webnovel

Chapter 27

Alas tres na ng madaling araw nang makarating sa bahay si Arabella. Hindi na rin siya nag atubiling papasukin pa si Dr. Chan sapagkat alam din niyang pagod na din ito. Nagpasalamat na lamang siya sa mabait na doctor bago bumaba sa sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

Pagkatapos hugasan ang katawan ay kinuha ang cellphone bago inihilig ang katawan sa kama. Agad namang nagpakita ang mensahe ni Alex mula sa kanyang messenger.

" Did you slept till dawn? bakit ngayon ka lang nag online?", si Alex sa kabila.

" Nope, i just forgot to turn it on, why?", saad niya dito.

"Kuya has been pestering me, bakit daw dika niya macontact?", si Alex, habang nakikinita niyang nakalip pout ito sa pagtatype mensahe.

Biglang nagising ang diwa ng dalaga sa sinabi ni Alex. Totoo ba? Kinokontact siya ni Tyron Alegre? Biglang sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

" Ah ganon ba? bakit daw?", sagot niya kay Alex, hindi pa nga niya makapa kung ano ang tamang sasabihin niya dito.

' Nasa US na siya, he's celebrating anniversary with Samantha right now.", sagot ni Alex. Unti unting nawala ang mga ngiting sumilay sa kanyang mga labi kanikanina lang nang malamang kinocontact siya ng binata. Napalunok pa siya ng ilang ulit at di malaman kung ano ang isasagot sa kaibigan. Sa tagal ng kanyang reply ay nagsend ulit ang kaibigan, this time ay picture nina Tyron at Samantha habang kapwa nakangiti at magkayakap. Sa nakita ay biglang bumigat ang kanyang dibdib, para siyang nasusufocate kung kayat napahinga siya ng sobrang lalim.

" Oh okey, pakisabi happy anniversary". reply niya kay Alex habang pinipigilan ang kanyang mga luha.

" Baka nag-aalala saiyo, just keep your phone open", sagot nang nasa kabila at napangiti siya ng sobrang pait.

" I'm okey, he doesn't need to check on me." saad niya dito. Pagkalipas ng ilang salitan ng mensahe sa messenger ay nagpaalam na si Alex sa kanya ngunit nakalipas na nang ilang minuto ay nakatitig pa rin siya sa kanyang cellphone. She has lots in her mind at the same time she's trying to ignore what she feel inside. Napapikit siya ng mariin, kahit ano pa man ang iisipin niya, kahit ilang ulit makaramdam ng kurot sa dibdib hindi talaga mababago ang ideyang hindi para sa kanya si Tyron. Bumuntunghininga siya ng ilang beses bago ipinatong sa side table ang celphone. Inihiga ang sarili sa kama at mariing pumikit. Ang tanging dasal niya sa pagkakataong iyon ay makatulog agad para makalimutan niya ang hindi magandang nararamdaman.

Dahil madaling araw na siyang nakatulog ay pasado alas -diyes na siya nagising. Gaya ng dati dumirecho siya sa banyo at naligo. Pagkabihis ay bumaba na siya mula sa kuarto at tinungo ang dining area. Kumakalam na ang kanyang sikmura at lalo pang naramdaman ang gutom nang maamoy ang adobo mula sa kusina.

" Good morning ate", bati niya kay ate Luz habang abala sa ginagawang pagluluto. Ngumiti ang matanda, ngunit napagtanto niyang hindi pala ito nag-iisa. Naroon din ang driver ni Tyron na si Kuya Ronnie at nagkakape.

" Hello kuya." takang bati niya dito. Hindi kasi nagpupunta si Kuya Ronnie kung wala ang kanyang amo.

" Magandang umaga ma'am, late kayong nagising ngayon ah?", pahayag nito na sinabayan ng pagngiti.

" Oo kuya, pinuntahan ko kasi si Joy sa hospital mga madaling araw na ako nakauwi.", turan niya habang kumukuha ng tasa para magtempla ng kape.

" Ah ganon ba? close po yung phone ninyo? ", pasimpleng tanong nito.

" Baka dead bat na, hindi ko napansin kanina, tumatawag po kayo kanina?", saad niyang medyo ipinihit ang katawan para tignan ito.

" Hindi naman mam, kahapon ka pa daw hindi macontact ni sir." sagot nito. Medyo napangiti siya ng konti pero bigla ring sumeryoso nang maalala ang picture na finorward ni Alex.

" Pakisabi po okey lang ako dito".pilit ang ngiting ibinigay niya dito. Tumango naman iyon ngunit parang nag-oobserba. Kumukuha siya ng plato at kubyertos nang biglang tumunog ang cellphone ni kuya Ronnie. Agad siyang napalingon dito at pati ito ay napatingin sa kanya.

" Si sir Tyron", turan nito.

" Sabihin mo kuya natutulog pa ako", biglang turan dito. Nagtatanong ang mukha nito ngunit lumabas sa dining upang sagutin ang tawag ng binata. Pinagpasalamat naman niya na naintindihan siya ni kuya Ronnie dahil kung hindi ay wala siyang alam na sasabihin dito.

Patapos na siya sa pagkain ng pumasok ulit ang personal driver ni Tyron sa dining room. Lumapit sa mesa at umupo sa kaninay kinauupuan habang nagkakape.

" Ano pong iterenary niyo ngayon mam?", maya maya ay pahayag nito. Bigla siyang tumigil sa pagnguya at saglit na inisip ang iterenary niya ngayong araw. Kukumustahin ang lagay ng tatay ni Joy, kumustahin sina Anna ganon din ang kanyang tatay at pupunta sa Villa para ihatid ang kanilang pasalubong kina Mr. and Mrs. Alegre. Pagkatapos ay direcho na siya sa MIA para sasakay ng eroplano papuntang Laoag.

" Ihahatid ko na lang kayo ma'am sa pupuntahan niyo", pahayag nito.

" Ok kuya, salamat.", sagot niya dito dahil alam niyang hindi naman siya nito tatantanan kung hindi siya papayag dito. Batid niyang sumusunod lang din ito sa utos at ito naman ang malilintikan kung hindi sumunod sa kanyang amo.

" Ilang oras ang biyahe papuntang ilocos mam kung sa bus kayo sasakay?", si Kya Ronnie habang lulan sila ng sasakyan ni Tyron papuntang MIA airport. Kalalabas lang nila sa Villa , natagalan din sila doon dahil nakipagkwentuhan pa si Ginang Alegre. Excited ang matandang Ginang sa pagkikita nila ni Alex at higit sa lahat ang pagrereconcile nila. Dagdag pa nito naiinggit daw siya nang makita silang nag eenjoy na tatlo sa Parish. Kung hindi lang daw sana nagrerecover si Ginoong Alegre ay sumunod din daw sana sila doon para magkakasama silang magbonding. Kahit paano ay tuwang tuwa naman siyang makausap ito, parang totoong anak din kasi ang turing nito sa kanya.

" Mga 8-10 hours kuya, nakakapagod kaya mas gusto kong mag plane nalang, 45 minutes lang nandoon na ako", pagbibigay impormasyon niya sa kasama.

" Naku! malayo din pala ma'am, buti may airport kayo doon.", turan nito.

" Oo kuya, kung hindi aabutin ng siyam siyam ang pagtravel papuntang north." sagot niya.

" Napansin niyo ba na wala na yung video niyo sa tiktok?"

" Hindi naman kuya, hindi ko pa tinignan. Nag expire na siguro", natatawa niyang turan dito. Wala naman siyang pakiaalam kung meron pa or wala na ang kanyang video.

" Nag-eexpire ba yun mam?", natatawang pahayag naman ni Kuya Ronnie at lalong napatawa siya.

" Hindi ko alam kuya, pero mas okey na kung wala baka dumugin na naman tayo ng mga tao.", pahayag niya dito.

" Sabagay nga ma'am.", patiayon naman nito habang nakangiti.

" Ingat kayo doon ma'am ah, yung cellphone niyo ba nakaopen?", Si Kuya Ronnie nang makarating sila sa parking lot ng MIA.

" Oo kuya,salamat.",

" May susundo ba saiyo doon ma'am? ilang minuto ang travel papunta sa bahay niyo?", sunod sunod na tanong nito at napatawa siya.

" Mga isang oras lang din kuya, don't worry tinawagan ko na ang pinsan ko. Baka nandoon na rin siya, mas excited pa yun na uuwi ako", natatawang saad niya dito.

" Ah okey mam, baka pwedeng sagutin niyo naman ang tawag ni sir Tyron kung tumatawag siya saiyo", biglang saad ni kuya Ronnie at nabitin ang kanyang pangngiti pagkarinig sa pangalan ng lalaki.

" May tampuhan po ba kayo?", untag pa nito kung kayat di napigilang tumawa ng mapakla.

" Hayaan nalang muna natin siyang mag-enjoy kasama ang kanyang girlfriend kuya. Kawawa naman sila kung iniisip pa nila tayo dito eh, minsan minsan na nga lang silang magkasama." malumanay na pahayag niya dito.

" Pero gusto ka naman ata niyang makausap ma'am, baka namimiss niya kayo", pahayag din nito at muntik na siyang mapabulahaw ng tawa.

" Kuya naman! pinapatawa mo ako, malabong mangyari yan noh!",

" Malay mo ma'am, narerealiazed niyang mahal ka pala niya", seryosong pahayag ng kausap. Sa sobrang katuwaan ay matapik na niya ang balikat ng kasama habang panay ang ginawang pagtawa.

" Naku kuya! yan na ang pinakaimposibleng mangyayari, Kung alam mo lam, si Samantha ang buhay ni Tyron Alegre. Naku, naku, naku!", pahayag niya natatawa pa rin kahit sa kaibuturan ng kanyang damdamin ay hoping naman siya na ganon nga sana ang mangyayari sa binata pero kahit siya ang mag iisip ay negative ang probability.

" Hay naku! huwag na nga natin isipin ang taong iyon, cge na po pasok na ako sa boarding area baka mahuli ako sa flight ko", putol niya sa usapang iyon. Kung siya lang talaga ang masusunod ayaw niyang pinag uusapan ang lalaki dahil parang pinipiga ang kanyang puso sa isiping nasa totoong mahal niya ito ngayon.

" Okey cge mam, basta mag ingat ka doon. Balik kaagad ma'am tsaka tawag ka lang saakin kung kailangan mo ng tulong", pagpaalam din nito at matamis ang ngiting tinapik niya ito sa balikat bago tumalikod at tinungo ang boarding area.

下一章