webnovel

TRUE FORM

"Hindi ko alam kung sang parte ng dagat nakatira ang ibang kauri namin, dito sa lugar na to dalawa lang kami ni Ezra ang namumuhay ng tahimik dun sa Caribean, kaya lang ako nagagawi dito sa lugar nyo dahil nacucurious ako kung paano mamuhay ang isang mortal, pinapanood ko sila habang nasa kaanyo-ang tao ako, nung gabing nakita mo ako na nakaupo dun sa mga bato, kagagaling ko lang sa caribean nun, hindi ko alam na may tao na dito sa bahay na i to, kaya sobrang nagulat ako nung tinawag mo ako non" sagot nya sakin kaya napangiti ako.

"Ahhh so, kaya ka pala nakahubad nun kasi katratransform mo lang?" tanong ko

"Ano yung transform?" taka nyang tanong.

"Ah hehe, yung ano kapapalit mo lang ng anyo" paliwanag ko, ngumiti naman sya sakin at tumango.

"Kung ganun, bakit nung lumabas ako hindi kita nakita, san ka pumunta?" taka ko ding tanong

"Bumalik ako sa dagat, tapos nung gabing nakita kitang nakaupo ka dito kung san tayo nakaupo ngayon, nasa likuran ako ng bato, tahimik kitang pinapanood" nakangiti nyang sabi, kaya pala pakiramdam ko non may nanonood sakin.

"Sabi kasi samin ng professor namin, nakakatakot daw ang mga sirena, nang aakit daw sila sa pamamagitan ng malambing nilang boses at kapag nahulog sa spell yung biktima nila hihilahin daw nila sa kailaliman ng dagat" paliwanag ko, napakunot naman sya ng noo sakin .

"Ganyan ba ang pagkakakilala samin ng mga mortal?" tanong nya

"Sila, pero ako hindi, dahil napatunayan ko na hindi ka ganon" sagot ko.

"Gaya ng paliwanag ko sayo kanina, pagkanta lang ang alam namin, ginagamit namin ang musika para iparating nararamdaman namin sa ibang nilalang, ginagamit namin ang musika para pakalmahin ang mga nag lalakihang alon, wala kaming intensyon manakit o pumatay ng mga mortal" paliwanag nya

"Sadyang mga mortal lang ang kelangan namin layuan" dagdag nya kaya medyo kumirot dibdib ko para sa kanya, puro paninira sa mga uri nila ang itinuturo at alam ng mga tao ngayon, pero sa katunayan, mga tao talaga ang nakakatakot na dapat iwasan hindi mga kagaya nila.

"May tanong dito kung mababait ang mga sirena, pero ako na mismo ang sasagot dito sa tanong na ito" sabi ko, kaya napangiti sya.

"Last question, nalulunod din ba kayo kapag nakatagal kayo sa lupa?" tanong ko.

"Kapag nasa anyong sirena kami, saka lang kami nalulunod sa lupa, pero kapag anyong tao kami kahit tumagal kami ng taon sa lupa hindi kami malulunod, basta wag lang kami mapalayo sa dagat" sagot nya.

"Wow, may irereport na ako next week, gusto mo ba sumama sakin sa city?" tanong ko, tumungo naman sya tapos sobrang lungkot nya.

"Gaya ng sinabi ko kanina, hindi ako pwede lumayo sa dagat" sabi nya, kaya nakaramdam din ako ng pag kalungkot.

"Kung ganun hindi ko na maririnig boses mo" malungkot ko ding sabi.

"Alam ko kung gaano ka- importante sa isang mortal ang mag aral, pwede mo naman ako dalawin dito, pumunta ka lang sa coastal at tawagin pangalan ko" nakangiti nyang sabi, tumayo naman ako at yumapos dito sa may likuran nya.

"Ipinapangako ko, walang sino mang tao ang makakaalam tungkol sa inyo, mananatili kayong fairytale sa mundong to" nakangiti kong sabi

"Ano yung fairytale?" tanong nya.

"Parang kathang isip lang" sagot ko, humawak naman sya ng mahigpit sa braso ko.

"May isang katanungan kang hindi naitanong" sabi nya, kaya nagtaka ako bigla.

"Gaya ng ano?" tanong ko

"Paano maririnig ng isang mortal ang tinig na musika ng ibang sirena" sabi nya kaya nanlaki mata ko.

"Pwede marinig ng kagaya namin ang ibang kauri nyo?" gulat kong tanong, ngumiti at tumango tango naman sya sakin.

"Paano???" agad kong tanong, tumayo naman sya at humarap sakin.

"Sumama ka sakin, lalangoy tayo" nakangiti nyang sabi. Agad ko naman kinuha yung mga gamit ko sa paglalangoy.

Makalipas ang ilang minuto naming paglalakad, Luminga linga muna sya sa paligid tapos tumayo sya dun sa dulo ng clif saka sya tumingin sakin.

"Susunod ka ha" sabi nya.

"A-a-h, o-h s-ige" bulol kong sagot sa kanya, bigla naman sya tumalon, kaya napatakbo ako papunta dito sa dulo ng clif at dumapa, hinanap hanap ko naman kung nasan sya kaso hindi ko matanaw kung nasan na.

"Kendrick!!" sigaw nya mula dun sa may parteng gilid. kaya agad ako napalingon.

"Antayin mo ako" sigaw ko din, kumaway naman sya sakin.

Agad ko naman sinuot yung goggles ko, tapos sinilip ko muna yung babagsakan ko.

"Susko po!" bulong ko sa sarili ko, pumikit na lang ako saka tumalon.

Pagkabagsak ko sa tubig, kita ko naman sya na papalapit sakin, kahit nasa tubig ako pakiramdam ko nagtayuan balahibo ko nung makita ko yung buntot nya, agad nya naman ako hinawakan at ini-angat.

"W-w-wo-wow" bulol ko na lang sabi sa kanya, napahawak naman ako sa balikat nya, pakiramdam ko pupulikatin ako dahil sa nakita ko.

下一章