webnovel

CHAPTER 3

Namangha ako nang marating namin ang malawak na Headquarter ng Philippine Air Force. Napapalibutan ng mga salamin ang buong building nila at sa harap naman ay nakaparada ang mga sasakyan, mga kotse at cargo trucks, mayroon ding ambulances.

Sa pagpasok namin may mga nakasabay pa kami na graduates din ng ibang pilot school. Sa school na pinanggalingan namin lima lang kaming nakuha, ewan ko lang sa iba.

Patingin-tingin lang ako sa paligid at napatingala ako matapos makarinig ng ilang ugong ng eroplano at hindi nagtagal ay may nagsidaanan nga. Are they on training?

Bumalik ang tingin ko sa unahan at napaatras ako sa likod ng kasamahan namin matapos makita kung sino ang paparating. Naglalakad sila pababa ng hagdan at nasa gitna siya, sa magkabilang gilid niya'y may kasama pa siyang kapwa nakakulay itim na unipormeng pansundalo.

Napansin ko ang pagsaludo ng mga kasama namin kaya napatingin ako sa kanila bago nagtama ang paningin namin ng lalaking nasa gitna. Nakatitig siya sa'kin na oara bang hinihintay na may gawin ako and then I realized, I did not do the salute part and so now, I did.

Umiwas na siya ng tingin at para bang ineksamina kami.

"I am Captain Xodriga from Philippine Air Force."

Ang lalim ng boses niya. Nagsasalita na parang ang taas ng awtoridad niya at doon ko lang din pala napagtanto na isa na siyang kapitan. I remember the day he left wihout uttering a single word for me. He went to America and I guess doon siya nag-aral. I don't even have any idea what course or career he chose to pursue. And this? Me being a pilot and him being a fighter is such a big coincidence. Wala naman sigurong balak ang tadhana na paglapitin pa kami, 'di ba?

"Thank you, Sir. My name is Ian Escolte. And I am from Eagle Air Academy."

"Ako naman po si Junel Caburian, from Fastlink Aviation Training Center."

I see. Iba-ibang school ang pinaggalingan namin at kakaunti lang talaga kaming babae.

"How about you show me your certificates?"

Kung kanina hindi ko siya tinitingnan ngayon oo na. Isn't he being rude? Nagpapakilala pa 'yung mga tao e.

"Sure, Sir." I did not expect Dennis in front of me to talk. He showed his certicate and without breaking their eye contact, he took the certificate from him and read it.

Later on he nodded while still looking at the paper. "You are from Class 10-7 of Flight International School. Awarded with the Master's Medal for the outstanding courage and devotion while duty on the air. Weighting the average of 1.8, not bad. " Ipinasa niya iyon sa lalaking nasa kaliwa niya saka sinenyasan niya si Dennis na pumasok na.

Kinabahan ang ibang ipakita ang mga certificates nila hanggang sa umunti kami ng umunti. Kaming ilang kababaihan ang natira at natanaw ko naman si Dennis na mukhang hinihintay ako sa loob. Hindi ko na siya pinansin kahit pa may sinasabi siya sa'kin. After what happened, we've never been good friends.

Hindi ko namalayang ako na pala ang pinakahuli. Inabot ko ang certificate ko pero napatingin ako sa kanya nang hindi niya tinatanggap iyon.

"I guess hindi mo na kailangang basahin ang certificate ko. Besides, I'm already qualified."

Babawiin ko na sana pero nakuha niya na sa'kin. Binasa niya iyon at napatitig ako sa kanya.

How can he be this handsome after years? He's also masculine and tall. He got this clean cut and he has a good posture on his body. His eyebrows are thick and well shaped. He has sharp nose and a luscious lips. Damn it, and how can he have no pimples?

Mabilis akong umiwas nang umangat na ang tingin niya. He directly looked at me.

"You're all welcome. Proceed to the information desk and get your numbers for your assigned quarter." He said while still looking at me

"Maraming salamat, Captain." they excitedly thanked him and went off.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya dahilan upang hindi ako makahakbang

Hindi ko lubusang inasahan ang tanong na iyon mula sa kanya. I thought he's going to completely ignore me.

Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa braso kaya natigil ako sa paglalakad. Sinalubong ko ang bawat titig na itinatapon niya sa'kin.

"Sorry, Captain Xodriga but I believe you already welcomed us so if you don't mind, let me pass and I am asking for your respect as well. Have a wonderful day." Saad ko ng hindi man lang ito nginingitian.

I want him to respect me while I'm here so I can do the same. Hindi na kami tulad ng dati na parang wala lang at mas lalong hindi na ako ngayon ang taong noon ay iniwan niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan ako ni Xyth kaya nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad. Tinabihan naman agad siya ni Dennis na lumingon pa sa likod bago siya nakausap.

"Anong sinabi niya?"

"It's not your damn business."

Narating namin ang information desk na sinasabi niya saka binigyan kami ng susi at kasabay na roon ang number ng tutuluyan namin.

After, I continued walking and as I reached my quarter, I placed my things there. Tinawag agad kami para lumabas. Tangina hindi pa nga ako nakakaupo. Hindi ko pa nga nadadama ang kama ko. Double deck ang kama at bali anim kami dito pero walang sumalubong sa'kin. I see, baka busy sila.

As soon as I open the door to go out, I stepped backwards as the man in front of me walked like he's not going to crash on me. Sinara niya agad ang pinto nang pareho kaming nasa loob na. Gulat na gulat akong makita siya pati na ang seryoso niyang mukha pero nilakasan ko ang loob ko. Ayaw kong makita niya na apektado ako sa presensya niya gayong hindi naman.

Hindi naman talaga.

"Anong ginagawa mo rito, Captain? Tinawag na kami through the intercom. I don't think I am so special for you to personally come here."

"Why are you here?" he instead asked me

I raised an eyebrow. "Maghahanap ng gwapo." saka ko naman siya nilagpasang muli pero kinuha niya ang braso ko pabalik kaya kaharap ko na naman siya.

"Get your things and go."

Pakiramdam ko nagsipantayan ang mga kilay ko.

I took a step towards him. "Diyan ka ba magaling? Sa pagtaboy ng tao?" binangga ko ang balikat niya sa paglalakad ko and this time, I'm lucky that I went out of that room.

Damn him.

How dare him shove me away again for the second time?! Sino ba siya sa akala niya? Ni hindi ko na nga siya pinakialaman.

Narating ko ang likod na bahagi ng headquarter at namangha ako sa laki at ganda ng runway nila. Damn. Ang lawak din ng helipad nila. There are different helicopters there and on the other side I think are the fighter jets.

Ghad! I can't believe I'm seeing this.

"Good day, trainees. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Hindi biro ang makapasok kayo sa ganitong larangan at ngayon palang sinasabi ko na sa inyong hindi rin biro ang mga pagdadaanan ninyo. Training palang at sa isang pagkakamali lang o katangahan, maaaring maging kapalit na ang buhay ninyo. Ayaw ko ng mga tatanga tanga. Ayaw ko ng makukupad kumilos. Ayaw ko ng suwail. Sa madaling salita, I want you to do your best during the training at kapag nagustuhan namin ang performance ninyo, it's either you'll be one of us or we'll send you away. Remember that your school is now not affiliated with you. Whatever happens to you in here, your school is out of it."

Kinabahan ako ng todo sa narinig. Wala man lang flowery words ang mga sinasabi niya. He's clearly scaring us. Alam ko naman na kahit training lang mapanganib na kaya nga nag-aral ako ng maigi sa pagiging piloto para alam ko na ang operation sa pagpapalipad ng eroplano.

This training is a serious matter and as I remember my mother, I realized that I should not take a single thing from here as a joke. Umalis ako sa bahay ng hindi pa rin kami maayos ni Mommy kaya hindi ko siya pwedeng biguin. I want to prove to her that I can. Ang takot na naramdaman niya noon para kay Dad, babaguhin ko 'yon kaya magte'training ako rito ng maayos.

"Sir, yes, Sir!" they said in unison

Tiningnan kami isa-isa ng lalaki at medyo tumagal ang tingin niya sa'kin pero matapang kong sinalubong ang tingin niya. I don't want anyone to see that I am vulnerable.

Lihim na nagdiwang ang sistema ko ng bumitaw siya ng tingin sa'kin pero ang lalaking nasa tabi niya'y hindi nawala ang tingin sa'kin. What is his problem?

"Ngayon magsisimula ang pagsasanay ninyo at mahahati kayo sa dalawang grupo."

What? Hindi kami magpapahinga kahit isang araw lang? What the heck.

"You will train under Company Grade. First group with First Lieutenant Latorilla and the other group will go along with Captain Xodriga."

My heart is beating fast as we accepted a soft thing wrapped with paper and a ribbon. Nakita kong may nagbukas niyon at nakakita ako ng kulay itim na bagay ngunit hindi yion tuluyang nabuksan ng lalaki nang magsalita na naman iyong nasa harap namin.

"Did I tell you to open it?"

Ramdam ko ang kaba sa mga kasama ko. Damn. Ganito ba sila kastrikto?

"And one more thing I want to add, you will not do things unless otherwise you are ordered."

They are so intimidating.

"Yes, Sir!" we answered

"Now, using only of your hands, open it without cutting the ribbons and ripping off the papers."

What?!

"Now!" he shouted and we were alarmed.

Ginawa ko lahat ng pag-iingat na dapat na gawin. Tinawag ko na ang mga dapat tawagin para lang mabuksan 'to ng hindi nasisira.

"You have a minute left." He warned kaya mas lalo akong nagmadali. Nakapatong lang iyon sa isa naming kamay habang ang isa naman ang ginagamit namin.

"Being careful, a basic part of your training but one of the most important things you must remember. One wrong move, one life eliminated."

I saw how successfully Dennis made it. Malapit na rin akong matapos at kukuhanin ko nalang iyon sa loob.

"Times up."

Darn. He didn't even warned us like ten seconds left. But then I am thankful that I got it off from the paper without breaking his orders.

"Hindi ko inaasahang magagawa ninyo ito ng matagumpay. Good thing, trainees. Now, that suit will be your uniform during your stay here and your trainings. Inside that are your numbers. You can all go now and change. I will give you fifteen minutes to return here and your time starts now."

Nagkahiwa-hiwalay kami at malayo layo pa ang quarter ko kaya naisipan kong maghanap nalang muna ng comfort room. Gladly may nakita agad ako saka pumasok doon. I changed my clothes into a new one. Binilisan ko lang ang mga kilos ko at nang matapos, tinali ko ang buhok ko dahil sobra na akong naiinitan. I looked at myself in the mirror at parang automatic na napangiti ako. The uniform looks good on me.

I glanced on my watch again before going back. Nang makarating ako'y mayroon ng iba na naroon. I stood up firmly and saw how Dennis transferred beside me.

"Saan ka nagbihis?"

"CR." Maikling sagot ko. Siguro napansin niyang hindi ako kasama sa mga tumakbo pabalik ng quarter namin.

Hindi na siya nakapagtanong pa nang magsalita muli ang lalaki.

"Time is up, people."

Napansin ko ang bahagyang pagyuko ng mga nahuli.

"Isa sa mga dapat na sanayin ninyo ay ang palaging pagdating sa sinabing oras. Lates always work bad and just like what I've said, I don't like turtles. Alam niyo naman siguro ang ibig sabihin ko, hindi ba?"

"Sir, yes, Sir!"

"Palalagpasin ko ito sa ngayon. Now, with the numbers on your hand go to your team and start the training." Tumalikod siya sa'min para harapin naman ang dalawang tao na inatasan niya yata.

"I will go now." Dinig ko lang na sabi niya saka tinapik nito si Captain.

Binuka ko naman ang palad ko para tingnan ang number doon at napahinga ako ng maayos nang makitang one iyon. I moved my feet to walk but I stopped when I realized that Dennis would also be on our team. Akala ko maayos na, kasama na naman 'tong asungot na 'to.

"Ang swerte ko talaga." Sabi pa niya habang nakasunod na kami sa iba pa naming team.

"At ang malas ko naman."

Tumatawang inakbayan niya ako. "Swerte ka, hindi mo lang nakikita." hinayaan ko nalang siya

"Hindi ito ang lugar para sa paglalandian." Asik ng bultong dinaanan kami.

Likod palang kilala ko na at kung may hawak lang ako baka nabato ko na siya. Inis kong inalis ang kamay ni Dennis sa balikat ko saka dire-diretsong naglakad. Humanay kami pagkatapos at sa unahan namin ay may mesa, nakalatag doon ang helmets namin saka iba pang equipments.

I bet we all felt the excitement as soon as we saw the fighters lined up far enough at the back of our First Lieutenant. Iba't ibang klase iyon pero may pare-pareho naman. I don't how it'll felt driving another kind of plane.

"We will start today with the training. First, I want to know who will do the solo and the duo. Divide yourselves now."

Ginawa namin ang sinabi niya at humanay ako sa mga gagawa ng solo at ako lang yata ang babae na gumawa niyon. Kasama ko na naman si Dennis.

"Alright, we'll do the individuals now."

Napabuga ako ng hangin habang tinitingnan kung sino ang unang sasabak. May nagboluntaryong una at lalaki iyon. pagkalapit niya sa mesa'y sinuot niya ang karagdagang kagamitan saka inabot ng First Lieutenant ang helmet na gagamitin nito.

Sumaludo ang lalaki dito bago tinungo ang isang itim na eroplano. Mayroon namang combat radio ang trainor namin at ear device naman doon sa sasabak sa ere.

"I'm giving you AC-130, a close air support, air interdiction and armed reconnaissance aircraft. But all you have to do now is to maneuver and master its parts. Make three rounds within Manila vicinity. All information during your fly will be automatically sent to our command center. Have a good fly, pilot." Saka niya binaba ang radio combat niya

Dumako naman ang tingin namin sa lalaking sasabak na. He just showed as a thumbs up and the glass shield closes. Parang ako ang kinakabahan sa kanya.

Darn it.

I can't make these things fly if I am already feeling nervous now. Argh.

"Kinakabahan ka 'no?" Dennis appeared beside me and tapped my shoulder

"H-hindi."

Nagkibit-balikat siya. "Sabi mo, e."

"Baka ikaw." Pang-aasar ko sa kanya

"Bakit naman ako kakabahan? May Master's Medal ata 'to." Pagyayabang niya

"Connect? Baka masupalpal ka ng medal mo na 'yan kapag pumalya ka rito 'no."

"Sus! Gusto mo ipakita ko pa sayo, e. Hindi ko pa nga binibigay ang best ko."

Ang hangin talaga ng lalaking 'to kaya minsan hindi ko siya matiis. Ang sarap sagut-sagutin ng mabawasan naman ang kayabangan niya.

"Next. Aguilar, Dennis Jon."

Natigil kami sa pag-uusap nang tawagin na ang pangalan niya. Ginulo niya ang buhok ko saka naglakad na patungo sa unahan. Inabutan na rin siya ng mga kompletong kagamitan pati na ang helmet niya.

Lumingon siya sa'kin saka nginitian ako at para naman mapagaan ang loob niya nginitian ko na rin siya. He needs a good luck, hindi ko na muna siya aawayin sa ngayon.

"You will be mastering, E-8 Joint Surveillance Target Attack Radar System, an airborne battle management, command and control, intelligence, surveillance and reconnaissance aircraft. You are connected to the command center as well."

Dennis saluted to the man and went to his assigned plane. I'm starting to get nervous again. Kinakabahan din kaya siya?

He started the engine and later on, he went to the runway, getting faster, and slowly taking off. Sinundan ko ng tingin ang eroplano niya at masasabi kong maayos naman niyang nagawa ang pagpapalipad.

"Berrenzana, Keisha."

Kung kanina kinakabahan na ako para sa mga kasama ko, ngayon naman parang ayaw ko na. Nanlamig ang mga kamay ko at parang hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

"Berrenzana, Keisha."

My teammates looked at me and motioned me to go so I did. I let out a deep breath and secretly pinched my arm to get a hold of myself.

Nang makalapit na ako sa First Lieutenant namin parang sinisilip niya ang mukha ko.

"Nervous?" nakangising tanong niya

Damn. Nahalata ba niya?

"A bit." I answered honestly

Tumango-tango siya saka sinenyasan niya akong gumilid muna na ginawa ko naman.

"We'll do the duo later."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin sasamahan niya ako sa flight ko? Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko na parang nagtataka.

"Soriano—

"Excuse me, First Lieutenant." A voice in the front

Umangat ang tingin ko at nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang paningin namin. What is he doing here?

Napansin ko ang pagsaludo ng aming Lieutenant. "Yes, Captain."

"I need to get one of your members so I can partner her with the dual-role fighter."

Nagbulungan ang mga kasamahan ko at ang ilang babae naman ay nag-abang na para bang gusto nilang sila ang mapili. Mabuti pa nga kayo nalang ang lumipat.

"Sure, Captain."

Dumagundong ang kaba sa puso ko nang dumako ang tingin niya sa'kin.

"Follow me, Ms. Berrenzana."

下一章