo niya.

"May problema ba, Calix?" tanong ko sa kanya habang hawak ko ang kama ng isang kamay lamang.

"How come parang magaan na bagay lang ang nga dinadala mong kama and you aren't even breaking a sweat? Isang kamay pa ang gamit mo. Ganoon ka talaga kalakas?" saad ni Calix.

At napaisip ako bigla sa sinabi niya. Kaya naman umarte na lamang ako na kunwari ay nabibigatan ako nang bahagya.

"Hindi, mabigat talaga, Calix." saad ko.

At pagkatapos ko maipasok ang lahat ng gamit ko sa loob ng kwarto kung saan ako mag stay, muli ay kinausap ako ni Calix.

"Okay, Sol, since I'm the unit owner and you are my tenant, I have rules." saad ni Calix.

"Ano mga rules mo?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw lahat ng household chores. And kapag may kailangan bilhin sa labas o may pabibili ako, you will be the one to buy it for me since hindi ako pwede basta basta lumabas since you know who I am. Dudumugin ako ng mga tao. Ikaw, sikat ka lang. Unlike me, mahirap maging gwapo at super sikat gaya ko. " saad ni Calix.

"Sige, ako bahala sa mga kailangan mo, Calix." nakangiti kong sagot.

"And... don't smile at me, Sol, naiinis ako sa mga ngiti mo. Tsaka oo nga pala, I need to make sure, you have forgiven me sa nagawa ko sayo about sa story mo? I already said sorry and once is enough!" saad ni Calix at pagmamatigas niya.

"Oo, pinapatawad na kita, Calix." saad ko.

"Good. Now, I can sleep in peace at last!" sagot naman ni Calix, "Bahala ka na sa buhay mo, Sol. You can do whatever you want... just don't get near me. Okay? Ayaw ko na makikita kang malapit sa akin." dagdag pa niya at humiga na siya sa sofa niya at niyakap ang unan.

Pumasok na rin ako sa loob ng kwarto kung saan ako magstay at humiga sa kama.

"Tama si Georgette, maraming nangyayari sa isang araw. Ngayon, masisigurado ko na magagawa ko ang misyon ko kay Calix dahil magkasama na kaming dalawa." saad ko sa sarili ko habang nakatingin lamang sa kisame at nagmumuni-muni.

Pagkatapos ng limang minuto na pagmumuni-muni, doon biglang bumuhos ang mga ideas sa utak ko at sinimulan ko na ulit ang pagsusulat ng story sa "When the Sun Meets the Moon".

As in simulang simula, mula sa pinakauna hanggang sa bago dumating ang susunod na solar eclipse na magsasabi ng kapalaran namin ni Calix.

Umayos ako ng upo sa kama habang nakapatong ang laptop ko sa hita ko at nagsisimula na magtype... nang biglang pumasok si Calix.

"May kailangan ka, Calix?" tanong ko sa kanya.

"Wala." saad ni Calix habang naglalakad at nagiikot-ikot sa kwarto ko at akala mo ay nag-iinspect, "Tiningnan ko lang kung may ninakaw kang pagkain. Diba nangunguha ka ng pagkain ko?"

Napailing na lamang ako at napangisi, "Walang pagkain dito at hindi ako kumuha ng kahit ano."

"Okay. Tinitingnan ko lang kung malinis 'tong kwarto kasi baka sabihin mo na masama akong tao at pinapatira kita sa maalikabok at maduming lugar." saad ni Calix.

"Kung madumi, edi lilinisin ko naman." nakangiti kong sagot.

"Di ba sinabi ko sayo na wag mo ko ngingitian kasi naririndi ako? Patayan kita ng ilaw dyan eh!" sagot ni Calix.

"Akala ko ba ayaw mo na nasa tabi kita o nakikita ako, Calix? Bakit nandito ka sa kwarto ko?" tanong ko sa kanya.

"Unit ko 'to! I can go wherever I want! At kung gusto ko matulog dito sa kwarto mo, I will because because I can!" pagmamalaki ni Calix.

"Gusto mo dito matulog sa kwarto ko? Tabi tayo sa kama ko?" tanong ko sa kanya.

"Well, that won't happen, Sol! Makaalis na nga dito! Naiirita lang ako sayo!" saad ni Calix at lumabas na siya ng kwarto ko.

Natatawa na lang ako dahil siya ang nagsabi na ayaw niya na malapit ako sa kanya, pero siya 'tong kusang lumalapit sa akin.

Pagkatapos muli ng 5 minutes... ay muli na naman pumasok si Calix sa kwarto ko.

"May kailangan ka, Calix?" tanong ko sa kanya habang nakangiti ako.

"Sabing wag ka ngingiti eh! Papatayan talaga kita ng ilaw!" sigaw niya.

"Anong gusto mo, Calix?" tanong ko muli.

"Wala! Trip ko mainis kaya pumunta ako dito sa kwarto mo!" saad ni Calix.

Nilapag ko ang laptop ko sa kama at tumayo ako sa harapan niya. Kaya naman napatingala siya sa akin habang nakatingin ng masama.

At alam ko na hindi kayang sabihin ni Calix ang gusto niya nang harapan at nahihiya siya, kaya siya nandito at nagpapalusot na gusto niya lang na mainis.

Ginulo ko na lamang ang buhok niya para mabasa ko ang nasa isip niya.

"Kaasar! I'm hungry but I don't know how to ask Sol for food! Gusto ko sana ng food na may sabaw at ayaw ko ng prito since nauumay na ako sa hotdog and eggs. Gusto ko ng adobo!!!" sigaw ni Calix sa utak niya.

Ilang saglit lamang, tinanggal niya ang kamay ko sa ulo niya.

"Don't touch me, Sol! Ang dumi-dumi ng kamay mo tapos ihahawak mo sa buhok ko?" naiinis na saad ni Calix.

"Gutom ka na, Calix?" tanong ko sa kanya.

"No, I'm not hungry!" saad niya at mukhang kinahihiya niya pa.

At para hindi na siya mahirapan at mahiya na mag request, "Ako kasi nagugutom. Magluluto ako ng pagkain. Gusto mo ba ng adobo?" nakangiti kong tanong kay Calix.

Biglang nanlaki ang mga mata niya at tumango nang napakabilis.

Kaya naman napangiti na naman ako at hindi ko maalis ang mga ngiting 'to sa mukha ko.

Natutuwa ako sa ilang mga bagay. Una, napaka-cute ni Calix dahil para siyang bata na masarap alagaan. Pangalawa, nasa iisang unit kami at magkasama, at pangatlo, ito ang pinakaaasam ko talaga.

Buti na lamang ay nabura ni Calix ang story sa laptop ko. Dahil kung hindi, hindi ito mangyayari.

"Anong adobo iluluto mo? Mapili ako sa adobo!" saad ni Calix habang naiinis siya.

At para muli kong mabasa ang nasa isip niya, ay pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya.

"Sana adobong kangkong! Please! Ewan ko bakit ako nag crave doon! Basta sana iyon!" nasa isip ni Calix.

"Parang gusto ko ng... adobong kangkong." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Talaga?" nakangiting saad ni Calix sa akin, at biglang nagbago ang mood niya sa isang saglit at naiinis na naman, "Talaga? Hmmp! Alisin mo nga 'yang kamay mo sa ulo ko! Yuck! Adobong kangkong! Pinaka-ayaw ko kaya 'yan! Nawalan na ako ng gana!" saad niya.

"Okay, magluluto na lang ako ng para sa dalawang tao pag gusto mo kumain ng adobong kangkong meron ka din." saad ko.

"No! I won't eat that garbage! Sayo na lang 'yun kung gusto mo! May kangkong ako sa ref! Bahala ka na doon! I'll be inside my room playing games!" saad ni Calix at agad siyang tumakbo papalabas ng kwarto ko.

Buti na lamang at nababasa ko ang nasa isip ni Calix. Dahil kung hindi, hindi ko malalaman kung anong gusto niya dahil hindi niya ito aaminin ng harapan sa akin.

Pagakatapos ay lumabas na ako sa kwarto at tumungo sa kitchen area para simulan na ang pagluluto ng adobong kangkong na gusto ni Calix.

Pero sa totoo lang, sa lahat ng adobo, ito ang pinakaayaw ko. Kaso, kung gusto ni Calix nito, magluluto at kakain ako siempre.

Lahat ng gusto niya, lahat ng hihilingin niya, lahat ng nanaisin niya, ibibigay ko. Ito ay kapalit ng kasalanan na nagawa ko sa kanya noong siya ay si Luna pa lamang.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga napapatawad ang aking sarili sa kalabisang iyon.

...

...

...

At dahil may cute na kulay pink na apron sa kitchen area ni Calix, sinuot ko na lang din ito para hindi madumihan ang white na long sleeves na suot ko.

Kumuha na rin ako ng aking mga kakailanganin mga sangkap gaya ng kangkong, bawang, sibuyas, at iba pa at hiniwa na rin ito.

Pagkatapos ay kumuha na rin ako ng kaldero para simulan ang pag-gisa at pagluluto.

Pan sizzle!

Habang nagsisimula na ako magluto, biglang lumabas si Calix sa kwarto niya at tumayo siya sa tabi ko.

"Ano 'yan? Bakit may pa-apron ka pa? Ang pangit mo, Sol! Haha!" saad ni Calix at tinulak niya ako nang bahagya.

"Bagay kay Sol 'yung apron ko, asar!" saad ni Calix sa isipan niya na taliwas sa sinabi niya nang mabasa ko ito.

"Sorry, madudumihan kasi 'yung damit ko. Pero para pangit ako sa paningin mo, at diba mas gusto mo na pangit ako, susuotin ko na lang 'to kapag magluluto ako." nakangiti kong sagot kay Calix.

"Oo, para pangit ka tingnan pag  suot mo 'yang apron ko! Laki-laki mong tao nagsusuot ka ng pink! Haha!" Pang-aasar ni Calix.

"Naisipan mo na ba na kakain ka na ng adobong kangkong, Calix?" tanong ko sa kanya.

"Hindi no. Nag-order na lang ako ng food na darating any minute. Mas masarap 'yun tiyak!" saad ni Calix, "Kaya lang ako nandito para tingnan kung marunong ka talaga magluto!" saad ni Calix.

"Sa totoo lang, naamoy ko 'yung niluluto ni Sol kahit nasa loob ako ng kwarto! Ang bango! Natatakam ako nakakainis! Hindi naman talaga ako nag-order! Pero mamaya pag-tulog na si Sol, tsaka na lang ako kakain ng niluto niya! Hehe!" nabasa ko sa isip ni Calix.

Ngunit nagtaka ako dahil hindi naman niya ako hawak. Kaya tiningnan ko kung paano ko nabasa ang isip niya.

At pagkakita ko, 'yung hinliliit ng paa niya ay nakatama sa tsinelas na suot ko, kaya pala nababasa ko pa rin ang isip niya.

"Ayaw ko talaga niyang adobong kangkong. Kadiri! Ewan ko ba sayo bakit 'yan ang naisipan mong iluto." naiinis na saad ni Calix.

Bigla kong tinitigan si Calix at dahil oras na para pakuluan na lamang ang niluluto ko, bigla akong humarap sa kanya at ngumiti nang bahagya.

At dahil dingding ang nasa tabi ni Calix, na-corner ko siya doon gamit ang mga kamay ko kaya labis na lang ang paglaki nang mga mata niya.

Marahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya kaya mas biglang naging aligaga si Calix na tila hindi siya makahinga nang maayos.

"Sol!" saad niya.

Nginitian ko lamang siya at sinabi, "Kaya adobong kangkong ang niluluto ko... kasi, nagugutom ako, Calix." bulong ko sa kanya habang nakatitig ako sa mga labi niya.

Sa totoo lang, halos hindi ko din mapigilan ang sarili ko sa tuwing kaharap ko si Calix. Dahil siya si Luna, naiisip ko na gusto ko siyang halikan gaya ng ginagawa ko dati sa kanya.

Ngunit, dahil si Calix ay wala pang naaalala tungkol sa nakaraan namin, mas mainam na hindi ko muna siya hahalikan.

"F*ck you, Sol! Layuan mo nga ako!" naiinis na sinabi ni Calix at tinulak niya ako, "Babalik na ako sa kwarto ko! Hihintayin ko 'yung inorder ko! Sabi ko ayaw ko nang malapit ka sa akin!" dagdag pa niya at tumakbo siya patungo sa kwarto niya at binalibag ang pinto.

"Hindi ba ikaw ang nagsabi na ayaw mong nasa tabi mo ako? Pero ikaw 'tong lapit nang lapit sa akin." bulong ko sa sarili ko at napailing na lamang ako habang nakatingin ako sa nakasarang pinto sa kwarto niya.

"Asar! Nakakaasar ka, Sol! Akala mo kinagwapo mo 'yan? Ulol! Ang pangit mo!" naririnig ko na sinasabi ni Calix habang nasa loob siya ng kanyang kwarto at parang may pinapalo siyang unan, "Pero nagugutom na ako... Sana mabilis matapos kumain si Sol para makakain na din ako ng matiwasay. Hindi niya ako pwede makita na kumakain ng niluto niya!" dagdag pa niya.

Nagluto na rin ako ng sinangag para mas mapasarap pa ang kain ni Calix at mas ganahan siya.

Lahat gagawin ko para sayo, Calix, wag ka mag-alala. Ibibigay ko ang mundo sayo.

Pagkatapos maluto ng adobong kangkong, hindi na ako kumain dahil gusto ko na makakain agad si Calix. Kaya naman naghanda na ako ng plato niya, at nilagyan ko rin ng adobong kangkong na may pritong bawang na toppings para masarapan siya lalo.

At dahil hindi pa lumalabas si Calix sa kwarto niya, kinatok ko na siya at sinabihan.

"Calix, hindi pa ata dumadating order mo." tanong ko sa kanya.

"Na-late lang! Wag kang ano, Sol! Nang-aasar ka pa eh!" sigaw niya pabalik.

"Kakatapos ko lang kumain, Calix. Matutulog na ako sa kwarto ko." saad ko kahit hindi naman talaga ako natutulog, at para makakain na rin si Calix ng matiwasay gaya ng sinabi niya.

"I don't care! Matulog ka kung gusto mo! Sana bangungutin ka! Natutulog ka ng busog ewan ko sayo!" sigaw ni Calix at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Ilang saglit lamang ay narinig ko na bumukas na ang pinto ng kwarto ni Calix at tumungo siya sa dining area.

"May nakahanda na food para sa akin?" bulong ni Calix sa sarili niya, "F*ck! Ang bango! Nakakatakam! Siguro akin 'to kasi sabi ni Sol kumain na daw siya? Pero kapag sa kanya pala 'tong food na nakahain at hinanap niya... sasabihin ko na tinapon ko! Tama!" dagdag pa niya.

Narinig ko na rin ang mga plato, kutsara at tinidor at mukhang sisimulan na ni Calix ang pagkain.

"F*ck! Ewan ko kung ano pumasok sa utak ni Sol at nagluto ng adobong kangkong which is unusual! But buti na lang nakuha niya kung ano ang cravings ko ngayon!" saad ni Calix sa sarili niya at sinumulan niya na kumain, "F*ck this sh*t!" saad niya.

Hindi ba nasarapan si Calix sa niluto ko?

"T*ng ina! Ang sarap pala mag-luto ni Sol! Mukhang handy naman pala na nandito siya sa unit ko! Takte! It's so good na pakiramdam ko mauubos ko lahat ng niluto niya!" natutuwang saad ni Calix.

"Mabuti naman nagustuhan mo, Calix. Hindi na ako lalabas hanggang matapos ka para hindi ka mailang kumain. Happy eating." bulong ko sa sarili ko habang ako ay nakangiti at nagsusulat na ng novel ko.

"Mmmmm! Ang sarap talaga! Tapos ang crunchy ng kangkong! Mukhang mauubos ko talaga 'to! Sasabihin ko na lang tinapon ko 'yung niluto niya kasi naaasiwa ako sa amoy at itsura! Hindi niya naman malalaman na kinain ko 'to lahat at gustong gusto ko!" bulong ni Calix sa sarili niya habang patuloy siyang kumakain.

"Para sayo lahat 'yan, Calix, wag ka mag-alala. Kainin mo lahat." nakangiti kong saad sa sarili ko.

"Well, I guess Sol will be really handy since someone's going to cook for me, and siempre... hehe... siya ang paghuhugasin ko ng mga kinainan ko! Siya din ang paglilinisin ko ng unit, while me, I'm going to relax and be the king of my own unit!" saad ni Calix sa sarili niya habang masaya siyang kumakain at nilalasap niya ang bawat pagsubo.

"Pagsisilbihan kita hanggang dulo, Calix, pangako." saad ko sa sarili ko.

Paglipas ng mga 15 minutes, doon na rin natapos kumain si Calix at mukhang sarap na sarap siya dahil narinig ko na naubos niya ang pagkain.

Narinig ko na nilagay niya ang mga pinagkaininan niya sa lababo at mukhang hindi niya nga hinugasan ito.

Door knocking!

"Sol! Gising ka ba? Kapag gising ka at naririnig mo ko, ikaw na maghugas ng pinagkainan ko. Tinapon ko na rin 'yung adobong kangkong tsaka kanin. Naaasiwa ako! Buti na lang masarap 'yung inorder ko na food! Babalik na ko sa kwarto ko." saad ni Calix at umalis na siya pagkatapos.

Nang marinig ko na pumasok siya sa kwarto niya, doon na rin ako lumabas para hugasan ang mga pinagkainan niya.

At pagkakita ko... natuwa na lamang ako dahil simot na simot ang pagkain na niluto ko para sa kanya. Busog na busog siguro si Calix ngayon.

Kaya naman nagsimula na ako maghugas ng mga kainainan niya at mga pinaglutuan ko.

Pagkatapos ay nilinis ko na rin ang unit niya. Gusto ko na pakiramdam ni Calix ay hari siya at hindi na siya mahihirapan.

Habang naglilinis ako, naririnig ko na nagsasalita muli si Calix sa kwarto niya at mukhang kausap niya si Demi sa phone at naka loud speaker ito.

"Demi!" saad ni Calix.

"Yes, I know, hindi mo na kailangan sabihin sa akin. So what made you decide na dyan sa unit mo magstay si Sol? Ang gusto ko lang eh mag sorry ka but I think nag overboard ka at pinastay mo siya sa unit mo? Iba ka rin ha?" natatawang saad ni Demi.

"Kaya ko siya dito pinatuloy is because I want to treat him as my servant or maid! Siya nga pagagawan ko ng chores dito sa unit!" saad ni Calix.

"You're evil, Calix! Bad ka!" saad ni Demi

"Bad lang ako kay Sol kasi bad siya sa akin!" saad ni Calix.

"Bad si Sol sayo? Saan banda? I think siya pa nga ang nag cook ng food na pinost mo sa IG na adobong kangkong." saad ni Demi.

"Hindi no! Inorder ko 'yun!" saad ni Calix.

"Bahala ka sa buhay mo, Calix! Well, anyway, since bati na kayo ni Sol, hindi na ako magre-resign. Oo nga pala, ininvite ka pala and you will be performing sa opening ng isang grand museum, Calix. It will be held 2 days from now." saad ni Demi.

"Okay, just let me know kung anong kakantahin ko so that I can prepare." sagot ni Calix.

"I guess hindi ko na kailangan masyado mag worry since Sol is living with you and I bet siya na ang kikilos para sa lahat. Hay! Buhay prinsepe ka na niyan, Calix. That's what you like di ba? Lahat ginagawa para sayo?"

saad ni Demi.

"Yes! This is what I like!" saad ni Calix.

"Baka mamaya, 'yang pa 'This is what I like' mo eh si Sol na pala ang like mo talaga huh?" pang-aasar ni Demi.

"No! Never! Demi, me liking another guy? Wake up, Demi! You've seen how many girls I've dated, right?" sagot ni Calix.

"Wag magsalita ng tapos, Calix. You'll never know... Basta ang sa akin lang, have fun! Bye! Magka-chat kami ni Georgette, mamaya ka na tumawag! Uunahin ko muna ang lovelife ko!" saad ni Demi at binaba niya na ang call.

"Me liking Sol? Tss! That won't happen. Not in a million years!" saad ni Calix sa sarili niya at hindi na siya nagsalita pa.

Sa ngayon, hindi ko na alam ang ginagawa niya pero mukhang may pinagkakaabalahan siya dahil wala akong naririnig na ingay mula sa kwarto niya. Hindi rin naman siya natutulog dahil hindi siya humihilik.

Pero kung ano man iyon, kung may problema, madali ko naman siyang mapupuntahan dahil nasa iisang unit na kami nakatira.

Pagkatapos ko maglinis sa unit ni Calix, ay tumungo na ako pabalik sa kwarto ko para magpahinga at muling magsulat nang tumawag si Georgette.

"Napatawag ka, Georgette?" tanong ko.

"So so so, kamusta ang buhay mag live-in partner?" natatawang saad ni Georgette.

"Masaya ako, Georgette." nakangiti kong saad, "Mas naaalagaan ko si Calix at nabibigay ko mga gusto niya."

"Mukha ngang masaya ka, Sol, I can feel your happiness kahit magkausap lang tayo sa phone. I'm happy for you, Sol!" saad ni Georgette.

"Salamat sa naisip mo, Georgette. Pero siempre, hindi pa rin madali kahit magkasama kami ni Calix. Hindi niya kasi masabi ng harapan 'yung totoo niyang nararamdaman. Nalalaman ko na lang 'yung talagang nais niya kapag nababasa ko isip niya." saad ko.

"Good thing you can read minds, Sol, dahil kung hindi, you'll be having a hard time living with Calix nako! May mood swings pa naman 'yang maldito na 'yan!" saad ni Georgette, "Oo nga pala, Sol, someone invited us sa isang opening ng grand museum and the owner wants you to be an ambassador."

"Museum? Ambassador?" tanong ko.

"Yes! He didn't go much into details yet kung bakit gusto niya na ikaw ang maging ambassador, but we'll be there. I already said yes." saad ni Georgette.

"May performance si Calix sa isang opening ng museum. Iisa lang ba ang tinutukoy mo?" tanong ko.

"I think yes. Sabi sa akin ni Demi na may show si Calix sa isang museum. Papanoorin mo siya kumanta?" tanong ni Georgette.

"Magche-cheer ako." nakangiti kong sagot.

"Supportive lover naman talaga ng Sol na ito oo! Cheesy mo, Sol! O siya, sinabi ko lang sayo 'to. I have to go, I have another call. Tumatawag si Demi, I think gusto niya lang makipag-chikahan. Byers!" saad ni Georgette at binaba niya na ang tawag.

Ilang saglit lamang ay narinig ko na humihilik na si Calix. Ibig sabihin nito ay tapos na siya sa kanyang pinagkakaabalahan at mukhang nakatulog na rin siya.

Mas malakas ang paghilik na naririnig ko ngayon dahil mas malapit ako sa kanya. Pero sa totoo lang, nakasanayan ko na rin ang hilik niya kaya hindi na ako masyadong nadi-distract sa tuwing humihilik siya nang napakalakas at akala mo ay wala ng bukas. Minsan pa nga ay bigla-bigla na lang siyang nabibilaukan habang humihilik! Haha!

...

...

...

Kinabukasan...

Nagluluto na ako ng breakfast namin ni Calix nang lumabas siya mula sa kwarto niya habang nagkakamot ng tiyan at kakagising niya lang.

"Ano na naman 'yang niluluto mo? Ang baho!" naiinis na saad ni Calix.

"Tuyo. Hindi ka ba kumakain nito?" tanong ko sa kanya.

"No! Maybe hindi siya masarap kasi mabaho! I can't let you na pakainin ako ng mabahong food!" naiinis na saad ni Calix.

"Mabaho lang 'to habang niluluto, pero pag luto na mabango na 'to. Minsan mas masarap pa nga ang mababahong food." saad ko habang tinatapos ko na ang pagluluto, "Upo ka na. Ako na bahala dito."

"Kadiri! But it's good that you know your place, Sol. Ako ang hari dito sa unit ko so you need to serve me." saad ni Calix.

Lumingon ako sa kanya at nginitian ko siya, "Sure, Calix. Pagsisilbihan kita."

"I changed my mind! Ayaw ko na pala! It's like you are courting me! O para tayong mag-asawa na pinagsisilbihan mo ko! I don't want that!" biglang saad niya.

"Bahala ka, Calix, gulo mo kausap." saad ko at nang matapos ko na ang pagluluto, nilagay ko na ang tuyo sa isang plate kasama ng itlog na maalat na may kasamang kamatis, hotdog, at ang isang plate naman ay mainit-init na kanin na binudburan ko ng toasted garlic.

Pagkatapos ay inihain ko na ang lahat ng food sa table at sa harap mismo ni Calix, at kitang kita mo ang pagkatakam sa mga mata niya.

Nakangiti lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ko siya, ngunit napansin niya ito kaya mabilis na nagbago ang mood niya at inirapan ako.

Binigyan ko na rin ng plate, spoon and fork, at baso na may kasamang juice si Calix.

"Wag mo nga ako pagsilbihan, Sol! I have hands and feet! Nakakainis ka eh!" sagot ni Calix.

Nagugulumihanan na ako sa utak niya minsan. Sabi niya kahapon gusto niya mag-astang hari. Pero ngayon ayaw niya na pinagsisilbihan ko siya. Ano kaya ang takbo ng utak niya bukas o mamaya?

Umupo na rin ako sa tapat niya pagkatapos para kumain.

At siempre, pinapanood ko si Calix para malaman kung ano ang reaksyon niya.

"I bet hindi masarap 'tong niluto mo, Sol." saad ni Calix.

"Pag hindi masarap, itapon mo na lang." sagot ko sa kanya.

"Yes, I think sa garbage ang diretso ng food mo." saad ni Calix.

At bigla akong napangiti ng labis dahil naisip ko, ito ang kauna-unahang beses na sabay kami kakain ng umagahan ni Calix. At sana maging araw-araw na ito na gawain namin.

"Why are you smiling without any reason, Sol? I hate your smile!" naiinis na saad ni Calix at tinakpan ko na ang mga labi ko para hindi niya makita ang pagngiti ko.

Nagsimula na rin sumubo si Calix at nanlaki ang mga mata niya.

"It's not good." saad niya at sumubo siya ng isa pa, "Hindi masarap ang tuyo. I don't like it." dagdag pa niya habang sumusubo pa ulit siya.

At makalipas ang isang minuto, naubos niya agad ang isang cup ng kanin at nangalahati na ang tuyo na nakain niya.

"Akala ko ba ayaw mo ng tuyo, Calix?" tanong ko sa kanya habang nakangisi ako.

"I don't have any choice but to eat that, Sol. Isa pa, napipilitan ako kasi sayang! It doesn't mean that I liked it!" saad niya habang patuloy siyang kumakain na tipong ganadong ganado.

"Okay, sabi mo eh." nakangiti kong saad at nagsimula na rin ako sa pagkain.

"Hindi talaga siya masarap! Nakakainis, kailangan ko pa ubusin 'tong mga niluto mo since I hate to throw food!" saad ni Calix habang malapit niya na maubos lahat ng niluto ko.

"Ahh... Mukha ngang hindi ka nasarapan." saad ko habang nakangisi ako sa kanya.

"No! It's not good! Hindi talaga masarap and I hate everything. Sabi ko sayo napipilitan lang ako!" saad ni Calix.

After 15 minutes, naubos na ni Calix lahat ng pagkain at bigla na lang siyang dumighay nang napakalakas na nagpatawa sa akin.

"What? Why are you laughing? I'm human! Didighay at didighay ako!" saad ni Calix habang nakatingin siya sa akin na tila naiinis.

"Nothing, may naalala lang ako. Iwanan mo na 'yung plate mo at ako na bahala sa lahat." saad ko.

"Get lost!" saad ni Calix at tumayo na siya.

Pagkatalos ay tumungo siya sa veranda para magpababa ng kinain habang ako naman ay nagsimula na maglinis ng kinainan namin.

...

...

...

Habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan at mga ginamit kong pangluto, tumabi sa akin si Calix at pinapanood niya ang ginagawa ko.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Nothing... Gusto ko lang nakikita na you are doing the chores. It makes me feel like isa kang katulong and I like that you are serving me." saad ni Calix.

At naguluhan na naman ako dahil gusto niya ngayon na pinagsisilbihan ko naman siya. Gulo na talaga ng utak niya.

"Hello hello hello!" saad ni Demi na kararating lang at kakapasok ng unit, "What's the meaning of this? Ano itong natunghayan ko na parang gawaing mag-asawa at super domesticated niyo? Why are you both together and washing the dishes?"

"I'm not washing the dishes! Si Sol ang naghuhugas! Pinapanood ko lang siya!" naiinis na saad ni Calix.

"Okay, as you say so, Calix. By the way, nagulat ako pagpasok ko sa unit mo, Calix! Napakalinis ah? I guess, it's better na nandito si Sol since napakaayos tingnan ng unit mo." saad ni Demi.

"Tsk! Why are you even here, Demi? Ang aga aga nambubulabog ka." saad ni Calix.

"I just want to see my two precious little love birds." saad ni Demi.

"Anong love birds? Ulol! Umalis ka na nga kung mang-aasar ka lang, Demi!" naiinis na saad ni Calix.

"Actually, hindi ako magtatagal rito, Calix. I don't intend to kasi baka masira ko ang oras niyong dalawa. Pumunta lang ako dito to check on you, and I guess mapapalagay na talaga ako since Sol is taking care of everything. Grabe, napaka husband material!" natatawang saad ni Demi.

"He's not a husband material! He's a servant or maid material!" sigaw ni Calix.

"Ewan ko sayo, Calix! Here are the details for tomorrow's show." saad ni Demi at may inabot siyang folder kay Calix.

Habang tinitingnan ni Calix ang laman ng folder at mga details, "What's this? Kasama si Sol and he's an ambassador? Why would they even choose him as the face of the museum? Pwede naman ako na lang!"

"Because... may isang painting ang owner ng museum and it looks like Sol! So, si Sol ang ginawang ambassador." saad ni Demi.

"Kamukha ko ang painting?" tanong kay Demi habang nagpupunas na ako ng kamay dahil kakatapos ko lang maghugas.

"Yas! The curator is somewhat old and he's a collector. He said that he had an artifact, actually an old painting ng God of the Sun na sinasabing nanggaling pa from the old times. Then, he realized na may kamukha ang nasa painting and the God of the Sun looks like you, Sol. Kaya 'yun, he invited you to be the ambassador para sa opening." saad ni Demi.

Painting ko?

Umabot iyon ng ganito katagal?

Na-preserve 'yun? Parang imposible naman ata?

10000 years na ang nakalipas, at malamang ay naagnas na ang canvas o ang pinagpinturahan noon. Pwera na lang kung maiging inalagaan.

Anyway, gusto ko makita ang sinasabing painting ng God of the Sun na sinasabing kamukha ko.

"Sus! Sol will just steal the spotlight from me! Ako dapat ang star ng event!" saad ni Calix.

"Parang bata! Sige na, I'll be going now! See you tomorrow!" saad ni Demi at umalis na siya.

"God of the Sun? That isn't even real!" saad ni Calix.

"Hindi ka naniniwala sa Diyos ng araw, Calix?" tanong ko.

"No! It's just a myth!" saad ni Calix.

"Paano kung sinabi ko sayo na ako ang Diyos ng Araw, Calix?" tanong ko sa kanya.

"Then, you are insane, Sol. Isa kang Diyos and yet you are down here sa lupa and to be exact sa unit ko naghuhugas ng pinggan? Nonsense! Bahala ka na nga! I'll be at my room practicing!" saad ni Calix at pumasok na siya sa kwarto niya.

Sa ngayon, malabo pa na maniniwala si Calix sa akin. Pero, gusto ko makilala ang taong may hawak ng painting ko at gusto ko makausap kung sino siya.

Hmmm?

Anyway, nagsimula na rin ako gumawa ng story sa laptop ko habang pinapakinggan ko si Calix at naririnig ko na kumakanta siya gamit ang napakaganda niyang boses na gustong gusto ko sa lahat.

Door knocking!

Biglang napatigil si Calix sa pagkanta at sumigaw, "Sandali! Kumalma ka kung sino ka man na kumakatok!"

Pagbukas ng pinto...

"Sinong kailangan mo?" tanong ni Calix.

"Nandito po ba si Mr. Sol?" saad ng isang babae na narinig ko na kausap ni Calix.

"Why? Are you his girlfriend? His lover?" tanong ni Calix at bigla akong lumabas mula sa kwarto ko para tingnan kung sino ang kausap ni Calix na babae.

"Bakit mo ko hinahanap?" tanong ko habang naglalakad ako palapit sa kinatatayuan nina Calix at ng babaeng kausap niya na maganda, mahaba ang buhok, mukhang anghel ang itsura, makinis ang balat, maputi at mamula-mula ang mga pisngi at labi, at mahinhin.

"Girlfriend mo ba 'to, Sol?" tanong ni Calix habang nanliliit ang mga mata niya.

"Hindi." sagot ko.

"Hi, Mr. Sol, ako pala si Atheena. Nakausap ko na si Ms. Georgette regarding sa unit mo? Ako 'yung bumili ng unit mo." sagot ni Atheena.

"Bumili?" bulong ko.

Phone beeping!

"Sol, baka pumunta dyan 'yung buyer kuno ng unit mo. Nasabi ko na sa kanya 'yung greatest plan of all time natin. -Georgette." text ni Georgette sa akin at mukhang napaghandaan niya na agad.

"Ah... oo, ikaw 'yung Erebos na name?" tanong ko kay Atheena.

"Erebos?" pagtataka niya at bigla na lang siya sumang-ayon, "Ah! Yup! I'm that one!" nakangiti niyang saad.

"Erebos? Akala ko lalake 'yung lilipat sa unit mo, Sol! Babae pala!" saad ni Calix, "Single?" nakangising tanong ni Calix kay Atheena.

"Nako, no boyfriend since birth ako, Mr. Calix!" natatawang saad ni Atheena.

"Great!" saad ni Calix habang nakangisi siya pabalik kay Atheena, "Kilala mo ko?"

"Yup! Idol nga kita! Hihi!" nahihiyang sagot ni Atheena, "Pwede pa-picture para ma-post ko sa IG?" dagdag pa ni Atheena.

"Sure! Tara!" nakangiting sagot ni Calix, "Saan phone mo?"

Pagkatapos ay nilabas ni Atheena ang phone niya at nagselfie silang dalawa ni Calix.

Pinapanood ko lang silang dalawa habang seryoso lang ako na nakatingin sa kanila.

Mukhang masaya si Calix at type niya si Atheena.

Imbis na maging kaalyado namin si Atheena sa pagpapanggap, mukhang aagawin niya pa ata si Calix sa akin ah?

Tsk! Mali si Georgette! Bakit babae ang kinuha niya? Alam niya namang matinik si Calix pagdating sa babae.

"Atheena name mo no, am I right?" tanong ni Calix at mukhang sinisimulan niya na gumalaw.

"Yes po, Mr. Calix! Na-starstruck ako grabe! Ang gwapo niyo parehas ni Mr. Sol!" kinikilig na saad ni Atheena.

"Wag na Mr. Calix, Atheena, kahit Calix lang or Cal pwede na. Magmumukha akong matanda niyan pag tinatawag mo akong Mr. Calix eh." natatawang saad ni Calix.

At mukhang iba ang pakikitungo niya kapag babae ang kausap niya. Nagiging mabait siya at palabiro. Tsk! Paano ko makukuha lalo ang loob niya kung may dumagdag na problema?

"Okay, sure, Cal!" nakangiting saad ni Atheena, "Mag-aayos na ako dito sa unit ni Mr. Sol. Papasok na ako ah?"

Nakatingin lang ako kay Calix at mukhang gusto niya rin si Atheena talaga dahil labis ang mga ngiti niya.

"Tulungan na kita mag-ayos, Atheena." nakangiting saad ni Calix.

"Nakakahiya, Cal, wag na!" nahihiyang sagot ni Atheena.

"Di, okay lang! Hindi naman ako busy. Wala naman akong kanta na dapat ipractice for now. Tara, Atheena!" saad ni Calix at sinamahan niya na si Atheena papasok sa loob ng unit ko.

Pinapanood ko lang silang dalawa na nakangiti sa isa't isa.

Mali 'to... maling mali! Arrgh!

Mukhang nabingwit pa si Calix ng iba! Mukhang talo ako kay Atheena nito!

Tsk!

End of Chapter 8

下一章