Chapter 23
- Arabella's POV -
"Bell, sandali lang!" Habol sa akin nila Romeo at Sensui.
"Ano ba?! Nagmamadali ako!" Inis kong sabi sa kanila.
"Hatid na kita?!" Sabay nilang prisinta.
"Ano ba?! Nagmamadali nga, diba? Wag nyo nga muna akong guluhin——— Taxi!!" Malakas kong sigaw ng may makita akong taxi'ng padaan sa harap namin. Wala sabi-sabi akong sumakay at hinayaan silang nakatunganga doon.
Nang makarating ako ng bahay ay agad na bumungad sa akin si Kuya at ang lolo't lola namin. Kasama na si Dad. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung anong nagaganap sa bahay ngayon.
"Anong meron?" Panina ng pahina kong tanong.
"May pag-uusapan tayo." Seryosong sabi ni Kuya.
"Ano naman?" Tanong ko.
"Kaya nga pag-uusapan, diba?" Masungit parin nyang sabi.
"Napakasungit mo. Kuya ba talaga kita?" Mataray kong tanong.
"Masungit? Ikaw jnga tong parang may buwanang dalaw kung magpalit ng moods, ehh." Bigla nyang hirit.
"Ik———"
"Wag ka nang sumagot. Lalo mo lang papahabain ang usapan. Masyado kang isip-bata." Hirit nya pa na nakapagpatigil sa akin sa pagsasalita.
"Tama na yan." Nakangiting sabi ni Dad. "Kung nandito lang si Heaven, paniguradong talo ka na, Billy." Natatawang sabi pa nya.
"Oo nga." Hindi ko na din napigilan ang tawa dahil sa naalala kong nagdebate kami para sa ulam. Kampi kaming tatlo nila Martin at Heaven habang sya at mag-isa lang, kaya kami ang nanalo.
"Tumahimik na kayo." Biglang singit ng lola namin. Nag-usap na kami at pagkatapos ay kumain na kami ng hapunan at naghanda nang matulog.
Kakatapos ko palang maligo at magbihis ng biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext pala sa akin at nang tignan ko iyon ay si Sensui iyon. Napakunot agad ang noo ko dahil sa frustration.
'Taguro, kaisapin mo naman ako!'
'Taguro, naghihintay ako ng sagot mo.'
'Bakit ba kasi pinuntahan ka ng Sanchez na yon, Taguro?'
'Taguro, sagutin mo naman ako!'
'Taguro?'
'Taguro?!'
'Hoy, Taguro!'
"Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko sa sarili ko at nahiga nalang sa kama ko. Nang makahiga ako doon ay naalala ko ang napag-usapan namin kanina.
Halatang ayaw ni Dad mag-complain dahil nga sa nangyari pero wala syang magagawa. May malakas sa kanya ang mga magulang nya at halatang wala talaga itong laban sa mga magulang nya.
Bukas ay pupunta kaming lahat sa school at wala din akong magagawa kung hindi ang sumunod nalang. Bukas ay pinagdarasal ko na sana, mabuo na ulit kami dito sa bahay.
Namimiss ko na din kasi si Heaven. Yung kwentuhan namin, yung pagtutulungan namin sa isa't isa kapag may hindi kami maiintindihan, yung pang-aaway namin kay kuya. Lahat yun namimiss ko na.
Kaya nga pumayag na din ako sa gusto ng mga magulang ni Dad dahil gusto ko na din ulit makita sila Heaven. Sana sa paraan na to, bumalik na sila ulit. Napapansin ko din kasing nalulukot din si Dad kapag mag-isa lang sya dito.
KINABUKASAN. . .
- Devin's POV -
Pagkatapos ko palang ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung maiinis ba ako dahil hindi ako sinasagot ni Taguro kagabi o kung matutuwa ba ako dahil makikita ko nanaman ulit sya.
Pagdating ko sa tambayan namin ay nandoon na lahat ng mga kaibigan namin. Nagkukumpulan na parang may pinag-uusapan silang importante. Napakunot ang noo ko dahil parang napakaseryoso naman ng pinag-uusapan nila.
"Kawawa naman pala si Heaven. Dapat lang syang bumalik dito, noh." Narinig kong sabi ni Reggie.
"Sinong dapat bumalik?" Bigla kong sabat. Nagulat ang iba sa kanila at parang gusto pang tumalin ni Brigitte sa gulat.
"Bakit ba kasi bigla-bigla kang sumusulpot?!" Inis nyang sabi tapos sinamaan ako ng tingin. Ako naman ay natawa lang dahil sa inasta nya.
"Ano ba yung pinag-uusapan nyo?" Tanong ko sa kanila.
"Pumunta kasi dito yung father at grandparents ni Bell. Nag-complain sila dahil inosente naman daw si Heaven. Pati si Bell, ganon din ang sinasabi. Ang sabi nya ay idinamay lang daw sya ni Destiny." Paliwanag ni Levi.
"Si Destiny?!" Gulat kong tanong. "Sya nanaman?!"
"Bro, alam mo naman kung ano yung gusto ni Destiny, diba? Tyaka, lahat gagawin nya just to make sure that you're going to comeback to her." Sabi naman ni Noah.
"So, ano nang nangyari?" Tanong ko.
"Chismoso mo talaga, dre." Singit pa ni Noah.
"Shut up, Noah." Kunot-noo kong sabi.
"Yeah, right." Natatawang sabi nya.
"Ayon nga, dahil may evidence naman, ma-su-suspended daw si Destiny ng 2 weeks and matatanggal naman yung parusa kay Heaven." Sagot sa akin ni Reggie.
"Hmm." Tumatango-tango kong sabi.
- Arabella's POV -
Matapos ang nangyari sa Dean's office kanina ay agad kong tinawagan si Heaven. Nakatatlong ring na ako at sa ika-apat ay sinagot na din nya. Humugot muna ako ng lakas bago magsalita.
"Hello, Heaven?"
"Hey, Bell. Ikaw pala yan. How are you? Bakit ngayon mo lang ako kinon-tact?"
"Heaven, nag-complain na kami sa Dean's office kanina at bukas daw ay pwede ka nang pumasok."
"R-Really?"
"Oo!" Naluluha kong sabi. Narinig kong tinawag nya ang mommy nya at biglang si Tita na ang kausap ko.
"Is that true, Bell?"
"Opo. Tyaka, tinulungan po kami nila Lola para sa imbistigasyon. Tyaka, si Destiny na po mismo ang umamin na totoo po yun."
"They're here? Kailan pa?"
"Noong isang araw pa po. Ngayon lang po namin nasabi kasi busy po kami sa pag-iimbistiga."
"It's ok. Uuwi na kami mamaya. Anong gusto nyong dinner?"
"Haha. Tita, si Dad po ang tanungin nyo nyan. Sya po ang nakamiss ng luto nyo." Natatawa pero naluluha ko paring sabi.
"Are you crying?"
"Masaya lang po."
"Ahh. Don't cry na. Uuwi na kami mamaya. See you."
"See you po."
"See you, Bell."
"See you." Sagot ko kay Heaven. Binaba na nya ang tawag at ako naman ay nagpunas ng luha ko. Wala akong kasama kaya walang nakakakitang umiyak ako.
"Hindi ko alam na iyakin ka pala, Taguro." Biglang sulpot ni Sensui sa kung saan.
"Hindi, nohh." Pagtanggi ko. Inabotan nya naman ako ng panyo na agad ko din namang tinanggap.
"Ok ka lang?" Bigla nyang tanong. Tinapos ko muna ang pagpunas sa muhka ko bago ako sumagot.
"Ok lang." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Nginitian nya din ako at nagulat ako ng yakapin nya ako. Matagal pa bago ako makabawi at yumakap na din sa kanya.
- Destiny's POV -
"Hey, Destiny. Calm down!" Pagpapakalma sa akin ni Charlee.
"Calm down?! I'm going to be suspended in 2 weeks then, there's a possibility that I'm going to be Expelled in this school!" Sigaw ko. Inis akong naupo sa bench at pilit na pinapakalma ang sarili ko.
"Sabi ko naman sayo, it's a bad Idea. Una palang, hindi na maganda yon. Then, you didn't listen to me and you keep saying that everything is under control. What now, Destiny?" Pagpapaalala nito sa akin. Ako naman ay parang gusto nang maiyak dahil sa mga nangyayari.
"Oo na. I do the wrong decision." Pagsuko ko. Bigla namang tumama ang paningin ko sa kung saan at nakita ko si Devin at Bell na magkayakap. Agad na uminit ang ulo ko pero hinayaan ko nalang sya.
'Get ready for my revenge, Arabella. I'm going to vanished you!'
- To Be Continued -
(Sat, August 7, 2021)