×××
"Saan kaya sila nagpunta?"
Bulong ko sa sarili ko habang nililipat ang tingin ko sa magkabilang corridor.
Nagpasya ako na sa kanan pumunta. Sana nandito sila sa gawing 'to.
Habang deretso akong naglalakad. Napa angat ang ulo ko sa hagdanan ng may narinig akong nag-uusap.
Agad akong nagtago dahil kilala ko ang busis na iyon.
"Kailan ka pa nagkagusto sa kan'ya huh!"
Busis ni Xian. Nang silipin ko sila nakahawak ang kamay nito sa kwelyo ni Dwayne at naka dikit si Dwayne sa pader dahil sa kagagawan ni Xian.
Nagtago ako ulit kasi mahirap ng makita nila ako rito.
"Nakalimutan mo na ata Zkie na magmula ng makilala natin siya pariho na tayong nagka gusto sa kan'ya"
Naka upo lang ako at hawak ang mga tuhod habang nakikinig sa mga pinag uusapan nila.
"Gago! Ang gusto kong malaman na sagot kung paano mo nagawa sa'kin 'to!"
Halata sa busis ni Xian na naiinis siya kay Dwayne.
Zkie? Parang familiar sa'kin ang pangalan na iyon. Ayon ba ang nickname ni Xian?.
Narinig kong natawa si Dwayne.
"Simple lang, dahil iyon sa pagka gusto ko sa kan'ya"
Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatayo sa pagkakatago ko ng may narinig nalang akong suntok.
Nang silipin ko sila nakahiga na si Dwayne sa sahig at nakahawak sa panga niya.
"Wag na wag mo siyang lalapitan. Dahil baka hindi lang iyan ang magagawa ko sa'yo"
Pagbabanta ni Xian. Napa tulala ako sa mga nakita ko. Hindi ko namalayan na nandito na sa harap ko si Xian.
Ang sama ng tingin niya sa akin.
"Anong ginagawa mo rito ha pangit! Nakikinig ka ba sa pinag-uusapan ng pangit at gwapong katulad ko ha! S'yempre si Asher iyong pangit. Tsk! Magsama na nga lang kayo!"
Naiiritang sabi niya at hinawi ako para makadaan siya. Napa pout ako ng naglakad na siya palayo.
Tinignan ko si Dwayne. Nakatayo na siya sa pagkakatumba sa suntok ni Xian.
"Anong nangyari sa inyo ni Xian? Masakit pa ba iyan?"
Tanong ko sa kan'ya ng makalapit ako.
Napabitaw siya sa panga niya tapos ngumiti lang siya sa akin at ginulo pa iyong buhok ko.
"Ayos lang ako parang iyon lang. Ang hina nga sumuntok ng gagong iyon eh"
Natatawang sabi niya pa sa akin. Tinignan ko lang siya ng tahimik.
Napalingon siya tapos naging seryoso.
"Kanina ka pa nakikinig sa'min?"
Tanong niya. Tumango naman ako.
"Pasensya na. Wag mo ng intindihin iyon... Tara"
Sabi niya sa akin at inaya na niya akong maglakad.
"Magka away kayo ni Xian?"
Hindi ko mapigilang tanong ko sa kan'ya. Nakaka curious din kasi.
"Oo matagal na"
Simpleng sagot niya sa akin. Napa yuko ako.
Nakakahiya kong mag tatanong pa ako ulit. Siguro hindi nalang ako makikisali sa kanila.
Nang makapasok kami sa room bumungad agad sa amin ang mga kaklase ko na nag iingayan. Hudyat na tapos na iyong klase namin kanina.
Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa upuan at napansin ko si Xian na naka tingin sa labas ng bintana.
Nang sundan ko ang tingin niya nanlaki ang mata ko na naka tingin siya kay Farra. Nasa court si Farra at nag j-jugging kasama ang buong section nito.
Napalingon ako sa taong tumabi sa akin. Si Dwayne at naka ngiti itong naka tingin sa labas.
Nang sundan ko rin ang tingin niya kay Farra rin ito naka tingin.
Tama ba itong hinala ko na si Farra ang pinag aagawan nilang dalawa ni Xian?
Iyong babae kanina na nakikipag kaibigan din sa akin.
"Ang ganda niya 'no? Alice"
Naka ngiting sabi ni Dwayne habang hindi inaalis ang tingin niya doon kay Farra.
Hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman. Iniling ko iyong ulo ko. Tapos ngumiti kay Dwayne.
"Oo Dwayne maganda siya. Bagay kayo"
Tipid na ngiti ko sa kan'ya. Bakit parang ang bitter ng ngiti ko?
Nakakatawa.
Tumingin siya sa akin at ngumiti siya ng malawak parang nagustuhan niya ata iyong sinabi ko.
"Talaga Alice bagay kami?"
Sabi niya sa akin. Umiwas ako ng tingin. Nakakasilaw naman ang kasiyahan sa mukha ng lalaking ito.
"By the way Alice gusto mo ba makilala si Farra? Gusto ko rin kasi na mag kaibigan kayong dalawa"
Sabi niya sa akin. Hindi niya lang alam nakipag kaibigan na iyong babaeng gusto niya sa'kin.
"Kaibigan ko na siya"
Sabi ko sa kan'ya, hindi naman siya makapaniwala.
"Talaga! Kailan?"
Tuwang-tuwa niyang sabi.
"Kanina"
Nakangiwi kong sagot. Grabe naman iyong reaction niya.
Habang nagsasalita si Dwayne. Napansin ko ang mga tingin sa akin ni Xian.
Nakakunot-noong naka tingin ito sa akin at palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Farra na nasa court parin hanggang ngayon.
Ilang sandali napa smirk siya at ibinalik na muli ang tingin kay Farra.
Anong nangyari ro'n sa lalaking iyon? Ang weird niya kanina ha? Mas weird pa sa nararamdaman ko.
Oras na ng uwian. Matapos ang buong klase namin sa araw na ito. Lumabas na kaming lahat sa room para umuwi.
Habang naglalakad ako bigla akong napa lingon sa likod ng may kumublit sa balikat ko.
"Pasensya kana Alice ha? Hindi kita makakasabay umuwi, si Farra kasi lagi kong hinahatid mag hapon"
Sabi niya sa akin. Hindi ko alam ang ere-reaksyon ko.
"Ano ka ba ayos lang iyon. Sige na puntahan mo na siya"
Sabi ko sa kan'ya. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako bigla na kinagulat ko.
"Mag iingat ka ha? Bye"
Sabi niya sa akin at tumakbo na siya palayo. Ako naman sinundan ko lang siya ng tingin.
Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Habang naglalakad nagulat akong may sumabay sa akin. Napa tingala ako sa katangkaran niya.
Deretso ang tingin nito at parang wala lang ako sa kan'ya.
Eh? Hindi ba niya talaga alam na magkasabay na kaming naglalakad.
Parang wala naman ata ito sa sarili eh. Pansin ko kasi ang lalim ng iniisip niya.
"Pangit"
Napa lingon ako bigla ng magsalita siya. Nanlaki tuloy iyong mata ko ng makita kong nakatingin din siya sa akin.
"May gusto ka naman kay Asher diba?"
"Huh?!"
Pinagsasabi ng lalaking ito!.
"Tutulungan kita sa kan'ya para layuan na niya iyong babaeng gusto ko"
Sabi niya sa akin habang seryoso ang expression. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Hindi ko naman gusto si Dwayne eh! Slight lang naman.
"Paano kung ayoko?"
Pagbibiro ko sa kan'ya. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Never say no in the campus prince. Get it?! Sa ayaw at sa gusto mo susundin mo ang sinasabi ko"
Sabi niya sa akin. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ang kapal din naman ng mukha mo. Hindi ka naman totoong prinsepe"
Sabi ko sa kan'ya. Mas lalong tumalim ang tingin niya at halatang gusto akong pigain.
Ngumiti siya sa akin ng nakakaluko sabay lapit ng mukha niya sa akin.
"I'm the prince and your my ugly servant Alice. Pag hindi mo ginawa ang sinasabi ko hindi ko titigilan ang pambu-bully ko sa'yo. Maliwanag?"
Naka ngising sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
Nag lakad na siya ulit at iniwan na akong mag isa.
Nakakainis siya. Sa totoo lang matagal na talaga niya akong binu-bully, hindi lang isang bisis kundi maraming bisis na.
Aish!!...
Paano na?. Susundin ko ba ang binabalak ng prinsepeng iyon?.