webnovel

Chapter 4

**Flashback**

Hindi pa tapos ang last class nila pero pinapasok nya na sa bag nya ang books nya. It's also the last day of class. Nagmamadali syang umuwi kasi today ang uwi ng kuya nya from Manila. Doon na ito nag aaral. He is studying BS Med Tech. Preparatory at gusto nitong mag proceed sa medicine.

Sukbit ang bag na mabilis syang nag lakad palabas ng school.

"Lex, sabay ka ba bukas? Mag mamall kami." Sigaw at habol sa kanya ni Justine, ang best friend nya and kababata.

"Text lang ako tomorrow kung pwede ako. Nandyan si Kuya eh." hindi tumitigil at pasigaw nyang sagot. Itinaas nya din ang kamay at kumaway.

Pag dating sa gate ay naghihintay na si Mang JImmy, binuksan na din ang pinto para makasakay sya. Mabilis na din itong umikot agad.

"Dumating na po si Kuya?" Tanong nya agad.

"Oo, kanina. May mga kasama syang schoolmates nya daw. Mga alas quatro na silang dumating."

"Mang Jim, daan lang tayo saglit sa Julie's. Dadaanan ko lang po yung baking ingredients ko."

Along the way naman ang Julie's at naitawag nya na din kanina ang order nya. Nabayaran nya na rin. Malayo pa lang nakita nya na din si Miss Julie sa labas ng store at bitbit na ang mga orders nya. Ibinaba nya ang bintana pag ka hinto sa tapat ng store. Malapad ang ngiti. "Hello po."

Hindi na sya bumaba at lumapit na sa kanya si Miss Julie. Inabot na din ang mga orders nya.

"Let me know if you need anything, hija." Humalik sa pisngi nya. "Send my regards to your parents and your kuya. Balita ko umuwi daw today."

"Opo. Kaya po dadagdagan ko yung binake kong macarons. Favorite nya yun eh."

"O, sya. Ingat sa pag-uwi" and she stepped back. With a wide smile, she waved too habang paalis na sila.

Bumusina si Mang Jimmy and the gate opened. It opened to a nice well-kept lawn with a few pine trees at may swing pa sa isa sa puno doon. Meron din isang hammock. May paikot na driveway.

Theirs is a two story house. With a magnificent view sa bandang likod. Their house is built on a mountain edge with breath taking views of the cordillera mountain range with great cool weather all year-round. In the early morning, it even looks as if it's above the clouds.

The car stopped at the front door. Dali-dali syang bumaba at pumasok ng bahay.

"Kuya? Kuya?" Malakas nyang tawag.

"Nasa likod bahay ata sila Lex". Sagot ni Aling Magda, asawa ni Mang Jimmy.

"Thank you po." at humangos na sya to the back garden.

Nakita nya nga ang kuya nakatalikod from where she was at, talking to people na hindi nya pa kilala. They were at the gazebo na isa sa mga paborito nya ring tambayan dito sa bahay. She ran to him and hugged him from the back.

"I missed you, Kuya." She had her arms tightly around his waist and her head in his back.

Nabigla naman si Lucas sa biglang yakap na natanggap. He saw fair skinned arms sa bewang nya. A contrast to his tanned hands na nakahawak na rin sa mga brasong nakapulupot sa bewang nya ngayon.

He can feel the tight hug. He can feel a head on his back and small breast too.Napapangiti tuloy sya.

"Lexie, kung sinu-sino na ang niyayakap mo ah." Narinig ni Lexie na nagsalita galing sa likod. Napalingon sya at laking gulat nya nang si Kuya nya ang nasa likuran. He was laughing at her. Mabilis nyang kinalas ang pagkakayakap pero mahigpit naman ang hawak ng sinumang niyakap nya sa mga braso nya.

"Wait, let me go. Sorry po." At sinubukang kalasin ang mga braso nya.

"No! Finder's Keepers! Sa kin na to, iuuwi ko na pag balik ko ng Manila." Nagbibirong banta ni Lucas.

Malakas namang nagtawanan ang iba pang naruon.

Niyakap pa lalo ni Lucas ang mga braso sa bewang nya kaya napasubsob lalo si Lexie sa kanyang likod.

"Bagay naman siguro kami eh." Dugtong nya pa na ikinatawa ulit ng grupo.

Napalingon naman sya agad sa kuya nya. Nangingilid na ang luha nya sa hiya. She was probably blushing all over. She can feel heat creep up her face.

"Hoy, tama na yan, cradle snatcher" Sabay batok ni Mark kay Lucas. At sinimulang baklasin ang mga kamay na nakahawak sa braso ng kapatid nya.

"Kuya, promise aalagaan ko to. Huwag mo syang ilalayo sa akin" nagdadramang sagot ni Lucas kay Mark. Tinawag pang kuya si Mark. Malakas na nagkakantyawan ulit.

"Ulol. Bitawan mo na nga. Pinaiyak mo pa eh." Hinila na ni Mark ang braso ni Lexie. Binitawan na naman ni Lucas ang mga iyon. Daling yumakap sa Kuya niya si Lexie. Halos hindi maiangat ang mukha sa hiya. Tiyak pulang pula na ang mukha nya.

Naramdaman nya naman ang pagpihit ni Lucas paharap sa kanila. Yumuko ito at sinilip sya.

"Hi, baby girl" Nakangiting bati nito sa kanya.

Inirapan nya ito at binaling ang ulo sa kabila.

"Ooooooooyyyyyy, basted na agad?" malakas na tudyo ni Niam, isa sa mga naka grupo doon.

Naramdaman naman ni Mark na humigpit ang yakap ni Lexie and pumadyak pa ito. Tiningnan nya ang mga kaibigan para tumigil na. At tumahimik naman sila. Niyuko nya ang kapatid at binulungan, "Binibiro ka lang."

Nakita nya naman na tumulo na nga ang luha nito. "Shhhhh. Don't cry. Binibiro ka lang eh." Saway nya pa dito.

"Samahan mo ko sa bahay." Bulong nya din. Napapasinok pa sya. Gusto nyang umalis doon dahil sa hiya.

Pumihit na rin pabalik ang kuya nya tsaka lang sya bumaklas sa yakap. Inakbayan na lang sya ng kuya nya at halos itago nya na ang mukha nya sa kili-kili nito. At sinamahan syang makabalik ng bahay.

Pag ka pasok sa kusina.

"O, napano yan?" Tanong naman ng mommy nya na busyng-busy sa kusina. Agad na naghugas ng kamay when she saw her red eyes.

"Wala, Mom. Nabiro lang. Ang lakas naman kasi mang alaska nitong si Lucas." kinusot pa ng kuya nya ang buhok nya.

Pumunta naman sya sa ref para kumuha ng tubig. Medyo nakalma nya na din naman ang kanyang dibdib. It was her first time to hug a guy at mabiro ng ganun. She felt her heart beat fast. She can still smell his back and the warm hands that hugged her arms at his waist.

Her heart raced when he said hi. She can still see those dark brown eyes looking at her and his wide smile.

"Akala ko kasi ikaw eh. Pareho kayo ng shirt."

"Lukaret ka din. Syempre pareho kami ng team."

Umirap na lang sya ulit sa sinagot nito.

"Saan na pasalubong ko?" Pag-iiba nya ng topic.

"Si Lucas. Hindi pa ba sya sapat." Pang-aalaska nito sa kanya.

"Kuya naman eh." nagdadabog nyang iniwan ito at umakyat na ng kwarto.

"Syempre may pasalubong ka." Pahabol naman nitong sagot. " Pero pwede din si Lucas kung sya ang gusto mo."

Padabog na sinara nya ang pinto. Na sinagot naman ng malakas na halakhak ni Mark. Naiiling na lang ang Mommy nila sa kanila.

下一章