JIN POV
"Okay na kayong lahat? Wala kayong nakalimutan?" masiglang tanong ni Ms. Yura nang lahat kaming pito member ay nakasakay na sa van. We're leaving for the photoshoot.
"We're all ready," sagot namin.
"Sure ha? Baka may nakalimutan pa kayo sabihin niyo na habang andidito pa tayo sa dorm?"
"We're fine now Ms. Yura. Just close the door so we can leave," sabi ko na medyo nakukulitan na sa paulit-ulit niyang pagtatanong.
"Okay good. Sige dito ako sa kasunod na van sasabay." Pagkasara niya sa pinto ng van ay sabay-sabay kaming sumandal sa upuan at nanghihinang huminga nang malalim.
"O kumusta ang unang araw ni Yura?" tanong ni Manager Bong. Siya ang kasabay namin sa van and he's seating in the front row katabi ng nagmamaneho naming road manager na si Manager Junu.
"Isang malaking bangungot," sagot ni Vince. "Bakit kaya tinanggap ni Mr. Gun yun?"
Ngumiti si Manager Bong nang malapad kasabay ng pagkislap ng mga mata. "Bakit palpak ba?"
"Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakilala ng taong hindi marunong maghugas ng pinggan," natatawang pahayag ni Kookie na hindi mo malaman kung naiinis o naa-amaze.
"Pare yung cooking oil saka vinegar hindi niya alam ang pagkakaiba. Grabe!" sabi ni Vince.
"Si Jin pa ang nagluto ng breakfast kasi di marunong gumamit ng cooking range," sumbong naman ni August.
"Kung di marunong gumamit ng cooking range, i-expect na nating di rin marunong magluto,' wika ni Hope.
Gigil ngunit pabirong sinuntok ni RJ ang braso ng kanyang katabing si Hope. "Ikaw kasi nagsuggest-suggest ka pa kagabi na bigyan natin ng madaming gagawin bilang initiation niya. Nagkalat-kalat pa tayo tapos tayo din naman pala ang mapapagod sa huli."
Sumama agad ang hilatsa ng mukha ni Manager Bong. "Ano? Hindi pwede yan! Kailangan niyo nga ng lakas ngayon dahil pagkataposng photoshoots ay maghapon na ang rehearsal niyo Dapat malaman ni Mr. Gun to para masisante siya o kaya sa ibang artists na lang siya i-assign! Dun sa mga kaka-debut pa lang!"
Napangisi ako sa reaksiyon niya. Alam ko namang hindi ang kapalpakan ni Ms. Yura ang dahilan kung bakit siya nanggagalaiti. Sadyang mabigat lang talaga ang dugo niya doon sa tao dahil malapit ito kay Mr. Gun.
"Sabihin niyo kay Mr. Gun, Manager Bong! Mukhang sa halip na makatulong ay magiging kunsumisyon pa namin yan si Ms. Yura," August said.
"Oo,oo eto na... tatawagan ko na nga!" nanginginig pa ang kamay niya pagda-dial. "Hello sir yung bagong assistant manager, nirereklamo ng mga members. Wala daw alam sa mga gawaing bahay. Sila pa ang pinagluto at pinaglinis kaninang umaga imbes na dapat ay naghahanda na sila para sa phot shoot."
"Oo nga Mr. Gun!!!" sabay- sabay na sigaw ng aking mga ka-miyembro.
Biglang nanahimik si Manager Bong at tumamlay sa pakikinig sa sinasabi ng kausap. "Ah yes sir. Sige sir." Walang ganang binaba niya ang telepono.
"Ano daw Manager Bong?" sabik na tanong ni James.
"Pagpasensiyahan na lang daw natin kasi kakasimula pa lang naman."
Biglang nanghina ang lahat lalo na si Vince na may padulas-dulas pa ang puwet sa upuan.
"Guys sumunod na lang tayo kay Mr. Gun," salita ko. "It's too early to judge Ms. Yura malay niyo naman matuto rin yung tao. Saka may nagawa din naman siyang maganda kanina."
"Ano? Meron?!!!" nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng lahat.
"She arrived early. Gumising ako ng eksaktong 3am tapos andun na siya't may mga nagawa na. Which means she arrived earlier than 3am. It's a sign na may disiplina siyang tao. So let's give her the benefit of the doubt. Kaya imbes na problemahin niyo siya ngayon, umidlip na lang tayo saglit habang nasa byahe."
Walang nagawang nanahimik ang aking mga kamiyembro.
Sinandal ko ang aking mukha sa salamin. Nang papikit na sana ako ay napansin ko ang nag-overtake na van. Pumuwesto iyon sa unahan namin, yung naunang sinusundan naman naming van ang nagpahuli. I looked at the back, napansin kong may apat pang sasakyang nakasunod sa amin.
"Manager Bong ba't parang ang dami nating convoy ngayon?" taka ko.
"Ah nagdagdag ng mga bodyguards si Mr. Gun."
"Baka dahil kay Ms. Yura. I think she's a walking disaster. Alam din siguro ni Mr. Gun na baka anumang oras ay pwedeng malagay tayo sa panganib dahil sa kanya," may kasamang malakas na tawang sabi ni Vince.
"I thought we're not gonna talk about her again," seryosong tingin ko kay Vince.
Mabilis niyang itinikom ang bibig at patay malisyang umiwas ng tingin.
Sa tabing dagat ang venue ng photoshoot namin. Dalawang kanto pa ang layo ay puno na ng mga nag-aabang na fans ang tabing kalsada. Nakakabingi ang tili'sigaw ng bawat nadadaanan ng aming sasakyan. I decided to open the window and waved to them for few seconds. Mas lalong lumakas ang sigawan.
Nawala lamang ang bunton ng mga tao nang makapasok na kami sa main entrance ng beach hotel. Bukod sa sinaraduhan ang gate ay may barikada doon ng mga secutiry guards kaya wala ng fans na pwedeng pumasok. Pagbaba namin ng saksakyan ay dinig pa rin namin ang mga hiyawan. The bodyguards surrounded us while we enter the hotel. Ms. Yura was walking beside me. Coincidentally, she's the only staff who's inside the circle being protected by bodyguards. Like what she promised, she's wearing a facemask and loose clothes.
We went to the presidential suite for makeup and wardrobe. While everyone was busy doing their own task, napansin ko si Ms. Yura na paikot-ikot lang at nagmamasid sa pagmi-make up. Tumayo siya malapit sa aking makeup artist at inusisa ang mga makeups. It seemed that she's checking the brands.
"Are these brand new?" tanong niya sa makeup artist ko.
"Hindi pero kabibili pa lang niyan."
Nagtagpo ang kanyang mga kilay. "Ano? Your applying used makeup to the precious faces of DVX? Paano kung masira ang kutis ng mga yan. Nakita niyo naman kung gaano kakikinis ang mga pagmumukha niyan."
Nagulat ang makeup artist ko. Natigilan siya sa ginagawa at napatitig lang kay Ms. Yura.
"Am I wrong? Magkano ba ang halaga ng mga makeups na yan kumpara sa halaga ng mukha ng DVX," ngiwi niya.
I was surprised when she suddenly held my chin. "Nakikita mo tong kagwapuhan nito, paano kung may natirang germs diyan sa makeup na yan mula sa dating pinaggamitan niyo at magka-pimple to? Can you compensate for the loss kung pansamantalang hindi siya makapag-endorse ng product dahil sa pimple?"Namewang siya at sa akin naman tumingin. " Anong company ba tong i-ineendorse niyo?" kunot-noong tanong niya sa akin.
"It's a photoshoot for Hundai. You should study more about the details of our schedules," sagot ko.
"H-Hundai?" medyo lumambot ang boses niya at nag-aalangang ngumiti pagkuway tiningnan ulit nang mataray ang makeup artist. "Ang cheap ng company niyo ha! Hindi man lang maibili ng bagong makeup tong DVX," nagmamadali niyang pagtataray sabay talikod. "I need to discuss to Mr. Gun about the makeup. It should be specified in the contract that..." she murmured to herself while leaving.
"Sino ba yun Sir Jin?" the makeup artist asked with displeased face.
"Bago naming assistant manager."
She twitched her lips while looking at Ms. Yura's direction. "Kung makapagsalita akala mo kung sino, assistant manager lang pala."
Balewala sa akin kung hindi man brand new ang mga makeup na ginagamit para sa amin. Kami namang DVX members ay lahat nag-umpisa sa wala. We'd been through a lot together and didn't become famous overnight kaya hindi kami maaarte. But in a professional manager's point of view, I think Ms. Yura has a point.