Sol's POV
"Liwanag... pakiusap, natatakot ako, Luna." paulit-ulit kong sinasabi habang mahigpit ang pagkayakap ko kay Calix at ayaw ko siyang bitawan dahil sa takot ko sa dilim.
"Hindi ako si Luna! Hindi ako babae! I'm Calix and not Luna! Ang layo kaya ng Calix sa Luna! Takte ka! Bitawan mo nga ako!" naiinis na saad ni Calix at kumalas siya mula sa yakap ko, "Hindi porket madilim at tayong dalawa eh pwede mo na ako yakapin! Umaarte ka pa dyan na takot ka sa dilim para lang makachansing sa'kin? Ayos ka din ah!"
"Wala akong makita! Pakiusap! Ayaw ko sa dilim!" patuloy kong saad.
"Hay! Asar!" saad ni Calix.
At ilang saglit lamang, may liwanag na biglang kumislap at pagkakita, ito ay nagmumula sa flashlight ng phone niya at tinatamaan ng ilaw ang maganda niyang mukha.
"Ito na, may ilaw na!" inis na sinabi sa akin ni Calix, "For real 'to? May phobia ka sa dilim? Lumuluha ka pa ngayon o arte mo lang 'yan?" tanong niya sa akin.
Dahil sa liwanag na nagmumula sa phone niya at nakikita ko ng maaliwalas ang mukha niya, para lamang itong katulad ng dati noong unang beses kong nasilayan ang ganda niya bilang si Luna na palaging nagbibigay ng liwanag sa akin sa oras ng kadiliman.
"Maraming salamat." saad ko habang nakangiti ako kay Calix at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko dahil nagiging emosyonal ako sa tagpong ito.
"Arte arte! May paiyak-iyak ka pa dyan! Tss! Patayin ko 'tong flashlight eh!" saad ni Calix at umupo siya sa harapan ko, "Matagal ka na takot sa dilim?"
"Simula pa noon." sagot ko sa kanya habang nakatitig lamang ako sa mukha niya kung saan ito lamang ang nakikita ko dahil sa liwanag.
"Paano ka natutulog? Eh pagnatutulog ka madilim. Nakabukas ilaw?" naiinis niyang tanong.
"Hindi ako natutulog, Calix." sagot ko.
"Wag mo nga ko lokohin! Walang taong hindi natutulog!" saad niya at tinaas niya ang isa niyang kamay at nilapit niya sa mukha ko.
At bigla na lamang niyang hinaplos ang kanang mata ko.
"Pero... kaya pala medyo malalim ang mga mata mo na para kang laging puyat." saad niya habang marahan niyang hinahaplos ang nakapikit kong kanang mata.
Hindi ko napigilan na mapangiti dahil ito rin ang ginagawa niya sa akin bilang si Luna, at hindi na ito magbabago pa.
Doon ko rin nabasa ang iniisip ni Calix...
"Ang ganda din pala ng mga mata ni Sol lalo na sa malapitan. Kaya lang, parang walang gana palagi. Teka! Bakit ko ba hinahawakan mga mata niya! Epal 'to ah! Baka sabihin niya pa may gusto ako sa kanya kahit wala naman!" saad ni Calix sa isip niya.
Ngunit, napansin niya na nakangiti ako kaya tiningnan niya ako nang masama at agad niyang tinanggal ang kamay niya sa mukha ko.
"For the record, hinawakan ko lang 'yung mukha mo since curious ako. No feelings or whatsoever, okay, Sol? Tandaan mo, I'm not into guys and we're enemies. Sadyang wala lang akong choice na samahan ka since takot ka sa dilim and I'm not that of a bad person!" sagot ni Calix.
"Oo, Calix, alam ko hindi ka masamang tao. Salamat sa liwanag na binibigay mo ngayon." nakangiti kong saad sa kanya.
"Isa pa, I'm not Luna, okay? Hindi ako 'yung missing girlfriend o kung sino man siya! I'm a guy and I have a d*ck! Baka nga mas malaki pa 'yung akin kaysa sayo!" saad ni Calix.
"Basta, wag mo lang tatanggalin ang liwanag, Calix, at mapapanatag ako." saad ko sa kanya.
"Tss! I don't have any other choice, do I?" tanong ni Calix.
"Pagpasensyahan mo na, Calix. Takot lang din talaga ako sa dilim. Pakiramdam ko may kukuha sa akin." sagot ko sa kanya.
"Oo na! Dami kwento di naman ako nagtatanong!" naanis na sinabi ni Calix, "Late na ako sa interview ko because of this! Sana natulog na lang ako sa condo at nanonood!" dagdag pa niya habang pinagmamasdan ko lamang ang mukha niya na may mapupulang labi at pisngi na gusto kong halikan at hawakan. "Why are you staring at me? You look creepy! Para kang takam na takam sa akin! Papatayin ko 'tong flashlight ng phone ko!"
"Wag! Pakiusap, Calix, at nais ko lang masilayan ang ganda ng mukha mo." nakangiti kong sinabi.
"Ganda? Gwapo ako tanga!" naaasar na sinabi sa akin ni Calix at pinatay niya ang flashlight ng phone niya kaya naging aligaga na naman ako.
"Calix... pakiusap... hindi ko kaya ng walang ilaw!" saad ko at napahawak ako sa magkabilang balikat niya.
"Say, Calix ikaw ang boss ko at susundin ko parati." saad ni Calix.
Kaya sinabi ko ang gusto niya, "Calix, ikaw ang boss ko at susundin ko parati."
At bigla siyang natawa at binuksan muli ang flashlight ng phone niya kaya napanatag ako.
"Lakas lakasan ka pa tapos akala mo sinong malaking tao pero dilim lang pala nagpapatiklop sayo!" natatawa niyang saad.
Ilang saglit lang ay pinatay niya na naman ang flashlight ng phone niya, kaya muli ay napakapit ako ng mahigpit sa mga balikat niya.
"Calix... liwanag, please?" pakiusap ko sa kanya.
"Just don't hug me! Para kang baby na takot sa dilim." saad ni Calix at nakita niya akong nanginginig kaya tinawanan niya lamang ako.
Ngunit, hindi na nagiging maganda ang nararamdaman ko dahil sa pagdilim ng paligid.
"Hay! Ang sarap mo paglaruan, Sol. Ngayon nakakaganti na ako sayo! Haha!" saad ni Calix at muli ay binuksan niya ang ilaw, ngunit biglang nanlaki ang mga mata niya, "Wait? Bakit parang namumutla ka na, Sol?" pagtataka niya.
"Ayaw ko lang talaga sa dilim... Dito ka lang sa tabi ko... Calix." saad ko at doon na ako nawalan ng malay at napasandal na lamang ako sa katawan ni Calix.
Ngunit, kahit nawalan ako ng malay, dahil napahawak ako kay Calix, pumapasok pa rin sa utak ko ang kanyang mga sinasabi at iniisip.
"Sol! Sol! Gumising ka! Hindi naman 'to prank para gantihan mo ako pabalik?" nag-aalalang saad ni Calix, "Tulong! Tulong! Please!" sigaw pa ni Calix, "Hindi ko naman alam na malala pala ang phobia mo sa dilim! Sorry sorry! Sh*t! Baka kung ano pa mangyaring masama sayo at ako pa ang dahilan!"
Ilang saglit lang, naramdaman ko ang matinding takot mula kay Calix na dumadaloy patungo sa isipan ko.
"Gumising ka na, Sol! Nandito na sila! Ligtas na tayo!" patuloy na saad ni Calix at pagkatapos noon ay wala na akong marinig o mabasa sa isip niya.
...
...
...
Nagising na lamang ako dahil sa matinding liwanag na tumatama sa mga mata ko at ingay ng mga tao.
Marahan kong idinilat ang mga mata ko at ang pinakauna kong nasilayan ay si Georgette.
"Sol! Okay ka na?" nag-aalala na tanong ni Georgette habang pinapaypayan niya ako.
"Ano nangyari? Nakaalabas na ba kami?" tanong ko habang tumitingin ako sa paligid, "Nasaan si Calix? Okay lang ba siya?"
"He's fine! Tsk! Bakit siya pa ang iniisip mo talaga instead of yourself! Sabi ni Calix namatay daw ang ilaw sa loob ng elevator at bigla ka raw nagpanic at nahimatay. He doesn't know na may phobia ka sa dilim. So he said he was sorry but labas sa ilong ang pagsorry niya! The nerve of that guy!" naiinis na saad ni Georgette.
"Sandali, masyadong maraming tao ang nakapalibot... nahihilo ako." saad ko.
"Everybody, please give Sol some space. I'll be the one to talk to him." saad ni Georgette at nagsialisan ang mga tao.
"'Yung interview? Kamusta?" tanong ko.
"We had to postpone it since you are not feeling well." sagot ni Georgette.
"Okay lang ako, Georgette. Tinulungan ako ni Calix. Binuksan niya ang flashlight ng phone niya para bigyan ako ng liwanag." nakangiti kong saad.
"Really? Ginawa niya 'yun? For sure tinawanan ka niya or inasar ka niya!" saad ni Georgette.
Napailing na lamang ako at sinabing, "Hindi na siguro maiiwasan kay Calix ang pagiging isip-bata. But he was with me all throughout. Hindi niya ako iniwanan."
Napatingin na lamang si Georgette sa akin at nanlalaki ang mga mata.
"Sol, don't tell me... na baka you are liking Calix already?" tanong ni Georgette.
Umiling na lamang ulit ako at tumayo na ako, "Ready na ako para sa interview. Sayang naman 'tong bago kong bihis kung hindi itutuloy."
"Are you sure na okay ka lang talaga, Sol? Kasi we can do this some other time. Nakausap ko na sila and they said na if hindi maganda ang pakiramdam mo, then we won't proceed." saad ni Sol.
"Hindi, gusto ko 'to ituloy. May nais akong pasalamatan at sabihin." saad ko.
"Okay. I'll talk with the staff to let them know na we will proceed with the interview. Dito ka lang, and wag ka na aalis, Sol." saad ni Georgette.
Ilang saglit lamang ay may narinig akong isang pamilyar na boses na kanina ko pa hinahanap.
"Nakita mo si Demi?" tanong sa akin ni Calix pagkatayo niya sa harapan ko, "Si Demi ang hinahanap ko ah? Naiintindihan mo ba? Si Demi."
"Oo, naiintindihan ko, Calix." nakangiti kong sagot sa kanya.
Nakatingin lang si Calix sa akin at hindi siya nagsasalita. Ano kaya ang nasa isip niya ngayon? Gusto ko sana siya mahawakan para malaman kung anong nasa isip niya pero baka magalit siya.
"Nasaan na kasi si Demi kanina ko pa siya hinahanap! Haist! Anyway, habang hinahanap ko si Demi, okay ka na?" tanong sa akin ni Calix habang hindi siya makatingin sa mga mata ko.
"Okay na ako, Calix." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Wag mo ko ngitian! Hindi tayo friends! Patayan kita ng ilaw dyan eh! Aalis na ko! Hahanapin ko lang si Demi ulit!" sagot ni Calix.
Lalakad na sana dapat siya nang bigla siyang natapilok at buti agad ko siyang nasalo.
"Okay naman pala siya. Di na ko dapat nagpunta dito para tingnan kung anong lagay ng Sol na 'to. Buti na lang may alibi ako and si Demi 'yun!" nasa isip ni Calix.
"Bitawan mo nga ko!" naiinis niyang saad at doon ko na siya binitawan at umayos na siya ng tayo, "Hinahanap ko si Demi ah? Maliwanag?"
"Oo, ilang beses mo na inulit na hinahanap mo si Demi at hindi ka pumunta rito para tingnan kung anong lagay ko." saad ko habang nakangiti kay Calix.
"Talaga! Bakit naman ako mag-aalala sayo? Sino ka ba? You are just my neighbor!" saad ni Calix, "Makaalis na nga! Nasisira araw ko!" dagdag pa niya.
At saktong pag-alis ni Calix ay siyang pagdating naman ni Georgette.
"Ano na naman ginawa ng maldito na 'yan dito? Asar talaga! Tapos na nga interview niya bakit hindi pa siya umalis!" naiinis na sinabi ni Georgette.
"Hinahanap niya daw kasi si Demi, sabi niya." sagot ko.
"Tara na nga! Malapit na magstart sa shooting for the interview!" saad ni Georgette.
Pagkatapos ay tumungo na kami sa studio mismo kung saan gaganapin ang interview para simulan na rin ito.
Sinalubong ako ng talkshow host na si Tita Girl at nakipagkamayan siya sa akin.
"I'm glad na okay ka na, Sol. Thank you rin at naisipan mo na mag push through sa interview since I really love to talk to you and about your work!" saad ni Tita Girl.
"Maraming salamat! I look forward to this interview, Tita Girl." nakangiti kong sagot.
Ilang saglit lang, nang mai-ready na ang lahat ay nagsimula na kami sa interview.
"Good morning everybody and today, makakasama natin ang isa sa mga greatest writer of all time, si Mr. Sol! Let's give him a round of applause!" saad ni Tita Girl habang pinapakilala niya ako bilang panimula sa interview namin.
"Magandang umaga po sa inyong lahat." nakangiti kong bati, at umaga rin ang bati ko kahit gabi na dahil bukas ng umaga ipapalabas ang talk show o interview ko.
"Let's start off! Ano ang pinagkakaabalahan ng nag-iisang Sol?" tanong sa akin ni Tita Girl.
"Gaya pa rin ng dati, nagsusulat. Sulat sa umaga at sulat sa gabi." pabiro kong sagot at natawa bigla si Tita Girl.
"I heard that you are writing a new novel? Is it okay if you can share some information to us? Kahit pahapyaw lang sa kung ano ang aabangan naming mga readers ng novel mo? Kasi kahit ako, I'm super excited!" kinikilig na tanong ni Tita Girl.
"Sure! I'd be happy to, Tita Girl. Well, the title of my new novel is 'When the Sun Meets the Moon' at based pa lang sa title, mapagtatanto mo na ang ibig sabihin ng story. Tungkol ito sa pag-iibigan ng Sun at ng Moon na hindi nagtatagpo at laging pinaglalayo ng tadhana." sagot ko.
"Awwe! Actually, hindi naman talaga nagtatagpo ang Sun at ang Moon dahil lumalabas lang ang araw sa umaga at ang buwan sa gabi. Though we still have eclipse but siempre, it's the thought about the sun and moon not being able to be together. So, what's your inspiration for this book." tanong ni Tita Girl.
"Actually, this is based on a real life story. Soon, kapag lumabas na ang book, you'll understand and you'll know what I'm talking about. Pero, dinededicate ko ito sa isang tao at sana by the time na matapos ang novel ay mabasa niya ito, even though it's too late." saad ko at napabuntong hininga na lamang ako.
"Niya? So you mean that this story is for someone? Do you mean a 'Lover'?" tanong ni Tita Girl.
Ngumiti na lamang ako at habang tumitingin sa paligid, namataan ko bigla si Calix na nakikinood sa backstage. At pagkatapos ay bumalik na ako ng tingin kay Tita Girl.
"Yes... This story is for someone whom I deeply love and will always love for eternity. Since, may pangako ako na kailangan tuparin, and sabi niya hintayin ko siya muli." sagot ko.
"Does it mean that your lover is already dead?" tanong ni Tita Girl.
"Buhay siya... buhay na buhay." sagot ko at nagkatinginan kaming dalawa ni Calix. Ngunit, inirapan niya ako at umalis na siya bigla.
"Pwede ba namin malaman kung sino itong maswerteng tao na 'to na nagpapatibok sa puso ng nag-iisang Sol?" tanong muli ni Tita Girl.
"Once the book is out, you'll know who's this person since this book is actually my biography. Kwento ng buhay ko talaga ang nasa story na sinusulat ko, and I want everybody to know that this will be my last book." saad ko, dahil wala na akong kasiguraduhan ngayon kung magtatagal pa ako sa mundo.
Hindi kami in good terms ni Calix at nababawasan din ang mga araw ko para gawin ang aking misyon.
Malamang sa malamang ay magiging isa na akong ganap na araw na lamang pagkatapos ng nalalabing mga panahon.
"Totoo? You won't be writing anymore? That's too sad, but, we respect your decision, Sol. You've inspired all of us through your work and your stories will live for eternity, I assure you." nakangiting saad ni Tita Girl.
"Oo, naniniwala ako doon, Tita Girl. Maraming salamat." sagot ko.
"Maiba tayo, Sol, aside from the book, I don't know if comfortable ka to talk about this but there was an incident a while ago kung saan nakulong kayo ni Calix sa elevator and that's when the lights went out. You have a phobia sa dilim, is that right?" tanong ni Tita Girl.
"Yes, ever since I already have Nyctophobia or someone who is afraid of darkness." nakangiti kong sagot, "Pero it was a good thing that Calix was there. Kung hindi dahil sa kanya, siguro inatake na ako ng panic attacks."
"I see, but about you and Calix, are you in good terms? May nakapagsabi kasi na nagkaroon daw kayo ng bangayan last time regarding sa nagsabay na Book signing mo and autograph session niya. Just to clarify things, you and Calix, hindi naman kayo magkaaway? Some say na pinunit niya raw ang book sa harapan mo." saad ni Tita Girl.
"Misunderstanding lang ang nangyari noong araw na 'yun. Though hindi ko masasabi na friends kami ni Calix since that was the first time I saw him and the rest is history, I'm still thankful na kasama ko siya kanina sa elevator para magbigay ng liwanag sa madilim na mundo ko." nakangiti kong sagot.
"Grabe, napaka flowery naman ng mga binitawan mo na words and I guess this would clear up the tension or the issue between you and Calix. So, just to straight things out, wala naman ng bangayan na nangyayari sa inyong dalawa, is that right?" tanong ni Tita Girl.
"Wala. We are good as aquaintances for now." sagot ko.
"Thank you sa pag clarify ng issue na 'yan, Sol. Again, back to the topic, when will your book be released and please invite everybody." saad ni Tita Girl.
"Abangan niyo po ang pagrelease ng last book ko which is entitled 'When the Sun Meets the Moon' sa December 2, 2021. Maraming salamat sa lahat ng naghihintay sa librong ito at sa lahat ng tatangkilik." nakangiti kong saad habang nakangiti ako sa camera.
"Thank you so much for being with us and giving us the opportunity na makapanayam ang nag-iisang, Sol, the greatest writer of all time." nakangiting saad sa akin ni Tita Girl.
"... And cut!" sigaw ng director at doon na natapos ang shooting para sa interview namin at agad ako pinuntahan ni Georgette.
"Huy! Sol! Anong last book mo na 'to? Bakit hindi ko 'to alam? Anong sinasabi mo? Mag reretire ka na ba? Ilang taon ka pa lang ba? 27? 28? Tapos gusto mo na mag retire?" malungkot na tanong ni Georgette.
Nginitian ko siya at sinabing, "Soon, sasabihin ko sayo at malalaman mo kung bakit ito na ang last book ko, Georgette. Ikaw ang isa sa mga taong unang makakabasa ng libro ko at nakasaad doon kung bakit ito na ang huli."
"Nakakainis ka naman, Sol! Pero kung balak mo mag change career, if gusto mo na mag artista instead of being a writer, ako pa rin dapat manager mo ha!" saad ni Georgette.
"Siempre naman." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Oh! Ito na 'yung pinapabili mong pancake mix! Kaasar ka, Sol! Hmmp!" naiinis na saad ni Georgette, "Let's go home!"
...
...
...
Pagkabalik ko sa unit mag-isa, tumungo na lamang ulit ako sa veranda at nakatingin sa buwan.
"2 days down at wala pa rin nangyayari sa amin ni Calix. Mabilis na tumatakbo ang oras at nauubusan na rin ako ng panahon. Hindi ko naman pwedeng pilitin si Calix dahil lalo lamang siyang lalayo sa akin." saad ko sa sarili ko habang nakatingala ako sa buwan.
"Kala mo natutuwa ako sayo? Ha? Hindi! Asar ka!" biglang sumigaw si Calix na karirinig ko lang, "Sus! May pa last book last book ka pang nalalaman! For sure sinasabi mo lang 'yan para pag-usapan ka! That way aabangan ng mga tao ang book mo! Ways ways ka! Ang pangit kaya ng books mo! I don't know why everybody loves it! Kahit si Demi! Wala ka talagang kwenta, Sol!" dagdag pa ni Calix habang kinakausap niya ang kanyang sarili at mukhang ako ang topic niya.
Patuloy ko lang pinakinggan ang hinaing niya at ang mga gusto niyang sabihin sa akin na hindi niya magawa ng harapan.
"Tapos kala mo kung sinong mabait sa interview kanina? May pa acquaintances pa daw kami? Ulol! Dami mo alam, Sol! Nakakainis ka! Para daw sa lover niya 'yung book? As if naman na may magkakagusto sa kanya!" saad ni Calix at napabuntong hininga siya bigla, "Kailangan ko maligo sa kumukulong tubig! Niyakap nga pala ako ni Sol kanina sa elevator! Yissh! Kailangan matanggal 'yung nga bacteria na kumapit sa katawan ko na nanggaling sa katawan niya!" dagdag pa niya.
Hindi ko na din talaga alam ang takbo ng utak ni Calix. Napakakakaiba...
"Pero, bakit kaya last niya na gagawa ng libro? Tsaka sino kaya 'yung babae na gusto ni Sol? Agawin ko kaya sa kanya? Hehe! Oo! Aawayin ko si Sol hangga't gusto ko kasi nakakainis siya!" saad ni Calix at napailing na lamang ako.
Hindi niya alam na para sa kanya ang libro na ginagawa ko... na ito ang huling beses na maipapahatid ko sa kanya kung sino ako, kung sino siya, at kung ano kaming dalawa.
Sinimulan ko na lang rin ang pagsusulat habang tahimik pa si Calix at wala pa siyang ginagawang ingay. Dahil alam ko mamaya ay hihilik na naman siya nang napakalakas at hindi na naman ako makakapag-isip nang maayos.
...
...
...
Kinabukasan, inagahan ko ang pagluluto upang makapag-prepare ng pancake na hiling ni Calix.
Habang nagluluto ako, naririnig ko na humihilik pa rin naman siya kaya alam kong tulog pa siya.
"Sana magustuhan mo 'to, Calix." saad ko habang patapos na ako sa paggawa ng pancake.
Phone ringing!
At dahil may inaasikaso pa ako, sinagot ko ang phone at nilagay ko ito sa loud speaker.
"Good morning, Sol!" masayang bati ni Georgette.
"Ang aga mo tumawag ah? Anong meron, Georgette?" tanong ko sa kanya.
"May naririnig ako na kumakalampag na kitchen utensils ah, are you making the pancake?" tanong ni Georgette.
"Oo, bakit?" saad ko.
"Nothing! It's just that masasabi ko lang na super special ng person na 'to, to think na nage-effort ka talaga. Super curious na ako, sino ba talaga 'to? Promise hindi ko sasabihin!" tanong ni Georgette.
"Basta, malalaman mo rin sa susunod, Georgette. Bakit ka nga pala tumawag?" tanong ko muli.
"Kinakamusta lang kita, Sol. Kasi, baka pag nagretire ka na, ma-mimiss ko na i-manage ka! Ikaw naman kasi eh!" naiiyak na sagot ni Georgette.
Napabuntong hininga na lamang ako at saka ako sumagot, "Hindi naman ako mawawala. Nandito lang ako, pwede mo pa rin naman ako puntahan o guluhin."
"Pero siempre, iba pa rin talaga kapag 'yung usual na mga ginagawa natin. Anyways, I'll be going na and may mga errands ako na gagawin. Byers!" saad ni Georgette at binaba niya na ang tawag.
Kasabay noon ay natapos na rin ako sa pag-gawa ng pancake na may butter at honey sa ibabaw at pinasok ko na ito sa loob ng isang box.
At, kumukha ulit ako ng sticky note at nilagyan ko ng simple na message...
"Your wish is my command, Calix. Ito na po ang ni-request mong Pancake. Sana magustuhan mo! :)"
Pagkatapos ay nalagay ko na ito sa ibabaw ng box at para makita agad ni Calix ito.
Paglabas ko sa unit, nilagay ko na sa harap 'yung box na may lamang pancake sa loob at kinatok ko nang malakas ang pinto ng unit niya para marinig niya ulit.
"Sandali! Maghintay ka! Kakagising ko lang kung sino ka man!" sigaw ni Calix kaya agad na ako pumasok pabalik sa loob ng unit ko at pinakinggan ang mga sumunod na pangyayari.
Door squeaking!
"What's this? Your wish is my command, Calix... bla bla bla... Wow! Amazing! Paano mo ba naririnig mga gusto ko? Creepy but amazing!" natutuwang saad ni Calix, "Mukhang mainit-init pa ah? Matikman nga?" dagdag pa niya at hinihintay ko kung ano magiging reaksyon niya.
"F*ck!" sigaw ni Calix.
Hindi niya siguro nagustuhan?
"Best pancake I've ever tasted in my whole existence! Kung sino ka man at kung naririnig mo ko right now, I just want to let you know na sobrang sarap and thank you! Cravings satisfied!" natutuwang saad ni Calix at naririnig ko ang pag-nguya niya.
"Buti naman at nasarapan ka, Calix." nakangiti kong saad sa sarili ko.
"Ano naman kaya next na ire-request ko sayo?" saad niya, "Nagke-crave ako sa Oreo ngayon. Hindi ako makababa since bawal. Pwede mo ba ako bilhan ng Oreo?" dagdag pa niya at bigla siyang natawa sa sarili niya, "Baliw na siguro ako! Malamang hindi niya maririnig 'to. Tsaka bakit niya ako pagtutuunan ng pansin?"
"Oreo? Sakto! Meron ako!" saad ko at agad kong kinuha ang dalawang pack ng Oreo sa cabinet kung saan nakalagay ang mga snacks ko.
Pagkatapos ay nilapag ko ito muli sa tapat ng unit ni Calix at kinatok nang malakas ang pinto niya.
"Who's that? Wait, ito na ako!" sigaw ni Calix at agad akong bumalik sa unit ko para hindi niya ako makita.
Door squeaking!
"Hala! What the! Oreo? Dalawa pa ah? Talagang naririnig mo ako? What kind of sorcery is this! Galing! Naniniwala na talaga ako na may hidden camera or mic sa unit ko!" saad ni Calix, "Thank you ulit kung sino ka man na nagbibigay ng food sa akin!" sigaw pa niya.
Ilang saglit lamang ay tumahimik si Calix kaya nagtaka ako sa kinikilos niya at kung ano ang ginagawa niya.
"Hello, Demi! You won't believe this!" sigaw ni Calix at mukhang tinawagan niya si Demi para ikwento ito.
"Sige, go, ikwento mo na! Makikinig ako." saad ni Demi sa kabilang linya at mukhang nilagay ni Calix sa loud speaker.
"Naaalala mo pa 'yung nagbigay sa akin ng Eggs Benedict and cheesecake yesterday, right? 'Yung kinwento ko sayo?" tanong ni Calix kay Demi.
"Yes. What about it?" saad ni Demi.
"Kasi nagsabi ako na gusto ko ng pancakes kahapon. Then, ngayong umaga lang, may kumatok sa pintuan ko. Pagbukas ko, there's nobody outside but may box na iniwan sa tapat ng unit ko at pagtingin ko may pancake!" gulat na sinabi ni Calix.
"What? Is that true? Or coincidence lang? Something's strange!" gulat na sinabi rin ni Demi.
"Wait! There's more! Ngayon lang... as in ngayon lang talaga, I was just playing along and sabi ko gusto ko ng Oreos. I was not expecting it since baka nga coincidence lang. But then, after a few minutes biglang may kumatok ulit sa pinto ng unit ko then boom! May Oreo na iniwan! Demi! What's the meaning of this? Does this mean na may hidden camera or mic talaga dito sa unit ko?" tanong ni Calix at mukhang sobra na siyang nahihiwagaan.
"I guess, Calix! Alam mo, nakalimutan ko kausapin 'yung security about dyan! Don't go out! Pupuntahan kita and we'll make sure to get to the bottom of this. Ipapacheck natin ang unit mo if may hidden cameras sa loob or may mic dyan. It may be amazing for you, but siempre you can't erase the fact na delikado pa rin since this person can hear you very much clearly!" saad ni Demi.
"Though, I'm liking it, Demi. Maybe naririnig niya na nga 'tong pinag-uusapan natin. And baka mamaya hindi niya na ibigay 'yung mga requests ko." saad ni Calix.
"No! Ako ang bibili ng mga gusto mo, Calix! We can't trust this person! Baka mamaya kinukuha niya lang ang loob mo. Let's be observant and alert. I'm already looking for another condo na pwede mong lipatan." saad ni Demi, at mukhang hindi maganda 'to kung ilalayo niya si Calix. Lalo akong mahihirapan sa misyon ko.
"Can you pause that for a moment, Demi? Wag mo muna ako hanapan ng bagong condo?" saad ni Calix.
"And why are you stopping me? Your life is in danger there, Calix! That person can barge in anytime inside your unit! At hindi ako mapapanatag!" pag-aalala ni Demi.
"Demi, baka nakakalimutan mo, nagtraining din ako ng self-defense? Sabay pa nga tayo, right? I guess that's fine and isa pa, wala pa naman siyang ginagawang masama for now. I mean this person is spoiling me... and I like it to be honest." saad ni Calix.
"What? Are you for real, Calix? Wala pa siyang ginagawa now, but what if may gawin siyang masama sa susunod? Mahirap na! And you like being spoiled by this person through gifts? What if baliw pala itong taong 'to and obsessed siya sayo? What if lagyan niya ng something 'yung food na ibibigay niya sayo? Mag-isip ka nga, Calix!" dagdag ni Demi.
"Demi, I can manage, okay?" saad ni Calix, "Basta, itigil mo muna ang paghahanap ng condo until I say so."
"No! You can't manage it!" naiinis na saad ni Demi at napabuntong hininga siya bigla, "Ganito, if you don't want to leave in that condo yet, since wala ako dyan to look out for you, I'll ask Sol instead para bantayan ka!"
"Gusto ko 'yan, Demi, gustong gusto ko ang plano mo." saad ko sa aking sarili habang nakangiti ako at nakikinig sa usapan nila Demi at Calix.
"No! Ayaw ko! Tsk! Don't drag Sol into this! I hate that guy! You can have someone to check over me but not Sol! Isa pa, he's busy and hindi niya ako mababantayan! And why would I need someone to look over me? Bata ba ako?" tanong ni Calix kay Demi.
"Hindi ka na bata, pero 'yang utak mo nag stuck sa pagiging teenager! You can't stop me, Calix! I will ask Sol to look over you!" saad ni Demi
"As if Sol will agree? Sige! Tingnan natin kung papayag siya!" saad ni Calix.
"Tsk! Hindi ko na alam gagawin ko, Calix! I'm scared! Gusto mo dito ka na lang muna mag stay sa bahay ko?" tanong ni Demi na may kasamang pag-aalala.
"You together with your cats? Nope! Not a chance! You know I'm allergic to cats and their fur!" naiinis na saad ni Calix, "Basta, I'll be okay here in my unit. If may mangyaring hindi maganda, then I'll call you right away. Okay?"
"Hay! Calix! Tsk! Okay! Call me right away if something bad happens! Basta if may hindi naging magandang occurence dyan, I'll quickly pull you out from that condo unit. Bakit pa kasi dyan kita pinapunta! If I only knew na delikado pala dyan!" saad ni Demi.
"Wag ka na mag worry, Demi, basta okay lang ako! Sige na at magrerequest pa ako dito sa mystery person ng food eh." natatawang saad ni Calix.
"Calix! Don't you dare! Wag ka na hihingi ng kung ano-ano from that person! Also, wait for me since ipapainspect natin 'yang unit mo and we'll check if may hidden cameras or mic. We'll also check the CCTV footage. Sige na, I'll prepare now!" saad ni Demi at binaba niya na ang call.
"'Tong Demi na 'to! Kala mo nanay kung makaasta eh! Parang hindi ko kaya protektahan sarili ko ah? Ano ako damsel in distress? Tss!" naiinis na saad ni Calix.
Phone ringing!
Biglang may tumawag sa phone ko na unknown number kaya sinagot ko ito kaagad.
"Hi, this is Sol speaking. Who's this?" saad ko.
"Sol! Thank God!" saad ng isang babae sa kabilang linya, "It's me Demi!" dagdag pa niya at mukhang tinawagan niya na ako agad pagtapos ng pag-uusap nila ni Calix kanina. Mukhang alam ko na rin ang sasabihin niya.
"Yes, Demi? Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.
"I'm so sorry if this is so sudden, but, busy ka ba?" tanong ni Demi.
"Nope, I'm not busy. What's the matter?" saad ko habang nakangisi na ako.
Napabuntong hininga na lamang si Demi dahil sa labis na pag-aalala at saka siya sumagot, "Si Calix kasi... medyo worried ako sa lagay niya."
"Hmm... What about Calix?" tanong ko at nagmamaang-maangan ako.
"I think may nagii-stalk sa kanya sa unit niya. I mean, you have lived there for the longest time. May mga instances ba na nakaranas ka na may nagstalk sayo dyan? Like someone can hear you?" tanong ni Demi.
"Wala naman sa tagal ko na nakatira dito. Because if I did experience it, maybe umalis na ako dito." saad ko.
"Worried lang ako sobra sa kalagayan ni Calix. It seems na may hidden camera or mic sa unit niya. Don't tell him na sinabi ko sayo 'to since I know na magagalit siya, but 'yung mga nirerequest niyang food, binibigay sa kanya. I know it's amazing or natutuwa si Calix sa mga ganitong bagay since he's childish, but what if may hindi magandang gawin ang taong ito kay Calix? As his manager, siempre kapakanan lang niya ang iniisip ko." nag-aalalang saad ni Demi.
"Yes, I get your point, Demi. Mahirap na din magtiwala lalo na kung hindi mo kilala 'yung nagbibigay ng mga gamit o pagkain kay Calix." saad ko.
"Sol... I have a very very very big favor to ask you. I know this will be a burden for you and super nakakahiya but wala na akong ibang malalapitan." saad ni Demi at ito na nga...
"Sure, let me know at titingnan ko kung magagawa ko." saad ko.
"Okay lang ba if bantayan mo si Calix for me? I mean ayaw niya kasi lumipat kahit pinapalipat ko na siya ng Condo. Ewan ko ba sa lalaki na 'yun! Eh ikaw lang 'yung naiisip ko na malapit sa kanya and with your physique talagang you can take care of him if he's in danger." saad ni Demi.
"Ibig mo ba sabihin, gusto mo na tingnan ko si Calix at bantayan? Be his babysitter? Is that what you mean?" tanong ko kay Demi.
"Yes! Sol! I'm so sorry! I know this is too much and I know kung gaano ka busy. Also, I know na hindi ka gusto ni Calix and he's very much irritated pagdating sa iyo, but ikaw na lang talaga ang maaasahan ko. Ikaw lang din kasi ang pinakamalapit sa kanya and mas madali kita mako-contact. Please!" pagmamakaawa ni Demi.
"Hmmm... Pag-iisipan ko muna, Demi." saad ko habang nakangisi ako, "Kasi, hindi 'to magugustuhan ni Calix kapag nalaman niya."
"Oo, he won't like it. Kasi tinanong ko na siya kanina and he answered 'No' right away noong narinig niya agad pangalan mo. I didn't tell him na tinawagan kita personally so if we can keep this as a secret... and I'll make sure to grant you your request... any request or wish! Sige na, Sol! Mapapanatag lang ako if you'll say yes." saad ni Demi.
"Okay, I'll try my best to keep up with Calix, but I can't promise. Since alam mo naman na ilang siya sa akin. Though, I'll take care of him since he saved me yesterday." sagot ko kay Demi.
"Talaga, Sol? Waaah! Thank you so much! Kung alam mo lang na gusto kitang yakapin! Super thank you! Saglit lang 'to until makakita na ako ng bagong lilipatan ni Calix. Promise!" saad ni Demi.
"Sure! Sasabihan kita agad if may hindi magandang nangyari. Also, this is your number, right?" tanong ko.
"Yes! This is my personal number. Sorry if this was so sudden, Sol, but thank you ulit. Pupunta ako sa condo later para ipa-inspect 'yung unit ni Calix. Magpe-prepare na ako. Thank you ulit nang marami!" saad ni Demi.
"Welcome!" nakangiti kong sagot.
"Bye, Sol!" saad ni Demi at binaba niya na ang call.
Mukhang maganda ang mga nangyayari ah? Sa paraang ito, mas mapapalapit ako kay Calix. Pero kailangan masigurado na hindi makakalipat ng ibang condo si Calix.
"Hmmm... hmmmm? Hmmmm! Hmmm... I see... Okay! Gets!" saad ni Calix habang naririnig ko siya ngunit hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon, "It's not that bad? I think okay naman pala! Bakit ngayon ko lang 'to binasa? It's actually good! I guess minaliit ko siya siguro but I can't still let him know na na-amazed ako for some reason." dagdag pa niya at nagtataka tuloy ako kung ano na ang ginagawa niya.
Kung maaari lang din talaga ako maglagay ng hidden camera para malaman kung anong ginagawa niya, pero, sapat na itong pandinig ko para malaman kung ano ang kalagayan ni Calix.
"Magic mic... naririnig mo ba ako? Parang gusto ko ng... Pringles! Nagke-crave ako sa Pringles ngayon! Pringles na cheddar cheese ang flavor!" biglang saad ni Calix na parang umoorder lang siya.
"Pringles na cheddar cheese? Wala ako no'n! Saglit! Bibili na lang ako sa labas. Hintay ka lang, Calix." saad ko sa sarili ko at agad akong lumabas sa unit ko at bumaba para bumili ng Pringles.
...
...
...
After 5 minutes, kakabalik ko lang sa tapat ng unit dala ang Pringles na Cheddar Cheese flavor at nang akmang ilalapag ko na sana sa tapat ng pinto ng unit niya...
"Magic mic... Parang gusto ko rin ata ng Sprite? Yup! Sarap siguro ipartner ng Sprite and Pringles!" dagdag pa niya.
"Sprite? Wala din ako noon." saad ko sa sarili ko, at muli ay bumaba ako para bumili ng 1.5 liters ng Sprite.
At pagkatapos ng 5 minutes ay nakabalik na rin ako sa tapat ng unit niya hawak ang 1.5 liters ng Sprite at dalawang Pringles na cheddar cheese flavor.
Wala na akong narinig mula kay Calix kaya wala na rin siguro siyang ibang request.
Ilalapag ko na sana ang Sprite at dalawang pringles sa tapat ng pinto sa unit niya nang biglang...
Door squeaking!
"What are you doing here, Sol?" naiinis na saad ni Calix habang nakakunot ang noo niya pagbukas ng pinto.
"Ahhmm..." tanging saad ko na lamang habang hawak ko ang Sprite at dalawang Pringles at nakatingin sa mukha ni Calix.
"Sprite at dalawang Pringles na Cheddar Cheese?" saad ni Calix habang nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin sa akin, "Why do you have that with you? What's the meaning of this? Don't tell me..." saad ni Calix at biglang nanliliit na ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin at tila naghihinala na.
Huli agad ako! Tsk! Sira ang plano ko! Anong sasabihin ko nito kay Calix! Lalo siyang magagalit sa'kin!
End of Chapter 4