webnovel

Chapter 38: What If

×××

XIAN P.O.V

Malapit na mag isang buwan pero hanggang ngayon wala parin nababanggit si Alice kung sino talaga ako. Napapa sabunot na nga lang ako ng sariling buhok dahil sa hindi ako mapakali.

Habang si Asher Dwayne naman ay pa chill-chill lang. Naiinis ako pag nakikita siya, gusto ko s'yang burahin sa buhay ni Alice pero hindi ko naman iyon magawa.

Nandito kami ngayon tatlo sa library ni Asher at Alice. Nag-aaral sila habang ako naka halombaba sa mahabang table at naka simangot na tinignan silang pariho. Sobrang nakakainis, kaysa ako ang katabi ni Alice ngayon, nandito ako sa harapan nila naka upo; samantalang si Asher nasa tabi ni Alice.

Gusto kong sigawan sila pariho at hampasin ang table pero hindi ko puwedeng gawin iyon baka ma weirdo-han lang sa akin si Alice. Baka isipin niya nababaliw na ako para gawin ang mga bagay na iyon. Sa paningin ko binugbog ko na si Asher sa sobrang pagka selos ko. Oo, nag seselos ako dahil may gusto rin siya kay Alice at hindi ko maiwasang isipin iyon habang masaya silang nag-uusap dalawa. Samantalang ako parang anino lang nila na sunod nang sunod kung saan man sila magpunta. Hindi ba nakakainis iyon? Iyong taong mahal mo masaya kasama ang iba?!

Lalo na, wala akong tyansa pag dating kay Alice na walang alaala tungkol sa aming dalawa. Samantalang si Asher nasa alaala niya, tapos iyong nasa memory niya matagal na niya raw itong kasama, samantalang ako burado sa memorya niya. Matagal na rin kaya niya ako nakasama naging boyfriend nga niya rin ako?! Pero bakit ako pa iyong nawala sa memorya niya! Nakakainis isipin na ako pa talaga, bakit hindi nalang si Asher ang mabura sa alaala niya.

Napa buntong hininga na lamang ako.

Maganda sana kung bumalik na ang alaala niya para makapag sorry ako agad. Pakiramdam ko naman mahal pa niya ako. Hindi niya lang masabi kase wala siyang alaala.

"Bakit hindi ka pa nag-aaral?"

Tanong sa akin ni Alice nang mapansin niyang naka tingin lang ako sa kanilang dalawa. Tumigil sa pag t-type ng laptop si Asher at tinignan ako habang ang isang siko niya naka patong sa table at ang daliri nito ay naka lagay sa kaniyang panga.

"Mas'yado na akong matalino para mag-aral"

Sarkastiko kong pagkaka sagot.

Napa irap naman din si Asher at napa iling na lang sa sinagot ko.

Napa lingon sa kan'ya si Alice at bumulong sa tenga ni Asher.

"Totoo ba o nag f-feeling talino lang siya?"

Bulong nito kay Asher habang pa simpleng naka tingin sa akin.

"Mahirap man aminin pero totoong matalino siya"

Focus sa laptop na sagot ni Asher. Napa smirk na lamang ako.

"Tama, madali kong naintindihan mga discussion sa klase kaya hindi ko na kailangan pang pag aralan"

Naka ngisi kong sabi sa kan'ya.

"Huwag mo na ngang ipag-mayabang! Tumahimik ka nalang d'yan"

Naka simangot na sabi ni Asher. Tinaasan ko siya ng kilay habang naka ngisi.

"Inggit ka lang eh"

Sabi ko sa kan'ya. Napa iling na lamang siya at pinag patuloy na ang pag t-type sa laptop.

Napa lingon ako kay Alice ng bahagyang lumapit ito sa akin habang may ngiti ito sa labi.

"Kung gano'n puwede mo ko turuan?"

Tanong nito habang may malaking ngiti. Ang lapit nito sa akin kahit may table sa pagitan naming dalawa. Bale naka patong ang kalahating katawan niya sa table para lumapit sa akin at sabihin iyon.

Umiwas ako ng tingin at pinamulahan ng tenga. Napa silip naman ng tingin si Asher at hinila pabalik sa upuan si Alice, dahilan ng sinamaan ko siya ng tingin.

"Umayos ka nga Alice, maraming naka tingin sa'yo"

Bulong na suway ni Asher dahilan ng mahiya si Alice at agad inayos ang pagkaka upo niya sa kaniyang upuan. Nag peace sign naman ito sabay sabi ng "Sorry naman" kay Asher na ngayon ay poker face lang ang gago na naka focus sa laptop niya.

Napa smirk na lamang ako. Akala niya magiging cool siya d'yan, batukan ko siya eh.

Pero maya-maya rin lumingon sa akin si Alice at nilapit niya ang isang kamay niya sa sariling bibig at may sinabi sa mahinang boses. Sakto lang na maririnig ko.

"Matalino ka ba sa math at English? Paturo naman please?"

Sabi nito sa akin. Gusto kong matawa dahil sa pag mamakaawa niya, napaka cute niya tignan. Pero hindi ko iyon pinakita sa kan'ya.

"Tuturuan kita basta wala rito si Asher"

Malamig kong pagkakasabi habang naka halokipkip ang mga kamay at nakasandal sa upuan. Dahilan ng mabilis napa tingin sa akin si Asher sa sobrang gulat.

"Anong sabi mo?!"

Inirapan ko lang siya at nag focus kay Alice.

"Payag ka ba?"

Tanong ko rito. Sandaling napa tahimik si Alice at tinignan si Asher na masama ngayon ang tingin sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin. Wala akong pake alam kong magalit man siya basta ma-solo ko lang si Alice ngayong araw.

"Huwag kang papayag! Ako na ang magtuturo sa'yo"

Presenta ni Asher kay Alice. Pero napa pout si Alice.

"Alis na Dwayne, ayoko sa'yo hindi ka naman mas'yado marunong sa math"

Naka simangot na sabi nito at tinulak si Asher palayo. Napa ngiti ako ng mapang asar habang naka tingin kay Asher. Ayaw niyang umalis sa tabi ni Alice pero tinutulak siya nito palayo. Ang saya ng pakiramdam ko. Nakakatuwang makita na ang karibal ko kay Alice ay mawa-wala na sa paningin ko.

"Ang bagal mo naman, alis kana raw"

Sabi ko habang naka tingin sa kaniya. Susugurin na sana ako ni Asher pero hinampas siya ni Alice sa balikat.

"Dalian mo na Dwayne para hindi magbago isip ni Zkei"

"Oo nga ang bilis ko pa naman magbago ng isip"

Nang marinig iyon ni Alice. Mabilis na pina alis ni Alice si Asher. Iyong si Asher naman wala nang nagawa at kinuha nalang ang laptop niya at bag.

"Basta tawagan mo 'ko pag may ginawa siya sa'yo ha! Bobog-bogin ko iyan"

Malakas na boses na pagkakasabi nito sa akin habang kina-kaladkad na siya ni Alice pa alis nang library.

"Oo na!! alis na! Ang ingay mo nasa pa library tayo~"

Suway ni Alice. Hindi maipinta ang mukha ni Asher ngayon. Nagagalit, mangingiyak at napipilitan na lumabas ng library; iyon ang makikita na expression sa mukha niya ngayon.

Akala niya siguro magiging mabait pa ako sa kan'ya. Kaibigan ko nga siya pero kailangan kong humanap ng paraan para maalala na ako ni Alice. Hindi ko naman sasabihin. May mga bagay lang akong ko-kompermahin sa kan'ya.

Nang wala na sa paningin namin si Asher, tumabi agad ako kay Alice. Binuksan din agad ni Alice ang mga textbook niya. Akala niya siguro magsi-simula agad kami pero nagkakamali siya.

"Mag-usap nga muna tayo"

Seryoso kung pagkakasabi dahilan ng mapalingon siya sa akin at napa tigil sa kan'yang ginagawa.

"Huh? Hindi ba puwedeng mamaya nalang pag katapos mo ko turuan?"

Inosenteng sabi nito. Nilapitan ko siya nang maigi dahilan ng mapaurong ang kan'yang ulo. Pero bigla kong hinawakan ang likod ng ulo niya para hindi na siya lumayo pag nilapit ko ang ulo ko sa kan'ya.

Dahilan ng 2 inches na ngayon ang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Napa titig naman kami pariho sa mga mata ng isa't-isa. Hindi ko maiwasang hindi uminit ang mukha ko sa ginawa ko ngayon. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang magka lapit kami ni Alice.

Hinihiling ko na sana huminto ang oras pero ilang sandali nag pumiglas si Alice at tinanggal ang pagkaka hawak ko sa likod ng ulo niya.

"Ano bang ginagawa mo? Tinatakot muna ako?!"

Reklamo niya habang nilalayo ang sarili sa akin. Napa buntong hininga naman ako. Pulang-pula ang pisnge niya at hindi siya mapakali habang hawak ang dibdib kung saan ang puso.

"May itatanong ako"

Seryoso at malamig na boses na pagkaka sabi ko sa kan'ya.

"Ano naman iyon basta 'wag iyong tungkol sa memory ko"

Sabi niya sa'kin. Biglang sumikip ang dibdib ko.

"Bakit naman. Ayaw mo na bang maalala ang nakaraan mo?"

Tanong ko sa kan'ya dahilan ng tumango ito. Pakiramdam ko nadurog ang puso ko.

"Hindi na importante iyon kung sino man ang lalaking nakalimutan ko, ex ko na iyon. Hindi ko na siya kailangan pang alalahanin. Dahil matagal na siyang hindi parte ng buhay ko— para maalala ko pa siya. Atsaka masaya na ako sa buhay ko na wala siya"

Confident na pagkakasabi nito. Napa-tukod ako sa table sa sobrang sakit ng puso ko. Sobrang sakit na ayaw na niya akong maalala dahil hindi na ako parte ng buhay niya. Pero paano ang pagmamahal niya sa akin? Hindi niya puwedeng baliwalain iyon habang buhay.

"Alice kailangan mo siyang alalahanin hindi mo ba alam, matagal ka na niyang hinihintay na maalala mo siya. Hindi ba puwedeng alalahanin mo siya. Paano kung mahal ka pa niya hanggang ngayon at paano ang pagmamahal mo sa kan'ya? Ba-baliwalain mo nalang ba iyon?"

Sabi ko sa kan'ya habang naka tingin sa mga mata niya. Napa tingin rin naman siya sa mapupula kong mata dahil ilang sandali tutulo na ang mga luha ko sa sobrang lungkot at sakit.

Mahal na mahal ko siya tiniis ko ang mga sakit nung iniwan niya ako. Inintindi ko ang ginawa niyang desesyon kahit ayaw kong iwan niya ako at ipamigay sa iba. Gusto ko na bumalik na kami sa dati. Gusto ko na siyang mayakap at makitang masaya sa piling ko. Pangarap kong tumanda na kasama siya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Kilala mo ba kung sino ang ex ko?"

Naka kunot noong tanong nito sa akin. Gusto kong sabihin na ako iyon puwede ko naman gawin iyon hindi ba?

"Hindi, pero baka mahal ka pa ng lalaking iyon"

Pag tanggi ko pero napa tingin ako sa kan'ya nang mag salita siya.

"Kung mahal niya pa 'ko bakit hindi niya ko dinalaw? Bakit hindi siya mag pakita sa akin? Baka pag nakita ko siya bumalik ang mga alaala ko"

Sagot nito sa akin. Napa lunok ako ng laway at umiwas ng tingin sa kan'ya.

"Nasa paligid lang siya, hindi mo lang siya na aalala. Alam mo ba nag hihintay siya sa'yong maalala mo siya"

"Paulit-ulit ka. Ilang beses mo na iyang sinasabi sa akin na naghihintay siyang maalala ko siya. Pinipilit ko naman ah! Pero wala talaga. Hindi ba puwede sabihin nalang sa akin kung sino talaga ang ex ko?"

Naka kunot noong sabi niya. Gustong-gusto kong sabihin pero bawal.

"Kung alam mo lang Alice. Kung puwede lang sana. Matagal na siyang nagsabi sa'yo. Pero hindi niya magawa dahil ayaw ka niyang masaktan"

Sagot ko sa kan'ya. Napa tingin siya sa mga mata ko.

"Maiiyak ka na ata. Naaawa ka ba sa ex ko?"

Tanong nito sa akin. Napa ngisi ako habang naka yuko.

"Hindi napuling lang ako ang alikabok kase rito sa library?!"

Rason ko. Napa ngiwe naman siya at umayos ng upo sabay pout nito.

"Alam mo pakiramdam ko rin malapit lang ang ex ko sa'kin hindi ko lang siya maalala"

Sabi nito sa akin. Tumingin ako sa kan'ya pero hindi na ako nag salita pa.

"Sa tingin mo pag naalala ko ba ang ex ko magkaka balikan pa kaya kami?"

Tanong nito sa akin. Na buhayan naman ako ng loob dahil sa tanong niyang 'yon.

"Oo naman! Basta't inamin mo sa kan'ya na mahal mo parin siya"

Sabi ko sa kan'ya. Napa simangot naman din siya sa sinabi.

"Kung paano may mahal na akong iba at hindi na siya ang mahal ko. Tatanggapin niya kaya?"

Inosenteng tanong nito dahilan ng hindi ako maka paniwala sa sinabi niya. Humarap ako sa kaniya na may kunot ang noo.

"Anong sabi mo? Hindi ako— I mean hindi puwede dahil ang true love hindi napapalitan iyan ng basta-basta. Hindi niya tatanggapin iyan. Huwag ka mag hanap ng iba lalo na naghihintay siyang maalala mo siya!"

Sigaw ko sa kan'ya dahilan ng pag tinginan kami ng mga tao sa library may sumaway naman din sa amin dahilan ng napa tiklop kaming dalawa ni Alice at sandaliang napa tahimik.

Tinignan namin ang isa't-isa.

"Bakit ka ba sumi-sigaw? Galit ka ba dahil sinabi kong may gusto na akong iba?"

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya dahilan ng napa pikit ako ng mariin sabay tingin sa kan'ya ng masama.

"Hindi ako galit! Hindi ka puwede magka gusto sa iba?!"

Bulong ko sa kan'ya na may pang gi-gigil ang boses.

"What if lang naman iyon. Kung hindi ko naman siya maaalala at magka gusto ako sa iba kasalanan na niya iyon"

Naka simangot na sabi nito habang naka halokipkip ang mga kamay.

"Tigilan mo kaka-what if d'yan, hindi ako natutuwa"

"Hindi naman ako nagbibiro seryoso kaya iyong sinabi ko. Katunayan nga may gusto na akong iba. Actually matagal ko na talaga siyang gusto"

Sabi niya habang malayo ang tingin namumula pa ang pisnge. Sobrang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Sino naman kaya ang lalaking iyon?! Nakakatakot tuloy marinig.

"Sino ba iyan?"

Malamig kong pagkakasabi.

"Si Dwayne"

Inosenteng sagot niya. Dahilan ng magulat ako at mabilis na napa tingin sa kan'ya.

"Ano?! Si Asher! Bakit sa gago pang iyon! Bakit hindi sa'kin. Wala ka na ba talagang pagmamahal sa'kin para si Dwayne ang magustuhan mo?!"

Malakas na boses na sabi ko sa kan'ya. Dahilan ng tuluyan kaming pinalabas ng librarian sa library. Naka simangot naman itong si Alice samantalang ako mukhang umuusok na ang tenga dahil sa galit at inis.

"Ang ingay mo naman pinalabas tuloy tayo ng librarian. Atsaka ano bang pinagsasabi mo kanina? Pagmamahal? Tika may gusto ka ba sa'kin?"

Naka kunot noong sabi niya habang naglalakad kami sa corridor. Bitbit ko naman ang mga pinag aralan niya. Kahit galit at inis na ako kaya ko naman magpaka gentleman pagdating nga lang kay Alice.

Napa buntong hininga ako ng malalim. Nasabi ko tuloy ang hindi ko dapat sabihin. Dahil wala ako sa sarili ay humarap ako sa kaniya.

Binitawan ko ang mga notebooks na hawak ko pati ang bag na naka sukbit sa kaliwa kong balikat 'tsaka ko hinawakan ang magkabilaang balikat ni Alice para marahan siyang banggain sa pader. Medyo nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko inalintana iyon dahil porsigedo na akong sabihin sa kan'ya ang totoo.

Walang ka tao-tao rito sa corridor at kami lang dalawa ang nandito.

"Makinig ka. Gusto mo bang malaman kong sino talaga ang ex boyfriend mo?"

Seryosong pagkakasabi ko sa kan'ya. Dahan-dahan naman din siyang napa-tango habang naka titig sa mga mata ko.

"Sabihin mo muna ang nararamdaman mo sa kaniya. Ang tanong ko mahal mo pa ba ak- este siya?"

Tanong ko. Muntik ko pang mabisto ang sarili ko.

"Ang totoo niyan hindi ko alam. Hindi ko pa naman siya natatandaan. Paano ko masasabing pagmamahal ang nararamdaman ko sa kan'ya. Kung ang nararamdaman ko sa'yo kakaiba"

Pag aamin nito sa akin. Dahilan ng mabuhayan ako ng loob. Napa ngiti ako ng malawak.

"T-talaga? May nararamdaman ka sa'kin?"

Naka ngiting tanong ko. Napa simangot naman din siya.

"Aaminin ko, Oo pero ayaw kitang maging boyfriend mas gusto ko si Dwayne— Matino"

Nang marinig ko ang sinabi niya bigla uminit ang ulo ko.

"Matino rin naman ako ah! Hindi nga lang halata!"

Malakas na boses na pagkaka-sagot ko sa kaniya.

"Iyon nga ang dahilan eh. Atsaka hindi pa naman tayo magka kilala kaya medyo weird na may nararamdaman ako sa'yo higit pa sa pagka gusto ko kay Dwayne"

Amin niya. Gusto ko talaga ang mga sinabi niya walang pag tatangge.

"Kung gano'n naman pala walang kaso sa'kin. Pag inamin mong mahal mo ako. Mamahalin din kita at hindi na ako papayag na lumayo ka pa sa'kin ulit"

Wala sa sariling sabi ko dahilan ng mapa-kunot noo siya na naka tingin sa'kin.

"Na w-weirdohan na talaga ako sa mga pinagsasabi mo"

Sabi niya sa'kin. Huminga ako ng malalim.

"Alice. Pag narinig mo ang sinabi ko sana paniwalaan mo"

Seryosong sabi ko sa kan'ya habang malapit ang mukha ko sa mukha niya. Naka hawak din ako sa magkabila niyang balikat.

Ramdam na ramdam ko ang kaba sa expression niya.

"Alice ako ang ex boyfriend mo"

Seryoso at deretsong pagkakasabi ko dahilan ng napa awang siya ng bibig sa gulat.

"Anong sabi mo?"

Tanong niya habang habol ang kan'yang hininga. Napa hawak siya sa sintinido niya na parang may bumubuong alaala sa utak niya habang papikit na napapa iling na nalang ng ulo.

Bigla ko naman din siyang nasalo ng muntikan siyang matumba sa sahig.

"Sobrang sakit ng ulo ko"

Bulong nito sa akin. Mas lalo akong kinabahan.

"Kaya mo iyan Alice"

Bulong ko sa kan'ya. Umiling naman din siya.

"Hindi ko kaya, sobrang sakit talaga!"

Malakas na boses na sabi niya at napaluhod na lamang. Sinundan ko naman din siya sa pagkakaluhod at niyakap siya.

Umiyak na siya sa sobrang sakit at dumugo ang ilong niya. Shit! Normal pa ba 'to bakit dumudugo ang ilong niya.

"Tika dadalhin na kita sa clinic"

Sabi ko sa kan'ya nanghihinang tumayo naman din siya habang umiiyak. Nang buhatin ko siya at patakbong pumunta ng clinic. Marami ang mga matang naka tingin sa amin. Pero hindi ko na lamang sila pinansin. Ang nasa isip ko nalang ay ang ipunta si Alice sa clinic para maka inom ng gamot.

Hindi ko alintana ang malayong clinic dito sa University hanggang sa nakasalubong ko si Asher. Alalang-alala siya ng makita si Alice na buhat-buhat ko.

Ngayon ko lang napansin na nawalan na ng malay si Alice sa mga kamay ko.

Napa tingin siya sa akin na may galit na expression.

"Anong ginawa mo sa kan'ya?"

Tanong nito sa akin. Hindi ako maka imik at napa yuko nalang. Parang gusto na akong suntukin ni Asher pero hindi niya magawa dahil buhat-buhat ko si Alice.

Walang salita na kinuha niya si Alice sa mga kamay ko at siya ang nagbuhat dito. Hinayaan ko nalang.

Nang makuha na nito si Alice sa mga kamay ko mabilis siyang naglakad para pumunta ng clinic. Samantalang ako napa yuko na lamang at tulala.

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit nasabi ko iyon. Wala ako sa sarili ng mga oras na iyon. Ang nasa isip ko maalala na ako ni Alice. Ito na ba ang huli naming pagkikita?

Hindi. Hindi ako papayag na mangyare ito ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sa kan'ya. Hindi ako aalis sa buhay ni Alice kahit na magka galit kami ni Asher. Wala akong pake alam sa kan'ya. Tungkol sa deal na iyon? Hindi ko iyon tutuparin. Bahala siya sa buhay niya kahit anong mangyare, kahit anong gawin ni Asher sa akin. Kahit mag bubuggan kami araw-araw wala akong pake alam. Dahil kailangan ako ni Alice. Kung hindi nawala ang alaala niya ako ang pipiliin na makasama ni Alice.

Dahil gusto ko malaman ang kalagayan niya mabilis akong pumunta ng clinic kung nasaan dinala ni Asher si Alice. Nang makarating ako at papasok na sana ng pinto. Saktong pagbukas naman nun at iniluwa si Asher na galit na galit.

Umurong ako pero hindi ako natinag sa mga galit na mga mata ni Asher.

"Anong ginawa mo"

Malamig na sagot ni Asher hindi ako sumabat.

"Sagot! Sabi ng anong ginawa mo!"

Galit na sigaw nito. Tinignan ko siya ng masama. Naiinis ako dahil sinigawan niya ako.

"Wala kang karapatan sigawan ako at wala akong sasabihin!"

Sagot ko dahilan ng sinuntok ako sa mukha. Napa ngisi na lamang ako.

"Ako ang kailangan ni Alice at hindi ikaw. Hindi ka naman niya mahal eh"

Sabi ko habang may pang aasar na expression sa mukha habang naka tingin kay Asher. Mukhang nagalit siya sa ginawa ko at susuntukin na sana ako pero naiwasan ko ang suntok niya.

"Ikaw ang dapat umalis sa buhay ni Alice at hindi ako. Pag naalala na niya ako huwag ka ng magpapakita kahit na kailan. Mag transfer ka na rin ng school"

Sabi ko. Sinamaan ako ng tingin ni Asher.

"Hindi mangyayare iyon. Aminin mo, sinabi mo kay Alice ang totoo. Kung sino ka talaga"

Malamig na sabi nito. Hindi ako sumabat dahilan ng mapa singhap siya; dahil sa hindi ito maka paniwala habang naka tingala at nasa taas ang tingin.

"Ginawa mo talaga?"

Tanong nito sa akin.

"Ano naman ngayon kung sinabi ko? Wala ka ng magagawa dahil sinabi ko sa kan'ya"

Sagot ko. Kwenelyuhan niya naman ako.

"Hayop ka! Hindi ba sabi ko sa'yo bawal dahil masasaktan si Alice. Gusto mo talaga s'yang saktan 'no!"

Sigaw nito. Buti nalang walang mga tao rito sa paligid kaya walang mag aawat sa amin dito.

Tinulak ko naman siya ng malakas dahilan ng mapa-urong siya at sandaliang nawalan ng balanse. Tinignan niya ako ng masama.

"Oo alam kung nasaktan ko siya. Dahil gusto niya rin naman malaman kung sino talaga ang taong lage nasa alaala niya"

"Walang hiya ka! Umalis kana! Pag may nangyaring masama kay Alice hindi na kita mapapatawad kahit kaibigan pa kita!"

Sigaw nito sa akin. Hindi na ako umangal at umalis na lamang. Kaysa makipag talo lalo sa kaniya ay hihintayin ko nalang si Alice na magka malay. Baka pag gising niya ako na ang hahanapin niya.