webnovel

Chapter Nine

Palabas na si Aya ng School nilalang biglang may isang batang sumalubong sa kanya. Marumi ang sout nitong damit at madungis ang mukha. Gulat siyang napatitig sa bata. Paano nakapasok ang bata sa loob ng School nila wala bang guard na nagbabantay? Naliligaw ba ito.

Sininyasan siya ng bata na lumapit sa kanya. Nagpabaling baling ng tingin ang dalaga bago nilapitan ang bata.

"Bakit?" ani niya sa bata. Bigla na lamang hinawakan ng bata ang kamay niya. Babawiin sana ni Aya ang mga kamay ngunit sa di malamang dahilan pakiramdamn niya kasing lakas nito ang isang weightlifter. Ilang sandali pa bigla sumakit ang ulo niya at nanlabo ang paningin.

Bago siya mawalan ng malay tao nakita niyang nakangisi ang bata.

"AYA!" biglang wika ni Dranred habang nasa loob siya ng opisina niya at binabasa ang mga files ng mga kasong hawak ng Phoenix. Bigla na lamang may madalim na pwersa siyang naramdaman at naramdaman din niya ang mahinang tiboko nang puso ni Aya.

"Achellion!" biglang niyang narinig ang isang boses sa loob ng opisina niya. biglang napatayo si Dranred mula sa kinauupuan niya. Pamilyar ang boses na iyon. At dahil din sa boses na iyon bigla siyang kinilabutan.

"Sino ka?" tanong ni Dranred sa boses.

"Kaibigan. Ang bilis mo namang makalimot." Tatawang wika nito.

"Huwag mo akong paglaruan! Magpakita ka!" wika ni Dranred at nagkuyom nang kamao. "Anong kailangan mo sakin?" Asik ni Dranred.

"Ang totoo niyan nakuha ko na ang bagay na gusto ko. Nasa akin ang isang bagay na labis mong pinprotektahan." Wika nang boses.

"Anong sinasabi mo---" biglang naputol ang sasabihin ni Dranred nang maisip ni Aya. Kasunod ang malakas na tawa nang boses.

"Anong Ginawa mo kay Aya?" galit na wika ni Dranred.

"Kung gusto mo siyang makita ng buhay. Inaasahan kong magpapakita ka." Ito ang mga huling sinabi ng boses bago naglaho sa hangin. SInabi nito sa kanya na magkita sila sa isang lugar upang malaman at ibabalik niya si Aya.

Hindi na nagdalawang isip ang binata. Kailangan niyang puntahan ang lugar na sinabi ng lalaki at para iligtas ang bihag nito.

Biglang nagising si Aya, nanakit parin ang ulo niya. Ang huling naalala niya ay ang nakangising mukha ng bata. Biglang napabalikwas ng bangon si Aya nang mapansin niya na nasa isang bangin siya.

Bigla niyang napansin ang isang lalaki na nakaupo sa isang bato. May itim na pakpak at may hawak na espada sa magkabilang kamay. Kulay pula ang sout nitong kasuotan. At may buntot.

Habang nakatingin sa lalaki pakiramdam ni Aya na babalot ng takot ang bou niyang katawan. Nanginginig ang tuhod niya.

Alam ni Aya ni Hindi lang ito basta fallen Angel. Kakaiba ito sa mga fallen Angel na nakasalamuha na niya. Mas nakakatakot.

Ang titig palang nito sapat na para pagharian ng takot at kilabot ang bou niyang katawan.

"Sabihin mo, anong kaugnayan mo kay Achellion?" tanong ng lalaki. Pakiramdam ni Aya ang boses nito ay nanggagaling sa ilalim ng lupa. Nakakatakot. Kung pagsasamahin ang itsura at boses nito sapat na para matakot ang boung mundo.

Achellion? Tanong nang isip ni Aya. Ang alam niya narinig na niya ang pangalang iyon. Sa kakaisip ni Aya naalala niya ang sinabi ni Dranred sa kanya. Achellion ang tunay nitong pangalan at gaya nang tawag nang mga fallen angel sa binata. Isa din kaya ito sa mga fallen angel na Sumusunod kay Achellion.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa'kin?" tanong ni Aya na biglang napahawak sa Kwentas na sout niya. Nang makita nang lalaki ang reaksyon niya bigla itong tumawa. Tawa na nakakatakot.

"Hindi ko alam kung ano ang kaugnayan mo kay Achellion. Ngunit sa nakikita ko. Ikaw ang susi upang magising ang natutulog na halimaw sa loob niya." Ngumising wika nito.

Halimaw? Ano bang sinasabi nito? Tanong nang isip ni Aya.

"Siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo na si Dranred at Achellion ay Iisa. At marahil alam mo na din ang kakayahan niya. Ngunit. Hindi pa iyon ang potensyal niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi na siya ang dating Achellion." Wika nito at tumayo mula sa kinauupuan at naglakad palapit sa kanya.

"Ipinakita ko na sa kanya kung gaano ka baluktot ang mga mortal ngunit dahil sa iyo hindi ko lubusang makuha ang loob ni Achellion." Wika nito at naglakad palapit sa kanya.

"Kayo mga tao. Ibinigay sa inyo ang lahat napasainyo ang kalooban nang Diyos, kaya lang masyado kayong sakim, makasarili! Akala niyo kayo na ang mas mataas na uri nang nilalang." Wika nang lalaki at unti-unting lumapit kay Aya. Napatayo si Aya. Gusto niyang umtras dahil sa takot kaya lang kapag gumawa pa siya nang isa pang hakbang tiyak na mahuhulog siya at hindi siya bubuhayin sa taas nang kababagsakan niya.

"Aya!" narinig ni Aya na may tumatawag sa kanya.

"Mukhang dumating na ang hinihintay ko." Wika ng lalaki na bumaling sa pinanggalingan nang boses ni Achellion.

"AYA!" ulit na tawag nito sa kanya.

"Aya!" wika ni Dranred nang makita ang dalaga na nakatayo sa gilid nang bangin habang sa di kalayuan ang isang pamilyar na mukha. Napakuyom ang kamao ni Dranred nang Makita ang nilalang. Hindi niya akalain na maging ito ay gagambalain si Aya.

"Achellion." Wika ni Aya at tangkang lalapit sa binata. Ngunit bigla na lamang hindi niya maikilos ang katawan niya may kung anong pwersa ang pumipigil sa kanya. Para bang may nakahawak sa kamay at mga niya.

"Dumating ka kaibigan." Wika nito kay Achellion.

"Huwag mo akong tawaging kaibigan. Wala akong kaibigan kagaya mo." Wika ni Dranred at tinutukan ng baril ang lalaki. Bigla naman itong tumawa ng malakas na parang sinusubukan ang pasesnya ng binata.

"Talagang ka mangha-mangha ang taglay mong kapangyarihan." Wika nito. "Sabihin mo, talaga bang nakalimutan mo na ang nakaraan mo? nakalimutan mo na ba kung paano natin pinamunuan ang isang boung pangkat nang mga rebeldeng anghel para sakupin ang boung mundo? Hindi ko akalaing naging mahina ka na." Habang nakatitig si Dranred sa lalaki. Saka niya nakilala kung sino ito.

Ito ang kaibigan niyang naniniwalang. Kaya din niyang maging kapantay ang Diyos. Dahil sa paniniwala nito kaya siya sumama sa mga rebelde. Bilang isang kaibigan nais niyang maging tapat ditto. Ngunit nang matalo ang hukbo nila. BIgla siyang naduwag. Sa halip na samahan ito sa apoy nang impyerno. Tumakas siya at nagtago sa mundo nang mga tao.

"Naalala mo na ba ako. Duwag at taksil kong kaibigan." Asik nang lalaki. Biglang nang hina ang kamay ni Dranred. Alam niyang Malaki ang kasalanan niya sa kaibigan niya dahil sa kaduwagan niya. Magisa nitong hinarap ang parusang para dapat sa kanila. Dahan-dahang ibinaba ni Achellion ang baril niya. Hindi niya kayang saktan ang kaibigan niya lalo at Malaki ang nagawa niyang kasalan ditto simula nang talikuran niya ito.

"Captain!" malakas na tili ni Aya nang makitang inatake nang lalaki ang binata ngunit hindi manlang nagawang masangga nang binata ang atake nito. Tumilapon ang binata at tumama sa malaking bato.

"Bakit Achellion? Wala ka na bang lakas? Nakita ko kong paano mo tinapos ang buhay ni AF. Nakita ko ang lakas nang kapangyarihan mo isang kapangyarihan pwede nating gamitin laban sa KANYA.

Bakit hindi mo ilabas ang kapangyarihan mo? Gusto ukung Makita ang lakas mo." wika nang lalaki.

"Ipakita mo sa akin ang lakas mo. Huwag kang mahiga diyan at tanggapin ang atake ko." galit na asik nang lalaki habang sunod-sunod at sipa at suntok na ginagawad kay Achellion hindi naman iniwasan ni Achellion ang mga atakeng iyon. Lahat iyon tinanggap niya. Hindi niya magawang humingi nang patawad dahil sa karuwagan niya. Ang dati niyang kaibigan ay ngayon isa nang kinatatakutang nilalang ang prinsipe nang kadiliman. Malaki ang naging bahagi niya sa nangyari ditto at nalulungkot siyang wala siyang nagawa. Wala syang magagawa upang mabago pa ang nangyari.

"Captain!!" sigaw ni Aya. "Pakiusap tama na!"

Aya. mahinang wika ni Achellion. I deserve more than this. Isa akong walang kwentang kaibigan. Wika ni Achellion sa isip niya.

"Sabihin mo? Anong gagawin mo kung kikitlin ko ang buhay ng dalagang ito." Wika nito at tumigil sap ag-atake kay Achellion saka bumaling kay Aya.

Napatingin si Achellion kay Aya. Takot na takot ang dalaga nararamdaman niya iyon at ang tibok nang puso nito. Napakabilis. Pilit na tumayo si Achellion. Sargo ang dugo sa bibig nang binata dahil sa pagtama niya sa malaking bato. Ngunit wala siyang intension na labanan ang dating kaibigan. Hindi niya magagawang labanan ito gayong alam niyang galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya.

"Leave her Be. Wala siyang kinalaman sa ating dalawa. Ako lang naman ang kailangan mo hindi ba?" Mahinang wika ni Achellion at pilit na tumayo. Hinawakan niya ang kamay nito upang pigilan ito sa paglapit kay Aya. Ngunit bigla siya nito itinaboy at isang malakas na suntok ang iginawad sa binata dahilan upang tumalipon ito pabalik sa may mga bato.

"Her eyes. There is something in that eyes that fascinates me. It reminds me of someone. Someone I know in the past." Wika nang lalaki at naglakad palapit sa dalaga.

"AHH!" malakas na sigaw ni Aya nang sakalin siya nang lalaki. Napahawak siya sa kamay nito upang pigilan ang lalaki sa ginagawa ngunit masyado itong malakas.

"Aya." mahinang singhap ni Achellion nang makitang nahihirapan nang huminga ang dalaga. Ngunit anong gagawin niya.

Kapang inatake niya ang dating kaibigan. Pangalawang beses na niya itong pagtataksilan. Ngunit hindi naman niya pwedeng pabayaan si Aya.

Naririnig niyang mahina na ang tibok nang puso ni Aya. Galit na napakuyom nang kamao si Achellion. Ganito na ba siya kahina? Wala siyang magawa upang protektahan ang mga bagay na pinahahalagahan niya?

"Captain." Mahinang wika ni Aya nang mabitiwan siya nang lalaki. Isang palasong apoy ang lumipad sa direksyon nang lalaki dahilan upang mabitiwan nito si Aya. Sinalo nito ang palasong apoy ay napalingon sa binata. Nagulat pa ito nang makitang nakatayo si Achellion habang nakatutok sa kanya ang nag aapoy na pana nito. Nakita niyang Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

Sa halip na matakot, Napangiti pa ito nang makita ang galit sa mata ni Achellion. Ang isa pang dahilan nang pagngiti nito ay nang makita ang itim na pakpak nang binata.

Captain. Sambit ni Aya sa pangalan nang binata sa isip niya. kakaibang Achellion ang nakikita niya. Hindi rin niya alam kung paano ito nagkaroon nang itim na pakpak. Ngunit isa lang ang alam niya.. Hindi na and dating Achellion ang nasa harap niya. Malaki ang nagbago sa binata. Dati nang Makita niya ang pakpak nang binata ang isa ditto ay puti ngunit ngayon kapwa itim na ang pakpak nito. Mabalasik ang mga mata ni Achellion.

"Dark Angel." Wika nang lalaki at napalingon kay Aya saka ngumisi.

"Tama ang hula ko. Ikaw ang magiging susi upang muling magbalik ang dating Achellion na Kilala ko." wika nito at hinawakan ang kamay ni Aya saka sapilitang itinayo. "Gusto mo bang makita kung anong klaseng nilalang siya?" Wika nito sa kanya.

"Bakit Na tatakot ka?" tanong nito sa kanya. Nang maramdamang nanginginig siya.

"Natatakot ka dahil alam mong katulad ko rin si Achellion isang masamang nilalang."

"Hindi mo siya katulad!" asik ni Aya. Hindi siya masama. Pilit na kinumbensi ni Aya ang sarili niya. Alam niyang hindi ganoon si Achellion. Hindi ganoon ang Achellion na nakilala niya. Isang matapat at mabait na kapitan. At isang kaibigang handa siyang ipagtanggol tuwing nasa panganib siya. Naniniwala siyang kahit isa siyang fallen angel. Hindi ito masama gaya nang iba.

He has proven his worth as a guardian angel regardless of how they tag him as a fallen one. And she care less about it. She don't even care if he is a fallen angel. He is her guardian angel fallen or not.

Nang tumitig ang lalaki sa kanya napansin nito ang bead niyang kwentas kung saan nasa loob ang lutos na simbolo ni Achellion bilang anghel. Lihim na napangisi ang lalaki.

"Gusto mong malaman ang isang secreto?" nakangising wika nito kay Aya. "He will kill you. The same way that he gave you his life." Sakristong ngumiti ang lalaki. Dahil sa sinabi nito napuno nang takot ang loob ni Aya anong ibig sabihin nito?

Wala naman siyang maintindihan sa mga tiinuran nang lalaki. Ano ang nalalaman nito sa pagkatao niya?

BIgla na lamang lumitaw sina Leonard, Jezebeth at Ornais. Binitiwan nang lalaki si Aya at ibinigay kay Leonard.

"Master, Hayaan mong ako na ang tumapos sa kanya." Wika ni Ornais.

"Hindi siya nararapat mamatay. Isa siyang malakas na sandata." Wika nang lalaki at naglakad palapit kay Achellion.

"Captain! Tumakas ka na!" sigaw ni Aya.

"Narinig mo yun Achellion? He is asking you to leave. Nais ka niyang iligtas. Sa kabila nang katotohanang isa kang masamang nilalang. Hwag kang mag-alala. Isusunod ko siya kapag natapos na ako sa iyo." Wika nito kay Achellion.

Nakikita niyang nakikipaglaban si Dranred sa lalaki. Ngunit makikita rin na wala itong laban sa lakas ng lalaki.

"Capatain!!" wika ni Aya ng makitang tumilapon ang binata at tumama sa isang puno. Itinukod pa niya ang mga kamay sa lupa upang hindi tuluyang mawalan nang balance.

Ni hindi pa nakakabawi ang binata ng bigla ulit siyang sinugod ng lalaki.sunod-sunod na mga tama ang tinanggap ng binata. All of them was fatal blows. Kung ang katawan niya ay katawan ng isang mortal tiyak ni Dranred na kanina pa siya gutay-gutay.

Napahawak ng mahigpit si Aya sa kwentas niya habang pinapanood ang binata na nakikipaglaban sa lalaki.

Muling bumagsak ang binata sa lupa. Kahit na anong gawin niya para i-balanse ang sarili at tumayo hindi na makaya ng katawan nito ang labis na bugbug.

"Hindi mo kayang kontrolin ang kapangyarihan mo. kaya paano mo ililigtas ang buhay niya?" wika nang lalaki kay Achellion. "Subalit mas Mabuti siguro na huwag mo nalang iligtas ang buhay niya. Dahil, ikaw rin naman ang papatay sa kanya." Napatingin si Achellion sa lalaki. Anong ibig sabihn nitong siya ang papatay kay Aya. Ibinigay niya ang buhay sa dalaga kaya bakit naman niya ito papatayin?

"Wala akong panahong makinig sa mga kalokohan mo!" usal ni Achellion.

Nakita ni Aya na susugurin ng lalaki si Dranred gamit ang espada nito. Wala namang ibang magawa ang binata. Hindi na niya kayang itayo ang sarili para lamaban pa. Hanggang doon na lamang ang abot ng lakas niya.

Nakikita ni Achellion na papalapit sa kanya ang espada nang lalaki. Kaya naman niyang sanggain iyon kaya lang wala na siyang lakas. His own strength has failed him.

"YABANG!" narinig ni Dranred ang Tawag ni Aya sa kanya. Bigla siyang nagmulat ng mata ng marinig ang boses ng dalaga na malapit sa kanya. Nang makita niya ang dalaga nasa harap na niya ito. Agad niyang napansin ang mga galos sa braso nito. Sanhi ng magpumilit nito na umalis mula sa harang kung saan ito nakakulong.

Nang ibinigay nang lalaki si Aya kay Leonard. Ikinulong nito si Aya sa isang force field. Hindi isang ordinaryong force field ang pinagkulungan nang dalaga dahil. Hindi ito kayang masira kahit nang isang Fallen Angel.

Nakita niyang nakangiti sa kanya ang dalaga. Mga ngiting nagsasabing okay lang ang lahat.

"Aya" mahinang wika ni Dranred.

"Bakit ka natutulog?" nakangiting wika ni Aya. Agad na napansin ni Dranred ang lalaki na nasa Ere at pasugod sa kanila. Agad niyang kinabig ang dalaga at ginawang pananggalang ang sarili.

Dahil sa pulang liwanag hindi nagawang tamaan nang lalaki sina Aya. Ang pulang liwanag ang nagmistulang shield nang dalawa. Maging ang tatlong fallen angel ay nagulat din sa nakita. Biglang napaatras ang lalaki nang makita ang liwanag.

"Ano ang liwanag na iyan?" Gulat na wika ni Jezebeth.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nang lalaki nang makita ang liwanag na lumabas kay Aya at Achellion.

"Ang Phoenix. Achellion Ginugulat mo ako sa napakarami mong potential."

"Phoenix?" gulat na wika ni Leonard. Ito rin ang lumabas noong tinalo nito si AF. Ang isang Achellion na nababalot nang pulang liwanag at isang malakas na aura.

"Mas mabuti pang tapusin na natin siya. Hindi----" wika ni Ornais.

"Walang gagalaw sa kanya." Agaw nang lalaki.

"Ma swerte ka ngayon Achellion. Kung kaya mo nang kontrolin ang kapangyarihan mo. Saka tayo magharap. Nagiging interesante ang mga pangyayari. Magkikita pa tayo ulit Kaibigan." Wika nito at biglang nalaho. Sunod ding naglaho ang tatlong fallen Angel.

"Captain!" gimbal na wika ni Aya nang bilang nabuwal sa lupa si Achellion. Masyado itong nabugbug at naubos ang lakas.

"Captain." Wika ni Aya at tinapik ang mukha nang binata. ngunit malalim ang tulog nito. makikitang labis itong napagod at bukod doon marami din itong sugat. Hindi na nagawang gisingin ni Aya ang binata.

"Bakit naman ditto mo naisip matulog." Wika ni Aya.

Hindi umuwi si Aya?" gulat na wika ni Eugene nang dumating sila sa bahay nila at sinabi ni Jenny na hindi pa dumarating ang dalaga. TUmawag na siya sa Academy at sinabing maaga naman daw umalis ang dalaga.

"Hindi naman ugali ni Aya na umalis nang hindi nagpapalam." Wika pa ni Jenny. Si Julianne naman ay tahimik lang. Kanina pa siya nakakaramdam nang isang matinding kapangyarihan. Isang madilim na pwersa ang bumabalot sa kalangitan. Huwag naman sanang tama ang hula niya na may masamang nangyari sa dalaga.

"Lalabas ako para hanapin siya." Wika ni Eugene.

"Saan mo naman siya hahanapin ngayon?"Tanong ni Jenny.

"Bahala na." wika ni Eugene at lumabas nang bahay. Tahimik namang sumunod si Julianne sa kaibigan. Ang naiwang sina Butler Lee at Jenny ay labis namang nag-aalala para sa dalaga. Ilang beses nang nalagay sa panganib ang buhay nito at tila sinusundan pa yata nang panganib.

Napaungol si Dranred nang maramdaman ang init na tumatama sa mukha niya. nang magmulat siya nang mata napansin niya ang araw na pasikat. Nabaling naman ang atensyon niya sa dalagang nakaupo habang natutulog. Nakahilig ang ulo nito sa bato habang siya naman ay nakahiga sa mga hita nito.

Silly girl. Ngumiting wika ni Dranred at inayos ang buhok ni Aya na nakatakip sa mukha nito. napansin ni Achellion ang mga galos sa braso nang dalaga. dulot ito nang sapilitang pagtakas nang dalaga mula sa force field.

"Captain." Gulat na wika ni Aya nang magmulat nang mata. Nahuli niya ang binatang nakatitig sa mga mata niya. "Okay ka na?" tanong nang dalaga sa kanya.

"Seriously." manghang wika ni Achellion.

"Huh?!" gulat na singhap ni Aya. may nasabi ba siyang hindi nito gusto.

"Mabuti pang bumalik na tayo Tiyak nag-aalala na ang kuya mo." wika ni Dranred at tumayo. Saka inilahad ang kamay kay Aya. Tumango lang si Aya at inabot ang kamay ni Achellion. Bago sila umalis. Pinanood muna nila ang pagsikat nang araw. Habang nakatingin sila sa araw. Para bang ang nangyari noong nakaraang gabi ay parang isang masamang panaginip.

Alam ni Dranred na nagsisimula pa lang sa araw na iyon ang maraming mga laban nila. Ngayong nalaman na nang mga fallen angel kung sino siya.

At nalaman na rin ni Lucifer na buhay siya. Tiyak na hindi na siya titigilan nang mga ito. Ganoon din si Aya. Mauulit ang ganitong pangyayari.

Habang malapit siya sa dalaga patuloy itong manganganib. Hindi rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Lucifer na siya ang papatay sa dalaga. Natakot siya sa ideyang iyon. Si Aya ang nag-iisang taong pinahahalagahan niya sa mundo kaya naman bakit niya ito sasaktan?

"May Iniisip ka ba?" tanong ni Aya nang mapansin ang seryosong mukha ni Dranred.

"I was just thinking. The next time that you save my life. Don't." wika ni Dranred At tumingin sa kanya.

"Anong?" takang wika ni Aya at napatingin sa binata. Bigla siyang natigilan. Ang nangyari ba noong nakaraang gabi ang tinutukoy nito? Ngunit nais lang naman niyang iligtas si Achellion. And before she realize it, kumilos na nang kusa ang katawan niya.

"I'm Sorry." Mahinang wika ni Dranred ngunit sapat upang marinig ni Aya.

"Bakit ka humihingi nang tawad. Iniligtas mo---"

"I can't control my powers. I don't even know kung ano talaga ako. I am not confident. Baka isang araw. Ako mismo ang makasakit sa iyo. It can't be help." Wika ni Dranred na nakatitig sa kanya.

"Hindi mangyayari yun." Wika ni Aya. Alam niyang iba si Achellion sa mga Fallen Angel. At maniniwala siyang di tulad nang iba. Magagawang makita ni Achellion ang Tama kapag dumating ang pagkakataong iyon. "Parati mo akong inililigtas. Hindi ako naniniwalang masama ka gaya nang iba." Wika ni Aya.

Hindi nakapagsalita si Achellion. Alam niya at nararamdaman niyang may iba sa sarili niya. Tuwing lumalabas ang kapangyarihan niya. Isa lang ang alam niya. Gusto niyang pumatay at maging malakas. Hind niya nakikilala kung sino ang nasa paligid niya.

Natatakot siyang kapag muli siyang nilamon nang maitim niyang pagkatao hindi na niya makilala si Aya At masaktan niya ito.

"Aya!" nag-aalalang wika ni Eugene nang Makita ang kapatid niya sa labas nang gate kasama si Dranred.

Buong magdamag nilang hinanap ang dalaga ngunit nabigo sila. Nang Makita niya ang kapatid agad niya itong niyakap. Napansin din niya ang mga galos nito sa kamay at binte. Napansin din niya ang mga pasa ni Dranred. May nangyari ba sa dalawang ito.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Eugene.

"Dinukot ako nang isang nakakatakot na lalaki, Mabuti nalang at naroon si Captain at iniligtas ako." Wika ni Aya.

"Goodness. Bakit pa parati kang nasasangkot sa gulo." Wika ni Eugene.

"I think you should tend to her wound." Wika naman ni Dranred.

"Mabuti pang pumasok na tayo nang magamot ang mga sugat mo."wika ni Eugene sa kapatid. "Captain, pumasok ka na rin sa loob." Anito sa binata.

"Hindi na kailangan. Inihatid ko lang si Aya." Wika nang binata at tumingin kay Aya. Nagpaalam si Eugene sa binata at inakay si Aya papasok, naiwan naman sa labas nang gate sina Dranred at Julianne.

"Tell me, ikaw na naman ang dahilan kung bakit nasa panganib si Aya." Asik nito sa binata. "SInabi ko na saiyo na layuan mo si Aya.

Simula ngayon, ako na ang magiging bantay ni Aya. At hindi ko hahayaan na makalapit ka pa sa kanya." Wika nito at isinara ang gate saka naglakad patungo sa main door.

That angel punk. Sino siya para sabihin sa kin ang dapat kung gawin. Inis na wika nang isip ni Dranred. Ngunit sa kabilang banda may punto din ito. Kapag malapit sa kanya si Aya. Hindi niya alam kung anong mga panganib ang nagbabadya ditto.

Biglang napabalikwas nang bangon si Dranred nang dalawin siya sa panaginip nang isang lalaking pamilyar sa kanya. Si Achellion. Nakita niya ang sarili niya sa isang nakakatakot ang mukha nito. nakasuot nang itim na damit. Puno nang poot ang mga mata. Ilang sandali itong nakatitig sa kanya. Unti-unti itong lumapit sa kanya at bigla siyang sinakal.

Iyon ang dahilan kung bakit siya bigla napabalikwas nang bangon. Habol ang panghinga ni Dranred at pinagpapawisan din ang binata. Napatingin siya sa kamay niya nakita niyang nagliliwanag ang kamay niyang may tatak na isang ibon.

Nag-iinit din iyon na parang napapaso nang apoy.

Ano ang ibig sabihin nang panaginip niya? bakit nakita niya ang sarili niya sa ganoong ayos? May mag bagay pa ba siyang hindi nalalaman tungkol sa pagkatao niya?

Nang magising si Dranred, hindi na siya muling nakatulog kaya naman naisipan niyang lumabas para makalanghap nang sariwang hangin. Nagtungo siya sa isang parke kung saan maraming tao ang nag jo-jogging tuwing umaga at nag eehersisyo. Nang makarating siya sa parke may mga matatanda nang naroon at nag jo-jogging. Naupo siya sa isang upuan at inobserbahan ang mga taong naroon. Habang nakatingin siya sa mga taong naroon biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ni Jezebeth.

"Ang mga mortal, wala silang ibang ginawa kundi sirain ang kalikasan. Gumagawa sila nang masama sa kapwa nila, nagnanakaw, pumapatay at lahat nang uri nang kasalanang sumisira sa kaluluwa nila." iyon ang mga katagang pumasok sa isip ni Dranred.

Habang nakaupo doon, nakita niya ang isang binata na nakasout nang itim na jacket tumakbo ito kasabay nang isang matandang lalaki. Ilang sandali bigla nalang huminto ang dalawa sa pagtakbo.

Mula sa kinauupuan ni Dranred nakita niya nang saksakin nang lalaki ang matanda. nabuwal sa lupa ang duguang matanda na may sugat sa tiyan. Matapos ang ginawang pananaksak. Parang walang nangyaring muling tumakbo ang binata. Biglang napatayo si Dranred sa kinauupuan niya. lalapit sana siya sa matanda ngunit hindi niya itinuloy.

May nagsasabi sa utak niya na kailangan niyang lapitan ang matanda at tulungan. Ngunit may bahagi din doon na nagsasabi na hindi siya dapat lumapit. Labis siyang naguguluhan. Dati naman hindi siya nagdadalawang isip na sakluluhan ang mga taong nakikita niyang na ngangailangan nang tulong.

Ngunit mula nang marinig niya ang mag sinabi ni Jezebeth at makita ang nang yari libong taon na ang nakakaraan. Nagkaroon nang pagdadalawang isip ang binata. Dapat ba siya maniwala sa mga tao? O dapat bang paniwalaan niya si Jezebeth hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Dapat ba niyang tanggapin kung ano talaga siya? O patuloy na mabuhay bilang isang mortal.

Palabas nang bahay sina Jenny at Aya nang bigla silang harangin nang 5 di-kilalang lalaki. Pilit silang isinama nang mga lalaki ang mga security guard na tumulong sa kanila ay binaril pa nang mga ito. Hindi na nakapanlaban ang dalawang dalaga nang tutukan sila nito nang baril. Nagkakagulo ang mga tao sa loob nang building dahil sa nangyaring barilan walang sino man sa kanila ang nakatulong sa dalawang dalaga.

Napatingin ang lahat kay Arielle nang bigla itong tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Bakit?" Tanong ni Julianne sa dalaga.

"N-Nagkaroon daw nang barilan sa lugar niyo." Wika nang dalaga. Nakatanggap siya nang feed mula sa isang taong tumawag sa 119. Ibinalita nito ang nangyari sa isang subdivision kung saan nang yari ang barilan. "Dalawang dalaga daw ang kinidnap nang mga hindi kilalang lalaki." Wika nito nang sabihin iyon ni Arielle agad na napatayo sa kainauupuan sina Julianne at Eugene saka walang paalam na umalis. Agad din namang sumunod ang iba sa dalawang binata.

"AYA!" bigalang natigilan si Dranred sa ginawa niya nang maramdaman ang pagbabago nang tibok nang puso ni Aya. Bigla nalang naging mabilis ang tibok nang puso nito at napupuno nang pangamba.

"AYA!" bigalang natigilan si Dranred sa ginawa niya nang maramdaman ang pagbabago nang tibok nang puso ni Aya. Bigla nalang naging mabilis ang tibok nang puso nito at napupuno nang pangamba.

Nasa labas na sila nang national defense office nang bigla silang sinalubong nang mga lalaking nakasout nang itim na suit. Agad namang nakilala ni Eugene nang lalaki nangunguna. Si Butler Lee. Inutusan ito nang lola ni Eugene na sunduin ang binata at dalhin sa bahay nang mga Montreal upang ayusin ang ano mang hindi pagkakaunawaan nila ni Frances. Ayaw nang lola niya na hindi matuloy ang business merger nang dalawang pamilya.

"Master Eugene. Pinadala ako nang---"

"Lets discuss that later. Nawawal na naman si Aya at si Jenny." Agaw ni Eugene sa sasabihin nang lalaki.

"Kami na ang aasikaso kay Miss Aya. sa ngayon kailangan niyong sumunod sa utos nang lola niyo at pumunta sa bahay nang mga Montreal." Wika ni Butler Lee.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?" Asik ni Eugene.

"I'm Sorry. Pero nangako na ako sa lola niyo." Wika ni Butler Lee. At initusan ang mga tauhan na harangin ang binata.

"Sabihin mo sa kanilang huwag harangan ang daraanan ko." tiim bagang na wika ni Eugeen habang nakatingin sa mga lalaki saka nagkuyom nang kamao.

"They are highly trained martial artist. Kahit na manlaban ka--"

"I hate to say this, pero kapag hindi kayo tumabi isa-isa ko kayong patutulugin." Asik na wika ni Eugene sa mga lalaki dahilan para maputol ang sasabihin ni Lee. Naglakad palapit sa mga lalaki si Eugene. Akala nang binata iiwas ang mga ito sa daan ngunit bigla siya nitong hinawakan.

"Alam niyo bang nagmamadali ako." Asik ni Eugene sa mga lalaki.

"Sumama na kayo nang matiwasay Master." Wika nang lalaki. Inis na ngumiti si Eugene at biglang inatake ang mga lalaki. Nang makita nina Julianne na nakikipaglaban ang kaibigan agad din silang tumulong sa binata. Si Butler Lee naman ay Nakatingin lang sa mga ito. Agad na natalo nina Eugene ang mga tauhan ni Butlet Lee at biglang umalis.

"Hayaan niyo na siya." Wika ni Butlet Lee nang makitang tumayo ang mga tauhan at aktong susundan ang binata. Isang matuwid na pulis nagawa din niyang mahanap ang binata.

Gaya nang ama nito alam niyang hindi rin ito susunod sa kasunduan nang lola nila. Kaya naisip niyang siya nalang ang haharap sa pamilya ni Frances at ipaabot ang mensahe nang matanda.

Sinundan ni Butler Lee sina Eugene hanggang sa makarating sila sa bahay kung saan nakatira ang magkapatid. Nang dumating sina Eugene sa building nakita nilang maraming pulis at reporter sa gate nang bahay nila.

"Aya! Jenny!" wika ni Eugene at agad na pumasok sa loob nang building ngunit bigla siyang pinigilan nang isang pulis.

"Hindi po pwedeng pumasok." Wika nito.

"Umalis ka sa harap ko." asik ni Eugene sa lalaki.

"Eugene huminahon ka." Wika ni Julianne at pinigilan ang kaibigan nia. Alam niyang labis na nag-aalala ang kaibigan niya baka kung ano na ang nangyari sa kapatid niya.

Hindi makapaniwala si Dranred nang makita ang mga pulis sa labas nang Bahay nila Aya. kung ganoon tama nga ang hinala niyang may nangyari masama kay Aya. Sinabi sa sa kanya ni Arielle ang nangyari sa Subdivision nila kaya naman agad siyang napasugod.

"Isa ito sa mga sinasabi ko saiyong masasamang ginagawa nang mga mortal. Hindi ba sila sila din ang nagpapatayan?" biglang napalingon si Dranred sa taong nasa tabi niya nang bigla itong magsalita.

Nakita niya si Leonard na nasa tabi niya.

"Kayo ba ng may kagagawan nito?" asik ni Dranred sa lalaki.

"Hindi kami pumapatay nang walang dahilan. Alam mo yan." Ani Leonard.

"Talaga lang? Paano ako maniniwala sa sinabi nyo gayong iba ang nakikita ko sa mga sinasabi niyo." Ani Dranred.

"Ang dalagang si Aya. Hindi bat mahalaga siya sa iyo?" ani Leonard. "Dahil sa pagiging malapit niya sa iyo hindi mo ba alam na inilalapit mo din siya sa kapahamakan?" tanong nito.

"Kawawang nilalang hindi niya alam na sa mga kamay mo din siya mababawian nang buhay." Nakangising wika ni Leonard.

"Anong kalokohan ang sinasabi mo?" asik ni Dranred at hinawalan ang kuwelyo nang damit nito. Ngumisi lang ang lalaki.

"Sa ibang lugar tayo mag-usap." Wika ni Leonard at hinawakan ang kamay ni Dranred kasabay ang paglaho nila. Muli silang lumitaw sa isang parke na walang tao.

"Mas maiigi kung ditto tayo mag-uusap Achellion." Wika ni Leonard at tinanggal ang kamay ni Dranred na nakahawak sa damit niya.

"Nakita mo na ba ang simbolong ito?" tanong ni Leonard at binuksan ang palad. Nakita ni Dranred ang kwentas na lutos na katulad nang kwentas ni Aya.

"Alam kung pamilyar sa iyo ang simbolong ito dahil ito ang simbolo mo Achellion." Wika ni Leonard.

"Para sa mga Anghel anng Simbolo natin ay parang kaluluwa na rin natin. Kapag nawala sa iyo ang iyong simbolo isa lang ang ibig sabihin noon, maglalaho ka na nang tuluyan sa mundo nang walang bakas. Ngunit iba ang nangyari sa iyo. Sa halip na maglaho. Naging isa kang mortal." Wika pa nito.

"Bakit hindi mo sabihin nang diretso.?" naguguluhang wika ni Dranred. Nguniit meron na siyang hinala sa isip niya. Ang kwentas na sout ni Aya ay ang nawawalang katauhan niya. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit lumilitaw ang kapangyarihan niya tuwing nariyan si Aya.

"Siguro naman alam mo na sinasabi ko. Ang Dalagang si Aya. Nasa kanya ang simbolo mo. Alam mo hindi ba?" ani Leonard. "Dahil nawala sa iyo ang simbolo mo kaya ka naging isang mortal. Maswerte ka parin dahil naging mortal ka lamang. Ngayong ang dapat mong gawin ay ang mabawi ang iyong lotus sa dalagang iyon para makabalik ka na sa dating sarili mo." Wika ni Leonard.

"Ngunit magiging mahirap na makuha mong muli ang kwentas. Dahil ang kwentas na iyon ang bumubuhay sa dalagang si Aya. Kapag kinuha mo iyon dapat handa ka na ring tanggapin na buhay niya ang kapalit noon." Wika ni Leonard. "Ikaw ang nagbigay ang buhay sa dalagang iyon. Ikaw din ang kukuha nang buhay na ibinigay mo. Ganito kalupit ang mundo Achellion."

Natahimik si Dranred. Hindi niya alam ang bagay na iyon. Kung kukunin niya ang kapangyarihan niyang iyon. Ibig sabihin, Mawawala din ang dalaga. At iyon ang isang bagay na hindi niya papayagan. Iniisip ni Dranred kung ang lutos niyang simbolo ang magbabalik sa kanya bilang isang anghel.

Maglalaho din kaya ng Phoenix na tatak nang isang fallen angel? Wala pang fallen angel ang nakabalik sa pagiging anghel at least that's what he observe sa 2000 taong pamumuhay niya.

"Masakit ang katotohanan Achellion. Ngunit kailangan mong tanggapin. Hindi ka nababagay sa mundong ito. Mas kailangan ka naming. Kapag nabawi mo na ang dati mong anyo maaari na nating simulan ang hindi natupad na pag-aaklas noon." Wika ni Leonard.

Ate Jenny?" wika ni Aya nang magising. Nasa tabi niya si Jenny at walang malay napansin din ni Aya na nasa loob sila nang isang warehouse kapwa sila nakahiga ni Jenny sa isang papag. Sa di kalayuan may isang mesa kung saan may 3 lalaking naglalaro nang baraha.

"Aya." Wika ni Jenny nag magising. Agad itong naupo nang magising. "Anong lugar to?" tanong ni Jenny nang mapansin ang paligid nila. umiling si Aya pahiwatig na wala siyang alam kung nasaan sila.

"Gising na pala kayong dalawa." Wika ni nang isang lalaki at naglakad palapit sa kanilang dalawa.

"Ramon!" gulat na wika ni Jenny. "H-hindi ba't nakakulong ka?" hintakot na wika Jenny.

"Alam mong hindi ako pwedeng magtagal sa kulungan. Hindi ko ata hahayaang mapunta ka sa iba." Wika ni Ramon a hinawakan ang pisngi ni Jenny. Marahas namang itinaboy ni Jenny ang kamay nang lalaki.

"Kahit anong gawin mo. hindi mo ako matatakasan Jenny. Hawak ko sa kamay ko ang buhay mo at ang buhay nang pamilya mo kaya hindi mo ako pwedeng takasan." Ani Ramon. "Dalhin na ang mga ito." Wika nito sa mga tauaha.

"Bitiwan mo ako." Asik ni Aya sa lalaking humawak sa kanya.

"Anong balak mong gawin sa min?" asik ni Jenny kay Ramon.

"Wala naman. Magpapakasal lang tayo." Wika ni Ramon.

Dinala ni Ramon si Jenny sa isang yate na naka daong sa isang pier. Balak ni Ramon na dalhin ang dalaga sa Korea sakay ang maliit na barko. Mas madali niyang matatakasan ang mga pulis na patuloy na tumutugis sa kanya. Nakalabas siya sa kulungan dahil mahina ang kasong isinampa ni Eugene sa kanya, nagbigay din ng statement ang pamilya ni Jenny na ipinagkasundo na silang dalawa. Ngunit, dahil kay Lt. Hearfellia, hindi niya masasabing tuluyan siyang nakalaya.

"Saan mo ako balak dalhin?" Tanong ni Jenny nang pasakayin siya ni Ramon sa Yate. "Anong ginawa mo kay Aya? Saan mo siya dinala?" tanong ni Jenny kay Ramong nang maktanng isinakay sa ibang kotse si Aya. Hindi rin niya nakita ang dalaga nang dumating sika sa pier.

"Sinabi ko na sa iyo, pag-aari na kita. Kahit saan kita dalhin, hindi mo na dapat pang itanong iyon." Wika ni Ramon. "Huwag mong isipin ang dalagang iyon, makakaligtas siya kung susunod ka sa mga sasabihin ko." Sakristong wika nito.

Biglang nagkuyom ng kamao si Jenny. Ngunit kahit na anong gutso niyang tawagan si Eugene para iligtas siya, wala na siyang iba pang magagawa. Ayaw na rin naman niyang bigyan ng problema ang pamilya ni Eugene. Alam niyang patong-patong ang problemang dinadala nito.

Nang makapasok sila sa loob ng yate, nagulat si Jenny ng makita ang mga kapatid niya at ang ina niya. Isang malakas na sampal agad ang isinalubong ng madrasta niya sa kanya.

"Hindi ka na talaga nahiya!" Galit na wika nito. "Alam mong malaki ang utang na loob ng ama mo kay Ramon, pero nagawa mo paring sumama sa ibang lalaki." Dagdag pa nito.

Napapaiyak na hinawakan ni Jenny ang nasampal na pisngi. Gustong-gusto niyang sagutin ang Ina ngunit pinipigilan niya ang sarili.

"Dito pa lang puputulin ko na ang sungay mo. Si Ramon ang lalaking pakakasalan mo. Huwag mo nang isipin na sumama pa sa iba." Wika ng madrasta niya at kinaladkad siya patungo sa isang cabin.

Nang makapasok sila sa Cabin, ganoon na lamang ang gulat ni Jenny ng makita ang isang damit pangkasal na nakalagay sa kama.

"Anong ibig sabihin nito?" Gulat na tanong ni Jenny.

"Ipapakasal kita kay Ramon habang narito pa kayo, nang malaman kung hindi kana tatakas pa. Tandaan mo. Kapag tumanggi ka, ang pamilya ng lalaki mo ang mapapahamak." May halong pagbabanta na wika ng ina niya.

"Sabihin niyo, kahit kailan ba, hindi niyo ako itinuring na anak?" Tanong ni Jenny. "Buong buhay ko hindi ko naramdaman na nagkaroon ako nang isang ina. Kung buhay sana si daddy. ----"

"Ano? Kung buhay ang gangster mong ama? Anong magagawa niya? gawin ding gangster ang anak niya?" asik nito.

"Huwag mong tawaging gangster ang ama ko!" galit na wika ni Jenny. "Kumpara sa iyo naging mabuti siyang ama.

Paano niyo naaatim na ipamigay ang anak mo sa taong pamatay sa dati niyong asawa? Wala ba talagang natitiranng pakiramdam yang puso niyo? Wala na ba kayong ibang pinakikinggan kundi ang pera?"

"Magbihis kana, huwag mo nang paghintayin pa ang mapapangasawa mo." Wika nito at lumabas sa cabin. Helpless na napaupo si Jenny sa tabi ng damit. Kahit na anong sama ng loob niya. Ayaw niyang umiyak. Hindi siya iiyak. Hindi siya pwedeng magpatalo sa mga ito. Hindi pwedeng magpakontrol siya sa ina niya at sa mga kagustuhan nito.

Malinaw sa kanya na wala naman siyang halaga para sa mga ito. Kaya bakit siya papayag sa isang bagay na hindi niya gusto. Siya ang may-ari ng buhay niya. Walang sino man ang pwedeng magdesisyon sa kung anong gusto niyang gawin para sa sarili niya.

"No matter how Harsh the World would be towards you. You should never let any of them imprison you or tie you to things that you don't like. Ikaw lang ang pwedeng magpasya kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo. Naiintindihan mo ba ako Jenny?" Bigla niyang naalala ang sabi ng kanyang ama noon sa kanyan. Ang kanyang ama na kabila nang pagiging isang leader nang gang naging mabuting ama sa kanya.

"You can always lead your life to the way you want it to be. Pakinggan mo ang sinasabi ng puso mo." Wika pa nito sa kanya.

"I'm sorry Eugene!" Wika ni Jenny at biglang pumatak ang luha sa mga mata, saka kihuha ang damit pangkasal saka nagsimulang magbihis.

Buti naman at hindi mo ako sinuway sa pagkakataong ito." Wika ng ina ni Jenny ng bumalik ito sa cabin nang makita ang dalaga na nakasasout ng damit pangkasal. Napakuyom ang kamao ni Jenny ng makita ang malapad na ngiti ng ina.

"Alam mo ba kung gaano mo pinasaya ang ama mo dahil sa ginawa mong ito. At least may masasabi kang nagawa mong mabuti para sa ama mo." Wika nito sa kanya. Lalong nagpupuyos sa galit ang puso ni Jenny, ganito ba kaliit ang tingin nang mga ito sa kanya.

Hanggang dito lang ba pwedeng masukat ang halaga niya sa pamilya niya? Nakakalungkot ang katutuhanan na mismong pamilya niya hindi siya kayang bigyang ng pagmamahal.

Dinala si Jenny ng kanyang Ina sa deck ng yate kung saan nag-aabang si Ramon at ang mga tauhan nito kasama ang ama ni Jenny at ang isang pari na nakatayo sa isang maliit na altar.

Nagsimula na ang seremonya para sa kasal nina Jenny at Ramon. Ang madrasta niya ang naghatid sa kanya patungo sa harap ng pari.

Inilahad ni Ramon ang kamay niya kay Jenny ngunit hindi ito pinansin ng dalaga. Agad lang siyang humarap sa pari.

"Tapusin na natin ang kalokohang ito." Wika ni Jenny na hindi tumitingin sa mukha ng lalaki.

"You being so stubborn, makes me crave for you even more." Sagot naman ni Ramon at humarap sa pari.

"Dont misunderstood, I am not marrying you because I want it. I feel disgusted, makita ko palang ang mukha mo." Asik ni Jenny sa lalaki. "Kung bibigyan ako nangpakakataon. Ako mismo ang kikitil sa buhay mo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa ama ko."

"I really don't care about how you see me. Akin ka na, pag-aari na kita. Either you like it or not."

Sakristong napangiting si Jenny saka humarap sa binata.

"Hindi ako pag-aari nino. Not you. Or even the people whom I treat as a family." Matigas na wika ni Jenny at umatras. Nabigla ang lahat sa ginawa ng dalaga, ngunit ang lalo nilang ikinagulat ang sunod na ginawa ng dalaga. Hindi nila akalain na may dala tong isang matalim na bagay. Itinutok ng dalaga ang matalim na bagay sa leeg niya at umatras patungo sa barindilyas.

"Jenny! Anong ginagawa mo?" Gulat na wika ng ina niya nang makita ang ginawa ng dalaga.

Dont be so stubborn, Alam kong hindi mong magagawang saktan ang sarili mo." Wika ni Ramon at dahan-dahang lumapit sa dalaga.

"Huwag kang lalapit!" Wika ni Jenny at idiniin ang matalim na bagay sa leeg niya. Dahil sa labis na deperasyon at kagustuhang matakasan ang tadhana niya. Naiisip ni Jenny na wakasan ang buhay niya sa harap ng ina niya. Kahit sa ganoong paraan maipakita niya sa ina ang pagtutol niya sa nais nitong mangyari.

Nais niyang marinig nito na nasasakal na siya sa mga bagay na nais nitong mangyari. Nais niyang marinig nito ang boses niya. At kahit isang beses lang pakinggan siya nito bilang isang anak, at hindi isang kasangkapan para lang mabayaran ang mga utang nito.

"Are you Crazy? Anong gusto mong gawin magpakamatay?" Asik ng kapatid ni Jenny sa kanya.

"If that is the only way para matakasan ko kayo. Then I will dare!" Sagot ni Jenny.

"Baliw ka na." Wika pa nito.

"OO! Malapit na akong mabaliw dahil sa inyo." Bulalas ni Jenny at biglang napaiyak.

"Ano bang meron sa pier na ito? Kasal?" Wika ni Julius nang makarating sila sa pier nakatingin ito sa isang Yate na napupuno ng linawag at mukhang mag kasiyahan. Dahil sa isang ginang na nakuha ang plate number nang kotseng sinakyan nang mga kumidnap sa dalawang dalaga na trace nila kung nasaan ang kotse. Hanggang sa mapunta sa sila sa may Pier.

"Tayo na!" Wika ni Eugene at nag mamadaling nagtungo sa Yate agad naman sumunod sina Julianne at Ang iba pa.

"Do you really dare to Kill yourself?" Wika ni Ramon at patuloy na lumapit kay Jenny.

"Dont come closer!" Sigaw ni Jenny habang na nginginig ang kamay. Natatakot siya na baka tuluyan niyang kitlin ang buhay niya kapag lumapit pa si Ramon.

"You are shaking? you cant fool me with your arrogance." Dahil sa labis na takot lalong idiniin ni Jenny sa leeg niya ang matulis na bagay.

She is ready to meet her demise kung talagang lalapit pa si Ramon sa kanya.

Biglang hinawakan ni Ramon ang kamay niya at inagaw ang hawak niya.

"Do you really think, I will let you kill youself. Masgugsutuhin kong magdusa ka sa kamay ko." Wika ni Ramon habang mahigpit ang hawak sa kamay niya.

"Jenny!" Biglang wika ni Eugene nang makaakyat sa Yate.

"Perfect! You are just on time for my wedding." Wika ni Ramon at hinapit ang bewang ni Jenny. Pilit naman itinulak ni Jenny ang binata ngunit lalo lang humigpit ang hawak nito sa kanya.

"Bakit hindi natin ituloy ang kasal na ito. Total narito na rin lang ang mga panauhing pandangal." Wika ni Ramon. Bigla nitong ikinumpas ang kamay. Ilang saglit pa, nagsilabasan ang mga armadong lalaki at tinutukan ng baril ang mga bagong dating. Kinuhan din ng mga ito ang dalang baril nina Meggan at nang iba pa.

"Eugene!!" Tili ni Jenny dahil sa labis na takot na baka mapahamak ang binata at ang mga kasama nito.

"Ngayon, tatanungin ulit kita. Magpapakasal ka ba o dito pa lang wawakasan ko na ang buhay ng mga kaibigan mo." Ani Ramon sa kanya.

"Jenny! Huwag kang papayag. " Sigaw ni Julianne.

"Makakasiguro ba ako, na hindi mo sila sasaktan?" Mahinang wika ni Jenny.

"Nakadepende sa iyo ang buhay nila. Pumayag kang magpakasal sa'kin. Regalo ko na sa iyo ang buhay nila."

"JENNY!" ani Eugene. Napatingin si Jenny sa mukha nang binata. Masaya dahil muling dumating si Eugene to her rescue ngunit malungkot siya dahil marahil ito na ang huling pagkikita nila. She did everything para malabanan ang tadhana niyang iyon ngunit wala paring nangyari sa bandang huli pakakasalan pa rin niya ang taong pumatay sa ama niya para iligtas ang taong mahal niya.

"Sige, Pumapayag na ako." Mahinang wika ni Jenny at napakuyom ng kamao. "Pero, pakawalan mo muna sila." Dagdag pa nito.

"Cmon my dear, this is business, You have my word, marry me and you will see them free. Beside ano ba kung narito sila gusto kong makita nila ang kasal natin." Deklara ni Ramon.

"Ano pa ang gusto mo. Pumayag na akong magpakasal." Wika ni Jenny at Tumingin kay Ramon.

"Gusto kong makita nila na ikakasal ka sakin." Ngumiting wika ni Ramon. "Kilala ko si Eugene. Lumaki siya sa poder nang tuso mong ama. Tiyak na tuso rin siya. Akala ko nga nang una si Eugene ang taong gugustuhin nang ama mo na mapangasawa mo kaya inunahan ko na siya. Ginugol ko ang boung buhay ko para maging magandan karapatdapat sa tingin niya. ngunit bigla niya akong initsapwera nang dumating ang mokong nay an. Kaya ngayon kukunin ko ang dating akin." Wika ni Ramon.

"Hindi k aba bilib sa sakin? I even went through hell para makasama ka."

"Nandidiri ako saiyo?" nanginginig na wika ni Jenny.

"Wala ka nang magagawa Jenny. Unless makita mong sa harap ko papatayin ang mga kaibigan mo." wika ni Ramon.

"Wala kang kaluluwa." Mahinang wika ni Jenny. Saka pumatak anng luha sa mata niya.

"C'mon now. Mabubura ang make up mo." wika ni Ramon at pinahid ang luha sa mata nang dalaga. Napatiim bagang si Eugene habang nakikita ang nangingig na si Jenny. Wala ba siyang gagawin para iligtas ito? Wala siyang nagawa noon nang mamatay si Don Gustavo. Wala din ba siyang magagawa ngayon?

"Jenny!" Biglang sigaw ni Eugene. Agad namang napalingon si Jenny sa binatang nagsalita.

"Oh, so anong balak mong gawin ngayon?" Nakangiting wika ni Ramon kay Eugene.

"Taking her back!" Wika ni Eugene at Inataki ang lalaking may hawak na baril na nasa tabi niya. Nang makita ng iba ang ginawa ni Eugene. Agad din nilang inatake ang mga lalaki at Inagaw ang baril sa mga ito.

Dahil sa biglang ginawa ng grupo ni Eugene. Nagkagulo sa loob ng yate. Ang dapat sana isang tahimik na kasal ay nagmistulang isang rumble zone. Agad namang lumayo sa lugar na iyon ang pamilya ni Jenny para maiwasang mapasali sa kaguluhan.

"Bitiwan mo si Jenny." Asik ni Eugene kay Ramon ng makalapit sa dalawa.

"Talagang kakaiba ka LT. Hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Sa susunod, sinisiguro ko na sa'kin ang huling halakhak." Wika nito at itinulak si Jenny patungo sa binata. saka agad na tumalon sa tubig.

Natalo nina Julianne ang mag tauhan nito ngunit hindi nila nahuli si Ramon dahil sa pagtalon nito sa tubig.

"Jenny okay ka lang ba?" Tanong ni Eugene sa dalaga. Hinubad nang binata ang sout niyang jacket at isout sa dalaga. "I'm sorry. Hindi ko akalaing nakalabas na si Ramon." Wika ni Eugene sa dalaga.

"I'm sorry pinag-alala ko ulit kayo. I'm sorry wala akong nagawa. Hawak pa nila si Aya. "Wika ni Jenny at tumingin kay Eugene hindi rin napigilan nang dalaga ang pagpatak nang luha sa mata niya.

"Pamilya tayo. Kaya ang problema nang isa, problema ng lahat." Wika naman ni Julianne at kinusot ang ulo ni Jenny.

"Hindi pa rin natin nahuli si Ramon. Pero huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para mahuli siya at nang hindi ka na niya guluhin." Wika ni Eugene. "Huwag mong sisihin ang sarili mo sa pagkawala ni Aya. Kami nang bahala sa paghahanap sa kanya."

"I'm sorry" Wika ni Jenny na hindi mapigilang hindi umiyak. Kahit na hindi niya maramdaman ang pagmamahal mula sa pamilya niya. Nahanap naman niya ito sa mga kaibigan niya na itinuring niyang pangalawang pamilya sa loob ng mahabang panahon. Agad na hinataka ni Eugene si Jenny at niyakap. Maraming nangyari ngayong araw at alam niyang mabigat ang loob nang kaibigan he was hoping na mapagaan niya ang loob nang kaibigan.

"Hindi ba 'to masakit?" Wika ni Eugene habang nakatingin sa sugat ni Jenny sa leeg. Na bigla ang dalaga nang hawakan ni Eugene ang sugat niya sa leeg. Napaigtad pa siya dahil sa labis na gulat. Nabigla din si Eugene sa naging reaksyon ni Jenny kaya siya napatingin sa dalaga.

"Pwede ko bang matingnan?" Wika ni Johnny at lumapit sa dalaga. Pasimpleng umatras si Eugene para makita ni Johnny ang sugat ni Jenny sa leeg. Si Johnny ay isang nurse bago pumasok sa Armed Forces at maging miyembro ng Phoenix.

"Malalim ang sugat sa leeg mo, buti pang pumunta na tayo sa hospital. Para magamot. Baka ma-infection ka." Wika ni Johnny kay Jenny at nilagyan ng panyo ang dumudugong sugat.

"Salamat." Wika nito at ngumiti. Habang pinapanood ni Eugene ang binata na tinitingnan ang sugat ni Jenny, pakiramdam niya may pumipiga sa puso niya. Kumikirot ang dibdib niya. Bagay na hindi niya maunawaan. Before he know it nakakuyom na ang mga kamao niya.

Wala paring nakakaalam kung saan dinala nang mga lalaki si Aya. Patuloy ang paghahanap nang phoenix kay Ramon ito lang ang nakakalam kung saan dinala nang tauhan nito ang kapatid ni Eugene.

Bumalik sa Phoenix headquarters sina Meggan at Julius para sabihn sa kapitan nila na nakita na nila si Jenny ngunit nawawala pa rin si Aya. Nang dumating sila sa command center si Juri lang ang naroon.

"Alam mo ba kung saan nagpunta si Chief?" tanong ni Meggan.

"Ang alam ko kanina nagpunta siya sa Condo Unit." Wika ni Juri.

"Hindi namin siya nakiya hindi pa ba siya bumabalik?" tanong ni Julius.

"Hindi pa siya bumabalik."

"Saan kaya siya nagpunta. Nawawala si Aya at hindi naming alam kung saan hahanapin. Ngayon naman maging siya hindi rin makita." Ani Julius.

12 hours Ago..

Isinakay nang mga lalaki si Aya sa isang kotse para dalhin sa isang warehouse kung saan balak ni Ramon na itago ang dalaga hanggang sa matapos ang kasal nila ni Jenny ngunit habang nasa daan 2 di kilalang lalaki ang humarang sa kanila. Pinatay nito ang tatlong lalaki at sapilitang sinama ang dalaga.

Nang magising si Aya sa isang lugar siya. Wala na doon si Jenny at wala din ibang tao kundi siya. Nakatali siya sa isang haligi. Madilim ang boung paligid. Nais mabingi nang tenga niya dahil sa labis na katahimikan nang paligid.

"Tulong! Tulungan niyo Ako!" sigaw ni Aya. Ngunit kahit anong sigaw niya walang nakakarinig sa kanya. Hind niya alam kung anong lugar ang kinalagyan niya at kung anong balak nang mga dumukot sa kanya.

Samantala…

Dinala nina Eugene si Jenny sa hospital para magamot ang sugat nito sa leeg. Gaya ng sinabi ni Eugene kay Jenny, inilagay na sa Wanted list si Ramon. Gusto niyang mahuli na ang lalaki para malagay na sa tahimik si Jenny. Alam niyang na nangangamba parin ang dalaga dahil sa mga nangyari dito. Isa pa ayaw na rin niyang nakikitang napapahamak ang mga taong malalapit sa kanya.

Nalaman din nang lola nina Eugene ang nangyari sa apo niya at alam din nilang hindi pa rin nakikita ang bunsong kapatid ni Eugene. Napasugod ang matanda sa hospital kasama si Butler Lee. Nagulat ang lahat nang biglang pumasok sa silid ni Jenny ang matanda kasama.

"Master Eugene." Wika ni Butler at nag bow kay Eugene gaya nang isang typical na ginagawa nang isang servant sa kanyang master.

"Eugene anong nangyari sa kapatid mo?" tanong ni Donya Carmela sa apo. "Iligtas mo si Aya." Wika pa nito.

"Don't worry ill make sure to find her" wika ni Eugene at niyakap ang lola niya. Nagpaalam si Eugene sa lola niya. Inihabilin din nito si Jenny sa kanya. Kailangan nilang umalis upang hanapin ang kapatid niya.

"Magkatulad na magkatulad sila nang kanyang ama." Wika ni Lee.

"Tama ka" pagsang-ayon nang matanda sa sinabi ni Butler Lee. "Kumusta na si Jenny? Talaga bang magkasintahan sila ni Eugene? At dahilan kung bakit ayaw niyang sundin ang gusto kong pagpapakasal niya kay Frances?" tanong nito. Ito ang dalagang nakita nila sa balitang ipinakilala ni Eugene na kasintahan niya

"Hindi po. Kaibigan siya ni Master Eugene. Ayon sa mga tauhan ko anak siya nang lalaking kumupkop noon sa apo niyo." Sagot ni Butler Lee. "Mukhang nasa isang sitwasyon ang dalaga kaya nagpanggap si Master Eugene na kasintahan niya."

Aya?!" gulat na wika ni Dranred nang makita si Aya na nakatali sa isang haligi. Dinala siya ni Ornais sa isang liblib na lugar kung saan nakatayo ang isang lumang windmill. Doon nakita niya sa loob si Aya at nakatali sa isang haligi. Naroon din sa loob sina Jezebeth at Leonard.

"Anong ibig sabihin nito? bakit niyo hawak si Aya?" tanong ni Achellion sa mga lalaki.

"Nais ka lamang naming tulungan Achellion. Mas mapapadali ang pagkuha mo nang iyong nawawalang alaala kung mababawi moa ng iyong kwentas." Wika ni Jezebeth.

"Captain!" sigaw ni Aya at nagpumiglas mula sa pagkakatali. Nakita nilang lahat nang ilaw ang kwentas na sout niya at ganoon din ang marka sa kamay ni Dranred.

"Tinatawag ka na nang iyong kwentas Achellion. Habang tumatagal na malayo sa iyo ang simbolo mo lalo kang nagiging isang mortal at sa katagalan bigla mamatay gaya nila." wika ni Leonard. Naglakad si Dranred palapit sa dalaga. Napakuyom ang kamao ni Achellion.

"Captain ano bang nangyayari? Ano bang kailangan nila sa 'kin" tanong ni Aya sa binata nang makalapit ito sa kanya. Kinalagan siya nang binata mula sa pinagkakataliaan.

"It's okay now." Wika ni Achellion sa dalaga.

"Kaya ba mahalaga sa iyo ang dalagang ito dahil kakaiba siya sa ibang mortal? Nakikita niya ang mga fallen angel na gaya namin. Hindi mo ba naisip na dahil hawak niya ang kwentas mo kaya niya nakikita ang mga tulad natin? Habang hawak niya ang kwentas mo patuloy niyang makakasalamuha ang mga nilalang na hindi saklaw nang isang mortal. Mabubuhay siya na kakaiba mula sa ibang mortal. Hindi ka ba naawa sa kanya?" ani Jezebeth.

"Ano bang sinasabi nila?" naguguluhang tanong ni Aya sa binata.

"Aya." mahinang wika ni Dranred at hinawakan ang mukha nang dalaga.

Nararamdaman niyang tinatawag siya nang kwentas. Nagsimula itong umilaw.

"Ah." Daing ni Aya nang maramdaman na naginit ang kwentas niya.

"Pakiramdam mo ba napapaso ka sa init na dala nang kwentas mo? Marahil dahil simula pa lamang hindi na para sa iyo ang kwentas na iyan." Wika ni JEzebeth.

"Ano bang sinasabi niya?" tanong ni Aya sa binata.

"Aya. Naniniwala ka ba sa kin?" wika ni Dranred at tumingin sa mata nang dalaga. Hindi niya alam kung tama ang gagawin niya ngunit kapag hindi niya nailayo ang kwentas sa dalaga marahil ay lamunin nga ito nang apoy mula doon.

"Ano bang sinasabi mo. tinatakot mo naman ako. Huwag mong sabihin na nahawaan ka na rin nang mga yan." Ani Aya. At itinulak nang bahagya si Achellion. Bakit masama ang pakiramdam niya.

"AH!" napasigaw si nang maaramdaman ang libo libong karayom na tumutusok sa buong katawan niya dahil sa labis na sakit napaupo ang dalaga sabay yakap sa katawan niya.

"AYA!" nag-aalalang wika ni Dranred.

"Achellion hahayaan mo na lang ba siyang magdusa?" ani Jezebeth.

"Kunin mo na ang kwentas nang matapos na ang paghihirap niya." wika naman ni Leonard.

"Kapag hindi kayo tumigil kayo ang uunahin ko!" galit na asik ni Dranred. At tumingin sa mga lalaki. Nakita nilang biglang nagbago ang kulay nang mata ni Achellion. He was in rage. Alam niyang ang lutos na sumisimbolo sa buhay niya ang nagbibigay nang buhay kay Aya. At ito rin ngayon ang nagbibigay nang labis na parusa sa dalaga.

"Gusto mo ba siya siyang makitang unti-unting bawian nang buhay. Kahit anong piliin mo sa huli kamatayan pa rin niya ang kapalit nang buhay mo." Wika pa ni Jezebeth.

"Mamatay? Anong sinasabi niya?" tanong ni Aya sa binata habang patuloy paring nararamdaman ang sakit na dulot nang nang hindi makitang karayom na tumitusok sa katawan niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang naglabas nang kakaibang init ang lotus niyang kwentas gusto man niya itong tanggalin kaya lang ni minsan hindi naman ito nahubad sa kanya, para bai tong na engkanto at hindi matanggal sa leeg niya.

"Hayaan mong ipaliwanag ko saiyo ang lahat." Wika ni Jezebeth. "Ang kwentas mo ay ang nawawalang katauhan ni Achellion. Iyan ang dahilan kung bakit may lumalabas na liwanag sa kamay ni Achellion at sa kwentas. Hindi ka ba naghihinala kung bakit malakas si Achellion tuwing nandiyan ka? Kung bakit ka nilalapitan nang mga Fallen angel? Kung bakit ikaw ang target sa halip na si Achellion." Taka namang napatingin si Aya sa binata.

"Anong sinasabi niya?" gulong-gulo na wika ni Aya at tumingin sa binata saka pumasok sa isip niya ang sinabi ni lucifer sa kanya. Ang buhay na ibinigay sa kanya ay kukunin din nang taong nagbigay nito sa kanya.

"Hindi na mahalaga kung ano ang sinabi niya. Huwag kang makinig sa kanya." Wika ni Achellion at hinawakan ang mukha ni Aya. "Just look at me. And only listen to me." Ngumiting wika ni Achellion.

"Huwag kang hunghang Achellion. Kapag wala ang kapangyarihan mo maari kang maglaho sa mundong ito.' Wika ni Leonard.

"I did said na kapag hindi ka tumigil ikaw ang uunahin ko." Galit na wika ni Achellion. BIglang umihip ang malakas na hangin. Nagliwanag ang kaliwang kamay ni Achellion at lumitaw ang phoenix na marka sa kamay nito. Sunod ding nagliwanag ang kwentas ni Aya.

"Kung hindi mo kayang kunin ang kwentas dahil naawa ka sa buhay nang mortal na iyan hayaan mong tulungan ka naming." Wika ni Ornais at Inatake si Achellion. Isang malakas na sipa ang tumama kay Achellion dahilan upang tumilapon ito. Dahil sa biglaang pagsugod nang lalaki hindi nagawang sanggain ni Achellion ang ataking iyon.

Dahan-dahan namang nalakad palapit si Jezebeth sa dalaga. Napahawak nang mahigpit si Aya sa kwentas niya.

"Layuan mo siya!" sigaw ni Dranred.

"Walang puwang ang awa sa mundong ito Achellion. Ang dalagang ito ang dahilan kung bakit naging mahina. Hayaan mong tulungan kitang tapusin ang kahinaan mo." wika ni Jezebeth at hinwakan si Aya.

"Don't touch Her!" malakas na sigaw ni Achellion. Isang malakas na kapangyarihan ang tumama kay Jezebeth dahilan upang mapaatras ito. Tila naman isang hangin na kumilos si Achellion at sa isang iglap nasa harap na ito ni Aya.

"I won't let any of you come near her." Asik ni Achellion. His fury can be felt all over the place. Umiihip ang malakas na hangin.

"Hangal ka Achellion. Isasakrispyo mo ang buhay mo para sa isang mortal. Isa kang hangal!" Asik nito.

"Captain." Anas ni Aya.

"Don't Worry. Sinabi ko na dati. I am here to protect you Always. I have already given you my life before and I don't mind giving it to you the second time." Wika nang binata.

"Alam ko. At hindi ka pa sumisira sa pangako mo. But this time I want to protect you too." Wika ni Aya at hinawakan ang kamay nang binata. taka naman napatingin si Achellion sa dalaga. nakita niyang inilabas ni Aya ang kwentas niya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Achellion nang biglang dahan-dahang hinila ni Aya ang kamay ni Achellion patungo sa kwentas. Akma pang ilalayo ni Achellion ang kamay niya ngunit pinigilan siya si Aya.

"You don't have to do this." Tanggi ni Achellion at simpleng binawi ang kamay sa dalaga ngunit pinigilan ito ni Aya.

"Countless time you have saved me. Binigyan mo rin ako nang pangalawang buhay. To the extent na buhay mo ang kapalit. Hindi ko alam kung bakit mo ginawa yun. Wala ka namang obligasyon na gawin. But you still did. Gusto kong ako naman ang magbigay para saiyo. Just this once." Ngumiting wika ni Aya.

"Silly girl." Wika ni Achellion.

"You are my guardian Angel. At kahit anong mangyari. Maniniwala akong ikaw ang anghel ko. I have my guardian angel and who cares if he is a fallen one." wika ni Aya. At giniya ang kamay ni Achellion palapit sa kwentas. Marahan namang hinawakan ni Dranred ang kwentas. Naramdaman ni Aya na biglang natanggal ang hook nang kwentas niya. Nang hawakan ni Achellion ang kwentas kusa itong napigtas na tila ba nakikilala nito ang may hawak sa kanya.

Nagulat ang tatlong fallen angel nang bigla na lamang nabalot nang pulang liwanag ang dalawa. Ang pulang liwanag na nakakabulag. Dahil din sa liwanag na iyon hindi nila Makita kung anon ang yayari sa dalaga. Salakas nang hangin na umiihip hindi rin sila makalapit sa mga ito.

"Achellion. You have to promise me, that you will get out of here alive." Wika ni Aya.

Natigilan ang binata, it was the first time na tinawag siya ni Aya sa pangalan niya. She always call him captain o Yabang. Hearing her utter his name is a music to his ear.

"We will. I will still want to hear you say my name again I want to hear it one more time." Wika ni Achellion. Nakita niyang ipinikit ni Aya ang mga mata niya. Unti-unti niyang narinig ang mahinang tibok nang puso ni Aya.

"Aya."mahinang anas ni Achellion saka niyakap nang mahigpit ang dalaga. "I can't promise to stay by yourside forever. But know that whenever you need help. I will always be there to protect you always." Bulong ni Dranred sa dalaga. Napangiti naman si Aya nang maramdaman ang maiinit na yakap nang binata. Ang kakaibang init na iyon ay naramdaman na niya noon. ALam niya iyon. Ito yung kakaibang init na kumalinga sa kanya noong nasa bingit na siya nang kamatayan. It was the same warm that same feeling. The security. Oh how she wish they could stay like that forever.

Nang maglaho ang pulang liwanag kakaibang Achellion na ang nakita nila. yakap nito ang walang malay na si Aya. Kakaibang Achellion ang Nakita nila. Wala silang maramdamang kahit isang maliit na enerhiya nang isang anghel sa katawan nito. Hindi rin nila mawari kung isa pa bai tong fallen angel.

Sa kaliwang kamay nang binata malinaw na makikita ang phoenix na imahe at sa kanang kamay naman nito ang lutos na simbolo nang anghel na si Achellion. Hindi nila alam kung anong nangyari ditto. Ngunit sa kanilang palagay mas malakas na ito ngayon.

Dahan-dahang tumayo Achellion at pinangko ang walang malay na si Aya. Saka humarap sa tatalong lalaki.

"Achellion sa tingin ko mas malakas ka pa kumpara sa dati." tanong ni Jezebeth. Nakita nila ang matalim na titig mula sa mata nang binata.

"Dark Angel." Wika ni Leonard nang makilala ang katauhan ni Achellion. Ang itim na mga pakpak nito ang patunay na isa na itong ganap na dark angel. Hindi lang isang basta fallen angel. Nang mapasakamay nang binata ang lotus at mapag-isa sa phoenix nitong simbolo bilang isang fallen angel.

Isang bagong kapangyarihan ang nagawang gisingin nang binata.

"Ito na ba ang maaalamat na phoenix na sinasabi nila?" tanong ni Ornais.

"Alam kong nais niyong ibalik ang dati kung kapangyarihan. Ngunit isang bagay ang hindi ko mapapalampas. Iyon ay ang saktan niyo ang nag iisang taong pinakakaiingatan ko." galit na wika ni Achellion.

"Anong---" gimbal na wika ni Jezebeth.

"Nais niyong makita ang totoo kung kapangyarihan hindi ba?" wika ni Achellion at naglakad palapit sa kanila. Biglang nabalot nang kakaibang kilabot ang buong paligid. Maya-maya pa may mga trumpeta silang narinig ang tunog na sumisimbolo sa mga konseho nang anghel.

"Paparating na sila." Nagpapanic na wika ni Ornais. Bigla na lamang nabalot nang liwanag ang loob nang lumang windmill. Nang maglaho ang linawag lumitaw ang 4 na arkanghel bumubuo nang konsehong tinutukoy ni Ornais. Wala na sa loob nag gusali ang tatlong fallen angel. Ang tanging naiwan ay si Achellion at ang walang malay na si Aya.

Dumating din sa lugar na iyon si Leo ang tumutugis sa mga Fallen angel at si Arielle ang kanang kamay ni Gabriel. SI Arielle ay ang pulis na kasama nila sa phoenix. Nagpapanggap din ito bilang isang mortal. Katulad din ni Leo ang misyon nang lalaki. Kaya lang hindi agad siya na tunugan ni Leo dahil sa galing nitong magtago nang kanyang kapangyarihan. Nagulat pa nga si Julianne nang bigla siyang kausapin ni Arielle at sabihin kailangan nilang pumunta sa lugar na ito dahil may naramdaman itong malakas na kapangyarihan doon niya nalaman na isa rin palang anghel si Arielle.

Nang dumating sila sa lugar na iyon. Labis na nagulat pa si Leo nang makita ang binata. Hindi ito makapaniwala sa bagong Achellion na nasa harap niya. Matinding lakas din ang nararamdaman niya sa binata. Isang masamang enerhiya at mapaminsala.

"Lumabas na pala ang tunay mong katauhan. Achellion." Ani Michael.

"Sumuko ka na Achellion. Libong taon ka nang naging lagalag sa mundong ito. Nasira ang balanse nang kalikasan nang makipagsalmuha ka sa mga mortal. At bitiwan mo rin si Aya. Wala kang karapatan sa kanya." Wika ni Leo.

"Mananatili ako sa lugar na ito gaya nang pangako ko sa dalagang ito." Wika ni Achellion at tumingin sa natutulog na dalaga.

"Mas mabuti pang bitiwan mo na si Aya." ni Leo. "Hindi ko hahayaang mapahamak siya sa kamay mo."

"Hindi ka nababagay sa lugar na ito Achellion. Ang tadhana nang dalaga ito ay hindi mo saklaw. Huwag mong panghimasukan ang buhay nang Iba. Magkaiba ang mundo niyo iyan ang dapat mong maintindihan." Wika Uriel.

"Hindi niyo siya mailalayo sa akin." Wika ni Achellion. At biglanng nag-liwanag ang kanang kamay. Ngunit bago pa siya makakakilos biglang mabilis na kumilos si Michael. Sa isang iglap lang hawak na nito si Aya. Hindi man lamang na ramdaman ni Achellion nang kunin sa kanya nang anghel anng dalaga.

"Tanggapin mo ang parusa mo Achellion." Wika ni Gabriel at itinutok kay Achellion ang isang bulaklak na lily. Si Gabriel bilang isang arkanghel simbolo niya ang puting lily na ang ibig sabihin ay paglilinis. Nagliwanag ang bulaklak at binalot si Achellion. Nang wala ang liwanag naglaho isang kakaibang Achellion ang nakita nila. Isang nakakatakot na nilalang. Isang nilalang na hindi nila inaasahang magpapakita.

"Ang Nemesis." Wika ni Arielle. Habang binabantayan si Aya.

"Nemesis?" takang wika ni Leo. Isang alamat lamang ang Nemesis. Isa rin itong kinatatakutang nilalang. Isang Dark Angel na kapantay ang kapangyarihan nang isang Dominion. Gaya nang dominion Anim ang pakpak nito ngunit ang kaibahan lang Apoy ang mga pakpak nito.

"Ito pala ang tunay mong anyo." Wika ni Uriel na nagulat.

"Phoenix descendant." Wika ni Raphael. Ang phoenix ay isang fallen angel bago pa man nagsimula ang digmaan sa langit. Ito rin ang kaunaunahang fallen angel at itinuring pinakanakakatakot sa lahat nang mga Dark Angel. Ang buong akala nila. Winakasan na ni Seraphim ang buhay nang phoenix ngunit ngayong nakikita nila si Achellion. Isang bagay lang ang malinaw. Si Achellion ay hindi isang ordinaryong fallen angel dahil taglay nito ang kapangyarihan nang phoenix. Ngunit papaano?

Bumaling si Achellion sa direksyon ni Aya.

"Lumayo ka sa kanya." Wika ni Leo at humarang. Isang malakas na suntok ang iginawad ni Achellion sa binata dahilan upang tumilapon ito. BIlang isang Nemesis masyadong malakas ang binata. Walang ibang makakapigil sa kanya.

"ACHELLION!" malakas na sigaw ni Michael At humarang sa binata. walang emosyon ang mga mata nito. At mukhang kahit ito hindi alam kung paano ma kokontrol ang taglay na malakas na kapangyarihan.

"Aya."mahinang sambit ni Achellion nang napatingin sa walang malay na si Aya.

Bigla itong napaatras. Ilang saglit pa biglang sumigaw ang binata. At napahawak sa ulo niya. May mga naririnig siyang hindi niya maintindahan. Gulong-gulo ang utak niya.

At dahil wala itong Control sa taglay na lakas. Wala itong ibang alam kundi ang mangawasak. Sinamantala nina Michael ang pagkadistract ni Achellion. Nilagyan nila ito nang kadina upang dalhin sa Limbo kung saan siya ihahatid patungo sa impyerno. Ngunit walang nagawa ang kadina nila laban sa lakas nang binata. Nagkapirapiraso ang Kadinang isinuot nila kay Achellion.

Patuloy na nagamok ang binata. Naglabas nang malakas na apoy. Nabalot nang apoy ang boung katawan kasabay ang malakas na ihip nang hangin na tila isang ipo-ipo. Nagsimula na rin masunog ang lugar na iyon.

Walang ibang nagawa sina Leo at Arielle kundi ang itakas si Aya sa lugar na iyon. Naiwan ang mga Arkanghel upang pigilin ang nagwawalang si Achellion.

Dinala Ni Julianne at Arielle si Aya sa emergency room. Nagulat ang mga doctor. Wala silang makitang sakit sa dalaga. At hindi rin nila alam kung bakit ito hindi nagigising. Normal ang vitals nito ngunit hindi nila maiintindihan kung bakit ganoon ang kalagayan nito.

"Hindi pa raw bumabalik si Captain." Wika ni Ben nang dumating si hospital. Wala ring nakakaalam kung saan nagpunta ang binata. Sa loob lang nang isang araw maraming nangyaring hindi nila maitindihan. Nawala si Dranred at hindi nila alam kung saan hahanapin. Ngayon naman hindi magising si Aya.

"Eugene." Mahinang wika ni Jenny at lumapit sa kaibigan. Alam niyang labis na nagaalala ang kaibigan dahil sa nangyari sa kapatid niya. walang nakakaalam kung kailan magigising ang dalaga o kung magigising pa ba ito. Naupo siya sa tabi ni Eugene at niyakap ito. Noong kailangan niya nang taong magpapagaan nang bigat sa dibdib niya naroon si Eugene sa tabi niya. ngayon pagkakataon naman niya na pagaanin din anng bigat na nararamdaman nito. nakakuyom lang ang kamao ni Julianne habang iniisip kung ano ang nangyari sa dalaga. Iniisip niya kung ano ang nangyari kay Achellion. Bakit ito biglang naging mabangis. Ang isang malaking misteryo nang biglang pagkawala nang malay ni Aya at ang misteryo sa katauhan ni Achellion mga bagay na gumugulo sa utak ni Julianne.

--------TO BE CONTINUED-----------

下一章