webnovel

CHAPTER 22: THE PREPARATION

Prince Xavier's POV

Pagkatapos naming kumain, ay niligpit niya ang mga pinagkainan namin wait wag!! May maid naman kami dito siya yung nag aayos at nag lilinis ng buong royal dorm namin.

" Light wag monang tangkaing maghugas ng plato baka masira ang kamay mo!! " Nag aalalang saad ko sa kanya at kumunot naman ang kanyang nuo, ayokong masira ang kamay niya, ang ganda pa naman ng kamay niya at ang lambot kung hawakan, gusto kong pangalagaan ang bawat parte ng katawan niya ayokong magkapasa siya o magkasugat man lang kahit isang katiting butil ng bigas ang laki.

" Ehhh nakakahiya naman kasi" nahihiyang wika nito habang kinakamot nito ang kanyang ulo yieehhh ang cute niya pero dapat wala siyang ikahiya. Pinuntahan ko naman siya sa lababo at hinawakan ang kamay nito.

" Wag nang matigas ang ulo, iba ako magalit" seryosong wika ko sa kanya at tinaliman ko ito ng tingin para matakot siya. Nakita ko namang napasinghap ito at napatawa ng konti aba aba hindi ba siya natatakot sa akin lahat ng estudyante dito natatakot sa akin samantala siya wala man lang katakot takot. Napalakas nalang siya ng pagtawa ng pinagdikit ko ang aking kilay na parang nanggagalaiti shittt nakakapawi ng kalungkutan ang mga tawa niya. Hinawak hawakan ko naman ang kamay niya, ito yung gusto ko sa kanya, ang kamay niya kasi ay sobrang lambot nalagpasan pa ata nito ang mga tunay na babae sa sobrang lambot nitong kamay niya.

" Hahahah ohhh sige kung yan ang gusto mo, mayaman naman kayo. Nga pala babalik na ako sa dorm ko para maligo malagkit narin kasi ang katawan ko, naligo kasi ako sa may lawa kahapon" nakangiti nitong wika sa akin waittt ano?? Naligo siya kahapon sa lawang yun!!! Siya palang ang kauna unahang taong nakaligo doon, ni isa nga wala pang nakaligo doon dahil sa mga nagbabantay doon tapos siya nakaligo unbelievable!! Hindi na ako nagugulat pa dahil noong nakita namin siya ni tanda sa may tabing lawa ay hindi siya sinaktan ng mga nilalang na nandon ang mas nakakagulat pa ay niyuyukuran pa siya ng mga ito.

" But how ??? Hindi mo ba alam na ikaw palang ang nakakaligo doon ni isa sa mga taong nagtangkang makapunta at maligo din doon ay hindi na nakabalik ng buhay o umahon ng buhay lahat sila namatay. " Gulat kong tanong sa kanya at napatawa siya nang pagkalakas lakas, hahh?? Anong nakakatawa doon I'm telling the truth behind the beauty of that lake.

" Wehhh, sinamahan pa nga ako ng mga nilalang doon alam mo nakakatawa sila hahahah" natatawang wika nito na nagpagulat sa akin, hahhh? But that's impossible hindi siya ang manlilikhang si lux para makisalamuha sa mga nilalang na nandodoon.

" Hindi mo ba alam na ang manlilikhang si lux lang ang nakakapunta doon siya ang gumawa at lumikha ng napakagandang lawang iyon, doon siya madalas nakikita kung bababa siya mula sa kalangitan, doon siya naliligo at naglalaro kasama ng mga nilikha niya, ayaw niyang madumihan ang lawa kaya pinabantayan niya ang lawa sa mga nilalang na nandodoon. Kung sino mang maliligo doon ay mamatay at hindi na makakabalik"seryosong pagsasalaysay ko sa kanya at lumuwa naman ang mata niya sa gulat at pagkamangha.

" Wait ano bang pangalan ng lawang yun??" Pagtatanong nito .

" Enchanted lake" maikling sagot ko sa kanya at napatango naman siya na parang may binabalak.

"But wait, ba't ako nakakaligo doon ako so it's means ako yung kauna unahang taong nakaligo doon maliban kay lux at sa mga nilalang na nagbabantay doon" naiintriga nitong sambit at tumango tango lang ako this is impossible?!! Sino ba talaga siya??

" Ok ok this is enough at dito ka nalang maligo may damit ako doon hiramin mo nalang" nakangiti kong sabi sa kanya at napasimangot naman ito shitt ang cute niya.

" But..." Sabi nito pero pinutol ko na

" No but, wag nang matigas ang ulo bilis maligo ka na wait halika dito itituro ko sayo Yung royal bathroom namin" nakangising wika ko sa kanya at napakamot nalang ito sa kanyang buhok na silver white. Hinawakan ko ang kamay niya at dali daling kinaladkad papuntang royal bathroom. Pagdating namin ay binuksan ko na ang blurd glass na pintuan nito at napanganga nalang siya dahil pagkamangha.

" Wow this is unique at may ginto pang disenyo hah!!" Namamanghang wika nito yieeh ang cute cute niya gusto ko siyang panggigilan at itago sa mata ng marami.

" Ito ba oo ginto yan napakamahal niyan 24 karats of gold yan" sabi ko habang tinuturo ang mga nakadisenyong mga ginto sa itaas at tumingin tingin naman siya sa mga gagamitin niyang mga sabon sa may lalagyan na malapit sa salamin at nagtataka siya kung ano ito??ang hindi niya alam na sabon yan, kakaiba kasi ang ginagamit naming sabon ng mga royals at mabango ito at puputi ka kaagad at kahit hindi ka na magperfume pa ay mabango ka na agad but sa case ni light maybe he might not need this anymore dahil sa bango niyang nakakaadik, maputi pa siya, at sa tingin ko kahit hindi na siya maligo ay mabango parin siya, amoy na amoy naman kasi ehhh, sinabi naman niya ehh na naligo siya kahapon sa lawang yun tapos hindi pa siya nagbanlaw pero yung amoy niya ay still parin sa katawan niya.

" Ano to??" Nagtatakang tanong nito habang turo turo ang mga sabon hahahhahaah wala ba siyang alam, para siyang taong gubat nito.

" Ahhh yan ba sabon yan " natatawa kong wika at hinawakan naman niya ito at inamoy shittt para siyang babae kapag nang aamoy.

" Sige na lalabas na ako at yung towel meron naman diyan nakasabit lang "pagwiwika ko at lumabas na

Light's POV

Grabe ibang iba itong dorm nila napakaganda, may ginto na this is unique talaga at yung akala ko na bato kanina ay sabon pala.

Fast forward...

Sarap maligo dito may shower unlike sa dorm namin parang medieval talaga hahahah. Pagkatapos kong balutin ang towel sa ibabang parte ng katawan ko ay lumabas na ako at ang ikinagulat ko pa ay tumambad sa aking harapan ang nakaupong si kapre at ang nakakailang pa ay yung napakagat ito sa ibabang labi niya .

Prince Xaiver's POV

Paglabas niya ay napakagat nalang ako ng labi tangina ang hot at sexy niya with pa tubig tubig effect pa siya sa buhok niya, at yung mga tubig na nahulog sa kanyang silver white na buhok ay napupunta at dumadaloy sa kanyang maputing dibdib shittt tumigas tigas yung junior ko, junior pls goodboy ka muna wag kang oa diyan kung ayaw mong ipatuli kita ulit.

" Huyyy gising, nakatunganga ka nadiyan" wika nito at pinitik pitik pa niya ako sa tenga, pambihira naman ohhh alam mo ba na ikaw lang ang nakakagawa nito na pitik pitikin ang tenga ko buwisit ka.

"Alam mo ba ikaw lang ang nakakapitik sa tenga ko" nanggagalaiting wika ko sa kanya at humalakhak naman siya ng may pagkalakas lakas aba't gago siya hahh hindi ba siya natatakot sa akin.

"Ang sarap mong pitikin kasi ang manyak mo" sigaw nito at umalis na pero bago siya makalabas ay bumaling ulit ang tingin niya sa akin.

" Ang damit mo pala na ipapahiram mo sa akin " nahihiyang wika nito hahhahha ang cute cute niya habang nakatapis na nakahalf naked. Dali dali naman akong tumayo at pumunta sa gawi niya, hinila ko ang kamay niya at kumaripas ng takbo papuntang kabinet hahahaha.

" Ito ohhh " sabi ko at inabot sa kanya ang malaking white long sleeves at puting pantalon at boxer narin sa tingin ko kasi bagay na bagay sa kanya ang puti dahil sliver white ang buhok nito, may pagkagray light naman ang mata nito perfect !!. Napahawak naman siya sa kanyang batok na parang nadidisappoint, but wait why???

" Ang laki niyan ohhh, ok na sana yung pantalon but the long sleeves ang laki" pagmamaktol nito at napatawa naman ako.

" isuot mo na lang yan let's see malay mo kasya naman" nakangisi kong wika sa kanya at sinuot naman niya ito, sa ilang minuto kong pahihintay ay nasilayan ko na ang damit kong nakasuot sa kanya napakagat naman ako ng labi, I'm speechless bagay na bagay sa kanya para siyang sexy habang suot suot niya ang malaking white long sleeves ko shittt itatago ko na ba siya, parang ayaw kong ipakita ang ganda niya, gusto ko ako lang ang makakakita nito no one else baka may makasungkit pa sa kanya.

" Ohhh ano na anong kinatutunganga mo diyan " mataray nitong wika at napatawa nalang ako.

" Bagay na bagay sayo, ibibigay kona sayo yan hindi ko naman yan sinusuot ehh" pagrarason ko na ikinangiwi niya.

" No way..."pag aayaw nito pero pinutol kona ayoko kasing makarinig ng reklamo.

" Wag nang matigas ang ulo iba ako magalit" wika ko habang tinititigan ko siya na Parang nagagalit at napatigil naman siya hahahah effective naman pala.

Light's POV

Iba naman pala magalit itong kapre na ito,parang kakabahan ka tuloy.

" Ohhh maliligo muna ako hahhh" pagpapaalam nito at pumasok na sa royal bathroom. Ako naman palinga linga lang at sa ilang minuto kong paglinga ay nahagilap ng aking mata ang mga picture frame at dali dali ko itong pinuntahan, nakita ko ang mga litartro ni kapre nung bata pa siya kiyaah ang cute niya, nakita ko naman ang mga magulang nito yung sumampal sa akin si haring Orpheus at queen Veronica, nakita ko lahat ang mga litrato niya Habang lumalaki siya, habang nag eensayo ng self-defense, wow pareho pala kami nung kabataan namin pinag eensayo din pala siya kung paano gamitin ng maayos ang sandata, nung bata pa kasi ako pinag eensayo din ako ni daddy thomas i think 5 years pa ata ako nun, kahoy kahoy lang muna yung gamit ko para mag ensayo and later on espada na until naging totohanan na ang pag eensayo, nasusugatan na ako at si daddy naman kahit may sugat na ako pinababayaan lang niya ako, dun ako natutong seryosohin ang lahat. Napunta naman ako sa may dulo at may litrato akong nahagilap waitt kasintahan niya ba ito, kasi kayakap niya kasi yung babae ehhh i think princess ata siya waitt ba't Parang may tumutusok sa dibdib ko parang may kutsilyong nakatarak dito at parang naninikip ang dibdib ko.

" Anong tinitignan mo dyan?" Bungad na wika ni kapre hayys diba pwede umubo ubo muna siya atleast malalaman ko kung may tao hayss.

" Sino yung babaeng ito?" Tanong ko habang tinuturo ko yung picture frame.

" Ahhh yan ba si princess eva yan kasintahan ko noon, hanggang ngayon hindi parin siya nagigising nasa higaan pa rin siya ewan ko kung bakit siya nakahiga " nalulungkot nitong wika awhhh mahal niya ba ang babaeng ito pero ba't nasasakatan ako hayys wala naman akong karapatang masaktan ehhh.  Habang tinititigan ko siya Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang isang butil ng luha sa mata ko.

" Ohh ba't ka naman umiiyak??" Takang tanong nito sa akin shittt ba't ako lumuluha.

" Ahhh wala naawa lang ako sa kanya, wait ano bang sakit niya ??" Tanong kosa kanya habang pinupunasan ang luhang tumulo sa aking mata.

" Ewan ko, walang nakakaalam even the royal healer at mga babaylan, alam mo ba may arrange marriage na kami, dapat sana ikakasal na kami kahit bata pa kami, yun nga lang hindi na siya nagising" nalulungkot nitong tugon at napayuko nalang siya, parang nasasaktan naman ako sa sinabi niya. ba't ba ako nasasaktan  kung pwede ka lang operahan heart kanina ko pa ginawa.

" Mahal mo ba siya hanggang ngayon??" Seryosong tanong ko sa kanya at napatigil naman ito.

" Oo , sobra " maikling sagot nito na nagpaguho ng araw ko waittt ba't ba ako nasasaktan hindi naman naging kami hahh. Can you plss heart kung ayaw mong palitan kita diyan tigil tigilan mo yang pagiging Oa mo.

Fast forward....

Paglabas namin ay bantay sarado siya sa akin, nagtataka na nga ako ehh, ang kaninang masaya at nakangiting si prince xaiver naging seryoso na . I don't know why??

" Huyy ba't ang seryoso mo ngumiti ka naman" nakangiti kong wika habang binabagtas ang kahabaan ng pasilyo patungong dorm ko dahil lalagyan ko lang ng potion ang pusod ko. Ang kaninang sabi ko sa kanya ay tinugunan lang niya ng ngiting pilit

" Ayokong ngumiti sa public place " cold nitong wika hahhh bakit??. Hindi nalang ako nag salita baka magalit siya. Pagdating namin sa dorm ko pinapasok ko naman siya at umupo siya sa may couch sa loob ng kwarto ko. Nakita ko naman kanina na wala dito sina dim at shiela i think nandoon na sila ngayon sa eagle wings guild house, isa yung lugar kung saan kami nagplaplano o nagmimeeting. Lahat ng mga guilds ay may kanya kanyang house kung saan sila magmimeeting.

Hinahanap ko ngayon ang magic bag na kung matatandaan niyo ibinigay yun sa akin ni tita cristine na nanay ni shiela upang ilagay ang book of celementum para hindi daw yun malaman at mapansin ng mga scanner at checker, kaya yun doon ko din nilagay ang potion of navel creator na ginagamit ko upang magkapusod ako. Nang mahanap ko na ang bag ay binuksan ko ito. Si kapre naman binigyan ako ng tingin na parang nagtataka

"Vilaum sapartiri" pagwiwika ko at nagpakita na nga ang potion sa loob ng magic bag at dali dali ko naman itong kinuha.

" Yan ba ang ginagamit mo para magkapusod ka??" Patanong na wika nito at tumango naman ako bilang tugon.

" Sa katunayan niyan pag nagkataong naubos na itong potion na to hindi na muli ako magkakapusod kasi bigay lang sa akin ito ni daddy bago siya namaalam" pagpapaliwanag ko.

" Paano na yan parang yung tatay mo lang ang may alam ng ingredients sa potion na yan" biglang sambit ni kapre na ikinatigil ko

" Yun na nga ang problema ehhh wala akong alam kung paano ito gagawin " tugon ko sa kanya at pinatakan ko na nang isang butil ng potion ang pusod ko at nagkapusod na ako.

" Nagbalik na siya" masayang sabi ko habang hawak hawak ko ang pusod ko, si kapre naman tawang tawa Lang at inismiran ko naman ito hayys

3rd person's POV

Habang papunta sila sa kani kanilang mga houses ay nakasalubong ng dalawa si prince oliver na nag iisang lumalakad sa pasilyo ng paaralan. Nang mahagilap ng mga mata ni prince oliver si light ay kumaripas ito ng takbo patungo kay light at hinagkan niya ito sa batok at niyakap ng mahigpit. Napayukom naman ng kamay si prince xaiver dahil sa ginawa ni prince oliver kay light at sumugod ito at Inalis niya ang mga kamay na nakayakap kay light at tinaliman niya ito ng tingin.

" Ano bang ginawa ko sayo xaiver hah!!! Ba't kung makagalaw ka diyan akala mo naman iyong iyo siya hahh hindi naman naging kayo" sigaw ni prince oliver kay prince xaiver, buti nalang walang tao ngayon sa pasilyo kung saan sila nandoon, si light naman ay nakatingin lang sa dalawa at nagbabadya siyang harangan hatangan  ang dalawa dahil baka mag away ang mga ito. Si prince xavier naman ay umasim ang mukha na parang susuntukin si prince oliver subalit pinipigilan lang niya ito, ayaw niyang makita siya ni light na nanununtok. Lumapit si prince xaiver sa direksyon ni prince oliver haharangan na sana ni light si prince xaiver ng hinawakan nito ang kamay ni light at inilayo kay prince oliver at nilagay niya sa likod niya. Sa paglapit ni prince xavier upang bulungan siya ay napayukom naman si prince oliver .

" Yes mapapasaakin siya soon" bulong ni prince xaiver ng mahina sa tenga ni prince oliver.

" paano ka makakasigurado niyan kung may kaagaw ka" nakangising bulong ni prince oliver si light naman ay nagtataka na kung anong pinagbubulungan nila.

" Wag mo nang tangkain na agawin siya dahil alam kong talunan ka" bulong ni prince xaiver at ngumisi din ito.

" Kung ayaw ko?" Muling bulong ni prince oliver. Si light naman nacucurious na sa dalawa at feeling niya baliw na itong dalawang to.

" Babala lang ito hahh, kung ayaw mong tantanan siya ikakamatay mo yun" nakakakilabot na bulong nito kay prince oliver, ngunit si prince oliver ay hindi nagpapadala sa mga sinasabi niya at tinapangan niya pa ang loob niya.

" May the best man win!! Pagpasensyahan mo na ako, hinding hindi ko bibitawan si light hangga't hindi pa siya nakakapili" nakangiting  bulong ni prince oliver at napayukom naman ng kamao si prince xaiver at si light naman nababagot na sa kakahintay sa kanila.

" Pwede pa share ng tsismis ang damot damot niyo naman"naiinis na pagmamaktol ni light na ikinatingin ng dalawa at bumalik naman ang dalawa sa pagbubulungan.

" Kung hahamunin mo ako magpalakas ka muna hahh! " Bulong na wika ni prince xaiver at inayos niya muna ang kwelyo ni prince oliver tsaka ito umalis at hinila si light.

Light's POV

Nandito na kami ngayon sa house namin, si kapre naman pumunta na sa kaniyang house na hydrascale guild. Sinabi narin nila sa akin na may magaganap na founding anniversary sa school na ito na sinabi rin sa akin ni kapre nung nasa dorm parin kami.

" Kiyaah buwisit ka, anong ginawa niyo sa dorm hahh??, masarap ba ? Malaki? Gaano ka haba, kasing laki ba ng hita ang sa kanya?" Walang prenong tanong ni shiela at binatukan ko naman na ikanadaing niya, buti nga sayo kung ano ano nalang iyang lumalabas sa bunganga mo.

" Gaga kang bruha ka napakamalisyosa mong kaibigan" naiinis kong saad sa kanya at nag pout naman siya hayys nagmumukha na tuloy siyang tuka ng manok.

" Gaga ka gusto ko lang naman malaman kung may himala bang nangyari" pagwiwika ni shiela at binatukan ko siya ulit.

" Tigil tigilan mo yang mga pinagsasabi mo, yan ang hinding hindi ko magagawa" pagsasabi ko sa kanya at napatigil naman siya hayys ang gagang ito.

" Wait lang light may sasabihin lang ako sayo at dim lapit ka dito" pagsasabi ng bruhang shiela hayys ito na naman, lumapit naman ako baka importante kasi.

" Alam mo ba yung reyna na si queen veronica na nanay ni xaiver siya yung reynang kinikwento sa atin ng mga magulang natin" mahinang wika nito at lumuwa naman ang mata ko pati narin si dim. Ayyy oo nga pala, So ibig sabihin siya nga, kaya pala ang sama ng pakiramdam ko sa bruhang reyna na yun,but i will not considered prince xaiver as my enemy dahil wala siyang kasalan tanging yung bruha nayun ang may kasalan, siya ang pumatay sa mga magulang ko even though i don't have enough evidence ganon din naman ang ginawa niya sa nanay at tatay ko nagbibintang lang siya nang kung ano ano ng walang ebidensya. Kailangan ko munang itikom ang bibig ko lalo na kapag magkita kami ng reyna na yun ulit and also the king. Ipagpapaliban ko muna ang paghihiganti ko. Gusto ko munang magpalakas para makalaban ko sila at mapaghiganti ko sina daddy at mommy .

" Light, shiela at dim magsitayo na kayo pinapapunta tayo ni headmistress sa field, nandodoon narin ang mga ibang guild may ibibigay daw siyang instructions para sa gagawin nating performance this Friday kaya bilisan na natin dahil isang araw lang ang practice natin" biglang singit ni rose na ikatigil namin sa pagbubulungan agad naman kaming nagteleport gamit ang kapangyarihan ko.

Iniluwa kami ng kapangyarihan ko sa field marami nang estudyante ang nandodoon, nagtataka rin ako kung bakit lahat ng tingin nila ay nasa damit ko halos lahat ng mga babae ay parang galit nang makita akong suot suot ang damit na binigay sa akin ni xaiver.

" Kiyaah buwisit ka hindi ko pala napansin na suot mo pala ang damit ni xaiver" kinikilig na sabi ni shiela habang nakatayo kami sa may field at naghahanap ng mauupuan.

"Doon na niya kasi ako pinaligo at pinahiram na rin niya ako ng damit niya ehh" pagrarason ko at kinilig pa ang bruha hayysss buwisit. nahagilap naman ng aking mata si xavier na nakatingin sa akin at patagong nakangiti huhhhh??

Prince Xaiver's POV

Nadatnan kong nagbubulungan si light at shiela at nahagilap ng aking mga mata ang mga babaeng parang galit kay light hahahha mag laway kayo inggit ata sila na suot suot ni light ang damit kong white long sleeves. Nakita ko namang napatingin sa akin si light na may halong pagtataka at tumayo ako sa pagkakaupo upang puntahan siya dahil may sasabihin ako na ikakainis niya hahahahah. Pagkarating ko sa lugar kung saan siya nakatayo ay nagsitinginan naman ang mga taong naroroon hahahah mainggit Kayo. Nang makalapit na ako sa kanya ay nakita kong nanigas siya sa pagkakatayo hahahah at para maasar siya nilapit ko ang ulo ko sa leeg niya at inamoy amoy siya shittt nakakaadik parin ang amoy niya. Nahagilap naman ng aking mata si ungas na oliver na nakatingin sa amin at may naisip akong paraan upang mainis siya hahhahah, hinalikan ko ang leeg ni light at dinilaan natawa naman ako sa reaksyon ni oliver na parang galit na galit hahahha magselos ka bagay na bagay yan sa mga katulad mong mahina. Si light naman ay hindi makagalaw dahil sa pagkabigla hahahha.

Inilapit ko naman ang labi ko sa tenga ni light at may ibubulong ako sa kanya na tiyak kong ikakainis niya.

" Anong gagawin ko sa mga damit mong iniwan mo kanina after mong naligo?" Husky kong pagkasabu at naramdaman ko namang nanginginig na siya at namumula na ang tenga hahahhaha.

" Ahhh ito nalang itago mo yang damit ko na sinuot ko at itatago ko din ang damit mo na nasa akin ngayon" mahina kong boses at pumula pa lalo ang tenga ni light, napabaling naman ang paningin ko kay oliver. Mainggit ka hahahhah at ngitian ko naman ito at umalis na, si light naman ay hindi parin gumagalaw na parang naninigas parin hahahahah at yung mukha niya ang epic sobra, namumula talaga siya ang cute niya

Light's POV

Buwisit siya , hayys ang gaga  ko talaga. Nanigas pa lalo ako sa pagkakatayo nang aking mapansin na ang lahat ng mga matang galit ay naipukol sa aking direksyon shittt si shiela naman ay tinignan lang ako at napatakip ng bibig shittt buwisit ka hindi man lang ako tinulungan dito. Nilapitan naman niya ako at binulungan.

" Ang haba na talaga ng hair mo beshie para kang si rapunzel, akalain mo yun hinalikan ka sa leeg at dinilaan kiyahhhh nakakainggit" kinikilig na wika nito at binatukan ko ito ng pagkalakas lakas para matauhan siya sa mga malisyosa nitong sinasabi at agad akong umupo ng may mahanap akong upuan na para sa aming lima.

Sa ilang minuto naming paghihintay ay nababagot na kami. Ang tagal tagal kasi ni headmistress. Ilang sandali lang ay nagpakita na si headmistress at nag ok sign pa ito nang kamay sa akin na para bang sinasabi nito kung maayos na ako at nag ok din ako sa kanya.

"Good morning to each and everyone of you, wala munang magaganap na klase this day until friday dahil may founding anniversary na magaganap, Ito ay ang paggugunita ng ika 33 thousand century nang pagkakatayo ng paaralan na ito na itinayo pa ng mga diyos noon na patay na ngayon. 33 million years narin ang nakalipas ng magkaroon ng kauna unahang paaralan sa buong agartha na ngayon ay tinatawag na lux imperium academy o lux power academy na kinuha natin sa pangalan ng manlilikhang si lux upang pasalamatan siya sa mga magagandang ginawa niya sa mesang ating kinalalagyan ngayon" pagtatalumpati ni headmistress.

" Kaya ko kayo pinapunta dito sa field ay upang ianunsiyo sa bawat guild na kailangan niyong magpresent ng magandang performance sa entablado kagaya nalang ng pagkanta, pag sayaw, pagdudula patungkol sa nakaraan ng paaralang ito kahit ano na iprepresent niyo this friday na araw ng foundation day. Ang sinong may magandang performance ay siyang makakatanggap ng malaking puntos na makakatulong upang iangat ang guild niyo paitaas" pag aanunsyo ni headmistress OMG this is the right time para mag shining, shimmering, splendid ang aming guild. Pagkatapos niyang mag anunsyo ay nagteleport kaming lahat ng kateam guilds ko papuntang house namin para pagplanuhan ang mga dapat gawin upang masungkit namin ang malaking puntos na yun para maingat na namin ang nasa ibabang position ng aming guild.

" Anong gagawin natin??" Biglang tanong ni rose sa akin habang nakaupo kami sa mahabang mesa namin sa loob ng eagle wings house.

" Hmmm i think this is an effective one" nakangisi kong tanong at binigyan naman nila ako ng nagtatakang mga tingin.

" Ano naman yun?" Nagtatakang tanong ni dim just wait dim smirked.

" Gagawin nating banda ang grupo natin" nakangisi kong wika i think kasi na this is the effective one para manalo kami ako ang magiging vocalist ng grupo hahahha. Tinignan naman nila ako na parang ayaw nila.

" Wala kaming alam sa mga ganyan light" pag aayaw ni rose at ang iba naman ay ayaw din nila. Impossible this can't be, alam kong may alam sila   kahit isang instrumentong maaari nilang itugtog.

" No ako ang leader  and alam kong may alam kayo kahit isang instrumentong maaari niyong itugtog diba am i right??" Wika ko sa kanila na at tumango naman sila ng dahan dahan ehhh meron naman pala ehhh so ba't aayaw pa sila.

" So let's start mag isip isip kayo ng nakaka aliw na kanta, dalawa dapat ang song , magiging bellas tayo ngayon hahaahha" natatawang wika ko na ikinatawa naman nilang lahat and wait may napapansin kasi ako kay dim noon na marunong siyang mag rap .

" diba dim marunong Kang mag rap am i right??" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya hayys tapos kanina aayaw pa siya. Si shiela naman marunong din itong mag drums ang puta kasi sa bahay niya meron siyang ganun.

" Hoy gaga wag kang sasagot ng hindi!! ok, diba alam mo kung paano mag drums??" Tanong ko sa kanya at nagdadalawang isip pa itong tumango. Hayyss ang gaga.

" Sumagot ka!!" Sigaw ko at parang natatawa na ako sa ekspresyon niya ngayon.

" Ahmm oo hehhhehhe" nag aalinlangang wika nito so perfect na.

" So kayong dalawa anong alam niyo?" Pagtatanong ko kay rose at Jeremy.

" Electric guitar kaming dalawa " nakangiting tugon ni jeremy wow ang talented naman nila electric guitar bravo pero sorry i know how to play electric guitar tinuruan kasi ako ni daddy same with my mommy

" Wait diba bawal ang teknolohiya dito sa paaralang ito" biglang singit ni shiela oo nga nu hindi ko yon naisip

" Don't worry, lahat ng mga gamit dito ay made of magic we dont need speaker or others things para lumakas ang sound nito dahil malakas na talaga yung sound ng mga instrumentong gagamitin natin at pwede mo ring i adjust yung volume kasi magic nga diba" pagpapaliwanag ni rose OMG so ok na ang lahat.

" Saan tayo kukuha ng instrumentong or things para sa gagawin nating concert?" Tanong ni dim oo nga nu

" Nasa music room lang yun malapit sa field " pagtuturo ni shiela ohhh ok

" Pupuntahan ko ngayon yung music room na pinagsasabi mo  at mag prepare narin kayo ng dalawang song ok kahit hindi na made by us basta song ok" nakangiting wika ko sa kanila.

" Mga kamay niyo bilis" pag uutos ko at tumayo naman sila alam na ata nila ang gagawin.

" for the resurrection of our guilds !!!" Pagsisigaw ko at pinagpatong patong namin ang kamay namin parang team lang sa basketball ahhahah, lumabas na ako para puntahan ang music room dahil may hihiramin lang akong mga things para sa band namin at magtetesting narin ako if maganda bang gamitin ang mga instrumentong nandodoon .

3rd person's POV

Nang makarating na si light ay nagandahan siya sa laman ng Music room, mga iba't ibang klaseng instrumento ang tumambad sa kanyang harapan. Lumilinga linga muna siya upang tignan kung may tao bang nagbabantay,ngunit wala naman siyang napansin kaya yun ginalaw galaw niya na ang mga instrumentong naroroon kagaya nalang ng drums, electric guitar at ang panghuli ay piano, ginagawa niya ang mga bagay na ito dahil gusto niya lang na masigurado na maganda ang quality ng instrumentong gagamitin nila.

Samantala si xaiver naman ay papapunta palang sa music room at may kukunin din itong instrumentong gagamitin nila sa kanilang guild. Habang naglalakad siya ay may naririnig siyang tinig na animo'y parang kumakanta at may piano pa siyang naririnig, parang naririnig nito na nanggagaling ang boses na iyon sa music room kung saan siya patutungo kaya dali dali siyang pumunta doon upang saksihan ang nakakapanindig balahibong boses na iyon

Prince Xaiver's POV

Agad akong tumungo sa music room nararamdaman kong doon nanggagaling ang napakagandang boses na narinig ko kani kanina lang. Pagkarating ko ay tanaw ng aking paningin ang pigura ni light waittt si light so it's means siya ang kumakanta at nagpleplay ng pianong yun, talented din pala siya.

Napakaganda ng boses niya napatakip nalang ako ng aking mata sa sobrang ganda ng kanyang boses niya, tumitindig ang balahibo ko hindi ko maipapaliwanag ang ganda ng boses niya. Binuksan ko ulit ang mga talukap ko at tumambad sa aking harapan ang mga ibon na nakatunghay sa bintana ng music room, waitt ganito ba talaga kaganda ang boses niya pati ang mga ibon ay nanonood. Napakaswerte ng makakasungkit sa lalaking ito at sisiguraduhin kong ako yon napakaperpekto niyang tao wala ka nang hahanap hanapin pa.

" Aray!! ang sakit" daing ni light waitt what happen ??? Nakita ko nalang na kinakati kati nito ang kanyang likod at dumadaing parin ito. Agad naman akong pumunta sa gawi niya.

" Light what happened?? " Nag aalalang tanong ko at siya Naman ay namumula na para bang may sakit at kinakati kati nito ang likod niya.

" Ang sakit nang likod ko xaiver sobra aray!!" daing nitong tugon shitt agad ko naman siyang pinuntahan at tinaas ang damit nitong long sleeves at tumambad sa aking harapan ang namumula nitong mga tattoo.

Abangan....

下一章