Chapter 13
- Devin's POV -
Hanggang ngayon ay gulat parin ako dahil sa biglang pagsulpot ni Kuya Billy kasama ang mga pinsan nya at si Bell na sinasabi nyang kapatid nya. Kasama pa nila yung Ryan.
Nagpapaliwanag ang mga ito sa akin kung paano sila naging magkapatid habang ako naman ay nakatingin lang kay Bell. Nakadress kasi ito na kulay cream at umaabot din sa bandang tuhod.
Tapos pinaresan nya ng cream din na sandals. Paranv ngayon ko lang sya nakitang ganon ang suot at masasabi ko talagang bagay sa kanya ang damit na iyon dahil sa kulay ng damit nya.
"Magkakilala na sila nyan." Biglang sabat nung Ryan.
"Really?" Tanong ni Kuya Billy.
"Sya yungg sinasabi kong nambubully sa baby girl natin." Sabi nya pa habang masama ang tingin sa akin.
"Bati na kami, kuya." Biglang sabat ni Bell. Ako naman ay napalunok dahil sa tingin nila sa akin.
"Talaga lang, ha?" Sabat pa ni Ryan.
"Ano ba, Ryan! Ok na nga kami, ehh!" Parang galit pang sigaw ni Bell.
"How's your kuya?" Biglang tanong sa akin ni Kuya Billy.
"O-Ok naman. Still laying in bed." Sabi ko tapos nilingon ang kuya kong natutulog parin habang may mga tubong nakakabit sa katawan nya.
"Hey, bro? Tampo ka na, noh? Ngayon lang kita nabisita. Binabantayan ko kasi tong kapatid ni Billy na kayang magpatumba ng apat na lalaki." Natatawang sabi nung Ryan.
"Ryan?!" Sigaw nanaman ni Taguro.
"Wag ka ngang sumigaw!" Bigla nyang sigaw.
"Kuya, ohh..." Sabi ni Taguro at naglambing pa kay Kuya Billy.
"Wag mo ngang sigawan ang kapatid ko." Sabi naman ni Kuya Billy.
"Ohh, bakit ang tahimik mo dyan, Devin?" Tanong ni Kuya Chase sa akin.
"Wala naman. Maingay lang talaga kayo." Natatawang sabi ko.
"Tarantado." Natatawang sabi nya tapos tumabi sa akin. "Ganda ng pinsan ko, noh?" Tanong nya sa akin kaya napatingin naman ako kay Taguro.
"Oo nga..." Mahinang sabi ko.
"Talaga! Pinsan ko ata yan!" Malakas nyang sabi. Nag-kwentuhan kami tungkol kay Kuya at biglang pumasok si Mommy.
"Billy." Natutuwang sabi ni Mommy. "Ang dami mong kasama, ahh" Tanong ni Mommy. "Wow, Bell is that you?" Tanong pa ni Mommy.
"Hello po, Mrs. Hale." Sabi naman ni Taguro.
"Tita na nga lang."
"By the way, Tita. This is Arabella. My sister." Nakangiting pahayag ni Kuya Billy.
"Sister?!" Gulat na tanong ni Mommy.
"Yeah." Nakangiwing sabi ni Kuya Billy. Nagpaliwanag ito pagkatapos ay umalis na si Mommy. Pagkalipas ng ilang minuto ay umalis din sila kuya Billy at babalikan daw si Bell pagkatapos.
"Sya pala ang kuya mo, ano?" Tanong ni Bell sa akin. Kaming dalawa nalang kasi ang narito.
"Oo." Sagot ko sa kanya. "Si Kuya Billy pala ang kuyang sinasabi mo." Sabi ko. "Kilala ko na si Kuya---"
"Alam ko na yan. Sinabi na yan ni Kuya kanina, ehh. Hindi ka kasi nakikinig." Sabi nya habang nakatingin parin kay kuya.
"Talaga bang hindi kami pwedeng sumama bukas?" Tanong ko sa kanya. Kunot-noo naman nya akong nilingon.
"Bawal nga." Madiin nya sabi habang nakakunot ang noo.
"By the way, you look good in that dress." Sabi ko tapos nginitian sya.
"Ahh... Ayaw kasi nila ang magsuot ng mga pantalon o t-shirt. Muhoa daw kasi akong hindi babae." Natatawang sabi nya.
"They're right." Nakangisi kong sabi. Inirapan naman ako nito. Saglit kaming natahimik pagkatapos ay dumating na yung Ryan at sinundo na si Bell.
"Bye, Bell." Sabi ko.
"Bye." Sabi nya tapos kumaway bago lumabas.
- Arabella's POV -
Kakagising ko lang at ng tignan ko ang oras ay Alas-syete na. Agad akong tumayo at nag-inat-inat pagkatapos pumunta ako ng banyo para maligo at saktong pagkatapos kong maligo ay pumasok si Dad.
"Ohh? Aalis ka?" Tanong nya sa akin.
"Opo. May girls out po kami. Susunduin po ako ng mga kaibigan ko dito." Nakangiti kong sabi.
"Ohh. That's good. I'm glad that you're having fun." Nakangiting sabi nya. "But, can you please eat breakfast first? Your friends are not here yet."
"Sige po." Sagot ko. Nauna na syang bumama sa akin dahil ako ay aayusin pa ang buhok ko. Pagkababa ko ay nandoon na silang apat at kumakain na.
"You're going out?" Tanong ni Tita Made.
"Opo." Sagot ko tapos ngumiti sa kanya. Nagtama ang paningin namin ni Heaven at pairap nya itong iniiwas sa akin.
"Hi, ate Bell. Good morning po." Bati sa akin ni Martin.
"Good morning din." Nakangiting bati ko din sa kanya. Kumain na ako at pagkatapos ay umupo ako sa sala para doon antayin ang sundo ko. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na sila Brigitte.
"Bella!!!" Malakas na tawag nito sa akin sabay yakap na parang hindi kami nagkita kahapon at parang matagal na kaming hindi nagkita.
"Ano ba, Brigitte. Ang ingay mo talaga." Saway sa kanya ni Anna. "Mahiya ka naman sa mga taong kasama ni Bell." Sabi pa nya.
"Naku, ayan pa ang sinabihan mo. Wala naman talagang hiya yan." Sabi naman ni Reggie.
"Hoy, meron kaya. Kay Levi nga lang." Sabi nya at ayon nanaman ang ugali nyang parang kinikiliti kapag kinikilig. Natawa nalang kami sa kanya.
"Nasaan na si Margot?" Tanong ko.
"Nauna na daw sya doon, ehh. Malapit lang daw kasi ang bahay nila sa Gym." Sagot ni Reggie.
"May pang palit ka ba? Pupunta tayo ng mall pagkatapos." Sabi naman ni Brigitte.
"Oo nga." Sabi naman ni Reggie.
"Oo naman." Sabi ko.
"Bell." Napaharap kaming lahat sa likod ng may biglang tumawag sa akin. Si Dad pala iyon.
"Dad? Bakit po?" Tanong ko sa kanya.
"Take care. Do you need extra money?" Tanong nya sa akin at akmang kukunin na ang wallet nya pero sumagot kami sa kanya.
"Hindi na po." Sagot naming apat.
"May pera naman po ako." Sagot ko.
"Magwowork-out lang naman po kami. Tyaka kaibigan po namin ang may-ari kaya libre nalang." Sabi naman ni Brigitte.
"Ahh, really? That's good." Sabi ni Dad. "Mag-ingat nalang kayo." Nakangiting sabi nito. Tumango kami tapos nagpaalam at umalis.
MAKALIPAS ang ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa Gym na pupuntahan namin. Nandoon na si Margot at nakabihis na din ito ng pang work-out.
"Ang sexy naman nyarn!" Sigaw ni Reggie.
"Hindi kaya." Natatawang sabi ni Margot.
"Bihis na din kayo. Nandoon yung changing room sa may kabila. Sa kanan lang." Sabi nya tapos pinaiwan muna namin ang mga gamit namin sa kanya.
Pagkatapos naming magbihis ay agad kaming pumili ng uunahin namin. Hindi kami makapili kasi guato naming subukan lahat. Lalo na ako kasi ang tagal ko na ding hindi nakakapagwork-out.
"Infairness din sa pa abs ng Arabella nyo, ohh." Biglang singit ni Reggie.
"Oo nga. Hindi mo naman sinabi sa aking nagbaon ka pala ng pandesal nyan, Bell." Biro ni Anna.
"Haha. Ewan ko sa inyo." Natatawang sabi ko.
"Oyy, guys?" Biglang may nagsalita sa likod namin kaya napaharap kaming lahat doon. Kompirmado, si Noah nga ang nagsalita, at kasama pa ang tatlo.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Wow! Nice abs, Bell." Sabi naman ni Noah. "Can I touch it?" Tanong nya pa.
"No!" Sigaw ng dalawang tao. Si Sensui at si...
Ryan?!
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at tinuro pa sya.
"I'm here because someone told me to come." Sabi nya tapos kumaway sa mga kasama ko.
"Margot, sana in-invite mo rin si Hanz." Parang kinikiliti nanamang sabi ni Brigitte.
"Ehh, diba nga, hindi tayo nag-imbita ng mga lalaki?" Sabi nya habang nakangiwi.
"Bakit ka kasi pumunta? Narinig mo naman yung sinabi ni Margot, diba?" Tanong ko.
"Bell, mga suki kasi sila ng GYM. Hindi ko sila pwede paalisin kasi papagalitan ako ni Daddy." Nahihiya nyang sabi. Bumuntong-hininga ako tapos tumango.
"Ok lang." Sabi naming apat.
"Let's go." Biglang hila sa akin ni Ryan.
"Hoy, wait--- ano ba?!" Pag pigil ko sa kanya.
- Devin's POV -
"Para talaga silang couple, ano?" Sabi ni Reggie.
"Mas bagay parin si Bell at Devin. I ship Tagsen!" Sigaw ni Margot tapos lumapit na sa isang machine. Ako ay nilingon muna sila Taguro bago ako sumunod kila Noah.
"What do you think, Devin? Is that two a couple?" Tanong ni Noah.
"No." Madiin kong sabi tapos nagwarm-up.
"Selos nanaman." Bulong ni Kyle.
"Shut up. I can here you." Sabi ko. Agad naman silang sumunod.
- To Be Continued -
(Wed, July 14, 2021)