webnovel

Chapter o1: Friend

×××

PROLOGUE

Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor ng nakayuko nung bigla nalang akong binangga ng mga babae.

"Girls nand'yan na iyong prinsepe natin, dalian niyo"

"Kyyaaahhh! Prinsepe namin!"

Sigaw nung mga babae at nag sisitakbuhan na sa likuran ko. Hindi man lang ako napansin nung mga iyon na nakaupo na sa sahig.

Nagkalat ang mga libro na dala ko pero iyong kinaiinisan ko tumalsik iyong eye glass ko dahil sa pagbangga ng mga babaeng iyon.

Malabo ang paningin ko pag wala akong eye glass sa mata. Kahit gano'n iyong paningin ko pilit kong kinakapa-kapa sa sahig iyong eye glass na natanggal sa mata ko.

"Na'san na ba iyon?!"

Bulong ko habang patuloy parin sa pagkapa. Inuna ko iyong paghahanap ko sa eye glass ko kaysa sa mga libro kong nagkalat din sa sahig.

Habang patuloy ako sa pagkapa. Bigla na lamang akong natigilan.

"Kailangan mo ata 'to"

Sabi nung nasa harapan ko. Kahit malabo ang paningin ko alam kong kamay niya ang nasa harapan ko.

Hindi ako gumalaw. Bakit nakaabot ang kamay niya sa akin? Kailangan ba niya ng shake hands?.

Dahil sa tagal kong hindi na shake hands ang kamay niya.

Nagulat akong kinuha niya ang kamay ko at may inilagay siya sa palad ko.

"Sa'yo 'to diba?"

Mahinahon na sabi niya. Kinapa ko ito ng mabilis kung anong 'binigay niya sa akin.

Nung malaman ko kung ano iyon. Nakaramdam agad ako ng kaginhawaan.

Eye glass na iyong nasa kamay ko. Matapos niya iyong ibigay sa akin inabot niya rin sa akin ang mga libro. Nung nakuha ko, tumayo na rin siya at naglakad palayo.

Rinig ko iyong mga babae na nagtitilian at parang sinusundan siya.

Sino siya?

Dali-dali kong isinuot iyong salamin ko. Para tignan ang taong iyon pero ng iangat ko ang ulo ko sa pagkakayuko.

Wala na silang lahat. Ako nalang mag isa.

Tumayo na lamang ako sa pagkakaupo ko at inayos ang aking sarili.

Si Xian Yzkeil Perez ba ang tumulong sa akin kanina? Pero bakit? Naawa?.

Sabagay hindi naman siya matatawag sa school na prinsepe kung hindi siya gentleman sa lahat ng mga babae.

Guwapo, matangkad, maamo ang mukha, maputi at makinis ang balat, malinis din s'ya kung manamit para nga siyang model eh at attractive rin siya. Matalino at top 1 sa buong campus.

Actually kaklase ko siya.

Kung itatanong niyo naman ang sarili ko. Isa lang akong nobody rito sa school namin. May salamin sa mata, pandak, tahimik, mahinhin, at... panget.

"Huy! Panget na apat ang mata gawin mo 'tong assignment namin sa math ah! Lagot ka sa'min pag walang sagot 'to bukas"

Masungit na sabi sa akin ni Karen at nag walk out sabay hawi sa kan'yang mahabang buhok.

Nang makaalis si Karen sunod-sunod na ang mga kaklase kong pinaglalapag ang mga notebooks nila.

Tahimik lang akong nakayuko. Hindi na ako umangal kasi ayoko rin naman ng gulo.

'Tsaka sanay na'ko, ganito naman lagi pag may assignment kami. Ako lagi ang gumagawa ng lahat. Minsan nga hindi na ako makatulog dahil dito.

Kinuha ko nalang ang mga notebooks nila sa desk ko at 'nilagay ko sa bag ko.

Nung naisara ko na iyong zipper ng bag ko bigla nalang akong nagulat ng may biglang may pumalo sa desk ko.

Pag tingin ko kamay ito. Tinignan ko siya at ang sama nitong maka tingin sa akin dahilan ng natigilan ako at natakot.

Anong... Bakit gan'yan siya maka tingin sa akin at bakit nandito siya sa harap ko?

"Gan'yan ka ba talaga. Mahinhin, tahimik, at mahina? Hindi mo ba kayang ipagtanggol ang sarili mo?"

Mahinahon ngunit nakakapangilabot na sabi niya.

Hindi ako makapag salita. I mean hindi naman talaga ako nagsasalita sa mga kaklase ko.

"Palibhasa kasi pangit, kaya walang mapag-mamalaki. D'yan ka na nga!"

Sabi niya at umalis na sa harapan ko para lumabas na sa room namin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya ugaling magsalita ng gano'n. Ang kinikilalang Xian Yzkeil Perez is mabait sa lahat at gentleman.

Nagpapanggap lang ba siya?... Iyon ba talaga ang totoong ugali niya pag walang taong umaaligid sa kan'ya?.

Xian Yzkeil Perez- Isang Campus Prince na tinatago ang totoong ugali...

×××

Oras ng lunch break ngayon at ito ako nasa school park. Mag isa ako ngayong kumakain na binili ko kanina sa canteen.

Lagi akong kumakain dito at hindi sa canteen dahil maraming judgemental doon. 'Tsaka hindi rin ako kumportable doon dahil pakiramdam ko maraming matang naka tingin sa akin.

Mas maayos dito tahimik, mapayapa at masarap ang simoy ng hangin 'tsaka kunti lang din ang mga estudyante rito'ng dumadaan dahil halos lahat ng estudyante sa campus na 'to ay nando'n na sa canteen. Malaki kasi iyon kaya kasya silang lahat at may bakante pang mga upuan, kung tutuusin malaki ang canteen namin idagdag pang may katabi itong cafeteria.

Habang kumakain ng sandwitch at abala sa ginagawa kong pagsusulat ng sandamakmak na mga assignment. Bigla nalang umihip ang malakas na hangin.

"U-uy!"

Abot ko sa mga papel na nilipad ng hangin. Iyong iba nagsiliparan at pumunta sa malayo. Iyong ibang nakuha ko na papel inipit ko sa mga notebooks.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa damo sa lilim ng malaking puno at pumunta sa mga papel na nagkalat. Na hindi kalayuan sa akin.

Nang mapulot ko iyong iba at kukunin ko na sana iyong isang papel bigla nalang may sapatos na umapak dito.

Napa angat ako ng ulo para tignan ang taong iyon.

Siya na naman?!... Ang laki ng ngisi niya na parang inaasar ako. Tinignan ko ang paligid ko at walang ibang tao dito kundi kami lang.

Kaya naman pala lumabas ang totoong ugali nito.

"Alam kong gwapo ako pero sorry miss hanggang tingin ka na lang"

Confident na sabi nito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

Ano naman? Wala akong pake alam sa hitsura niya. Kahit guwapo pa siya at campus prince siya ng school na'to na kinahuhumalingan ng lahat nang babae't bakla ay wala akong pake alam.

"Gwapo? Sa'n banda"

Tipid kong sabi sabay malakas na tinapik ang paa niya kung saan naka apak ito sa papel.

Napa mura siya sa sakit kaya naalis niya ang paa nito sa pagkakaapak at napa urong nalang na may halong sama ng tingin.

Kinuha ko na agad ang papel at tumayo.

Tumalikod ako sa kan'ya na parang wala lang nangyari.

Pero nanlaki ang mga mata ko ng may biglang tumulak sa'kin kaya nabitawan ko iyong mga papel at natapon ito sa iri buti nalang nahawakan ko ang salamin ko sa mata kaya hindi ito nahulog.

Umulan ng mga papel. Inis kong nilingon ang mukong na tumulak sa akin habang nakadapa sa damo.

Nang tignan ko siya, naglalakad na pala siya palayo habang ang mga kamay nito naka soksok na sa bulsa ng pantalon niya.

Nakakainis. Humanda ka sakin Xian Yzkeil Perez.

"Miss, ayos ka lang?"

Nagulat ako ng may biglang nagsalita. Pag lingon ko isang lalaki. Maamo ang mukha, guwapo rin.

Kilala ko ang lalaking ito isa siya sa sikat sa campus si Asher Dwayne Barientos. Kilala bilang Basketball team captain ng school namin.

"Nakita ko ang ginawa ni Xian. Ayos ka lang ba?"

Sa sinabi niya lumaki agad ang mata ko sa gulat.

"Wag kang mabigla alam kong galawan ng gagong iyon. Halika itatayo kita"

Sabi niya sa akin sabay hawak niya sa kamay ko at itinayo.

"Salamat"

Tipid kong sabi at pinulot na ang mga papel na nagkalat. Tinulungan naman din niya ako.

"Siguro naman kilala mo na ako"

Sabi niya sa akin sabay abot sa mga napulot niyang papel kinuha ko naman ito at tahimik na tumango sa kan'ya.

Napa ngiti siya dahilan ng napayuko ako ng ulo.

"Gusto ko rin malaman ang pangalan ng cute na babae sa harapan ko"

Mahinahon ngunit lalaking lalaki na busis na sabi nito sa akin. Bigla akong pinamulahan ng mukha at umiwas ng tingin sa kan'ya.

"A-alis na'ko, salamat doon. Kanina"

Sabi ko at agad ng tumalikod sa kan'ya. Nag tungo ako kung saan ang mga gamit ko at tumakbo na palayo pabalik sa school ng walang lingon-lingon sa kan'ya.

Bakit bigla akong kinausap ni Dwayne? Sa tagal kong nag-aaral dito ngayon lang ako pinansin ng Campus Prince at ng Basketball team captain dito sa school namin.

Sa pag iisip ko may bigla nalang akong nakabangga.

Napaupo tuloy ako sa sahig.

"Sorry miss, nasaktan ka ba?"

Halatang ang busis nito ay nag aalala. Pagtingin ko isa itong babae.

Maganda siya, maputi ang balat may hubog din ang katawan nito. In short sexy. Mahaba ang straight nitong itim na buhok na nakalugay lang.

"Ayos lang ako, walang masakit"

Pero sa totoo lang subrang sakit nung pwetan ko. Pero ayaw ko na rin makipag-usap ng matagalan sa kan'ya kaya naglakad na ako.

"Sigurado ka ba?"

Sabay pigil nito sa paglalakad ko at tumingin ito sa akin. Halatang nag aalala.

Ay talagang ang kulit ng babaeng ito.

"Oo, wag kang mag alala"

Sabi ko sa kan'ya at dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

Kaysa tanggalin bigla niyang pinigilan ang kamay ko.

"Tika, p'wede ba kitang maging kaibigan? By the way I'm Farra Jayne Jeminez, and you are?"

Sabay lahad nito sa akin ng kamay para makipag shake hands.

Tinignan ko lang ito at nag isip.

Wala naman sigurong mali kong sasabihin ko sa kan'ya ang pangalan ko. Iiwasan ko nalang siya. Ayoko din naman kasi ng kaibigan sa school na 'to dahil sa susunod na school year lilipat na rin ako ng school.

"Alice"

Sabi ko sabay hawak ng kamay niya at tinanggal ko agad. Napa kunot siya ng noo pero agad din namang ngumiti.

"Sa napapansin ko. Mahiyain ka at pala iwas sa mga tao. Bakit?"

Tanong nito sa akin. Umiwas lang ako ng tingin.

Gano'n ba kahalata ang kilos ko?.

Hindi ako sumagot hanggang sa mag bell na, hudyat na tapos na ang lunch break.

"Ay halla! Bell na. See you when I see you friend Alice. Bye"

Masayang paalam nito at tumakbo na palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin at maya-maya tumalikod na rin ako para maglakad at pumasok sa room ko.

Nandito na ako sa room, kasalukuyan akong naka titig sa labas ng bintana at naka tingin sa dalawang ibon sa sanga ng puno habang pinapakain ang mga inakay nila.

Habang hinihintay ko ang guro namin, biglang tumahimik ang mga kaklase ko. Hindi ko sila pinansin at tuloy parin ako sa pag titig sa dalawang ibon.

"Ehem! Class bago tayo magsimula sa ating klase may ipapakilala akong bagong kaklase niyo. Actually galing siya sa kabilang section. Hijo you may come in"

Rinig kong sabi ng guro namin. Habang sinasabi iyon ng guro namin panay bulong itong mga kaklase ko.

Halatang curious at may pagtataka ang mga bulungan nila. Panay tanong kasi ang mga naririnig ko.

Biglang tumahimik ang paligid na kinakunot ng noo ko pero hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa labas ng bintana.

Ilang sandali muli na namang may bulungan galing sa mga kaklase ko.

"Oh my gush! Girls, si Dwayne oh!"

"Bakit siya nalipat dito?"

"Totoo ba 'to! Ang basketball team captain nasa class na natin?!"

Rinig ko sa likuran ko. May bulungan pa akong naririnig pero hindi ko na maintindihan sa hina nito.

Basketball team captain?

Dwayne?

Sa pagtataka ko napalingon na rin ako sa harap.

Bigla akong natigilan.

"Asher Dwayne Barientos, class your new classmate"

Pakilala ng teacher.

Huh? Anong ginagawa niya rito?.

下一章