webnovel

Reason

Miguel's P.O.V.

"Is it naive to make plans that seem so far away.."

Sakto ang pag bukas ko ng radio, Let Love Bleed Red by Sleeping With Sirens. My favorite song.

Good vibes ngayon ah. I'm safe with the engagement. Thanks to Charlotte.

Haha! Parang baliw lang kanina yung babaeng yun nung hinawakan ko kamay nya, na-mesmerize.

(*.*) <<= Ganyan pagmu-mukha oh. Hahahaha!

"Wow! Ang ganda naman ng buwan, nakangiti sa 'kin."

Mula bata pa ako, pag 'di ako makatulog, umaakyat ako sa rooftop para pag masdan ang buwan. Ewan, pero nakakagaan ng pakiramdam pag tinititigan ko ito.

*peeeep* *pip*

Hahaha! "Go" na pala. 'Tong buwan na 'to kasi eh, mina-magnetize ako.

By the way, gusto nyo malaman kung ano gusto ko sa babae?

Simple lang, I'm not into a beautiful ladies naman e, I'm into the attitude, yung bang pag-kasama ko sya nagiging "ako" talaga ako. Ganun ka ba? Kung ganun ka nga, pwede ba dumating ka na?

Isang beses na inlove ako, I guess I'm just ten years old that time. Naive and innocent.

Naalala ko pa nga yung mga panahon na unang beses ako nakipag away e. Haha! 'Di pa ako ganun kagaling sumuntok nun. Weaklings pa ako dati.

Flashback..

Naglalakad ako sa park, hapon na nun.

"Akin na nga yan! Kasi naman eh~"

Boses ng batang babae na mukhang nakikipag agawan ng laruan.

"Akin na *sob* nga kasi *sob* yan *sob*..~"

May tatlong batang lalaking nag-aagawan sa manika, pinagpapasa-pasahan nila.. Yung batang babae, umiiyak na.. Ang ganda nya.. Para din syang manika.. Shoulder lenght curly hair, brown eyes, perfect nose, and a heart-shaped lips. She caught my eyes.

"Ibalik nyo na nga sa kanya yan!" Sabi ko dun sa batang may uhog.

"Ayoko nga. Tsaka ko lang 'to ibabalik pag pumayag na syang maging girlfriend ko" -batang may uhog.

"Oo, nga" -alalay ni batang may uhog.

Yung isang bata naman parang mangmang, nakanganga lang. Haha!

"Ayoko nga sa inyo *sob* sabi eh *sob* akin na yan~" - batang babae.

"bleh-bleh-bleh-bleh" -uhuging bata.

Asar ah!

wapak~~

sinuntok ko sa mukha yung uhuging bata. Ang sagwa kasi ng itsura eh, bumebelat pa.

boogs~~

May sumuntok sa likod ko. Masakit yun ah.

At dahil dun, sunod-sunod na ang sound effects ng mga suntok, tumakbo silang dalawa, nakitakbo na rin yung batang mukang mangmang.

"Yehey! Nakuha ko na ulit yung barbie ko." Sabi nung magandang bata habang tumatalon-talon pa. "Salamat nga pala sa 'yo ah."

"Ah. Wala yun. " Sabi ko. Ang ganda nya lalo pag ngumingiti sya.

"Ako nga pala si Sophie. Sophie Garcia." Sabay abot nya ng kamay nya para makipag shake hands sa 'kin.

"Ako naman si Miguel Luna. Miggy na lang itawag mo sa 'kin Sophie." Sabi ko sabay abot ko ng kamay ko sa kanya.

Nag-shake hands kami. Tapos nag-usap. At nung hapon na yun naging friends na kami.

End of flashback

Mula nung hapon na yun at pag kasama ko si Sophie lagi na akong napapaaway. Bakit? Kasi sabi ko sa kanya..

"Mula ngayon, ako na ang iyong knight and shining armor at ikaw ang prinsesa ko."

"Knight and shining armor? Why not be my prince either?" -Sophie.

"Kasi, if I'll be your prince, I'm higher than you, and I don't want you to be under me. Kaya I'll be your knight na lang, who will always be present to protect her princess." -Ako.

"Ah. Okay." -Sophie.

Mula nun, lagi na kaming mag kasama ni Sophie. I fall inlove with her, nagtapat ako, pero.. Wala.. BESTFRIENDS daw kasi kami eh.

Tapos ngayon naman, kung kelan, nakapag- move on na ako sa kanya, tsaka nagkaroon ng engagement. Sigh!

下一章