webnovel

CHAPTER 7: Dream? or Reality?

Jayzi's Point Of View

Magkaharap kaming nakaupo ngayon ng babae dito sa kwarto ko. Ilang minuto na kaming nagtititigan dahil hindi parin ma-sink in sa utak ko kung anong nangyari kanina.

"Sino kaba talaga ha?" Pagbabasag ko ng katahimikan.

"Secret." Nakangiti lang ito sa'kin. Napakagat nalang ako sa'king labi dahil naguguluhan na'ko. Bakit hindi sya nakikita nila Ate?

"Multo kaba?" Para akong tanga. Gusto kong matakot sa kanya pero mas nangingibabaw ang kuryosidad ko sa pagka-tao nya. "Bakit hindi ka nakikita nila Ate?"

"Bago ko sagutin ang mga tanong mo,pwede ko bang malaman ang pangalan mo Mr.?" Kanina nya pa tinatanong ang pangalan ko,hindi ko naman 'yun masagot dahil busy ako kakaisip sa nangyari kanina.

"Jayzi,pero pwede mo naman akong tawaging Jay." Sagot ko.

"Gay?" Nagtatakang tanong nito. Napakunot ang noo ko.

"Jay." Pag-didiin ko.

"Ahhh Gay,Okay tatawagin kitang Gay." Halata sa tono nito ang pangangasar.

"Jay nga sa sabi 'e." Irita kong sabi. Tinawanan lang ako nito. Psh,may saltik talaga ang babaeng 'to.

"Okay Gay...bago ko sabihin ang lahat ipangako mo muna sa'kin na wala kang pag-sasabihan tungkol sa mga sasabihin ko,maliwanag ba?"

"S-sige.." Bigla kong kinabahan dahil sumeryoso ang mukha nito.

"Pangako?" Muling tanong nito. Tumango ako.

"Oo,pangako." Muli itong ngumiti at inayos ang kanyang sarili. Mukha syang masiyahin 'e no? Pero mapangasar nga lang syang babae.

"Isa kong multo.." Panimula nito. Hindi ko alam pero wala kong naramdamang takot at nanatili lang akong nakatingin sa mga mata nito. "Meron akong misyon sa mundong 'to at kapag nagawa ko ang misyon ko muli akong mabubuhay bilang isang tao." Hindi ko naiwasang matawa.

"Seryoso kaba? Misyon? Tapos mabubuhay ka ulit? Kalokohan." Napahawak ako sa'king mukha ng hampasin ako ng unan nito. "Aray!"

"Makinig ka muna!" Huminga ito ng malalim para pakalmahin ang kanyang sarili. Napakamot nalang ako sa'king ulo. Paano ko naman paniniwalaan ang mga ganitong bagay? "Kailangan kong ayusin ang tadhana ko para mabago ang buhay ko at kapag nangyari yun makakabalik ako sa katawan ko."

"Ano naman ang kinalaman ko ro'n? Tsaka sa dinami-dami ng bahay na pwede mong mapuntahan bakit dito sa bahay namin? Tsaka bakit ako lang ang nakakakita at nakakahawak sa'yo?" Muli itong ngumiti,isang nakakaasar na ngiti.

"Hindi ko rin alam." Nalaglag ang panga ko. Paanong hindi nya alam? Sabi na 'e kalokohan lang ang lahat.

"Kalokohan! Sige nga kung multo ka patunayan mo sa'kin!" Tinignan lang ako nito.

"Tinatamad ako."

"Hoy Miss kung gagaguhin mo lang ako,umalis kana rito,may pamulto-multo ka pang nalalaman!"

"Hindi ka ba talaga naniniwala?"

"Hindi ako maniniwala hangga't hindi mo pinapatunayan sa'kin." Pinagpagan ko ang aking sarili bago tumayo.

"Sige,papatunayan ko." Tumayo na rin ito at humarap sa'kin. "Teka nga,ano bang pangalan mo ha?" Napatingin ito sa'kin at ilang segundo rin ang nakalipas bago nya ko sagutin.

"Hindi ko rin alam 'e." Sagot nito habang kinakamot ang kanyang ulo.

"Hindi mo alam ang pangalan mo?" Umiling ito.

"Wala 'kong alam tungkol sa pagkatao ko at kung anong meron ako noong buhay pa'ko." Hindi ito makatingin sa'kin.

Sino ba talaga ang babaeng 'to? Totoo ba talagang multo sya at meron syang misyon? Nananaginip lang ba 'ko? O totoo ang lahat ng 'to?

下一章