webnovel

About The Past

历史言情
連載 · 11K 流覽
  • 3 章
    內容
  • 評分
  • N/A
    鼎力相助
摘要

"Ibinalik kita sa panahong ito hindi dahil iyon ang kahilingan mo.. sapagkat iyon ang kapalaran mo." Isinusulat noong: Hulyo 22, 2021 Unang inilathala sa: Hulyo 24, 2021 Wattpad username: undeadbee (Nasa Wattpad ang mga larawan kung nais niyong makita)

標籤
2 標籤
Chapter 1Kabanata 1: Ang aking kahilingan

'Sana bago ako mawala sa mundong ito ay maranasan kong makabalik sa makalumang panahon kahit isang araw lang'

'Yun lang ang hiniling ko sa kandila at hinipan na ito.

Ngayon ang ika-labing walong kaarawan ko, mula pa noon ay iisa lang ang lagi kong hinihiling tuwing hihipan ko ang kandila, at ito ay ang maranasan kong makabalik sa makalumang panahon. Hindi ko alam kung bakit.. kung bakit gustong gusto ko sa makalumang panahon.

Nandito ako sa batuhan at nasa baba ay ang dagat.

Mukhang uulan na kaya binuksan ko ang payong ko at kinain ko na ang maliit kong cake at naglakad na palayo.

Pagkauwi ko sa dorm ay kumain na ako. Mag-isa na lang pala ako sa buhay, ulilang lubos na ako kaya kailangan kong magsumikap para sa sarili ko. Mag-isa lang akong anak ng mga magulang ko kaya hindi ko naranasang magkaroon ng kapatid.

Kinabukasan.

Naghanda na ako papasok sa eskwelahan at pumasok.

"Fab tara dito may groupings tayo, lagi ka nalang late!" Tawag sakin ng kaklase kong bakla na leader ng grupo kaya nilapag ko na yung bag ko at lumapit sa kanila.

Wala akong naintindihan sa pinag-usapan nila dahil lutang ako. Pagkatapos ng science ay History class na.. ang paborito kong subject sa lahat kaya naghanda na ako. Maya maya..

"At dahil buwan ng wika sa susunod na araw ay pupunta tayo sa Museo ng Pilipinas" Sabi ng guro ko kaya nanlaki ang mga mata ko at natuwa. "1k nga lang entrance fee dahil malayo ang byahe natin at may tour guide tayo.." Paliwanag pa niya. Natuwa naman ang iba pero ang iba naman ay mukhang walang pakialaman.

Natapos ang araw ng wala parin akong naintindihan sa mga itinuro ng guro dahil sa kakaisip sa magiging fieldtrip namin.

4:35 P.M

Mag-uumpisa na ang part-time job ko kaya nagpalit na ako ng simpleng damit at jeans at nagpunta na ako sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho.

Pagpasok ko rito ay nagsuot na ako ng apron.

"Uyy ayan na si mr.pogi" Kinikilig na sabi ni Nicole, ang kasamahan ko sa trabaho. Napatingin naman ako sa labas.

Siya ang laging umoorder dito sa coffee shop.

"One Americano and one sandwich" Sabi niya at umalis na. Hinanda ko naman ang mga order niya at nilagay sa table niya.

Hindi naman sa ayaw kong umorder siya dito pero nakakapagtaka lang.. lagi nalang yun ang inoorder niya, hindi kaya siya nauumay?

"Thank you sir" Sabi ko. Hindi naman siya tumingin at kinuha yung order niya kaya bumalik na sa pwesto ko.

"Ang gwapo talaga niya Fab noh?" Tanong sakin ni Nicole.

"A-ah oo nga" Sagot ko nalang.

Nagpatuloy ang pagtatrabaho namin.. serve dito, serve don. Pagkatapos ng ship namin ay dumating na ang papalit samin kaya nakapagpahinga na kami.

"Grabe kapagod!" Sabi ni Nicole at umupo sa sofa, tinanggal ang apron niya at sinabit.. sinabit ko na rin ang akin.

"Tara na" Yaya ko at napatingin naman siya sakin.

"Nagpapahinga pa diba? 'Di ka man lang ba napagod?" Tanong niya. "Napagod" Sagot ko at umupo na rin sa tabi niya at nagpahinga, tiningnan ko naman ang orasan ko.

8:15 P.M

"Sa'n tayo kakain?" Tanong ko sa kanya. "Sa pinggan?! Malamang tulad ng dati sa karinderya parin nila aling Nelia!" Sigaw niya kaya napatakip naman ako ng tenga.

"Oo na kaya tara na nagugutom na 'ko!" Inis na sigaw ko din sa kanya at tumayo na. Tumayo na rin siya at nagpaalam na kami sa manager namin.

Karinderya.

"Anong ulam jan aling Nelia?" Tanong ni Nicole at binuksan isa isa ang mga nakatakip na ulam.

'Nagtanong pa kung titingnan din niya.. aish'

Tiningnan ko rin isa isa ang mga nakatakip at umorder na at kumain na kami. Maya maya...

"Panalo"

"Magaling 'tong tropa natin e!"

"MVP ka nanaman 'tol! Hahaha"

"Wooh!"

"Anong ulam niyo jan aling Nelia?"

Napatingin ako sa tumabi sakin.

dO_Ob

Ang bango niya kahit pawisan, side view lang ng mukha niya ang nakikita ko at malabo ito dahil sa liwanag ng street light.

Natauhan ako ng may sumiko sakin.

"Baka matunaw yan sa kakatitig mo?" Natatawang biro ni Nicole kaya pinandilatan ko siya! Uminom na ako ng tubig at pagbalik ng tingin ko ay nakatingin siya sakin!

*HUK!*

"Oh be! Dahan dahan lang kasi sa pag-inom." Sabi niya. "O dahil.. nakatingin sayo-- a-aray!" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng kurutin ko siya.

"Tara na nga!" Inis na sabi ko at nagmamadaling tumayo.

"Hoy hija yung bayad niyo!" Sigaw ni aling Nelia kaya napabalik kami at nagbayad.

"Ano nangyari dun?"

"Naka bingwit ka nanaman Renz!"

"May gusto ata sayo yun 'tol e!"

"Normal na yan sakanya, hayaan niyo na"

Rinig ko pang sabi ng mga kasama niya.

'Renz'

Pagkauwi ko sa bahay ay nagpalit na ako at pabagsak na nahiga sa kama.

'Kailan kaya ako makakabalik sa makalumang panahon? O.. makakabalik nga kaya ako? What if magbayad ako sa scientist para makapag time travel ako? Luh hahaha desperada lang.'

Bigla ko namang naalala yung sa karinderya kanina..

'Hindi ko masyadong nakita yung mukha niya dahil sa liwanag ng street light..'

Papikit na ako nang tumunog ang phone ko kaya binuksan ko ito at nakita ko ang text ni Nicole.

Nicolet: Tulog ka na ba? Tara labas muna tayo.

:Tulog na ako

Nicolet: Kaya pala nakapagreply ka pa?

:Saan naman tayo pupunta?

Nicolet: Inom muna tayo sa convenience store.

Tingnan mo nga naman 'tong taong 'to, broken nanaman.

:Broccane ka?

Nicolet: Mejo lang mga wamport t*nginang 'yon iniwan ako, akala niya naman gold siya e panglima lang naman siya tss.

:Papunta na. Ang dami mong sinabi.

Hindi ko na siya hinintay pang magreply at nagpunta na ako ng convenience store at may isang bote na siyang naubos.

"Kanina ka pa no?" Tanong ko sakanya at tumango lang siya. "Harot pa bitch." Asar ko pa sakanya at kinuha ang isang bote ng san Mig.

"So anong nangyari?" Tanong ko sakanya.

"Nakita ko lang naman silang magkayakap ng ex-prend kong mukhang bisugo." Panglait pa niya. "Sabagay. Bagay rin naman sila e, bisugo yung isa tas hito yung isa"

Putangina.

Broken ba talaga 'to?

Hindi ko naman mapigilang tumawa dahil sa pagiging laitera niya.

"Bisugo at hito naman pala e 'di mo dapat iniiyakan yan, ang isang katulad mo ay hindi nila deserve dahil ikaw ang balyena." Sumama naman ang tingin niya sakin.

"I-cocomfort mo ba 'ko o lalaitin mo rin?" Nakasimangot na tanong niya.

"Hoy Nicolette Chua. 34 beses na kitang kinomfort dahil sa kaharutan mo hindi ka ba nagsasawa? Jusq every month tatlong beses kang broken, wag mo sayangin luha mo at pera para lang d'yan, hindi ka ba nagsasawa?" Hindi niya naman ako sinagot at uminom lang siya. Bwiset na 'to.

Nag cellphone nalang ako at hinayaan siyang malasing.

~~

Sa kalasingan ay naka tumba na ang ulo niya at kung ano anong sinasabi tapos tatawa. Tinitigan ko lang siya.

Kailan ba magma-mature 'tong tao na 'to. Mukhang wala nang balak tumigil sa panghaharot.

Kinuha ko ang cellphone niya at in-unlock ito gamit ang finger print niya at tinext ang isa niya boyfriend para sunduin siya. Maya maya ay nandito na siya.

"Iuwi mo na yan sa bahay niya at naglasing nanaman" Utos ko at tinulungan siyang isakay ito sa kotse niya.

Si Kiev lang yung boyfriend niya na ini-spoil siya. Ewan ko ba sa bruhang yan dahil nagawa pa niyang dagdagan ang boyfriend niya samantalang itong si Kiev naman ay perfect na. Alam ni Kiev na may iba pang lalaki itong si Nicole pero hinahayaan niya lang. Siya lang yung nagtagal kay Nicole ng dalawang taon. Hindi ba nakikita ni Nic yung halaga ni Kiev? Siguro kapag hiniwalayan siya nito ay dun niya lang malalaman na worth it na ang isang lalaki. Hays Nicolette Chua kailan ka magbabago.

Maya maya ay ininom ko nalang ang natirang mga bote at itinapon na ito. Sa dami ng binili ng bruha ay uuga uga na akong nakabalik sa dorm ko.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako ng dahil sa pagod..

Kinabukasan.

Maaga akong nag-ayos at naglakad papuntang school.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong Antique Shop.. ngayon ko lang nakita 'to kaya pumasok ako at naglibot. Hindi kalakihan ang store na 'to pero halata namang antigo talaga ang mga gamit nila dito.

"May maitutulong ba ako sa iyo binibini?" Napalingon ako sa nagsalita. Matanda na siya, sa tingin ko ay mid-90's na siya.

"A-ah kamusta po.. tumitingin lang." Sagot ko.

"Halika rito hija" Tawag niya sakin kaya lumapit ako. "Naniniwala ka ba sa majika (magic)?" Tanong niya kaya napataas ang kilay ko.

"P-po?" Naguguluhang tanong ko.

Yumuko siya at may kinuha. May nilabas naman siyang tatlong maliliit na chest, pinatong niya sa harap at binuksan niya ito isa-isa. Naglalaman ito ng singsing, kwintas at—pantusok ng buhok? Mahaba, patusok at may magandang disenyo na simple lamang.

"Mamili ka" saad niya at itinuro ko ang kahon na may lamang apat na patusok.

Isinara na niya ang dalawang kahon at iginitna niya ang isang kahon na naglalaman ng apat na patusok.

"Bawat isa rito ay may ibig-sabihin." Itinuro niya ang may kulay blue na bilog. "Isinasagisag nito ang kalinisan. Ang kalinisan ng iyong pagkatao." Itinuro niya naman ang dalawang pula "Ang dalawang pula ay mapagkakamalan mong magkapareho." Kinuha niya ang isa. "Ang isinasagisag nito ay ang pagiging mapagkumbaba at mapagmahal." Ibinalik niya na ito at kinuha niya naman ang isang pula. "Ang isa naman ay pagdanak ng dugo, kasamaan at kasakiman." Ibinalik niya iyo at kinuha naman ang kulay perlas. "At ang panghuli ay ang kulay perlas. Isinasagisag nito ang kalayaan at karapatan." Ibinalik niya na ito.

"Ngayon. Mamili ka ng nagustuhan mo" Sabi niya at tiningnan ko ito isa-isa at dahan-dahang tinuro ang kulay pula.

Siguro ay Gemini yun, two faces pero different meanings.

Kinuha niya ang dalawang kulay pula at inabot sa'kin. Hindi ko rin alam kung bakit pula yung pinili ko kahit alam kong kasamaan ang ibig-sabihin ng isa.

"Tandaan mo, kailangan nito laging magkasama at sa oras na magkahiwalay ito ay malaking problema ang darating sa'yo.. at habang lumilipas ang oras na magkahiwalay ito ay hihirap ng hihirap ang magiging problemang kakaharapin mo" Seryosong sabi niya na ipinagtaka ko.

"Pahalagahan mo ang gamit na yan, nawa'y makamit mo ang iyong kahilingan" Dugtong niya.

"A-ano pong i-ibig niyong sabihin lola?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang dalawang pantusok sa buhok.

"Sa oras na mawala yan, ang magiging kapalit ay matinding kabayaran" Mahinahong sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

"L-lola?"

"Sa oras na mangyayari na ang iyong kahilingan, wag mong kalilimutan na maaaring mabago ang kasalukuyan" Seryosong sabi niya.

dO_Ob

"L-lola.. a-alam niyo po yung k-kahilingan ko?" Naguguluhang tanong ko.

Bigla namang nagbago ang itsura niya at ngumiti "Maaari ka nang lumabas, alalahanin mo sana ang mga payo ko sayo." Sabi niya. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

'Sino ba siya? Ano pang alam niya? Ano bang klaseng tao siya?' Sunod sunod na tanong sa isip ko.

"Sige na hija, mahuhuli ka na sa klase mo" Sabi niya kaya napatingin ako sa relo ko.

"Sige po.. salamat." Sabi ko at naglakad na palabas.

"Nawa'y magtagumpay ka" Habol pa niya kaya taka akong napalingon ulit sa kanya. Nananatili ang tingin niya sa kinatatayuan ko kanina. "Makakaalis ka na" Dugtong niya kaya dahan-dahan na akong lumabas.

'Angwierd niya..'

7:05 A.M

'Late na 'ko'

Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa makapasok ako sa school ng tagaktak ang pawis ko.

"Late nanaman si bakla!" Malakas na sabi ni Jeni. Jeno ang name niya pero mas gusto niyang Jeni ang itawag sa kanya.

Hindi ko na siya pinansin at umupo na ako sa tabi niya.

"Huy bakla anong nangyayari sayo? Para kang nakakita ng multo." Sabi niya, umiling nalang ako.

Lumipas ang oras na nanatili akong lutang, kahit sa history class ko ay hindi ako nakaintindi ng maayos at ang bilis padin ng tibok ng puso ko.

'Magtagumpay saan? Bakit ako kinakabahan?'

"Hoy bakla may sakit ka ba? Namumutla ka na oh!" Nag-aalalang tanong niya at hinimas pa ang noo ko. "Ang lamig ng pawis mo! May sakit ka ba? Gusto mo bang idala ka namin sa clinic?"

Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, parang nanghihina ako, parang ang gaan ng ulo ko, parang anytime babagsak ako..

Tumango ako. Hindi pa ako nakakatayo ay nagdilim na ang paningin ko at bumagsak ako.

~~

Nang imulat ko ang mata ko ay may nakita akong magandang babae sa gilid ko.

"Fabiana? Gising ka na! Maayos lang ba ang iyong pakiramdam?" Nag-aalalang tanong niya at tumayo. Naka barong siya.

"N-nasaan ako?" Tanong ko at bumangon sa pagkakahiga. Anglaki ng kamang hinihigaan ko, kasya ang ilang tao dito. Napatingin naman ako sa suot ko, nakabarong din ako!

"Narito ka sa iyong silid Juliet, iyo bang nakaligtaan?" Takang tanong ng isang babae. Tumingin ako sa paligid, ang laki ng kwarto.

Kung ganun totoo nga.. may nakarinig ng kahilingan ko. Yung matanda.

"Ayos ka lang ba Fabiana?" Tanong ng dalaga.

"Ayos lang ako"

"Ganun ba? Sige, lalabas na kami. Magpahinga ka muna." Sabi niya at lumabas na sila.

Pero..

'Hindi ko inaasahang may pamilya akong dadatnan pagdating ko sa makalumang panahon.. Ang akala ko ay kusa nalang akong mag-eexist para mag-explore. Ayos lang naman sakin na wala akong pamilya eh.'

Tatayo palang ako ay naramdaman kong mabigat ang ulo ko kaya hinawakan ko yung buhok ko. May nahawakan akong mahabang---teka, hindi kaya--??

Agad akong pumunta sa malaking salamin.

dO_Ob

Hindi nga ako nagkakamali!

'Ito ang binigay sakin ng matanda!'

Bigla kong naalala yung sinabi niya sakin..

"Pahalagahan mo ang gamit na yan, nawa'y makamit mo ang iyong kahilingan"

At ito na ang kahilingan ko.. ang makabalik sa makalumang panahon.

"Binibining Fabiana?" Tawag ng babae mula sa labas ng pinto. "Ipinatatawag na po kayo ng inyong ama, handa na po ang hapag.." Magalang na sabi niya.

'Sabi ng babae magpahinga raw ako diba?'

"S-sige, lalabas na ako" Sagot ko. Narinig ko namang lumayo na ang yapak niya.

Pinagmasdan ko ang pantusok sa buhok. Naka pa-X ito sa buhok ko dahil dalawa ito.

Tinanggal ko ito sa buhok ko at pinagmasdan.

Mukhang bagong bago pa ito sa panahong 'to at angganda nito.. Napansin kong hindi ito masyadong magkakulay dahil mas madilim ang kulay ng isa at baliktad ang repleksyon ko rito.. hindi gaya ng isa, may pagka-matingkad ang kulay at hindi naman baliktad ang repleksyon ko.

Pag-angat ko ng tingin ko at nakita ko sa kalayuan ang kalendaryo pero hindi ko mabasa dahil malayo. Sadyang malaki ang kwartong 'to.

Nang nilapitan ko ito ay..

1887??

'WTF?!'

The pictures are on the watty, bawal kasi dito magpost ng picture..

Wattpad username: undeadbee

你也許也喜歡

Enchantress Amongst All Alchemist Ghost Kings Wife (Tagalog)

Paglalarawan Si Mu Ru Yue, ay isang kahalili sa kanyang nakapagpapagaling aristokratikong pamilya sa Hua Xia. Matapos pinatay ng kanyang kalaban, muling nabuhay siya sa katawan ng isang kamakailan lamang na namatay na walang kabuluhan na Miss sa Mu Family ng Martial God Continent, na binugbog hanggang sa kamatayan. Sa silid ng trono, nakangiting tumanggap siya ng paunawa sa kasal upang magkaroon ng pagbabago sa pag-aasawa upang ikasal ang isang kamangmangan na Ghost King mula sa Kaharian ng Zi Yue. Kilalang-kilala na ang Ghost King ay tanga at tanga, na may hitsura ng multo. Ngunit sino ang nakakaalam na siya talaga ang pinaka-dalawang mukha na tao? Nagtawanan ang lahat, na iniisip na ang isang magandang-para-walang-akma ay tugma sa isang tanga, ngunit hindi sa kanilang mga ligaw na pangarap ay itinuring din nila na siya ay isang tunay na henyo sa paggawa. Nang tiningnan ni Mu Ru Yue ang lalaki, na may guwapong hitsura ng Diyos, sinabi niya, na kumakutot sa kanyang mga ngipin, "Ye Wu Chen, nagsinungaling ka sa akin. Paano ka ba tanga? "Nakangisi ang Hari ng Ghost habang mahal niya itong niyakap. "Sa tabi mo, handa akong maging tanga na malaya mong mai-order." Buod ni Miki Ang dating may-ari ng katawan ni Mu Ru Yue ay nalason. Dahil dito, ang kanyang mga meridiano ay naharang, na humadlang sa kanyang paglilinang, na kalaunan ay humantong sa kanya na kilala bilang basurahan. Matapos mabugbog hanggang sa kamatayan, si Mu Ru Yue, na orihinal na naging kahalili sa isang nakapagpapagaling aristokratikong pamilya sa Hua Xia, ay muling nagkatawang-tao sa kanyang bagong katawan. Gusto nilang i-seal ang aking landas? Sasanayin ako upang maabot ang rurok ng mga lupain! Binigyan nila ako ng isang hangal na prinsipe bilang aking asawa? Maaari kong gawin sa kanya. Mas madali para sa akin na makitungo sa kanya, kaysa sa ibang mga kandidato na ibabato sa akin sa hinaharap. Sinisikap kong maging sapat na makapangyarihan na walang sinumang magagalit o papatayin ako.

Gina_Reyes · 历史言情
分數不夠
65 Chs