webnovel

DISTRACT

Tagaktak ang pawis ni Samarra habang nakatayo sa rooftop kung saan tanaw niya ang malawak na dagat ng San Carlos. Katatapos niya lang mag-workout simula kasi nang umalis siya ng walang paalam para mag-jogging sa kanilang village hindi na siya pinayagan na umalis. Kahit gusto niyang mamasyal sa kaniyang shop hindi rin siya pinayagan. Dahil kasi sa ka-OA-han ni Zachary nang hindi siya makita nito. Agad tumawag sa magulang nito at itong Ezekiel naman sumobra rin ang pagiging OA. Tumawag at nagpapunta ng mga police sa bahay at ipinamalita agad sa kaniyang magulang. Nang malaman ng Mommy Samantha niya na dalawang oras na siyang hinahanap nawalan ito ng malay. Pinauuwi na nga siya agad sa Australia kaya naman kinausap niya ang kaniyang Daddy Frost at nanindigan na hindi na lang siya lalabas ng bahay. Kaya pati ang pagbisita niya sa kaniyang mga shops ay naantala. Ang study room ang kaniyang ginagawang opisina para ma-monitor pa rin niya ang kaniyang business.

Habang nakatanaw at nagpupunas si Samarra ng kaniyang pawis. Sinulyapan niya ang kaniyang smart watch alas singko pa lang ng hapon. Himala at maaga ang kaniyang asawa na umuwi ngayon. Simula ng insidenteng pag-alis niya hindi siya nito kinakausap at ito naman ang hindi mapirmi sa bahay nila. Halos araw-araw wala ito. Tss. Asawa? Parang hindi naman, dahil kung tutuusin para lang silang magka-boarding mate. Oo! Nagtatabi sila sa higaan pero hindi niya ito nakikita. Dahil umuuwi ito ng hating gabi tapos aalis din ng madaling araw. Hindi maiwasan ni Samarra mapasimangot. Tsk! Pakialam niya ba kung saan ito nagpupunta. Bubuwelta na sana siya patalikod.

Nang makita na may humarang na isa pang sasakyan sa dadaan ni Zachary papasok sa kanilang gate. Mabilis itong bumaba ng sasakyan. To her surprise isang maganda at matangkad na babae ang bumaba. Napakunot siya ng kaniyang noo. She can't be wrong because she knew this woman very well from head to toe. Napalunok siya dahil ang babaing ito ay si Claudel ang girlfriend ni Zachary. Mukhang galit ito at kinakalampag ang hood ng sasakyan, base sa expression na nakikita niya. Gustong-gusto nito na palabasin si Zachary dahil nagsisigaw na ito at ilang ulit pinagpupukpok ang sasakyan. Napaurong siya nang bahagya para hindi siya makita ni Zachary. Bumaba ito at tumingala muna sa itaas bago hinarap ang babae. Marahil tinitingnan kung nandoon ba siya. Napatakip siya ng kaniyang bibig habang ang mga mata niya ay nanlalaki dahil sa ginawang pagsampal at pagbabayo ng babae sa dibdib ni Zachary. Sa itsura ng mga ito nag-aaway ito at walang tigil sa kakaiyak ang babae. Napasinghap siya at pigil ang hininga nang makita niya ang asawa na lumapit at ikulong si Claudel sa bisig nito. Inaalo-alo ito at tila may binubulong pa ito sa babae.

Ang kakapal ng mukha d'yan pa talaga sila sa tapat ng bahay. Tss. Kahit kailan talaga. Naiiling si Samarra at planong ituloy ang naudlot na pag-alis sa kaniyang pinagtataguan. Ngunit natigilan na naman siya nang makita niya na naka-akbay si Zachary sa babae at inakay papasok sa kanilang bahay.

What the hell! Why did he let that girl into their house? Naninikip ang dibdib ni Samarra sa kaniyang nasasaksihan. At hindi niya gusto ang nakikita. Hindi siya mapakali at nagpalakad-lakad habang iniisip kung baba o mananatili lang muna sa itaas. Bakit kailangan niya pang papasukin ang babae sa kanilang bahay? Napahilot siya sa kaniyang sentido sasakit talaga ang ulo niya. Hindi man lang siya nirerespeto ni Zachary. Damn! Hindi puwede 'yong ganito. Nang mapagpasyahan na niyang bumaba saka naman siya nakarinig na pag-ugong ng sasakyan palatandaan papaalis na. Mabilis siyang sumilip nakita niya ang sasakyan ng babae. Kaya dali-dali siyang pumanaog para makausap ngunit wala siyang Zachary nakita nanghihina siyang napaupo sa huling baitang. Napalunok siya at nag-iinit ang kaniyang mata. Tila may kumurot sa kaniyang puso at may bumubulong na sundan ang sasakyan.

Mabilis siyang lumabas at tinatanaw ang direksyon na kakaalis na sasakyan hindi nangimi si Samarra sa kaniyang ayos at lakad-takbo ang kaniyang ginawa ngunit malayong-malayo na ang sasakyan. Nang mapagod huminto siya at napayuko. Ang kaniyang mata parang may sariling buhay na biglang tumulo nang hindi niya namamalayan.

Nakarinig siya ng paghinto ng isang sasakyan. "Miss, are you okay?" nag-aalalang tanong nito. At hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Napilitan siyang tumingin sa direksyon nito at tumango.

"Saan ka ba pupunta? Puwede kitang ihatid?" alanganin na tanong uli nito sa kaniya.

Napatayo siya ng tuwid at pinahiran niya ang hilam na luha gamit ang kaniyang palad at ngumiti.

"Ahmm. Okay lang ba kahit isabay mo lang ako hanggang labasan ng village?" marahan niyang tanong kahit ang totoo gusto niyang magpahatid sa mismong hotel kaya lang nahihiya siya.

"Okay lang kung hindi puwede," alanganin niyang ngiti nang hindi ito sumagot sa kaniyang tanong at matiim lang ito nakatingin sa kaniya.

Napabuntong-hininga si Samarra at napilitan maglakad papalapit sa sasakyan kinaway-kaway niya ang kaniyang palad sa mukha nito.

"Oh… sorry, may naisip lang ako," paghingi ng paumanhin nito at umiling-iling.

"Puwede naman, pasok ka." Binuksan pa nito ang passenger seat. Nang makapasok siya ay agad itong nagpakilala.

"Hi! I'm Vince, and you are?" anito sa kaniya. Napangiti siya at bumaling sa lalaking nagpakilalang Vince.

"I'm Samarra," anya at itinuon ang tingin sa daan.

Habang binabaybay nila papalabas ng village nagtanong ito kung saan siya banda nakatira at anong ginagawa niya sa lugar na pinaghintuan niya. Alibi niya na lang na pupunta siya sa Buenavista hotel at plano lang niya mag-jogging hanggang doon. Kita niya na may pagtataka sa mukha nito at parang hindi naniniwala pero nagkibit-balikat lang ito.

Namalayan na lang niya inabutan siya nito ng jacket. "Para saan ito?" takang tanong niya kay Vince.

Ngumiti ito sa kaniya. "Ms. Samarra hindi ka ba aware na nakaka-distract ang suot mo?" pilyong sagot nito sa kaniya.

Distract? Pinasadahan niya ng tingin ang sarili nakasuot pa rin siya ng sports bra at hi-waist cycling na ternong kulay navy blue. At wala siyang nakikita na masama sa kaniyang suot. Atubili siyang tanggapin ang jacket nito pero sa huli ay napilitan na lang siyang tanggapin.

"Vince, salamat. Huh, babalik ko rin 'pag nagkita tayo." Anya at bumaba nang tuluyan sa sasakyan.

Isinuot ni Samarra ang jacket ni Vince bago tumuloy papasok sa loob ng hotel. Agad na pumunta si Samarra sa concierge.

"Hi! I'm Samarra. I'm looking for Mr. Buenavista?" nakangiti niyang tanong.

Biglang nagkatinginan ang mga ito. "I'm looking for Ezekiel Buenavista?" pag-uulit niyang tanong. Baka nalilito ang mga ito kung sinong Buenavista ang hinahanap niya.

"Ms. O' Harra?" alanganin na tanong ng bagong dating sa kaniya.

"Yes, I'm looking for Mr. Buenavista," anya.

"I'm Jax Johnson, Concierge Supervisor," pagpapakilala nito sa kaniya.

Tumango lang siya at mabilis siyang sinamahan nito patungo sa private elevator patungo sa mismong penthouse ni Kiel. "Salamat," anya bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator.

Kinakabahan si Samarra nang huminto ang elevator sa mismong loob ng penthouse ni Ezekiel. Napasinghap siya nang mabungaran si Ezekiel pagbukas ng elevator. Na tila bang alam nito ang kaniyang pagdating. Hindi niya pa natatapak papasok ang paa sa loob ng penthouse hinila na siya ni Kiel. The next thing she knew yakap-yakap na siya nito. She heard familiar curse. At ang kanina niya pang pinipigilan na iyak ay kusang lumabas sa kaniyang mata.

下一章