webnovel

False Hope (Friends)

GABRIELLE'S POV

Pamilyar sa'kin ang gano'ng side ni Lexie. Gano'ng gano'n din siya kahapon no'ng hindi niya nagustuhan ang gagawin ko sana.

Ngayon nakikita ko na ang personality niya no'ng una ko siyang makilala.

1st years ako no'n at naaalala ko pa ang itsura ng mata niyang parang walang ibang nakikita at walang pakealam sa mundo.

Ganito na ulit ngayon ang nakikita ko sa mata niya.

Pero ang mas tumatak sa'kin ay ang tingin niya sa'kin kanina na parang hindi niya ako kilala.

Ang alam ko siya pa nga ang may kasalanan sa'kin eh. Oo pinapalayo ko muna siya pero hindi talaga ako mapanatag sa tingin niya sa'kin.

Nagalit ba siya sa sampal na 'yon?

Wait? Deserve naman niya 'yon.

I feel sorry about the slap though.

"Hey Gab? Are you even listening?"

Doon lang ako natauhan nang punain na ako ate Mika.

"H-ha-?"

"Come, let's ride a horse. Nandoon daw silang lahat."

Nandoon silang lahat? Pati si LJ?

Parang gusto kong mapaatras at umuwi nalang pero ang sabi nila hindi raw kami uuwi ngayon.

Dumadami na ang absent ko baka mahirapan na akong mag habol, may mga professor pa naman na hindi nag papahabol ng mga na miss mo.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya at nakarating kami sa may kwadra/ kabayuan.

Lumapit sa'min si Tristan na may hila hilang kabayo.

"Gusto mong sumakay Gab? Turuan kita"

Fistorn talaga ang apelido nilang lahat, mukhang hindi sila pinayagan na gamitin ang ibang apelido nila.

Dahil sa mga chismoso kong mga kaklase, nalaman ko na ang panganay na anak ng Lolo nila LJ ay babae at si Troy at Tristan ang anak pero hindi pinayagan ng Lolo nila na gamitin no'ng dalawa ang apelido ng tatay nila. Sumunod ay dalawang lalaki at ang bunso ay babae na hindi rin pinagamit sa mga anak nila ang apelido ng tatay nila, 'yong kambal 'yon. Kaya lahat sila ay Fistorn dito.

Si Tristan kasi kilalang kilala sa pagiging babaero niya Kaya sikat na sikat din ang mag pipinsan sa University eh.

"Do you want fracture tan? Bibigyan kita."-Mika

Napangiti ako sa kanilang dalawa.

"Nag mamagandang loob lang eh"

"Tinutulungan lang din kita. Baka mamaya nagulat nalang kaming bumulagta ka na"

Hahaha ano raw?

"LJ! She wanna ride a horse!"

Bigla akong naalarma sa sigaw ni Mika.

Parang gusto kong takpan ang bibig niya dahil sa sinigaw niya.

Nakangiting nakikipag usap si Lexie sa pinsan niyang naka sakay sa kabayo.

Tumingin siya sa'min matapos sumigaw ni ate Mika.

Nag iwas agad ako ng tingin. Mukha ngang hindi namin maiiwasang magkalapit dahil sa obligation ko sa kaniya.

Lumapit siya sa'min na may hila hila ring kabayo.

Nakangiti siya pero kakaibang ngiti 'yon. Totoong ngiti pero may ibang laman.

"You wanna ride Rhemzo?"

Rhemzo? Kailan pa siya bumalik sa pag tawag sa apelido ko?

Huwag kang mag tanong Gab, diba nga gusto mo muna siyang lumayo sa'yo? Kasalanan mo 'yan.

Isang beses lang akong tumango.

"Tan, ako nalang isabay mo sa kabayo"-Mika

"Tara tara punta tayo sa ubasan"

Umalis 'yong dalawa habang niyaya ang iba nilang pinsan papunta sa ubasan.

"C'mhere"

Inalalayan niya akong maka akyat sa kabayo tapos siya naman ang umakyat at pumwesto sa likod ko.

*Loud heart banging*

Nag tayuan ang balahibo ko sa batok lalo pa nang hawakan niya ang tali na nasa harap ko.

Pasimple kong inamoy ang sarili ko, baka mabaho na ako nakakahiya nakayakap pa naman siya sa'kin.

"Hey, you're tense. Calm down"

Naririnig ko ang ngiti sa pag sabi niya no'n.

"S-san ako hahawak?"

*Chuckle*

"Here"

Hinawakan niya ang parehong kamay ko at saka inihawak sa leather strap na tumutulong kung saan papupuntahin ang kabayo.

"Do you know what is this?"

No, hindi kasi ni minsan sumagi sa isip ko ang mag horse back riding.

"Hindi"

"Ok, this is rein- should I get you a gloves?"

Mabilis akong umiling. Natatakot ako na baka pag iniwan niya ako ay mag wala 'tong kabayo.

"Ayos lang, gusto ko lang makaranas makasakay sa ganito."

"Ok."

Bigla niyang pinatakbo.

Waaaaah!! Bakit pinatakbo niya na wala man lang pasabi?!!

Ayos lang naman siguro 'to basta siya mag pa andar ng kabayo.

"Can you tie your hair?"

Namula ata ako sa tanong niya.

"I guess not"

Siya rin ang sumagot sa tanong niya.

Alam mo naman kung anong iniwan mo sa leeg ko diba?

"Pwede mo bang bagalan"

Pero imbes na bagalan niya ay mas lalo lang niyang binilisan. Sana sa likod niya nalang ako pumwesto.

"Lexie!"

"What?"

"Natatakot ako"

Bigla niyang binagalan ang pag papatakbo.

"I'm sorry"

Naka hinga ako nang maluwag. Ang lapit na nga niya tapos nakakatakot pa siyang mag pa takbo.

"Do want to go to fish pond? Lake side? Farm?"

Parang lahat naman magandang puntahan.

"Fish pond"

"Ok"

Pinatakbo niya nang katamtamang bilis lang.

"Naiilang ka ba sa'kin? Galit ka pa ba sa'kin?"

Bumilis ang tibok ng puso ko, mukhang about nanaman 'to kahapon.

"H-hindi naman ako galit"

Pahina nang pahinang sagot ko.

"Disappointed?"

Medyo tumango ako.

"I just never thought you will pick it as a last choice"

Na gigets ko siya pero 'yon lang sasabihin niya sa'kin matapos niya akong angkinin kagabi?

Ano pa bang gusto mo? Ilang beses na siyang nag sorry sa'yo.

Gusto ko lang ng kalinawan kung para saan ang sorry na 'yon. Sa ginawa ba niya o sa naidulot no'n sa'kin?

"Alam ko"

"If you have a problem, feel free to share with me or ask me, I'll give it right away."

Bakit ba ganito sila sa'kin?

Nagugulat ako sa mga sinasabi nila. Wala naman na ata akong kakailanganin dahil maipapagamot na si Mama.

"Hindi na kailangan, tama na 'yong tulong na naibigay niyo sa'kin."

"I insist, I commit a sin so let me make it up to you. Besides that's what friends for"

Nabilaukan ata ako sa sarili kong laway sa friends niya. Mag nangyari sa'tin tapos friends 'yon? So ano pala 'yong nangyari? Friends with benefits?

"Ayos lang ako, kalimutan nalang natin 'yong nangyari"

"Ok, if that's what you want."

Anong nangyari? Bakit parang ang dali niyang kausap ngayon samantalang kagabi ay nag papatigasan kami.

Pag dating namin sa fish pond ay bumaba siya at saka ako inalalayan.

Muntik pa akong sumubsob sa kaniya pag baba ko.

"Sorry"

Mabilis kong inilayo ang katawan ko sa kaniya.

"Wait me here, I'll just get my camera and start tutoring you"

Aalma pa sana ako kasi hindi naman sumagi sa isip ko ang photography at hindi ko pa rin napag iisipan kung sasali ako doon at isa pa tinakedown ko na ang offer na 'yon.

Sumakay ulit siya sa kabayo at mabilis iyong pinatakbo paalis.

Mukhang final na ang desisyon niya.

May karapatan ba akong tumanggi? Gumawa na siya ng paraan para matulungan ako sa pag papaopera ni Mama kaya wala na akong karapatang tumanggi dahil 'yon lang naman ang pumipigil sa'kin para hindi sumali sa contest na 'yon.

Pumunta ako sa may tulay at tiningnan ang mga isda doon.

Ang galing dahil maraming fish net doon at naka hiwalay ang iba't ibang klase ng isda.

Tumulay ako hanggang sa may gitna kung saan may Kubo doon at may nag babantay.

"Sino po sila?"

Nagulat ako ng punahin ako ng nag babantay doon.

"A-ah kaibigan po ako nila Miss Lexie Jane, sabi niya dito raw po muna ako"

Akala ko papagalitan niya ako pero ngumiti siya sa'kin.

"Marami pong magagandang isda sa bandang dulo pero ingat nalang po kayo baka mahulog po kayo diyan."

Magalang akong tumango at nag paalam sa kaniya.

Nag labas ako ng phone para picture-an ang magandang tanawin.

Isa sa dahilan kung bakit BA Communication ang pinili ko dahil sa photography.

Meron din naman sa mass com pero ewan ko ba, hinihila ako ng paa ko sa BA Communication.

Itong cellphone ko, ilang buwan ko rin pinag ipunan bago ko mabili kasi kailangan ko ng magandang camera. Nasa photography club din ako at hindi ko alam kung alam 'yon ni LJ.

Hindi kasi tumatambay sa club si LJ dahil madalas siyang ipanlaban sa iba't ibang school at bilang sa kamay lang kung ilang beses ko siyang nakita sa club at kapag nakikita ko naman siya lagi siyang busy at nasa loob lang ng darkroom.

Minsan hinatiran ko na siya ng inumin sa loob ng darkroom pero hindi man lang niya ako pinansin.

Tama nga si kuya at magaganda ang ibang isda dito.

Tinatangay tangay ng hangin ang buhok ko habang pinipicture-an ko ang ibang bahagi ng fish pond.

*Capture*

Mabilis akong napatingin sa narinig kong nag click.

"Looks like you're enjoying here, it's really a perfect spot for a lesson."

May mga tanong na namuo sa isip ko. Photography din ang dahilan kung bakit niya ako inapproach.

"Kaya ba tinulungan mo ako sa pag papa opera kay Mama para makasali ako sa contest kasi wala kang tiwala sa iba?"

Medyo nasaktan ako sa ideyang 'yon.

Pero wala akong magawa kundi isa tinig ang mga tanong sa isip ko.

Sabihin mong hindi lang dahil sa photography LJ. May mga salita akong gustong marinig mula sa kaniya para malinawan ako sa mga kinikilos niyang nag bibigay ng pahiwatig..

O baka nag aassume lang talaga ako.

"Well.. uhmm.. sort of"

Bumagsak ang balikat ko kasi hindi 'yon ang sagot na gusto kong marinig mula sa kaniya.

"I saw your photograph shots. It's really good but we need to enhance some part of it. Where did you learn photography?"

Nanlulumo ako at parang ang sakit sa side ko. Nag bibigay siya ng motive but in the end sasabihin niyang friends lang kami.

Nag picture siya sa paligid namin pero karamihan ay pag picture niya mismo sa'kin.

Wala namang kaso 'yon pero baka ampangit ko doon.

"Photographer si Papa, sa kaniya ko natutunan"

Natigilan siya sa pag kuha ng picture at dahan dahang binaba ang camera.

"Bakit?"

Nag iwas siya ng tingin at saka tiningnan ang camera niya.

"You're father is a great man"

Seryosong aniya.

Alam ko naman 'yon, andami kayang raket ni Papa para lang guminhawa ang buhay namin at laking pasasalamat ko dahil maginhawa ang buhay namin dahil bukod sa trabaho ni Papa bilang driver ng isang mayamang pamilya, suma sideline din siya bilang photographer sa mga kasalan at iba't ibang event na malalaki ang nakukuha niya.

Kahit gawin ko rin 'yon ngayon hindi sasapat 'yon sa bills at operation ni Mama plus pa ang kakainin namin araw araw.

"Yeah, sa sobrang great nga niya nakalimutan niya atang may pamilya siya uuwian at sumagip ng buhay ng iba kapalit ang sarili niyang buhay."

Namuo ang luha ko kaya mabilis akong tumalikod para kunware mag picture at para hindi niya makita ang luhang lumandas sa pisngi ko habang nag babalik tanaw nanaman sa nakaraan.

Naramdaman ko nalang ang paglapat ng katawan niya sa likod ko na ikina gulat ng sistema ko.

She wrap her arms around my waist and put her chin into my shoulder.

Ito 'yong sinasabi kong pahiwatig na binibigay niya tapos sasabihin niyang friends lang kami.

"I'm sorry"

Sorry? Para saan? Wala naman akong maalalang nagawa niyang mali ngayon para mag sorry siya. Kung yung tungkol naman kagabi, ayos na 'yon kalimutan nalang namin 'yon at napag usapan na rin namin 'yon.

Ang hirap naman niyang kapain, mag susungit siya tapos magiging sweet tapos mamaya seseryoso nanaman.

Pasimple kong pinahid ang luha ko at kumawala sa yakap niya.

"Start na tayo? Gusto ko rin pumunta sa farm niyo."

Nakitaan ko ng awa ang mata niya na sobrang hindi ko gustong makita na sa kaniya manggaling.

Maya maya ay ngumiti siya at saka tumingin sa camera niya, mukhang may hinahanap siya.

"This, a perfect shot"

Tiningnan ko ang camera niya at..

"You're pretty"

Komento niya.

Naramdaman ko nalang ang pag init ng mukha ko.

Ako ang subject niya at wala namang kaso sa'kin kaya lang nakakahiya pa rin isama pa ang nakaka kilig niyang comment.

"Paasa talaga"

Sobrang hinang bulong ko at saka bumaling sa iba.

Mas nakakahiya pag nakita niya ang namumula kong mukha.

Hindi naman halatang patay na patay ka sa kaniya Gab 'no?

Feeling ko hindi naman.

Medyo lang pala.

thank you for reading <3

Piksmeayminitcreators' thoughts
下一章