"Vergel!" kumuha siya ng ilang hibla ng kaniyang bangs para itakip sa kaniyang mga mata. Kulang na lamang ay maglakad siya ng naka-pikit para makaiwas.
"Vergel, ano ba?!" nahabol parin siya nito. Sinubukan niyang ipagpatuloy ang paglalakad ngunit umarang na sya sa daan. Napalunok na lamang siya.
He can't see this girl now. Especially staring into her very tender eyes with flickering eyelashes ... eyes that seem to contain amazing things about her whole being. He wants to travel and see what is inside of these eyes but he's even more enchanted by the unique beauty she possesses. He finds it difficult to lose her gaze so he just avoids it because he feels that this girl is taking him to another world especially when she's close to him.
Hindi niya alam kung kailan iyon nag-umpisa. Nagising na lamang siya na iba na ang kaba kapag kaharap ito.
"Vergel." Naka-taas na ang kilat nito.
"H-ha?" Hindi niya talaga kayang tumingin dito ng matagal.
" Ang sabi mo sakin sa 16th birthday ko may ibibigay ka. Pero wala ka kahapon. Ikaw lang ang wala." Malungkot na sabi nito.
" Huh?...Uh..—um.. Happy birthday." Pero nakatitig parin ito sa kaniya na para bang sinusuri ang buo niyang mukha.
"Asan ang regalo ko?" Inilahad pa nito ang palad na para bang naghihintay ng kaniyang ibibigay.
"N..nasa bahay eh" sabi niya.
"Bakit hindi ka pumunta?" Tumapang bigla ang mukha nito.
"Iniiwasan mo ba ko?"
"Hindi ba importante sayo ang kaarawan ko?"
"Sabihin mo nga sakin, galit ka ba sakin?"
Hindi niya alam kung alin sa mga tanong nito ang dapat niyang sagutin.
"Oh!—Razel!" Nakahinga siya ng maluwag nang makitang padating si Razel.
"Hoy! Sandali!" Hindi pinansin ni Vergel si Moma bagkus lumapit siya sa kaibigan.
"Moma, pasensya na. May hindi kasi ako naintindihan dito sa math. Pwede mo ba ipaliwanag ulit sakin?" Susundan niya sana si Vergel ngunit biglang sumulpot si Anielle.
"Vergel!" Hindi talaga siya nilingon nito.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Razel nang bigla siyang akbayan ni Vergel. Natamaan pa sila ng mga batang nagbabatuhan ng kung anu-ano kaya medyo iritang nagpagpag sila ni Razel.
"Tinatawag ka ni Moma." Ani Razel. Pero hindi kumibo si Vergel.
"Anong ginawa mo?" Kumawala si Razel sa pagkakaakbay nito.
"Wala akong ginagawa. Ako!—Ako dapat nagtatanong ng ganiyan. Anong ginawa niya sakin?" Depensa ni Vergel. Pero mas lalo lamang kahina-hinala kay Razel ang sagot na iyon ni Vergel.
"Hindi ko alam. Kinakabahan ako. Lalo na pag nasa malayo sya. Parang hindi na sya yung Moma na kilala ko. Parang papatayin niya ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko kapag nandyan siya. Hindi ko na manguya ng maayos yung kinakain ko minsan kasi para na syang nakatira sa isip ko. Hindi sya maalis kahit anong gawin kong paglilibang at—"
Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil sa ginawa ni Razel.
"Moma! May gusto sayo si Vergel!" Tinakpan niya ang bibig nito pero natanggal agad ni Razel.
"Moma! Si Vergel—hmmm..hmpp.."
Natatawa si Anielle habang pinagmamasdan sina Vergel at Razel.
"Ano daw?" Tanong ni Moma. Nakangiting nagkibit-balikat lang si Anielle.
"Ano ka ba? Kaya ayoko magsabi sayo eh." Tinawanan sya ni Razel.
" Bakit di mo nalang aminin?"
" Aminin ang ano?" Biglang tanong ni Joseph na kumakain ng suman.
"Ito kasing si Vergel, may gusto kay Moma." Sabi ni Razel. Parang umakyat ang dugo sa ulo ni Joseph sa narinig.
"Ano?! Sira ulo ka ba? Di ba sayo ko lang sinabi na gusto ko sya? Tapos ngayon may gusto ka na sa kaniya?" Matagal na kasing hinahangaan ni Joseph si Moma. At si Vergel ang palaging kasama nito. Kaya kay Vergel niya sinabi ang nararamdaman para kay Moma. Sinabi niya pa nga'y hihintayin niya ang tamang edad para ligawan ito.
"Anong klaseng kaibigan ka?" Napayuko na lang si Vergel. Hindi niya din naman akalain na magkakagusto siya kay Moma. Pumagitna agad si Razel nang mapansin na nakukuyom na ni Joseph ang kaniyang kamao sa inis.
"Oh. Tama na yan. May pangako tayo sa isa't-isa na hindi tayo mag-aaway dahil sa babae lang. Ganito nalang, kung sino ang gusto sa inyo ni Moma, yun na yon. Wag na kayong mag-away. Importante kung kanino man sa inyo mapunta si Moma balang-araw mangako kayong aalagaan ninyo at hindi ninyo sasaktan ang babaeng iyon..at! Irerespeto ninyo—okay?" Sabi ni Razel. Tinitigan ni Joseph si Vergel ng masama.
" Ano?" Pag-uulit ni Razel. Kahit na parang labag sa loob ni Joseph ay siya na ang unang naglapag ng palad para makipag-shakehands. Wala namang kibong tinanggap ni Vergel ang pakikipagkamay ng kaibigan. Pero bigla nalang hinila ni Joseph si Vergel palapit sa kaniya at patagong sinuntok sa sikmura. Halos mapaluhod si Vergel sa ginawa ni Joseph.
"Huy." Inalalayan ni Razel si Vergel pero sumenyas si Vergel na okay lang sya. Naluha-luha siyang tumindig ng maayos at hinarap muli si Joseph. Nakangisi lang ito at tumitingin na para bang nahamon.
",Tumigil na kayo ah." Saway ni Razel.
"Ay, oo nga pala, binilhan ko kayo ng suman dahil may kinita ako sa pagsama kay tatay." Binato ni Joseph kay Vergel ang naka-plastik na suman na nasalo naman ng binatilyo. Kumuha naman si Razel. Hindi makakuha si Vergel dahil masakit talaga ang ginawanh pagsuntok ni Joseph.
"Annielle! Tara!" Tinawag niya ang dalawa para kumain din ng suman.
"Hawakan mo may kukunin lang ako." Ani Vergel kay Razel. Umuwi na muna siya ng bahay para kunin ang regalo na ibibigay kay Moma.
Sa pagpasok ng kanilang bahay ay nakasalubong niya ang papaalis na si Ka Pedro. Ang kilalang albularyo sa kanilang lugar. Bagsak ang balikat nito pero nginitian siya at tinapik sa balikat bago tuluyang umalis. Dumiretso siya sa itaas nunit bago pa man ang kwarto niya'y madadaanan niya din ang kwarto ng kaniyang mga magulang. Sumilip siya sa pintuan at nakitang nakaupo ang amang si Sol sa tabi ng ina na nakahiga sa kama at tulog. Hawak ni Sol ang kamay ng asawa at hinahaplos ang ulo nito. Hindi na siya nagpakita pa't dumiretso na siya sa sarili niyang kwarto. Kinuha nya agad ang isang kahon na nakatago sa ilalim ng kaniyang papag. Pinagpagan niya pa ito.
Bago umalis ng bahay dinaanan niya ang ina.
"San ang punta mo?" Tanong ni Sol sa anak.
"Pa, birthday po kasi ni Moma. Hindi ako nakapunta kasi mataas yung lagnat ni mama eh. Bale iaabot ko nalang po itong regalo ko sa kaniya." Sabi ng binatilyo.
" Ganun ba? Ibati mo nalang kami sa kaniya ah." Ani Sol.
" Sige po. Tumingin si Vergel sa ina na walang malay, binuksan niya ang kahon at kinuha ang isang bulaklakin na purselas. Kinuha niya ang kamay ng ina at isinuot ito sa ginang.
"Ma, ikaw parin ang nag-iisang babae na nangunguna sa puso ko. Pagaling ka ah." Sabi niya. Hinagkan niya ang ina sa noo.
"Alis na po ako." Paalam niya sa ama.
"Wag kang mahuhuli sa hapunan ah. Ayaw ng papay kaloy mo na pinaghihintay ang pagkain" bilin ni Sol sa anak.
" Opo."
" Anielle." Hinihingal siyang lumapit kay Anielle na seryoso sa ginagawa niyang asignments. Kasalukuyan itong nakatambay sa kubo nila Joseph.
" Oh? Kamusta si Aling Lourdes?" Tanong nito na hindi naman tumitingin kay Vergel dahil nakatuon ang mga mata sa libro na binabasa.
" Medyo bumaba na ang lagnat." Sagot niya.
"Hmm. Mabuti naman."
" Asan si Moma?" Tanong niya nang hindi makita sa paligid ang dalagita.
" Ah, oo nga pala binilin niyang puntahan mo sya sa may pantalan ngayon." Sagot nito.
" Sa pantalan?"
" Oo."
" Ganun ba.. hayy. Sige sige. Alis muna ako." Tumakbo agad siya para tunguhin ang pantalan. Medyo may kalayuan kasi iyon at nasa 5PM na ng hapon, maabutan na sila ng dilim pauwi kung sakali.
Takbo at lakad ang ginawa niya para makarating agad doon. Hingal na hingal siyang naupo sa gilid ng puno na madalas nilang upuaan magkakaibigan. Tumingin sya sa paligid. Wala naman doon si Moma.
Palubog na ang araw. Napakaganda nito pagmasdan. Huminga siya ng malim para langhapin ang sariwang hangin.
Maya-maya lang ay may biglang nagtakip ng mata niya mula sa likod. Ngunit alam niya kung sino ito dahil kilala niya ang amoy na iyon. Ngumiti siya.
"Naiintindihan ko. Sinabi ni Razel na may lagnat ang mama mo kaya hindi ka nakapunta." Sabi nito at tinanggal na ang kamay na nakatakip sa kaniyang mata. Parang nahulog ang panga niya nang nakitang nakasuot si Moma ng puting bestida at nakatali ng maayoa ang mahaba nitong buhok. Tumayo ito sa harapan niya. Medyo nailang din ito dahil hindi siya nakapagsalita agad.
"Masagwa ba?" Nahihiyang tanong nito.
"Ha?..uhm.. hindi.. hindi.. ang ganda ganda mo nga eh." Sabi niya. Ngumiti si Moma at masayang naupo sa tabi niya.
"Hindi mo kasi ako nakita kagabi kaya sinuot ko 'to ulit." Sabi nito. Ngumiti itong tumingin kay Vergel. Humahalik sa maganda nitong mukha ang huling sulyap ng sikat ng araw. Sapat nang liwanag para makita ang mukha ni Moma.
"Uhm..eherm ito.. regalo ko. Buksan mo na." inabot niya ang kahon at puno naman ng kasabikan na binuksan ni Moma ito. Nakangiti nitong kinuha ang laman ng kahon. Isa itong purselas na walang design kundi malilit na bilog na bato na mistulang mga perlas. Tumingin si Moma sa binatilyo.
"Kaya plain ang binigay ko sayo, kasi ikaw na mismo ang disenyo ng porselas at—" bigla siyang niyakap ni Moma.
"Ito ang pinaka-magandang regalo na natanggap ko." Sabi nito. Mabilis din naman silang nagbitaw at nilaro-laro ni Moma ang purselas na si Vergel na ang nag-suot.
"Uhm.. Moma.. may gusto pa kong sabihin sayo.." hindi niya alam kung ito ba ang tamang pagkakataon para sabihin sa dalagita ang nararamdaman ngunit ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na iyon.
"Ano yon?"
"..—uhm.." Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla nanaman siyang kinabahan.
"Vergel." Lalo siyang kinabahan nang biglang hinawakan ni Moma ang kaniyang kamay.
"Uhm—si..si.. papay kaloy pala ang magluluto.. kailangan ko na palang umuwi." Tumayo siya at tinalikuran na agad si Moma. Pero nakakailang hakbang palang siya nang bigla siyang yakapin ni Moma mula sa likod.
"Gusto kita." Sabi nito sa mahinang boses.
"H.. ha?" Para siyang sinimento sa kaniyang kinatatayuan.
"Vergel, gusto kita. Gustung gusto kita." Wala siyang nasagot sa sinabi ni Moma pero masayang masaya siya na pareho pala sila ng nararamdaman. Hinaplod niya ang mga braso ni Moma na nakapulupot sa kaniya at ninamnam ang mga kuryente na naguugnay ng kanilang katawan.
"Vergel.. anak?" Sumilip si Sol sa pintuan ng kwarto ng anak. Madilim. Nakasara ang mga bintana at parang naging malungkot din ang ambiance ng kwarto ng binata. Nakita niya nalang ang anak na nakaupo sa sulok.
"Anak, nasa baba na ang papay Kaloy mo." Sabi nito. Walang naging tugon si Vergel. Hindi parin tumitigil ang pagpatak luha niya at ayaw niya iyon ipakita sa kanyang ama.
"Moma..." Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Pero wala siyang magawa ngayon. Sa tinagal na panahon sobra niyang pinanghihinayangan na wala siyang ginawa at hindi niya sinubukan. Ngunit hindi niya kayang isisi sa papa niya ang mga nasayang na panahon. Dahil mabigat ang pinagdaanan nilang dalawa nang mawala na ang kaniyang ina.