webnovel

Chapter 3

- - - Chapter 3 - - - 

- Chantal's POV -

Naupo na ako sa upuan ko at pinabayaan silang apat. Makalipas ang ilang minuto ay ganon parin sila.

"Ano bang problema nyo?" Inis kong tanong. "Nakakairita kayo. Alam kong pangit ako, pero wag nyo naman ipamuhka. Kingina naman, ehh." Inis kong saad at umirap. Lumipas ang ilang sandali ay biglang nagcrave sa chocolate chip cookies kaya kumuha ako sa locker ko ng isang balot.

Binuksan ko iyon at naamoy ko ang mabangong amoy ni yon. Napapikit ako at inamoy ko ang mabangong amoy ng cookies na iyon na sobrang bango naman talaga. Kumuha ako ng isa at kinagat iyon.

"Ugh." Ungol ko dahil sa sarap ng cookies. "Ang sarap." Saad ko habang nakapikit. Pagdilat ko ay nakatingin sa aking ang Four Kings 'kuno' nila. "Gusto nyo?" Tanong ko sa mga lalaking nakatingin sa aking parang gutom na bata. "Bili kayo. Kapal ng muhka nyo, ahh." Saad ko at inirapan sila. Di ko napigilan ang pagtawa dahil sumimangot silang lahat.

"Ang damot." Bulong ni Ian.

"Gaga, niloloko ko lang kayo. Ngayon, alam nyo na kung anong feeling ng niloloko." Saad ko at ibinigay sa kanya. Tumingin sya sa akin na parang inaalam kung nagbibiro ba ako o hindi. "Sige na, tangina. Nahiya pa kayo, hindi nga kayo nahihiyang lumandi tapos dahil lang sa chocolate chip cookies nahihiya kayo? Tangina, nakakabilib yon, dude." Pang-aasar ko sa kanila. Doon na sila isa-isa kumuha sa nila ibinalik. Parang nagulat sila ng bigla akong tumayo.

Kanina pa kasi nila hindi pinapansin iyong babae sa may gilid kawawa naman.

"Hi." Saad ko at tiningnan sya. "Hi, I'm Faith Irish Ward. Can i be your friend?" Tanong ko at inabot sa kanya ang lagayan ng cookies. Doon sya nakaupo sa second row sa likod namin at napansin kong walang pumapansin sa kanya. Tapos bigla namang nag scan ang personality scanner ng glasses ko.

Name: Ivy Tolentino

Age: 17

Birthday: March 16

Isa syang loner. Mayaman ang pamilya nila pero hindi sya masyadong naasikaso dahil sa businesses nila.

Parehas pala kami.

"I'm Ivy. Hello." Saad nito at ngumiti pero hindi umabot sa mata. Naglakad ako at sumandal sa may pader na nasa gilid namin.

"Alam mo, I think you have to try my rule in my life. When I got stress or I feel so negative, I eat one chocolate a day. So... Here, eat one." Nakangiting saad ko. "Sabay tayo mag-lunch, ha? Wait mo ko mamaya." Saad ko at nginitian sya bago ako bumalik sa upuan ko. Bigla naman akong napalingon sa Four Kings. "Ano? May mga nagawa na ba kayo? Tapos nyo na ba ang pinapagawa ni Ma'am? Ohh, ayan pa. Tapusin nyo nayan, baka bumalik na si Ma'am Gordon." Saad ko ay inabot kay Lake ang Chocolate chip cookies.

"Paano ka? Ayaw mo na ba?" Tanong nito habang nagpapapalit-palit ng tingin sa akin at sa cookies.

"Duhh, uubusin natin yan." Saad ko ay naupo na.

"Tapos ka na ba?" Tanong ni Leon sa akin.

"Ap(Yup)" kumakain kasi ako kaya ganyan.

"Don't talk when your mouth is full." Paalala ni Lake ay may pinunasan sa gilid ng labi ko. Napatitig ako sa kanya ng hindi ko alam kung ilang minuto o segundo. Nagulat ako ng bigla kong paluin ang kamay nya.

"Masyado kang pabida. Alam ko yon." Mayabang kong saad at inirapan sya.

"Bakit mo nilapitan si Ivy? Hindi namin sya nilalapitan dahil may sakit sya sa utak. Baliw kasi ang isang yan." Saad ni Ryan sa akin. Lumingon naman ako kay Ivy.

"Parang hindi naman. Ok lang sya. Sadyang mga uto-uto lang kayo kaya nagpapaniwala kayo dyan." Saad ko at inirapan sila.

"Ikaw ang bahala." Saad ni Ryan at nanahimik na. Natahimik kaming lahat at biglang nagbigay ng signal ang glasses ko. May inilagay kasi ako ditong chip na nakakatract ng mga ano nang bagay. Non-living thing man o living things pa.

Mabilis kong bumuksan ang locker ko ilalim ng desk at inilagay doon ang chocolate chip cookies na kina---

"Ano yan, Miss Ward?" Tanong ni Ma'am Gordon na ikinagulat ko.

Sheeet! Nakita nya!!

"May kinakain ka ba dyan?" Tanong ni Ma'am Gordon. Napalingon naman ako sa chocolate chip cookies na inilagay ko sa locker ko sa ilalim ng desk.

"Wag mong ilalabas yan, Faith." Bulong ni Lake. "Mapapagalitan tayo." Saad nito.

"Meron po, Ma'am." Matapat kong saad napalingon naman sa akin ang apat na lalaking katabi ko. "I'm sorry po, ma'am. Wala naman po kasing sinabing bawal kumain kung nag-e-exam. Ang sabi lang po, bawal sa loob ng klase pero wala pong sinabing bawal kapag nag-e-exam." Saad ko habang nakatungo.

"Oo nga." Mahinang saad ni Ma'am Gordon.

"Tyaka po," nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Diba po, nakakatulong ang chocolates para mas magprogress ng maayos ang brain? Kaya may masasagutan po namin ang exam." Saad ko at ngumiti.

"Yes, you're right, Miss Ward. By the way, are you done?" Tanong nito sa akin at tumango lang ako sa kanya. "Sinong tapos na din?" Tanong nito sa iba kong classmates. "Sige na. Ibigay nyo na dito yan. Meron pa kayong 5 minutes to finish this exam. Then, You all having your second exam after this and then, lunch break na." Saad ni Ma'am Gordon na ikinatuwa ng lahat.

3 Hours Later. . .

Natapos na ang ikalawa naming exam at nagring na ang bell, tandang lunch break na. So, nag-aayos ako ng gamit ko ng mapansin kong hindi pa kumikilos ang tatlong tukmol. Nag-angat naman ako tingin sa katabi ko at nalumingon sa kabila ko, nakatingin silang apat sa akin.

"Ano bang problema nyo?" Nakapamewang kong tanong. "Hindi ba kayo, mag-l-lunch?"

"Inaantay ka namin." Saad ni Ian.

"Shuta? Bakit? Susubuan ko ba kayo? Tangina, ano? Magpapasubo kayo sakin?"

"Isasabay ka lang namin. Wag kang paepal." Saad ni Lake.

"Shuta, ako epal? Sampalin kaya kita? Shuta ka." Saad ko at inirapan sila. Saka ako lumingon kay Ivy. Tumayo ako at lumapit kay Ivy. "Hi, Ivy, sabay ka sakin mag-lunch?" Nakangiting tanong ko.

"Ahh. Oo, sige." Mahinang saad nito.

"Don't worry. Kung ayaw mo kasama ang apat na gonggong na yan ay tayo nalang a---"

"Hala!" Saad ni Ryan. "Sasabay ka samin, whether you like it or not." Saad ni Ryan.

"I don't care. Ang wag mo kong ma whether whether dyan. Hindi ka si Kuya Kim." Saad ko at inirapan sya.

"Sumama ka na, Faith, please." Pangungulit ni Ryan.

"Oo na, kung kasama si Ivy." Saad ko at lumingon kay Ivy.

"Sama ka samin, ha?" Saad ko at nginitian sya.

"May kasama ako. Pupunta dito mga kaibigan ko." Saad nito.

"Pero---"

"Ivz, let's go." Saad ni... Beana!?

"B-Beana?"

"Yes, do I know you?" Tanong nito. Bigla naman akong kinabahan.

"Ahm... Kasi diba, pinsan ka ni Chantal? Yong may-ari ng school? Pwede bang malaman address nya?" Kunwaring tanong ko.

"Ahm... Yes. But, I don't know where she is right now. Nandito sya sa school ngayon. Kagrade nyo din. Baka nandito lang sya sa tabi-tabi. Sige, una na kami." Paalam nito at inawakan na si Ivy.

"Ahm... Pwede ba akong sumama?" Tanong ko. Dahan-dahang humarap saakin ang pinsan ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tapos pabigla nyang binitawan si Ivy.

"Dyan ka na sa loser na yan, Ivy. You're a loser too after all." Saad nito kay Ivy saka nila kami iniwan. Bigla namang yumuko si Ivy at bigla nalang itong humikbi. Lumapit ako at niyakap sya.

"Shhh... Wag mo syang pansinin. Wag kang mag-alala, ma-g-grounded sya for the whole month dahil nang bully sya. Lagot yon sa mommy nya." Saad ko habang inaalo si Ivy. Mas lalong lumakas ang hikbi nya. "Halika na. Kain na tayo." Saad ko at iginaya na sya palabas. Tapos lumingon ako kila Lake at sinenyasan silang sumunod na mabilis naman nilang sinunod.

Pagdating namin sa cafeteria ay nakatingin samin ang lahat.

Siguro dahil sa apat na gonggong.

Naghanap na ako ng upuan namin at naglakad lang ako ng naglakad habang yakap ko si Ivy. Nang makahanap na ako bakanteng upuan ay lumapit ako doon, akmang uupo na ako ng biglang may humawak sa balikat ko.

"Halika dito. Doon tayo sa table namin." Saad ni Ian tapos hinila ako.

"Wag mo na akong hilahin. Baka masaktan si Ivy." Saad ko na sinunod naman ni Ian. Pagdating namin doon ay nakaupo na ang tatlong ulupong. Hindi muna ako umupo at pinaupo ko muna si Ivy bago ako umupo. Pag-upo ko ay hinarap ko agad si Ivy.

"Are you ok?" Tanong ko.

"Ok na ako. Thank you, by the way." Saad nito at pilit na ngiti. Hinawakan ko naman ang likod nya.

"Hindi ka ok. Wag kang mag-alala ganon talaga ang ugali ng babaeng yon. Balita ko, gusto nya daw maging Miss Universe pero ganon ugali nya. Hindi nga marunong mag-english ng deri-deritso." Saad ko at umirap sa hangin.

"Oyy, gusto mo ba ng Chuckie? Bibigyan kita." Saad ko kay Ivy.

"Ako, gusto ko." Pagp-pa-cute ni Ryan.

"Tsk. Wag ka ngang magpa-cute. Hindi naman bagay, muhka kang tubol." Saad ko at inirapan sya.

"Ok ka lang?" Tanong ni Ian kay Ivy.

"Im fine, Ian. Thank you for your concerned." Mahinang saad ni Ivy at pilit na ngumiti. Napailing naman ako.

"Alam mo, ngumiti ka na. Kasi---"

"Ivy." Tawag kay Ivy galing sa likod. Lahat naman kami ay napalingon doon. Biglang nag-scan ang personality scanner ng glasses ko.

Name: Angel Lopez

Age: 18

Birthday: January 12

Mayaman at pinag-aagawan ng mga lalaki. Matalino din ito pero hindi kasing talino ni Chantal Fay Ackerman.

Tsk. Sipsip naman ng glasses na to.

Name: Ashley Mendez

Age: 17

Birthday: April 7

Anak din ng mayaman at pinag-aagawan din ng mga boys. Magaling syang kumanta at sikat sya sa YouTube.

"Hi." Bati ko sa kanila. "I'm Pennywise from America." Biro ko sabay lahat ng kamay ko. "Do you want to float, Gorgie?" Biro ko ulit at nagpigil ng tawa.

"Ang corny mo, letse." Saad ni Ashley sabay irap sa akin.

"Hahaha. Ok lang corny, at least di ako baliw." Saad ko at tumawa-tawa.

"So, are you saying that I am crazy?" Maldita nitong saad. Bigla naman akong sumeryoso.

"What if I do? Are you going to have a fight with me?" Malditang tanong ko habang nakapamewang at nakataas ang isang kilay.

"Your just new here. Wala kang karapatang magyabang dito sa tiriteryo ko." Saad ni Ashley sakin at tinaasan ako ng isang kilay na parang tinatakot ako. "Baka gusto mong ipa-drop out kita. Bago ka umangas kilalanin mo muna kung sino kinakalaban mo." Mayabang nito saad na parang nananakot.

"So? Bakit? What are you going to do? You're going to use your nonsense connections just to beat me up?" Mataray kong saad. "You're weak. Even if you use your FUCKING connections, walang bubuwag sa akin dito. Walang makakapagpaalis sa akin. Kung gusto mo ikaw nalang ang umalis. By the way, nice to meet you." Saad ko at ngumiti na parang walang nangyari. Bigla naman nitong inilahad ang kamay nya.

"Im Ashley. And I like you." Saad nito at ngumiti. Tinanggap ko naman ang kamay nya.

"I'm Faith Irish Ward. And hindi tayo talo." Saad ko at tumawa. Ganon din ang ginawa nya.

"I'm Angel." Saad ni Angel galing sa tabi namin at inilahad ang kamay nya na tinanggap ko naman.

"Nice to meet you, girls" saad ko at ngumiti sa kanila. "Sabay na kayo samin mag-lunch." Saad ko at tumingin sa apat na gonggong. "Ok lang ba?"

"Ok lang, basta ikaw." Saad nila na ikinangiti ko.

"Hang sweet. Pasapak nga." Biro ko at naupo na. "C'mon, let's eat." Saad ko at pinaupo sila.

"Wala pa tayong food, Faith." Saad ni Ivy.

"Order na tayo, then." Saad ko at tinawag ang waiter. Pagkatapos ay kinuha na nya ang order namin. Pag-alis ng waiter ay nagsalita si Angel.

"Alam mo bang wala pang sumasagot kay Ashley ng ganon? Grabe, iba ka." Natatawang saad ni Angel. "Alam mo kasi, yang si Ashley. Leader yan ng isang gang. Kaya maangas umasta."

Leader lang? Ako nga ang reyna ng lahat ng mga gang, ehh.

"Tsk. Ang daldal mo talaga." Inis na saad ni Ashley.

"Hindi ba kayo comportable?" Tanong ko sa apat na gonggong.

"Hindi naman." Saad ni Leon at ngumiti.

"Sabagay. Kung sino-sinong babae nga kinakama nyo, ehh pero hindi kayo nahiya. Tapos sa pagsabay lang sa pagkain mahihiya kayo? Gago ba kayo?" Saad ko at tumawa.

"Alam mo? Ang sakit mo mag-salita." Saad ni Lake. "Ang talim ng dila mo. Ang sakit kapag tumama."

"Tsk. Truth hurts talaga, Lake. Wag kang pa-girl." Saad ko at umirap.

"Ha! Ako? Pa-girl? Sa gwapo kong to?" Mayabang na saad nito.

"Kadalasan, kung sino ang gwapo, iyon din ang naghahanap ng gwapo." Saad ko at inirapan sya. Tapos ay dumating na ang order namin.

- - - To Be Continued - - -

下一章