Pagpatak ng alas-siyete ng umaga ay nakahain na ako. Tapos na rin akong maligo at mag-ayos kaya ngayon ay naka-crossed legs na nakaupo na lang ako sa single-seater na sofa habang nagbabasa ng magazine. Hinihintay ko ang paggising ng asawa na namamaluktot sa ilalim ng black blanket na ikinumot ko sa kaniya kanina. He looks like a child in his fetal position. Ang sarap kunan ng picture bilang memorabilia.
Nang magsawa na sa kakatingin ng mga bagong muwebles para sa bahay sa magazine ay inabot ko ang newspaper sa tabi at binuklat. Nasa front page agad ang yakapan naming dalawa ni Cholo noong isang araw. Sinuri ko ang pangalan ng local news outlet. Kilala ko ang may-ari nito.
"Oh dear, bakit hindi man lang nila i-n-e-dit ang lighting ng picture. Nagmukha tuloy hindi pantay ang make-up ko rito."
Kinuha ko ang dalang compact mirror at sinipat ang sarili para siguraduhing perfect ang pagkakalagay ko ng eye shadow at eyeliner. Nang makontento ay ibinalik ko sa bulsa ng suot na ankle-length black dress ang salamin.
Naramdaman ko ang paggalaw ni Cholo sa sofa kaya ibinaba ko ang hawak na dyaryo at hinintay ang paggising ng asawa. Hindi naman ako nag-antay nang masyadong matagal dahil ilang minuto lang ay nagmulat na ito ng mga mata. His grey eyes is full of confusion not until his gaze caught mine.
"Good morning, hubby." Binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti nang tuluyan na itong makaupo habang sapo ang ulo.
He looked at me coldly and stood up as if he had not seen me. Tumayo naman ako at sinundan ito habang inaakyat ang hagdan.
"Tapos na akong magluto para sa agahan natin. Hinihintay lang talaga kitang magising para sabay na tayong kumain. Anyway, what would you like your coffee to be? Pure black? With sugar? With cream or milk? What do you want?"
Tumigil ito sa gitna ng hagdan at nilinga ako. Binigyan ko naman siya ng isang maaliwalas na ngiti.
"Stop this, Karina. Umagang-umaga, sinisira mo na kaagad ang araw ko. Do me a favor and get out of my sight now." Sinuklay nito ang magulong buhok at inihilamos ang kamay sa mukha dahil sa labis na frustration.
Hindi ko ininda ang sinabi nito at parang hangin na inilabas ko lang sa kabilang tenga.
"I see that you still have a hangover. Don't worry, I know a very effective medicine for that. Just wait after I prepare all the things for you."
Nilampasan ko siya at dali-daling inakyat ang hagdan at tinahak ang daan papunta sa silid namin. Binuksan ko ang pinto para sa kaniya at tinumbok ang walk-in closet kung saan nagkalat pa ang mga bagahe ko sa buong sahig.
"Siya nga pala. Nakalimutan kong ipaalam sa iyo na nagkusa na akong ilagay ang mga gamit ko rito. It's too small for my things so I decided to extend the place or can I have my own room for my clothes and things then? Please, Cholo?"
Wala akong narinig na anumang sagot kaya nilingon ko siya. Nakatitig ito sa kama na kulay itim ang bed cover, unan, at sheets. Pinalitan ko ito kanina habang natutulog ito. Balak ko pa ngang palitan na rin ng mga black curtains ang lahat ng kurtina pero baka maghuramentado na ito. Sa ngayon ay uunti-untiin ko muna para hindi siya masyadong mabigla. I have so many big plans for this house and now that I am the matriarch, no one can stop me from doing all the major revisions I have in mind.
"Why did you change it? And of all the colors, why black? Are you planning to turn this room into a burial site? And who told you to put all your things in my room? Karina, I am already on my edge from you being here. This, I cannot tolerate this anymore."
Ramdam kong pinipigil lang nito ang pagsambulat ng galit kaya hindi ko muna itinuloy ang balak na pagpasok sa walk-in closet. Instead, I walked near to him and faced his red face headstrong. I did not feel any hint of fear. His anger is just a piece of peanut that I am so used of consuming the past years.
"Hubby, I am your wife so it's only natural that I took charge of all the matters in our house. Don't fret too much about the color, okay? It's just a color. Ayaw mo sa kulay, then let me change it later for you, okay?"
Tinanggal ko ang necktie na nakabalabal sa may kuwelyuhan ng polo nito.
"Go now. Take a shower while I prepare for your things, okay?" malambing kong saad at bahagya itong itinulak papunta sa banyo.
He stopped me using his hands and yanked my hands away from his arms. Nagawa pa niya akong tapunan nang isang malamig na tingin bago ito tumalikod at naghubad ng pang-itaas. I still caught the sight of his naked broad back before he closed the shower door.
Nawala ang praktisado ko nang ngiti sa mga labi at pumalit ang isang blankong ekspresyon. I still heard the sound of the shower before I turned towards the door to the closet. Pumili ako ng mga susuotin niya. I picked up a black trousers, a navy blue polo, a silver neck tie, and a pair of gold cuffs. Ako na rin ang kumuha ng sapatos at relo niya mula sa daan-daan nitong mga accessories na nakalagay sa de-salamin na kahon. Hinakot ko ang lahat ng ito at maingat na inilatag sa ibabaw ng kama, iniiwasang may malukot ni isa sa mga ito. Bumalik ako sa closet nang may makalimutang kunin. I opened the lowest of the drawers and pulled out a boxer and brief. Itinabi ko rin ito sa mga damit na nasa kama. Nang makontento na ay lumabas ako sa pinto at nagpunta saglit sa banyo sa second floor para ayusin ang sarili. Baka may smudge ako ng lipstick at masscara or maybe my hair is out of its order. Nang matapos ay dali-dali akong nagpunta sa kitchen para maghanda na ng agahan.
"Nena, ako na diyan. Leave it to me," utos ko sa katulong na nakita kong nag-aayos ng mesa.
"Okay po, ma'am."
Tumalilis agad ito ng lakad palayo sa akin nang hindi man lang ako tinitingnan. Hindi ko alam kung bakit sila nangingilag sa akin. If it's because of what happened that day when they refused to let me in then they should not be thinking bad about me. I am not taking it against them.
Sumusunod lang sila sa mga iniuutos sa kanila. I've been in their shoes so I have a firsthand information about doing the things even if you don't want to do it yourself. I know the feeling so well that I have become so accustomed to it back then. Buti na lang talaga at hindi ako panghabam-buhay na nasadlak sa ganoong buhay. But the scars are still here. I am still paying the price out of my freedom from it.
I blinked several times to remind myself that I am no longer the prisoner of the past. I am now in this situation and I should not let it affect me. I have far more important things to put my attention into.
Nagtitimpla na ako ng pangatlong tasa ng kape nang makita kong bumababa sa hagdan si Cholo. His hair is still wet and the droplets from it are dripping down to his black polo. Nawala saglit ang ngiti ko nang mapansin kong wala sa mga napili kong damit at accessories ang suot niya ngayon. I consoled myself. I forgot that he has his own taste in clothes. I just wondered kung pati ba briefs nito ay iba rin sa inilagay ko. I smiled at the thought.
"Good morning, hubby," masigla kong bati dito at naglagay ng plato sa harapan nito pagkaupung-pagkaupo nito. Wala akong sagot na nakuha. Binalewala ko lang ito. Sunod kong kinuha ang tatlong cups ng kape.
"I don't know what kind of coffee do you prefer so I just made three of it. This is pure black. This is without sugar and this one right here has cream. Just pick whatever you want or you could tell me right now what kind of taste do you like. I'd be happy to know it."
Tila naaalibadbaran na tinapunan niya ako ng sulyap.
"You don't have to do this. I can make a coffee for myself." Pinasadahan nito ng tingin ang anim na putahe na nakahain sa mesa na dugo at pawis ang ipinuhunan ko para matapos lang.
"This is so unnecessary. Do you know that I don't eat breakfast here?" Hinuli niya ang mga mata ko. "Wag ka nang magpagod pa na magpabango pa sa akin, Karina. That won't do. At the end of the day, I still want you out of this house and out of my life forever."
Tumayo ito at binuksan ang ref para kumuha ng isang bote ng energy drink saka walang pasabi na lumabas ng dining area at dinampot ang attache case at susi ng kotse na nasa sofa. Wala na akong nagawa kundi habulin ito ng tingin hanggang sa lumabas ito ng pinto.
Tinitigan ko na lang ang mga tasa ng kape sa harap ko.
"Pasalamat siya at coffee lover ako."